CHAPTER 10
CHAPTER 10
CLARIANETTE was busy watching Runway in the master’s bedroom when Cleevan sit beside her on the bed. Binalingan niya ang asawa. Nakatutok ang mga mata nito sa TV. Ano naman kaya ang ginagawa nito rito?
Akala niya nasa trabaho ito dahil lunes ngayon. Nagising kasi siya na wala ito sa tabi niya. Wala rin ito noong nag-agahan siya.
Ibinalik niya ang atensiyon sa TV. "Anong ginagawa mo rito?" Hindi niya napigilang usisain ito. "Shouldn’t you be in the office? It's Monday."
"I have something important to do." Anito.
"Oh. Saan naman?" She asked in a nonchalant voice, but the truth is, she really wanted to know where he's going. Baka sa babae nito ito pupunta.
Sa halip na sagutin ang tanong niya, inagaw nito ang remote na hawak niya at pinatay ang TV.
"Why did you do that for?" Tiningnan niya ito ng masama. "I love that show."
Sinubukan niyang agawin ang remote pero hindi siya nagtagumpay. "Ano ba! Cleevan, give me that remote!" Naiinis na sigaw niya rito.
Instead of giving her the remote, Cleevan throw it away. Nagkapaira-piraso ang remote. "I have something to tell you, so can you please shut up?"
Humalukipkip siya. "Kailangan bang itapon mo pa ang remote? Can’t you say it without throwing the remote away?" Inirapan niya ang asawa at pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib niya.
Nakakainis talagang ang lalaking 'to. Inaabangan pa naman niya ang show na yun. Puwede naman niyang buksan muli ang TV pero alam niyang papatayin din nito iyon.
"Are you mad?" Tanong nito kapagkuwan.
"Pakialam mo naman!" Sikmat niya. "Nakakainis ka alam mo ba yun? Bakit ba hindi ka nalang pumasok sa opisina mo? Akala ko pa naman hindi kita makikita sa araw na 'to."
"Ayaw mo akong makita?" She heard a pain in his voice but she discarded it. Guni-guni lang niya iyon.
"Ayokong makita ka. Kaya puwede ba, umalis ka na." Pagtataboy niya rito.
"Ayoko nga. Sasamahan mo ako."
"Sasamahan kita?” Nakataas ang isang kilay na tumingin siya rito na parang nag-uuri. “Saan naman?" Naguhuluhan talaga siya sa lalaking ito. "Saan ka ba pupunta at kailangan pang kasama ako?"
"Basta. Maligo ka na." Utos nito na para bang isa itong hari.
Nakakainis!
Humalukipkip siya. "Ayoko. Sabihin mo muna sa’kin kung saan ka pupunta at kailangan pa kitang samahan."
Bumuntong-hining ito. "May bibilhan ako ng regalo at kailangan ko ang suhestiyon ng isang babae. Diba babae ka naman? Puwede ka namang hindi sumama." Kibit balikat na sabi nito. "Pero wala akong pagpipilian kundi magsama ng ibang babae."
Naningkit ang mga mata niya. Pakiramdam niya bina-blackmail siya nito.
"Are you blackmailing me?"
Cleevan smiled innocently. "Bahala kung anong isipin mo. Basta tumayo ka na riyan at maligo. You're wasting my time."
She glared at him. "If I am wasting your time, then leave."
Cleevan sighed. "Just take a bath. You're coming with me whether you like it or not. At kapag hindi kapa nakaligo after ten minutes, hihilain kita sa kotse at wala akong pakialam kung mukha kang bruha, basta sasama ka." Mariin nitong sabi.
Umingos siya. “What happened to I can bring other woman? E di magsama ka ng ibang babae. I don’t really give a shit.”
“Whatever.” He narrowed his eyes on her. “Take a bath, or I’m taking you to where I’m going looking like shit.”
Lumabas ito ng kuwarto nila na hindi hinintay ang sagot niya.
Ayaw niyang sumama rito. Pero hindi niya hahayaang may isama itong ibang babae. Over her dead body! Letseng buhay 'to!
Nakasimangot na tinungo niya ang banyo at naligo. Nakakainis talaga ang lalaking yun. Napaka bossy, pakiramdam nito palagi itong tama. Hmp! Ang sarap iumpog ang ulo sa pader. Ang walang hiya. Nakakainis! Urgh!
Pero kahit naiinis siya sa asawa, may pakiramdam sa loob niya na kakaiba. At kahit galit siya, isa lang ang alam niya, ang bilis ng tibok ng puso niya kapag malapit ito sa kanya.
Kailangan niyang rendahan ang puso niya. Parang alam na niya kung saan patungo ang malakas na pagtibok niyon.
HABANG nasa biyahe patungo sa kung saan man siya balak dalhin ng asawa, walang imik si Clarianette, ganoon din naman si Cleevan.
Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin nito. Panay ang isip niya kung saan pero walang pumapasok sa utak niya.
Nang tumigil ang sasakyan nito sa labas ng Pacific Jewelry, napakunot ang nuo niya.
"Anong gagawin natin dito?" Naguguluhang tanong niya.
Pinatay ni Cleevan ang sasakyan at binalingan siya. "May bibilhin ako rito."
Mas lalong kumunot ang nuo niya sa sagot nito. "Ito ba yung tulong ko bilang isang babae ang tinutukoy mo?" Sumama bigla ang pakiramdam niya. "Kung dinala mo ako rito para pumili ng ireregalo sa mga babae mo, spare me. Ayoko." Humalukipkip siya.
Cleevan sighed. "Puwede ba, huwag kang mag inarte riyan. Narito na tayo."
Lumabas ito ng sasakyan at pumasok sa Pacific Jewelry. Iniwan siya ng dumuho!
Nanggagalaiti na lumabas siya ng sasakyan at sinundan si Cleevan. Pagkapasok niya sa Pacific Jewelry, nakita niya ang lalaki na nakatingin sa naggagandahang hikaw at kuwentas. Inirapan niya ito ng magawi ang tingin nito sa kanya. Ang dumuho, hindi siya pinansin!
Sa sobrang inis, hindi niya ito nilapitan.
Ipinalibot niya ang tingin sa kabuonan ng Jewelry store. Her eyes settled on the set of rings on her right. She walked towards the glass full of rings; one particular ring caught her eyes. It has a heart-shaped sapphire blue stone. It's so beautiful; she can’t take her eyes off of it. Parang inaakit siya nito na bilhin pero wala naman siyang pera pambili. Oo, may savings naman siya pero hindi niya iyon gagalawin. For emergency lang ang inipon niyang pera.
"What are you looking at?" Anang boses ni Cleevan mula sa likuran niya.
Mabilis siyang iniwas ang tingin at hinarap ito. "Wala naman." She look passed him. "Anyway, nakahanap ka na ng ireregalo mo sa babae mo?" Habang nagtatanong, pasama ng pasama ang pakiramdam niya.
Parang gusto niyang sabunutan ang babae na reregaluhan nito.
"Yeah." He answered with ease. "But I still need your opinion."
She rolled her eyes at him. "Nasaan ba ang napili mo at nang makita ko."
Hinawakan siya nito sa braso at iginiya patungo sa glass cabinet na puno ng necklace.
Cleevan smiled at the woman behind the glass. "This necklace, please." Anito at itinuro ang kwentas na may kulay pulang pendant.
"Ang pangit." Komento niya.
Tumingin sa kanya si Cleevan. "Pangit yan sa paningin mo?"
She nodded. "Yes."
"I beg your pardon, ma'am?" Sabad ng sales lady. "This necklace came from Russia. It has a Red diamond—"
"I don’t care." She said cutting the woman off. "I don’t like it." Inisa-isa niyang tingnan ang mga kwentas na naroon. A second later, a simple necklace caught her eyes. It has no pendant but for her, it suits her taste. Ewan ba niya, kapag bumibili siya ng kwentas, palaging wala iyong pendant. Personalize kasi ang mga pendant niya.
Itinuro niya ang kwentas na napili. "Yun ang gusto ko."
"Sigurado ka?" Tanong niya Cleevan pagkatapos tingnan ang nagustuhan niyang necklace.
She shrugged. "Yun ang gusto ko, ewan ko lang sa babaeng pagbibigyan mo kung magugustuhan niya ‘yon. Women have different taste in jewelry."
"Bakit naman yun pa?" Bakas sa boses ni Cleevan na naguguluhan ito sa pinili niya. "Napaka-simpli ng kwentas na yan. Wala ngang pendant e. It could be mistaken as a bracelet or something."
Nagkibit-balikat ulit siya. "Yun ang gusto ko e. Naniniwala kasi ako na ang pendant dapat personalize. Mag pagawa ka ng pendant na babagay sa pagbibigyan mo. But that’s just my opinion, bahala ka kung yan ang pipiliin mo." Tumalikod siya at naglakad palabas ng Pacific Jewelry.
Sumakay siya sa kotse ni Cleevan at nagdesisyong doon nalang hihintayin ang lalaki. Naiinis siyang pumili ng kung ano-anong kwentas kung alam naman niyang sa babae nito iyon ibibigay. Kainis!
Pero bakit ba ako naiinis? Wala naman akong karapatang mainis.
Ilang minuto pa ang hinintay niya bago lumabas ng Pacific Jewelry si Cleevan. May dala-dala itong maliit na paper bag na hinuha niya ay naglalaman ng binili nitong kuwentas.
"Bakit ang tagal mo?" Tanong niya ng makasakay ito sa kotse.
He shrugged then put the small paper bag in the small compartment.
Her eyes stared at the small compartment. "Anong binili mo?" Curious siya kung binili nito ang pinili niya.
"None of your concern." Sagot nito at binuhay ang makina ng kotse.
NAG-ISANG linya ang kilay ni Clarianette ng tumigil ang sasakyan ni Cleevan sa harap ng Sudalgo Corporation.
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong niya kay Cleevan.
Sa halip na sagutin siya, lumabas ito ng sasakyan at umikot para pagbuksan siya ng pinto.
"Anong ginagawa natin dito?" Ulit na tanong niya.
She knew that Cleevan is the CEO of Sudalgo Corporation, but what are they doing here?
Hindi siya sinagot ni Cleevan, sa halip, pinagsiklop nito ang kamay nila at marahan siyang hinila papasok sa gusali.
Mabilis na tumibok ang puso niya ng magdapo ang kamay nilang dalawa. Nakakainis ang epekto ng lalaking ito sa kanya.
Pagpasok nila sa gusali, lahat ng mata nasa kanila, lalo na sa magkahawak nilang kamay ni Cleevan. Murmurs and whispers erupted like flame. She tried to pry her hand from Cleevan's hold, but he just tightened his hold on her.
"Cleevan, ano ba!" She half whispered, half shouted. "Bitiwan mo ako. Pinagtitinginan nila tayo, oh."
She’s bothered by their stares.
"I don’t care." Anito at hinila siya patungo sa gitna ng lobby.
"Everybody!" Cleevan shouted to get everyone's attention in the lobby.
In just a matter of second, all eyes were on them. The whispers and murmurs disappeared. The lobby was silent, waiting for Cleevan's next words.
"Everyone," Cleevan begun, "I want you to meet my wife, Clarianette Honey Sudalgo."
Nanigas siya sa kinatatayuan niya. She never expected Cleevan to announce it to everyone. Ano ba ang iniisip nito? Ayaw nga niyang malaman ng iba na asawa siya nito, pero heto at pinagsisigawan nito ang bagay na iyon.
Pagkalipas ng ilang segundo na nakatayo lang siya, hinila siya nito patungo sa elevator.
Nang makasakay sila sa elevator, wala siyang imik. Hindi siya makapagsalita. Paulit-ulit pa rin na nagri-replay sa utak niya ang ini-announce ni Cleevan sa lobby.
"Whats wrong?" Kunot-nuong tanong nito ng mapansing wala siyang imik.
"Bakit mo ginawa yun?" Worries are visible on her voice. "Dahil sa ginawa mo, magtatanong sila kung kailan mo ako naging asawa. At kapag nalaman nila na pitong taon na tayong kasal, pagtatawanan nila ako."
"Why would they laugh at you?"
"Dont you understand?” She looked at Cleevan with accusing eyes. “You have women, Cleevan, and it will come out as if you cheated on me and I’m a fool."
"Yun lang ang rason mo kaya ka mukhang pinagbagsakan ng langit at lupa?" Tumawa ito ng pagak. "And here I am feeling happy because I told my employees about you … about us.” Huminga ito ng malalim at matiim na tumingin sa mga mata niya. “You know what, Nett, maybe you should ask around before you judge me about that I cheated you and fooled you thing."
"Why would I ask around? Alam ko naman na marami kang babae. I don’t need to ask around to know that. And I’m sorry if I judge you." Sarcasm was visible on her voice. “I judge you based on what I saw.”
“Oh?” Inisang hakbang nito ang pagitan nila. His jaw tightened as he looked at her with angry eyes. “Based on what you saw? Bakit, nakita mo na bang nakikipaghalikan ako sa ibang babae? I may be went out on date couple of time with different women, but it doesn’t mean that I kissed and fvcked them afterwards. Because as far as I know, I haven’t fvcked a woman since I signed that freaking marriage contract.” Umiling-iling ito. “I know you hate, Nett. I know that you hate me for taking advantage of your family's problem by asking you to marry me, I accept and understand that because it was really my fault. But if there's one thing I didn’t do that you keep on telling me I did, it's fooling you. I never cheated. If you dont believe me, then don’t, I’m not forcing you to believe me because I know, my conscience is clean."
Bumukas ang elevator at naunang lumabas si Cleevan, naiwan siyang nakatulala sa loob ng elevator.
Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi nito. What if he just made that up? But what if it’s true? Naguguluhan siya.
She steps out from the elevator, feeling confused and bothered.
"Are you okay?"
Nag-angat siya ng tingin sa nagsalita sa harapan niya.
It's Cleevan.
"Why wouldnt I be?" Balik tanong niya.
Cleevan gave out a force smile. "You want to go home? You look pale."
"No." Nilampasan niya ito. "I'm sure may rason kung bakit dinala mo ako rito maliban sa ipagsigawan na asawa mo ako. So, kung ano man yun, lets do it."
"I bring you here for you to see where I work." Wika ni Cleevan mula sa likuran niya.
She exhaled loudly, annoyed. Hinarap niya ang lalaki. "Does it matter if I saw where you work—"
"It matters to me."
Her eyes widen at what she heard. "What?"
"Nothing." His voice was stern. "Let’s go. Uuwi na tayo."
Nauna itong maglakad patungo sa elevator, wala siyang imik na sumunod dito.
Habang nakasakay sa elevator, gulong-gulo ang isip ni Clarianette. Ano ba ang paniniwalaan niya? Si Cleevan o ang sinisigaw ng isip niya na nagsisinungaling lang ito?
Naguhuluhan na siya.
But if she asked her heart who and what to believed, it’s shouting Cleevan’s name.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro