Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

CHAPTER 18

CHAPTER 18

SA ISANG linggo na pananatili nila ni Cleevan sa Baguio, walang sandali na naging malungkot sila. Puno ng kasayahan ang bawat araw na lumipas na nasa Baguio sila, haggang sa makauwi sila sa Manila, puno pa rin ng kasayahan ang mga puso nila habang magkahawak kamay silang naglalakad papasok sa bahay nila.

"Hindi ko akalain na ganoon ka matulog. Tulo-laway." Tudyo sa kanya ni Cleevan.

Sinuntok niya ito sa balikat. "Heh! Tigilan mo ako!" Napipikon na wika niya.

Kanina pa siya nito tinutudyo mula ng magising siya mula sa pagkakatulog sa eroplano. As far as she remember, hindi naman tumulo ang laway niya kaya naiinis siya dahil hindi naman totoo yon.

Nakangising pinanggigilan ni Cleevan ang kaliwang pisngi niya. "Asus! Ang asawa kong asar-talo, galit na naman."

Tinabig niya ang kamay nito at inirapan ito. "Tigilan mo ako, Cleevan. Sa sahig ka matutulog mamaya."

Tinawanan lang ni Cleevan ang pananakot niya. "Hindi ako naniniwala sayo. You need me at night, Nett, dahil hindi ka makatulog kapag hindi ako katabi."

Inungusan niya ito. She didn’t say anything because he was right. She did need him at night. Nasanay na siya na katabi ito at kayakap sa gabi.

"Oh, bakit hindi ka na umimik diyan?"

Humalukipkip siya at inirapan ito. "Tantanan mo nga ako." Naiinis na wika niya.

Inakbayan siya ni Cleevan at hinalikan sa mga labi. "Sorry na. Huwag ka ng magalit."

Magsasalita sana siya ng may naunang magsalita sa kanya. Boses iyon ni Ace.

"Anong nangyari sa inyong dalawa?" Anang boses ni Ace mula sa sala. "You two seem like a newlywed who just finished their honeymoon in outer space."

Napatigil sila sa paglalakad ni Cleevan at ng makita si Ace, nginitian niya ito. "Hello there, Ace. Nice to see you again."

Pinatay nito ang nakabukas na telebisyon at humarap sa kanya. "You seem happy."

Tumango siya. May ngiti sa mga labi niya. "Yes. Very."

Tumango-tango ito at tumingin kay Cleevan. "Kuya." May diin ang pagkakatawag nito ng kuya kay Cleevan. "Kumusta? Still keeping that secret from her?" When he said the word her, he looked at her.

Naramdaman ni Clarianette na nanigas sa kinatatayuan si Cleevan. She frowned then faced her husband. Wala na ang nakangiting aura nito kani-kanina lang. Ito ang Cleevan na una niyang nakilala. Collected. Guarded. And stiff.

"Okay ka lang?" Tanong niya at dumako ang tingin niya kay Ace na inosenteng nakangiti sa kanila. "What secret are you talking about?"

"Oh, nothing. It’s just about the—"

"Shut the fuck up!" Cleevan sneered at Ace, making her flinch but Ace just smiled.

"Chill, kuya. Wala naman akong sasabihing kasinungalingan—"

"Fuck you!" Cleevan hissed at his brother then he grabbed her hand and pulled her towards their room.

"Cleevan, ano ba yun?" Nagtatakang tanong niya sa asawa.

"Wala." Padaskol na sagot nito at hinila siya papasok sa kuwarto nila.

Nasasaktan siya sa pagkakahawak nito sa kanya pero hindi siya nagreklamo. Halata sa mukha nito ang galit na may kalakip na takot ang ekspresyon ng mukha nito.

Binitiwan siya ng asawa at hinilamos nito ang dalawang kamay sa mukha nito. Frustration was visible on the way he move and act.

She cautiously approached her husband then cupped his face. Pinilit niyang tumingin ito sa kanya.

When their eyes met, Claria saw vulnerability in his eyes. Her heart reached out for him.

"What’s wrong?" Nag-aalang tanong niya rito. "Hindi ako magtatanong kung anong sekreto ang sinasabi ni Ace. Just please, be okay again. Be the Cleevan I was with in Baguio." May pagmamakawa ang boses niya.

She saw how his jaw tightened then he walked passed her without saying anything. Napasunod nalang ang tingin niya sa asawa na lumabas ng silid nila.

Nanghihinang napaupo siya sa gilid ng kama at huminga ng malalim. Bakit ba nangyayari sa kanila ito? They are happy. Because of what happened, she wished that they stayed in Baguio where they were happy and contented, unlike what's happening now...

Sinisisi niya si Ace sa nangyari.

She abruptly stands up then went to look for Ace. Nakita niya ang hinahanap sa kusina at kumakain ng ice cream habang mahinang kumakanta. In fairness, maganda ang boses nito.

"Ace?" Tawag niya sa pansin nito.

Ace stopped humming then he tilted his head to her side. "Yeah? Need anything?"

She took a deep breath before saying, "What secret were you talking about earlier? Pakiramdam ko kasi yun ang kinagalit ni Cleevan at iyon din ang dahilan kung bakit umalis siya ngayon-ngayon lang." She asked, straight to the point.

Mataman siyang tinitigan ng binata kapagkuwan ay matipid na ngumiti. "Ah, now you wanna know. Akala ko wala kang pakialam."

Sumeryuso ang mukha niya. "I want to know because of Cleevan."

Tumango-tango ang kausap na para bang iniintindi ang sinabi niya. "I know a secret and I will tell you, but, let's give Cleevan a chance to do the honor."

"What do you mean?" She's confused.

He smiled. "Tanungin mo si Cleevan, kulitin mo siya na sabihin sayo ang sekreyo na iyon, kapag hindi niya sinabi sayo hanggang bukas ng gabi, ako ang magsasabi sayo."

"Hindi ko siya kukulitin dahil lang doon." Galit na wika niya. "That secret doesn’t concern me, I just want to know because—"

"That secret concerns you the most." Putol nito sa sasabihin niya.

Napipilan siya sa sinabi niyo, hanggang sa lampasan siya nito at iwan sa kusina, hindi pa rin siya makagalaw at makapagsalita. Puno ang isip niya ng samo't-saring tanong na wala namang kasagutan.

And it’s killing her!

What does Ace mean by ‘that secret concerns you the most’? Wala siyang maisip na isesekreto sa kaniya ni Cleevan. And why would he keep a secret from her?

Bumalik siya sa silid nila ni Cleevan at napagdesisyunan niyang doon nalang hintayin ang asawa na hindi niya alam kung nasaang sulok ng Manila ngayon.

Nagaalala siya para rito. Sana nasa maayos itong kalagayan. At sana hindi ito uminom o kung ano pa mang may kinalaman sa alak at babae. She will be crush if he did something stupid like bedding another woman.

MAGDADALING-ARAW na ng makauwi si Cleevan sa bahay niya. Nakainom siya pero hindi naman sapat ang nainom niyang alak para malasing siya.

He didn’t want to get drunk. He didn’t want Claria to be mad at him for being drunk. Come to think about it, she will be madder if she finds out the truth. Fuck Ace for that.

Nasisiguro niyang maraming katanungan ngayon ang asawa niya. Asawa. He wanted to laugh out loud at that word. Asawa? Matatawag ba niyang asawa si Nett? Pagkatapos ng nagawa niya, asawa pa rin ba niya ito?

Nagugulumihan na pumasok siya sa loob kabahayan. Pagkapasok niya, nahagip ng mga mata niya si Ace. Nakaupo ito sa ikatlong baitang at nakatingin sa kanya. His jaw tightened. Gusto niyang suntukin ang kapatid pero hindi niya magawa. Dahil alam niya, kahit ganito ang ginagawa nito, gusto siya nitong tulungan. I freaking hope that he's helping me, because if he's not, I'm really gonna punch him in the face. And I’m not fucking kidding!

"Bakit gising ka pa?" Tanong niya sa kapatid habang paakyat sa hagdan. "You should be asleep by now."

Ace chuckled. "You should be asleep by now." Binalik nito sa kanya ang sinabi niya. "Bakit gising ka pa?"

Tumigil siya sa pag-akyat at tumingin dito. "Ano bang pakialam mo?"

"May pakialam ako." Tumayo ito at tumingin ng deretso sa mga mata niya. "Your wife has been awake since the time you left. Kung hindi ko pa nilagyan ng pampatulog ang gatas na pinahatid ko kay Manang, hindi pa siya makakatulog. Kung gusto mong baliwin sa pagaalala ang asawa mo, be my guest. Keep that secret of yours until it eats your marriage, if what you have with her is called marriage. I won’t interfere, but know this, that secret you're trying to hide, that will be the same secret that will ruin what you have with Claria. And when that time comes, you’ll be left regretting every single decision you have ever made."

He gritted his teeth in anger, because he know, deep down that Ace is right. Pero hindi niya kayang sabihin kay Nett ang totoo, lalong-lalo na kung alam niyang magagalit ito at iiwan siya. He can’t let that happen. And if keeping this fucking secret of his is the only way to keep Nett, then he will not tell a soul about his secret.

"Desisyon ko kung anong gagawin ko sa sekretong 'yon." Walang emosyong wika niya.

Umiling-iling si Ace at mapaklang tumawa. "Whatever. Just don’t blame me when Claria finds out."

"You said you won’t interfere."

"And I won’t." Tinalikuran siya nito. "Yet."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata at kinalma ang galit na nararamdaman. Wala siyang karapatan na magalit sa kadahilanang ginusto niya ito at desisyon niyang gawin iyon. I just did what my heart told me too.

Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago umakyat sa hagdan at tumungo sa silid nila ni Nett. Naabutan niya ang asawa na mahimbing na natutulog. Umupo siya sa gilid ng kamay sa tabi nito at matamang tinititagan ang maganda nitong mukha.

He sighed. “I know I’m full of crap and telling you my secret might be the only way to make it up to you, but I can’t. I can’t lose you, Nett.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha nito at tipid na ngumiti. “Alam ko namang tama si Ace. Masisira ng sekretong iyon ang kung ano man ang mayroon tayo ngayon, pero masisisi mo ba ako? Masisisi mo ba kung ayokong masira kung ano man ang mayroon tayo? I’d been dreaming for this day to come, me and you, together. And now, my dream finally came true, but shit happens.”

Ilang minuto pa niyang tinitigan ang asawa bago siya lubusang kinain ng konsensiya. Paulit-ulit na nagri-reply sa utak niya ang sinabi ni Ace.

Humugot siya ng isang malalim na hininga at ibinuga iyon. “I love you, Nett. I love you more than you’ll ever know.”

Tumayo siya at hinubad ang sapatos na suot pagkatapos ay nahiga sa tabi ni Nett. Tumagilid siya ng higa at niyakap ng mahigpit ang asawa na nakatalikod sa kanya at hinalikan ang batok nito.

“Good night.” Bulong niya bago ipinikit ang mga mata at hinayaang tangayin ng antok.

MAAGANG nagising si Clarianette dahil balak niyang bisitahin ang mga magulang niya. Sabi ni Ace sa kanya kagabi ng dumaan ito sa silid nila ni Cleevan, kung gusto daw niyang malaman ang sekreto na tinutukoy nito, kailangan mag-umpisa siyang magtanong sa mga magulang niya.

Magpapaalam siya kay Cleevan na bibisitahin niya ang mga magulang at nagdarasal siya na sana ay payagan siya nito. Mukha kasing bad mode ang asawa niya ngayon. Kanina pa ito walang imik at pakiramdam niya ay iniiwasan siya nitong makausap.

“Cleevan?” Tawag niya sa atensiyon nito habang abala ito sa pag-aalmusal.

“Yeah?” His voice sounds guarded.

She took a deep breath. “Puwede ko bang bisitahin sina Mommy at Daddy?”

Lumipas ang ilang minuto na nakatingin lang sa kanya si Cleevan at walang imik.

“I promise hindi ako magtatagal.” Dagdag pa niya para magsalita ito at payagan siya.

Pagkalipas ng ilang segundong pagtitig sa kanya. Nagsalita rin si Cleevan.

“Sige. Huwag ka lang magpapagabi.” Anito.

“Okay.” She grinned then went to his side to kiss him on the cheek. “Thank you. I promise, madali lang ako. I just want to see how my parents are doing?”

“Okay.” Walang ganang wika nito at bumalik sa pag-aagahan.

She felt like a needle pinch her heart but she quickly discarded it. Maybe he’s just not in the mood for romance and cheesiness.

Bumalik siya sa upuan niya at hindi umimik hanggang sa matapos siyang mag-agahan.

“I have to go.” Anito.

She looked up at him. “Uuwi ka ba ng maaga?”

“Bakit mo naitanong?”

Nagkibit-balikat siya at tumayo pagkatapos ay lumapit dito. “Wala lang. Masama bang magtanong?” Inayos niya ang necktie nito. “I just want to talk later, if you’ll be home early.”

“Sure. I’ll be home early.” Wika nito at dumukwang para halikan siya sa mga labi. “Ingat ka. Huwag magpapagabi at umuwi ka kaagad.” Bilin nito sa kanya.

Napangiti siya. “Opo, kamahalan.”

Ngumiti si Cleevan na agad namang nagpabilis sa tibok ng puso niya. I wish he’ll smile more often. He’d been grim and stiff since they got home from Baguio. This still has something to do with the secret Ace was talking about. She’s sure of that.

“Ingat sa biyahe.” Aniya at inayos ang suit na suot nito.

Ngumiti sa kanya ang asawa at hinalikan siya ulit bago naglakad palabas ng bahay. Nang makarinig siya ng papalayong tunog ng sasakyan, huminga siya ng malalim at naghanda na rin para sa pagbisita niya sa bahay ng mga magulang niya.

a/n: Until next week. Hehehe. Thanks for reading :) Love lots' C.C.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro