V
F I V E
"Hey, Xyza." Kahit na hindi ko na siya nilingon kanina ay tinawag pa rin ako. Sira ba 'tong Damon-yo na ito?
"Stop calling me that, Damon-yo," asar na sabi ko sa kaniya. Quota na siya sa akin, bibigwasan ko na talaga siya. Kahit pa mawala ang scholarship ko. Pero joke lang 'yon. Hindi ako pwedeng sumuko. Isang taon na lang at aalis na ako sa school na ito.
"Not unless you stop calling me Damon-yo."
"Done," sagot ko.
"Done."
Hayup naman na Damon-yo ito. Engkanto gusto kong sumulpot, hindi Damon-yo. Tsk. I'd just continue on calling him Damon-yo in my head. Hehe. Hindi naman niya nalalaman, 'di ba?
Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko na umaasang ma-gets ni Damon-yo ang ipinahihiwatig kong ayaw kong makipag-usap sa kahit na kanino.
Naiinis ako na hindi ako takot sa kaniya knowing na kaming dalawa lang ang nasa lugar na ito. Anytime he could do what he wants pero ewan ko ba sa sarili ko at nagtitiwala ako na hindi niya magagawa 'yon.
Am I beginning to be a hinayupak, too?
Tsk. Trust ampota, ayan nga sumira sa akin last year, e. Sirang-sira ako last year dahil sa tiwala ko sa mga tao sa paligid ko. Hinayupak sila.
Ramdam ko pa rin na hindi naalis si Damon-yo at nagpapatuloy pa rin sa panggugulo sa utak ko. Bwisit.
"Go away, Damon," sabi ko nang mahina. Ginaya ko pa ang boses ni Elsa.
Umalis man siya o hindi nawalan na ako ng paki. Nanatili akong nakapikit at dinadama ang hangin. Mas okay na ito. Puno at mga damo lang ang nasa paligid ko. There are no hinayupaks everywhere. Hindi ko kailangang pigilan ang sarili kong manapak.
Hindi na baleng nag-cut na naman ako. Bright child naman ako kaya sure akong makakahabol ako. 'Yon nga lang, baka may magsumbong sa mga kaklase ko na nakita nila ako. Bahala na. Whatever happens, happens.
Nakarinig ako ng pagtapak sa mga tuyong dahon pero wala akong pakialam. Nanatili lang akong nakapikit at nakasandal sa puno. Hindi nagtagal ay naramdaman kong may tumusok sa pisngi ko. I tsked.
"Problema mo?" bulyaw ko kay Damon na sobrang lapit ng mukha sa akin. Sobrang lapit niya na naaamoy ko na ang kaniyang pabango at nararamdaman ko na ang kaniyang hininga. He smells so damn good na parang ipinaligo niya ang pabango sa kaniya.
"Nothing. Ikaw? Any problems?" tanong niya sa akin using that tone again. 'Yong curious lang, without the presence of sarcasm.
"Madami," sagot ko na lamang. Walang mangyayari kung puro sarcastic ang isasagot ko sa kanila. Na-flush kasi ata hypothalamus neto sa inidoro, e. Nawala rin ang sarcasm detector niya.
"Really?"
"Paramihan pa tayo gusto mo, e." Pumikit ulit ako. Sana ngayon, ma-realize na niyang ayoko ng kausap.
Nanahimik naman siya. Mabuti na 'yon. Dinaramdam ko lang ang malakas na hangin at tunog ng mga dahon kapag humahangin. Yes. Peace.
"Aren't you going to thank me?" Napapikit ako nang mariin nang marinig ko ang boses niya. Kung kailan ko naman naisip na mananahimik na siya, e.
"For?" mahina kong tugon.
"For saving you."
"Hindi ko sinabing iligtas mo ako, Damon-yo Angelo," mariin kong sagot na nakapikit pa rin. I still won't call him DA. Bahala siya. Ganda rin kaya ng Damon.
Helloooooo?? Sira ba detector nitong yelo na 'to at hindi niya makuha na ayokong makipag-usap?!
"But it looked like you're asking for help," he said in a matter of fact tone. "Like you would jump at any help that time." Napadilat ako sa narinig ko.
Tangina.
Bwisit.
Hinayupak.
Kupal.
Nakita niya 'yong weak Xyza. Naikuyom ko ang mga kamao ko. Bwisit! May utang na loob na nga ako sa kaniya, nakita pa niya kung gaano ako ka-fragile kahapon.
At saka pwede naman siyang magpanggap na hindi niya ako nakita, e. Bakit kailangan pa i-mention 'yon?! Hindi ba niya alam na sobrang nakakahiya 'yon? Tsk. Napaismid ako.
"Thank you. Masaya ka na?" tanong ko sa kaniya nang pagalit.
"Yeah, Xyza."
"I told you to stop calling me that."
"You called me Damon-yo again, e."
Ang conyo naman ng nagyeyelong Damon-yo na 'to. Tsk.
"Stop calling me Xyza or paduduguin ko 'yang ilong mo."
"Xyza," he mockingly called me and smiled. Like he knows that I can do it. He's right. I can do it, but I won't. Something stops me from ruining his face. I hate it.
Imbes na mainis ako ay para akong na-stun sa pagngiti niya sa akin. Bwisit! Ang pogi ng ngiti niya. Pogi na nga siya kahit walang emosyon, ngayon na ngumiti siya ay mas gumwapo siya nang ilang beses.
Holy hinayupak. I slapped myself mentally kasi tingin ko ay ilang segundo akong napatulala sa ngiti niya. Isa pa, I almost caught myself wishing na sana ako pa lang nakakakita ng ngiti na 'yon.
"Wow, you really know how to smile," pang-aasar ko sa kaniya.
"I told you, hindi ako yelo."
"Whatever you say nagyeyelong Damon-yo."
Humangin nang malakas. Napangiti ako doon. Feeling ko kasi pinakakalma ako nito at medyo kumalma nga ako.
"You know what, you should forget what happened last night."
"Why?"
"Cause I don't want you thinking that I am a weakling, news flash: I am not."
Napasinghal siya. Sumandal na rin siya sa puno saka tumingala. Seeing him like this makes me remember again that he has a really gorgeous face. Sobrang pogi naman ng nilalang na ito. Ang seryoso pa ng mukha. Nakakainis! Kung palagi itong ngumingiti ay baka nakuha na siyang artista or model.
"I love seeing you weak," he whispered.
"Excuse me?" gulat kong tanong sa kaniya.
Ano raw? He loves seeing me weak? Sino ba siya?!
"Pakyu, I am not weak," pagdedepensa ko saka humalukipkip. Ready na rin ako makipagsapakan para lang mapatunayan na hindi. "Gusto mo, sapakan pa tayo, e," hamon ko sa kaniya.
Imbes na tanggapin o tanggihan ang hamon ko ay nagpatuloy lang siya sa idea niyang "weak" ako.
"You let them think you are strong but you are not. You're keeping your feelings bottled inside. You don't express it and it is making you emotionally weak. That is also why you almost got raped, Xyza. Kasi, you are still haunted by the past and you let it stay inside you. You don't seek help, you think that you can solve it alone. Lastly, you don't want to share your problems because you are afraid of being a burden. Mas mahirap na hindi ka okay sa loob kaysa pisikal," mahaba niyang litanya. Bawat salita niya ay parang kutsilyong tumatarak sa puso ko. Sobrang sakit.
"Pakyu."
Hindi ko napigilan kaya tumayo ako at agad na umalis. Tumakbo ako papalayo sa kaniya. Ayoko ng mga salitang inilalabas ng mga magaganda niyang labi.
Tangina! Sino ba siya? Kilala ba niya ako para sabihang weak?! Para sabihan na I'm keeping all my emotions inside kaya ako hindi makalaban? Wow ha? Sipain ko kaya siya sa betlog para malaman niyang I am not weak?
Napahinto ako. Hinihingal. Napaupo ako sa kinatatayuan ko, nakayakap sa tuhod at nagbabadya na ang mga luha sa aking mga mata. Pinigilan ko 'yon dahil kapag tumulo ang isa doon ay para ko na ring inamin na tama amg Damon-yo.
Nanalo na. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Nag-uunahan sila sa pagragasa at wala akong magawa para pigilan 'yon.
Tangina kasi, e.
Kahit na sabihin kong mali siya, tama siya. Kahit anong pilit kong lokohin ang sarili ko na mali siya ay hindi ko magawa.
At nakakainis dahil nabasag niya ang facade na matagal ko nang mine-maintain. Sa lahat ng taong nakilala ako, sa lahat ng nagtangkang pumasok sa buhay ko, siya lang ang kaisa-isahang nakakita na ganoon ako. That is not okay because I am scared that he might break the walls I built around me.
Damon Angelo Holino, you are extremely dangerous. I don't like what you are doing to me, you shit.
*****
"Thisbe! Bakit andito ka?" kunot-noong tanong ni boss sa akin.
"Kasi papasok ako?" patanong kong sagot sa kaniya.
"Kukutusan kita, e. I told you to rest," medyo galit na sabi ni boss kaya I tsked.
"Boss naman, are you really going to let me sulk in my room? Alam mo naman ang utak ko boss, e. I'd rather keep myself busy."
"Kaya mo ba?" nag-aalalang tanong ni boss.
"Oo naman. Ako pa ba?" sabi ko saka hinampas ang dibdib ko.
Wala naman nang nagawa si boss kaya hinayaan na niya akong magpalit ng uniform. Sinamahan ko na si Jennie the red haired girl sa counter.
"Yow," bati niya saka tumango at ngumiti. 'Yang ngiti talaga ni Jennie ay nakasisilaw. Akala mo laging nasa commercial ng toothpaste.
"Yow," sagot ko naman.
At natapos na ang usapan namin. Hindi ko naman isinama si Jennie sa hinayupak people na nakakasalamuha ko everyday pero hindi lang kami close. I mean, she's nice and all kaso maingay lang. Nakakasilaw pa ang ngiti niya lalo na kapag andiyan ang girlfriend niya. Kung makangiti siya ay parang walang bukas.
"Thisbe, Thisbe," tawag niya sa akin saka kinalabit ako. "Tamo 'yon," turo niya sa isang lalaking nasa gilid ng cafe. As in nasa pinakagilid siya. Doon sa puwesto namin ni Damon-yo noong nakaraan. Umiling ako para mawala ang isip ko kay Damon.
Ang Neko's Kohi kasi ay isang coffee shop, obviously. Hindi siya ganoon kaliit. Mayroong anim na table sa bawat sulok ng lugar at may malaking table at stool malapit sa counter. Mayroon ding mga lamps na nakasabit sa taas ng mga table na nagsisilbing ilaw kapag gabi. Black and white ang motif ng cafe, meaning, mula tiles hanggang sa upuan at table ay kulay puti at itim. Halaman at ang ilaw lang ang natatanging iba ang kulay. 'Yong tinuro ni Jennie ay nandoon sa pinakagilid, katabi ang mga halaman na plastic as decoration.
After checking him out, I concluded that that guy is surely hot. Kahit malayo siya ay halata ko pa rin na nagpapaiyak ng mga babae 'to. Naka-uniform siya ng SHS ng school namin. Bakit andami ritong taga-school namin? Mga hinayupak. Kaya nga ako sa kabilang city pa nagtrabaho para walang hinayupak dito sa paligid kaso naman andaming nagsusulputan na taga Azure Academy.
From his distance, nararamdaman ko ang black aura na nakapaligid sa kaniya. Alam mo 'yong nagra-radiate siya ng bad aura tapos ramdam mo 'yon the way he moves?
"Ano meron?" nagtatakang tanong ko.
"Knows ko 'yan. Internet friend ko, gusto mo kausapin? Malaki problema, friend!" she exclaimed na parang happy pa siya.
"Bibilangan ko siya ng problema, gano'n?"
"Pwede rin. Paramihan kayo."
"Wala ako mapapala riyan, Jennie," sagot ko na lang saka nagpatuloy mag-Facebook.
"Meron, asarin mo!" tuwang-tuwa niyang suggestion sa akin. "Bigyan kita 1k," udyok niya pa.
Walang sabi-sabi ay tumayo ako at umupo sa harapan ng lalaki. I flipped my hair na nasa loob ng hairnet.
Damn.
Para namang pinagsakluban ng langit at lupa itong lalaking ito. Ni hindi man lang siya nag-angat ng tingin. Ang sama ng titig niya sa itim na lamesa na parang hinamon siya ng suntukan. Abnormal. Nasa gilid ng table ang half empty na frappe na in-order niya kanina.
"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko sa kaniya. "Paramihan tayo problema, gusto mo?"
Hindi siya sumagot kaya nagmukha akong tanga na kausap ang hangin. Tsk. This guy has an attitude, I like it! Para siyang nasasaktan at constipated at masaya ako doon kasi ibig-sabihin noon ay hindi lang ako ang malungkot sa mundo. Joke. That's bad, Thisbe.
"Alam mo 'tol, kakasimula pa lang ng klase finals na kaagad inaatupag mo. 'Wag ganoon," sabi ko sa kaniya. "Hindi ka pa naman babagsak kasi June pa lang, e."
Nag-angat siya ng tingin. Damn. This guy is really hot. Mayroon siyang seryosong mukha. Malamlam ang kaniyang mga mata na parang hindi pa nakakatulog. Ang tangos ng ilong niya at ang puti pa niya. Clean cut ang buhok niya na required sa school namin. Tinitigan ko siya. Napaawang ako ng bibig nang ma-realize ko kung sino itong hinayupak na ito.
"Hala? Ikaw ba si Kevin Fuentes?" nagtataka kong tanong.
"Why?" nakataas ang kilay niyang tanong sa akin.
Kaya pala, eto 'yong famous na transferred student sa SHS dahil sobrang sungit na pogi raw. Walang kumakausap sa kaniya maliban doon sa isang babae at tropa niya. Malay ko, pinagchichismisan ng mga walang ambag sa lipunan sa amin. Palibhasa makikire na akala nila maaabot nila 'tong not-so-one-of-the-hinayupaks sa school. Hindi ko pa siya sinasama dahil shs student siya at wala naman siya last year.
"Problema sa pag-ibig? Tara inom," pagpapatuloy ko sa pangungulit sa kaniya.
"Leave me alone," madiin niyang sagot sa akin kaya naman tumayo na ako.
"Okidoks. Isipin mo mahal ka pa no'n," pang-aasar ko sa kaniya saka umalis na.
Okay.
Pogi siya and definitely a masungit na not so hinayupak.
But...
Damon's way handsome.
Umiling na lang ako. What the actual fuckery, Thisbe? Anong mas pogi si Damon? Nako, na-engkanto ka na ata, e.
Tandaan ko, hindi ko na siya dapat kausapin. He sees through me so much. I hate it, masamang pangitain 'yon.
Bumalik na lang ako sa counter at inilahad ang palad ko kay Jennie. Agad naman niya akong binigyan ng 1k. Easy money. Hehe.
"Iced—"
"What the hell are you doing here?!" bulalas ko nang makita ko si Damon-yo. Agad naman akong siniko ni Jennie kaya natauhan ako. Napaubo ako nang kaunti. "Uhm, sorry Sir. Ano pong order ninyo?" tanong ko nang nakangiti.
Customer voice activated!
"Ikaw," sagot niya. "Pwede bang ikaw ang order-in ko?"
Ha?
Hakdog?
Ha?
Ha—hinayupak?
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro