CHAPTER 12
CHAPTER 12
NAKITA ni Clarianette si Ace na naka-upo sa isang bench ng maligaw siya sa Green House. Tamang-tama, kanina pa niya ito hinahanap dahil may itatanong siya rito.
Nilapitan niya ito at umupo sa tabi nito.
“Magandang umaga.” Bati niya rito.
“Good morning din sa’yo.” Balik bati nito. “Anong ginagawa mo rito?”
“May itatanong ako sa’yo.” Wika niya. “Sasagutin mo ba?”
“Sure.” Anito. “Ask away.”
Humugot siya ng isang malalim na hininga bago nagtanong. “Alam mo ba kung ano ang paborito kong pagkain?”
Kunot-nuong binalingan siya ng lalaki. “Bakit mo naitanong?”
“Wala lang.” Nagkibit-balikat siya. “Natanong ko lang. So,” She drawls, “Alam mo ba?”
“Yeah.” He said.
Parang nahulog sa isang bangin ang puso niya sa narinig na sagot ni Ace. She was hoping he would say no. She wanted to believe that Cleevan exert effort in finding out her favorite food.
“Paano mo nalaman?” Tanong niya.
“Cleevan told me.” Wika nito na ikinagulat niya. “He told me to buy you Pizza because that’s your favorite.”
“Saan naman kaya niya nalaman?” Bulong niya sa sarili na mukhang narinig ni Ace dahil sumagot ito.
“Claria, hindi naman importante kung paano niya nalaman. The important part is, he knows.”
Napatungo siya sa sinabi nito. Oo nga naman. May punto ito, pero kahit ano pang pilit niya sa sarili niya na hindi importante ‘yon, bumabalik na bumabalik pa rin siya sa katanungang iyon at hindi siya mapapakali hangga’t hindi niya nalalaman ang kasagutan sa tanong niya.
Tumayo siya. “Sige, babalik na ako sa bahay.”
Tango lang ang tugon ni Ace.
Iniwan niya ang lalaki sa green house at pumasok sa kabahayan. Pagpasok niya sa loob, tamang-tama naman na pababa ng hagdan ang asawa.
Sinalubong niya ito.
“Saan ka pupunta?” Nakakunot ang nuong tanong niya ng makitang naka-business suit ito.
“I have a seminar to attend. Pack some clothes, you’re coming with me.” Anito at nilampasan siya.
Sinundan niya ito ng tingin. “Saang seminar? Matagal ba ‘yon? Why do I have to pack my clothes?”
Napatigil ito sa paglalakad at nilingon siya. “Huwag ka ng magtanong. Just do what I told you to do.”
She frowned. “Kung isasama mo ako, kailangan ko ng explanation kung saan mo ako isasama at kung bakit.”
Mataman siya nitong tinitigan ng ilang saglit bago nagsalita. “Isang linggo ako roon. Now, pack your things.”
“Hmp! Napaka-bossy mo talaga. Nakakairita ka!”
“Yeah, that’s me. Just deal with it. Go.”
Inirapan niya ang asawa at tinalikuran ito. Mabilis niyang tinungo ang silid at naglagay ng mga damit sa maliit niyang travelling bag. Pagkatapos mag-impake, nagbihis siya ng damit.
She wore simple denim jeans paired with sleeveless color cream top.
“I’m ready.” She said in a bored voice.
Pinasadahan siya nito ng tingin. “Yan na talaga ang suot mo?”
Tumango siya. “Yep. Bakit, may angal ka?”
Bahagyan itong umiling at nilapitan siya. Akala niya na pagsasabihan na naman siya nito tungkol sa damit niya pero hindi iyon ang nangyari, kinuha nito ang travelling bag na hawak niya at ito ang nagdala patungo sa kotse na nakaparada sa labas ng bahay.
Sumunod siya rito at sumakay sa passenger seat ng kotse nito.
Habang nagmamaneho ito, binalingan niya ang lalaki.
“Saan pala ang seminar mo?” Tanong niya.
He looked at her through the review mirror. “Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo roon.”
Humalukipkip siya. “Sabihin mo nalang kaya sa’kin.”
“Ayoko nga. Surpresa ‘yon.”
Inirapan niya ito at tumingin sa labas ng bintana. Hindi na siya nagtanong pa dahil alam naman niyang hindi siya sasagutin nito. Nakakairita pero para namang may pagpipilian siya.
Pagkalipas ng ilang minuto sa daan, huminto ang sasakyan ni Cleevan sa harapan ng NAIA.
Kunot ang nuong tumingin siya sa lalaki. “Anong ginagawa natin dito?”
“Ahm,” he trailed while thinking. “I’ll tell you later.”
Naningkit ang mga mata niya sa inis. “Ayoko nang sumama.” Aniya at pinag-krus ang braso sa harap ng dibdib.
Nag-isang linya ang kilay nito. “What do you mean? Nandito na tayo.”
“So? Ano naman ngayon?” Mas humalukipkip pa siya. “I have the right to—”
“Oh, fvck your right!” Naiinis na binuksan nito ang pintuan ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya. “Lumabas ka na riyan. Whether you like it or not, you’re coming with me.”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit nga gusto mo akong isama? Bakit kailangan—”
“Because I’ll miss you and I go insane when I’m missing you!” Hinaklit nito ang braso niya at pilit siyang pinalabas ng sasakyan. “That’s the reason why.”
Napatitig siya sa mukha ng asawa. Her heartbeat quickened inside her chest like a loud drum. Hindi siya makapaniwala sa rason nito.
“You’ll miss me?” She asked like she can’t believe what she’s asking.
Cleevan looked away. “So? Ano naman ngayon? That’s normal.”
“Normal?” Tumawa siya ng pagak. “Yes, that’s normal for couple who actually love each other. I mean, those words coming from your mouth? It’s weird.” Palusot niya.
Ayaw niyang malaman nito na lumakas ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito.
She saw how Cleevan’s jaw tightened. “Fine. Stay here. You don’t have to come with me.” Wika nito at iniwan siya.
Nanggigigil sa inis na sinundan niya ito. “I would love to stay here, so, please, give me back my travelling bag.”
Bumaba ang mata nito sa travelling bag niya na hawak nito. Sa halip a ibalik sa kanya, pinagpatuloy nito ang paglalakad at iniwan na naman siya.
She jogged after him.
Kumunot ang nuo niya ng tumigil ito at humarap sa kanya.
“Sasama ka ba o hindi?” He asked in a stern voice.
It took her one minute to answer. “Sasama.”
“Yon naman pala e.” Pinagsiklop nito ang kamay nila. “Ang dami mong arte, sasama ka rin naman pala.”
AS THEY WALK TOWARDS THE exit of the airport, Clarianette was shivering. The cold is sipping through her flesh. Bakit naman kasi nag sleeveless siya. Pero hindi naman sana siya mag-i-sleeveless kung alam niyang sa Baguio ang pupuntahan nila.
Napaigtad siya ng biglang may bumalot na mainit at malambot na bagay sa balikat at likod niya, nang tingnan niya kung ano ‘yon, nakita niya ang kulay itim na jacket ni Cleevan na suot nito kani-kanina lang.
She shrugged off the jacket and gave it back to Cleevan. “Alam kong nilalamig ka.”
Kinuha nito ang jacket sa kanya at inilagay muli sa balikat niya. “You need it more than I do.”
Her heart raced. “Okay.”
Ngintian siya nito at iginiya siya patungo sa naghihintay sa kanilang kulay itim na Pajero.
A MINUTE later, they arrived in Luxurious Hotel. The bell boy carries their bags to their chosen room.
Nang makapasok sa piniling kuwarto ni Cleevan, nagulat siya dahil may dalawang silid ang napili nitong Hotel room.
“I’ll take the left.” Wika nito na ang tinutukoy ay ang magkatabing silid. “You take the right.”
“Hindi tayo magkasama sa iisang silid?” Huli na para mapigilan pa ang bibig niya.
Gusto niya kutusan ang sarili. Pero nakakagulat naman kasi. At isa pa, nasanay na siya na katabi niya ito sa pagtulog.
May sinusupil na ngiti sa mga labi si Cleevan ng tumingin sa kanya. “Well, my room is open for you. You can sleep beside me if you want.”
Matalim ang matang inirapan niya ito bago pumasok sa kaliwang silid.
Clarianette lay on the soft mattress. Habang nakatingin sa kisame, hindi niya namalayang nakatulog na pala siya.
NAALIMPUNGATAN si Clarianette ng maramdaman niyang parang may tumabi sa kaniya sa kama. She looked at her side. Napakurap-kurap siya ng makita si Cleevan sa tabi niya.
She was about to open her mouth to ask what he’s doing lying beside her when Cleevan pressed his lips on hers. Natigilan siya sa ginawa nito. She was stunned to feel his lips on hers.
Why does it feel so good?
Nang pakawalan nito ang mga labi niya, ipinalibot nito ang braso sa beywang niya at hinapit siya palapit dito.
“Let’s stay like this for a while, Nett. Pagbigyan mo na ako, kahit ngayon lang.” Bulong nito sa kanya.
Her heart melted. Tumagos sa puso niya ang hiling nito. Sino ba siya para hindi ito pagbigyan? Gusto rin naman niyang mayakap ito ngayong gabi.
Tumagilid siya ng higa at ipinalibot din ang braso sa beywang ni Cleevan.
Madilim ang silid, tanging ang ilaw lang na nagmumula sa nakabukas na pintuan ng banyo ang nagsisilbing liwanag ng silid.
Clarianette moved closer to Cleevan. She can smell his manly scent and it oddly makes her feel safe.
Habang magkayakap sila ni Cleevan, na-realize niyang unti-unti ng nawawala ang galit niya rito. Nuong una niya itong makita, halos isumpa niya ito sa galit, pero ngayon na kayakap niya ito, pakiramdam niya paunti-unti, natatanggap na ng puso niya na asawa niya si Cleevan. She can feel her heart beating for this man … for her husband. And it scared her.
Paano kung siya lang ang nakakaramdam ng ganito? Paano kung wala palang katugon ang nararamdaman niya para rito? Hindi pa naman malalim ang nararamdaman niya pero alam niyang mas lalalim pa yun habang nakakasama niya si Cleevan.
Makakaya ba niyang itago rito ang nararamdaman niya?
“Matulog ka na, Nett.”
Napaigtad siya ng marinig ang boses ni Cleevan.
“Ikaw, bakit gising ka pa?” Balik tanong niya.
Mas humigpit ang pagkakayakap nito sa beywang niya. “I can’t sleep with you by my side.”
Her heart hammered inside her chest. “Bakit naman?”
“I don’t know. I just can’t.” His lips pressed against her temple. “I keep on asking myself if this is real. I mean, I’m already used of you, pushing me away. It’s just strange. I keep waiting for you to push me and kicked me out of your room.”
Yeah, kung siya ang dating Clarianette, baka sinipa na niya ito.
“Inaantok ako kaya wala akong lakas para itulak ka palayo.” Palusot niya.
Cleevan chuckled. She can feel his chest vibrating as he chuckled. “So, bukas, itutulak mo na ako?”
“Oo.”
“Hmm. Dapat pala maaga akong magising bukas.” His lips moved from her temple to her cheek. “Pero para magising ako ng maaga, kailangan kong matulog ng maaga.”
Clarianette can feel his lips moving down to her neck. Sa bawat paglapat ng labi nito, unti-unting nabubuhay ang pagkababae niya. Nararamdaman niyang nagsisimula ng mag-init ng katawan niya sa ginagawa ni Cleevam.
“C-Cleevan…” Her voice was trembling.
“Yeah, Nett?” He slightly nipped her skin. “You want me to stop? Just say the word, and I will.”
Napalunok siya. I have to stop this! Or else malalaman niya ang totoo! Akala ko noon, ready na ako ng pumayag akong ibigay ang pangangailangan niya, pero hindi pa pala.
She doesn’t want him to know the truth about her.
“S-Stop.” She whispered with a shaking voice.
Clarianette cannot believe that Cleevan actually stopped. His breathing was ragged.
“Okay.” Said Cleevan.
Clarianette can hear it in his voice. Cleevan doesn’t want to stop. His voice sounded in pain.
Hindi siya gumalaw sa kinahihigaan. Nang maramdaman niyang bumangon si Cleevan at akmang aalis sa kama, pinigilan niya ito sa braso.
“A-Aalis ka? M-Maghahanap ka ba ng ibang b-babae?” Nauutal na tanong niya. She can feel her cheeks burning. She can feel her heart hoping for Cleevan to say no.
After a minute of silent, he said, “No. May kukunin lang ako sa kuwarto ko. I’ll be back in a minute.”
Pinakawalan niya ang braso nito at hinayaan itong umalis ng kama. Pagkalabas nito sa silid niya, ilang minuto lang ang hinintay niya, bumalik kaagad ito.
“Anong kinuha mo sa kuwarto mo?” Agad na usisa niya ng tumabi ulit ito ng higa sa kanya.
“This.”
Dahil sa madilim ang kuwarto, hindi niya maaninag kung ano ang tinutukoy nito.
“I can’t see it.” Reklamo niya.
Cleevan chuckled. “You don’t have to see it.”
“E sa gusto kong makita e!”
“Shh!” Bumangon ito at umupo sa ibabaw ng kama. “Bumangon ka riyan kung gusto mong malaman kung ano ‘to.”
Mabilis siyang bumangon. “Naka-upo na ako.”
Mahinang tumawa ang lalaki at niyakap siya.
A moment later after he embraced her, she felt a cold thingy encircled her neck. Mabilis na dumapo ang kamay niya sa malamig na bagay na iyon. Napasinghap siya at namilog ang mga mata ng makapa kung ano ‘yon.
Clarianette doesn’t need light to see what it is. She knew … she knew that it’s a necklace.
Bumaba ang kamay niya sa may pendant. Napakunot ang nuo niya ng mapansing hindi iyon katulad ng mga normal na pendant ng isang necklace.
Hindi niya napigilan abutin ang cell phone sa night stand at gamitin ang flash light application para ilawan ang pendant.
Her eyes widen when she saw the pendant. It’s the ring she liked from the Pacific Jewelry. She looked at him, questioningly. Did he buy the ring to be the pendant of her choosen necklace? Dahil kung tama ang memorya niya, ito rin ang kwentas na napili niya.
“What’s with the ring?” She asked.
He shrugged. “It was there when I bought it in the store.”
Kumunot ang nuo niya. “Really, because I don’t believe you.”
“You don’t have to.” Inagaw nito ang cell phone sa kamay niya at pinatay ang flash light. “Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas.”
“Maaga?” Nahiga siya at niyakap ito ng tumabi ito sa kanya ng higa. “Anong oras ba mag-uumpisa ang seminar niyo? Kailangan ba talagang kasama ako? Can’t I stay here?”
Cleevan exhaled. “I lied.”
“Huh?” Naguguluhan siya.
“I said I lied. Wala kong seminar dito sa Baguio.”
Napakurap-kurap siya. “Why did you lie?”
Ilang minuto ang lumipas bago ito sumagot. Akala niya nakatulog na ito. “I saw the pamphlet last night. And I thought Baguio is a great place to celebrate Birthdays.”
She stilled; her eyes wide in shock. “How did you know?” She whispered.
Hindi sumagot si Cleevan. He just stayed silent until an alarm clock started ringing.
Cleevan cupped her face then captured her lips with his. “I set the alarm clock so I would know if it’s midnight so I can great you a very happy birthday.” He pressed his lips again on hers. “Happy Birthday, Clarianette.”
“I like it better when you call me Nett.”
He chuckled. “Nett it is.”
And unexplainable joy burst inside her. She can’t believe he would do this? Hindi nga niya alam na alam nito kung kailan ang kaarawan niya. A simple happy birth day from Cleevan is enough for her, but this … this is too much for her heart to take. Hindi niya mapigilang kiligin. Is it just her or Cleevan is being sweet to her? He actually brought her to Baguio for her birthday. Parang kinikiliti ang puso niya sa saya.
“Cleevan?”
“Hmm?”
“Are you being sweet to me?”
“No!” Mabilis nitong sagot at tumalikod ng higa sa kanya.
Sa halip na mainis sa ginawi nito, niyakap niya ito mala sa likuran at hinalikan ang batok nito.
“Thanks, Cleevan.” She whispered over his ear. “Thank you for the necklace and for bringing me here.”
Hinawakan nito ang kamay niya na nasa may tiyan nito at pinisil iyon. “Don’t mention it. I will gladly do it again, as long as it makes you happy.”
Clarianette heart is swelling in happiness. “Thank you again.” She inhaled the scent of his shirt, it smell manly. “Good night, Cleevan.”
“Good night, Nett.”
She closed her eyes and slept with a smile on her face.
A/N: yEY! Thanks for reading. Lot's of Love, C.C.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro