Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

III

NEKO'S NOTE: TRIGGER WARNING!!!!

T H R E E

Natapos na ang break ko at lahat pero wala na kaming napag-usapan. I just stared at him hanggang sa matapos ang break ko. Muntik na sana siyang matunaw kaso naka-aircon ang café at comfortable siya. Minsan ay binibilang ko ang black and white na tiles ng aming coffee shop at mga dumadaang tao sa gilid ng table namin. Bwisit! Ang boring no'n! Ayoko namang umalis nang hindi pa tinatawag ni boss dahil masasaktan pride ko.

Mabuti na lang ay tinawag na ako ni boss. Nagpaalam ako sa bato dahil hindi man lang siya kumislot nang umalis ako. Leche.

Nginisian naman ako ni boss pagbalik ko sa counter. Mapang-asar na ngisi, 'yong alam mo na pinagti-tripan ka niya? Ganoong ganoon!

"Sino 'yon, Thisbe? Ikaw ha!" tukso niya sa akin pagbalik ko doon sa counter.
"Pasalamat ka, boss kita. Paglabas ko rito gugulpihin kita, boss." I emphasized the boss para alam niyang naaasar na ako.

Don't get me wrong. Boss Neko is such a blessing. Maybe it's our way of showing our love. She knows about my past and she didn't judge me ever kaya nga siya ang best boss ever, e. Tinanggap niya ako wholeheartedly at tinuturing niya akong little sister. Isa pa, lagi niya akong hinahatid pauwi. Hindi ko rin alam kung bakit but she told me na para mapalagay ang loob niya knowing na nakauwi ako.

Binigyan niya lang ako ng nang-aasar na tingin kaya hinayaan ko na lang siya. Gusto ko man butasin gulong ng kotse niya ay hindi pwede kasi hindi ako makakauwi. Joke, sanay naman na ako kay Boss kasi lagi naman niya akong inaasar.

Ginawa ko na lang ang trabaho ko at hindi ko namalayan na closing na pala at wala na si Damon doon sa pwesto niya. Sa sobrang busy namin ay hindi ko na siya napansin. Siguro din ay dahil dismayado ako na hindi man lang niya pinahaba ang usapan at hinayaan niya lang mapanis ang laway ko. Kung alam ko lang, itinulog ko na lang sana.

"Huh??" Napalingon ako sa pwesto ni Boss nang marinig ko ang pagtaas ng boses niya. Halos magsalubong na rin ang kilay niya dahil sa kunot ng kaniyang noo.
"Umayos ka. Okay, mag-close lang ako and I'll be there as fast as I can. Diyan ka lang, Inu. Umalis ka sa pwesto mo at gagawin talaga kitang aso." Kita ko na ang pag-aalala sa mukha niya pero ang boses niya ay nananakot pa rin. I bet kung nakikita siya ng kapatid niyang si Ririnu ay hindi matatakot 'yon. [Inu means dog, Neko means cat]

Ibinaba ni boss ang tawag niya at nagmamadali talaga siya kaya naman ay binilisan ko na lang ang inventory at nagmadali na ring magligpit ng mga gamit.

"Boss, puntahan mo na si Ririnu, mukhang malaki problema, e," sabi ko sa kaniya saka ngumiti.
"Tange, hahatid pa kita."
"Hindi boss. Kailangan ka nun ni Ririnu. Okay lang ako, alam mo namang nananapak ako, 'di ba?"

Nag-alinlangan siya kaya in-assure kong okay lang sa akin. Besides, I am okay. Wala namang mang-aano sa akin 'di ba? Subukan lang nila. Sasapakin ko talaga sila.

Sinara na namin ang store at habang nagla-lock ay nagsalita si Boss.

"Sure ka Thisbe, ha? Call me if anything happens."

Tumango naman ako at na-touch nang kaunti. See. I am not an asshole unless inunahan mo ako. In my hinayupak schoolmates' case, they are all asshole so they should see that side of me.

Umalis na si Boss kaya naman naglakad na ako papuntang sakayan. Sayang dapat pala nagpahatid na ako hanggang sakayan. Hahaha joke. Nagmamadali 'yon si Boss. Kailangan siya ni Ririnu.

Malamig ang hangin ang dumadampi sa mukha ko. Suot ko pa rin ang polo shirt at slacks na uniform namin sa coffee shop. Madilim sa dinadaanan ko at sa totoo lang nakakaramdam na ako ng kaba kahit na alas nuebe y medya pa lang ng gabi. I mean, wala kasing tao pero feeling mo may nakasunod sa iyo.

Mabilis kong binabagtas ang tahimik at madilim na daanan. Bakit naman kasi walang jeep dito? At saka wala ring tricycle na nadaan.

Nakarating na ako sa sakayan ng jeep at wala namang nangahas. Mabilis akong sumakay ng jeep pauwi at hinintay na umandar 'yon. Nakatingin lang ako sa bintana at inaalala si Damon. He's not that bad and I guess hindi siya isa sa mga hinayupak kiddos sa school. Siguro wala lang talaga siyang pakialam sa akin.

Ayos din, at least alam ko nang hindi pare-pareho ang mga tao sa Azure Academy. My bad for generalizing those shit who made my life miserable.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa terminal. Sumakay pa ako ng isang jeep para makauwi. Natulog na lang ako dahil nga mga 30 minutes din ang byahe sa huling jeep na sasakyan ko. Tapos maglalakad na lang ako papasok sa village, doon ako nakatira sa isang apartment.

Nang magising ako ay nakita kong malapit na ang village na tinitirhan ko. Pumara na ako sa jeep nang makadaan doon. Naglakad na ako papunta sa apartment ko. Tahimik ang paligid at bumalik na naman 'yong feeling ko na may nakasunod at nakatingin sa akin. Wala nang tao sa labas. Malakas na ang kabog ng dibdib ko at mabilis na rin ang paglakad ko.

Bakit ba kasi ang layo ng apartment ko, e?

Tsk tangina, mukhang makakasapak ako ngayon, a. Binilisan ko na lang ang paglakad at hindi na ako lumilingon sa likod ko.

Napatingin ako sa madilim na daan. Tanginang gobyerno 'to, asaan na ba ang mga streetlights ganitong kailangan ko. Nakita ko ang abandonadong lote, I cringed and felt goosebumps. Hindi ko alam pero bigla akong natakot nang mapatingin ako doon. Matataas kasi ang talahib at madilim talaga.

Malapit na ako sa abandonadong lote nang biglang may nagtakip ng bibig ko at hinila ako papunta doon. Hindi ako nakapalag kaya madali niya akong hinila papunta doon. Sa liit kong ito ay madali niya akong nahila. Hula ko ay malaking tao itong hinayupak na ito.

TANGINA! TANGINA. Gago! Hinayupak! Nang matauhan sa nangyayari ay namdam ko ang pagkawala ng dugo sa mukha ko at ang pagtibok nang malakas ng puso ko dahil sa kaba. Walang ibang tao, walang ibang makakakita.

Nanginginig na ako sa sobrang takot na nararamdaman ko at nangingilid na ang luha ko. Nanghihina ako. Gustuhin ko mang manlaban, sumigaw, tadyakan, at kung ano pa man ang hinayupak na ito ay hindi ko magawa dahil para akong tinakasan ng lakas.

"Thisbe," tawag sa akin ng hayup na nanghila. Kinilabutan ako sa pagtawag niya sa pangalan ko. May bahid ng pagnanasa at galit. Isa pa, kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.

'Yong hinayupak na sinapak ko last week. Napadilat ako. Sinubukan kong taliman ang titig ko para hindi halatang takot ako.

May itinutok siya sa leeg ko, ice pick! Lalo akong nanghina dahil doon at kita ko naman ang satisfaction sa mukha niya. Nakaharap siya sa akin at malapit ang mukha niya sa mukha ko. I cringed at the smell of alcohol.

"Subukan mong sumigaw, may kalalagyan ka," nakangising pananakot niya sa akin.

"'Wag kang sisigaw, baby. Enjoy-in mo lang."

Hindi ko alam ang gagawin ko. Hinahawakan niya ako sa iba't ibang parte ng katawan ko. Wala akong magawa kung hindi ay umiyak pero imbes na maawa siya ay ngumisi lang siya na parang nasisiyahan. Nanlalalaki ang mata kong tumingin sa kaniya. He reeks of the smell of alcohol and nicotine.

"Magsumbong ka at mamamatay kayong dalawa."
"W-wag po. Please," anas ko habang umiiyak. Wala akong magawa kung hindi ang magmakaawa habang lumuluha ang mga mata.

Ngisi lamang ang isinagot niya sa akin kaya lalo akong napapikit. Tinanggap ko na lang ang ginagawa niyang kahayupan sa akin. Kasi kahit na anong mangyari, wala akong magagawa.

Nagising ako sa katotohanan!

Thisbe! NASAAN ANG TAPANG MO GAGA KA?! KUMILOS KA. TADYAKAN MO! Pero kahit na anong sigaw ko sa utak ko hindi nakikipag-cooperate ang katawan ko. Lalo akong nanghina lalo na at naaalala ko na naman ang nakaraan. Nagsisimula na ring bumigat ang paghinga ko. There's a lump in my throat. I want to cry but I can't even cry right now. All I can do is shiver in fear.

"Don't act so tough, Thisbe. Isa lang naman," aniya habang hinahaplos ang pisngi ko.

Ni hindi ko man lang siya magawang duraan. Ni hindi ako makasigaw. Ni hindi ako makagalaw. My stupid body keeps on shivering.

"Alam kong tak—" Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang napaatras siya dahil may sumuntok sa kaniya.

Ako naman ay napaupo na sa sobrang takot. Hindi—hindi ko alam. Nanginginig pa rin ako.

Nakarinig ako ng ilang tunog ng pagbagsak at pagmumurahan pero wala na akong pakialam. Natatakot ako—bumabalik na naman ang nakaraan. Gusto ko na naman mamatay.

Makalipas ang ilang sandali ay may umupo sa harap ko at niyakap ako.

"It's okay, I'm here." Itinulak ko siya sa sobrang gulat ko pero hindi naman siya nag-react. Umupo na lang siya sa harapan ko at tinitigan ako. May sugat siya sa kilay at sa lips pero parang hindi siya nasaktan nun.

Those eyes. Those eyes again. Those cold eyes are staring at me like they see my inner soul. The soul I've been hiding for so long. Sinubukan niyang punasan ang mga luha ko sa pisngi pero pinalo ko 'yun. Hindi ko alam na lumuluha na pala ako.

"D-don't—don't touch me," bulong ko. He apologized and kept on staring me na lang. Nagulat din ako dahil sa wakas ay nakapagsalita na ako.

I'm still shivering for fuck's sake. Lumuluha lang ako habang nakatitig sa kawalan, sinusubukang i-digest ang pangyayari.

Muntik na akong ma-rape. Na naman.

At gaya ng dati ay hindi ko nagawang lumaban.

I'm weak. I am fucking weak. Takot pa rin talaga ako kapag walang tao sa paligid ko. Kaya ko lang magpanggap na matapang kapag may mga taong nakakakita pero kapag ako lang mag-isa. I can't—bumabalik ako sa old Thisbe. That fucking weak Thisbe.

"Rest," that cold voice said. And just like magic, I fell asleep.

Damon Angelo's Point of View

Bumagsak siya sa dibdib ko. I don't know what I am going to do with her. She told me to don't touch her.

I pat her head like she's been a good girl for long though I don't known if that's the right thing to do cause she said not to touch her.

I glared at this stupid bloody bastard lying on the grass. He's unconscious and there are traces of blood on his face. It's great that he's in shock when I attacked so he did not have the chance to use the ice pick. I sighed in relief.

"Stupid," I murmured.

Xyza's phone ringed so kinuha ko 'yun coz I dunno what to do with her.

I saw the caller ID and it says "Boss Neko ❤️". I smiled in my mind because I don't think Xyza puts heart on a caller ID.

Sinagot ko 'yun and a familiar voice spoke.

"Thisbe, nakauwi ka na ba? Pasensya na hindi kita naihatid ha?"
"Hello?"
"Hoy! Sino ka??! Magnanakaw ka ba? Bakit mo sinagot kung oo??"
"I am Damon Angelo Holino. No, I am not. Xyza almost got raped," I said in a matter of fact tone.
"WHAT?!" the girl on the phone exclaimed. "Where are you?!"

And so I told her what happened. She hang up immediately.

Okay.

I looked at my knuckles and they are starting to bruise but that's okay if it means saving this fragile girl on my chest.

Xyza is different. Way different from the girls I see. It seems that she does not want to be with anyone but she also does. This girl, I smiled a little thinking of her face when she talks.

Neko arrived after few minutes with some tanod with her. I told them what happened again and again so they fetched that stupid bastard. Nag-file kami ng blotter then we went to Xyza's apartment, I guess?

The smell of strawberries welcomed me and I can't believe Xyza uses strawberry as some air freshener or something. I looked around and there's not so much stuff inside. It's pretty small so perhaps that's the reason. There's no living room but there's a dining area. There is a small table and two chairs in it and beside it is probably Xyza's room.

We went to her bedroom which is pretty small, too. Though I think it's okay since Xyza is tiny. There's a small bed and sobrang exact lang ito sa kwarto. Sa dulo ng bed ay may mirror. There's not much in here except a small cabinet, wall clock, and her shoes.

"Sino ka?" The girl asked me after I put Xyza on her bed.
"Damo—"
"Not your name. Paano mo nakita?"
"Well, I saw that stupid bastard following Xyza all the time. I figured he's up to nothing good so I followed them, too. Then things led to another," I said shrugging.
"Galing mo naman mag-kwento."

I just shrugged. Ano pa bang sasabihin ko? Seems like she is sarcastic.

I really saw that stupid bastard lurking around Xyza. Knowing what she did last week, I guessed that he's gonna do something. People with aura like that is always up to no good so I followed him everywhere. I probably am a stalker. I went out the coffee shop so she won't think I'm waiting for her. I got nervous so I just blabber that I'm waiting for my mom which will not happen, ever.

That bastard was waiting for opening, so that he could actually do something to Xyza. I don't want that to happen so I tried to help her. Though I really don't know why I did that. Perhaps because Xyza took my interest coz she thinks she's so tough when in fact she is not.

"Mukhang ayos ka rin Damon ah," Neko said breaking the silence so I just nodded.
"I'm DA."
"DA?"
"Yep. Call me DA."
"Okay. Bakit mo siya tinatawag na Xyza? Don't you know she hated that name?" I just shrugged again coz I know she likes that name. "Tsk. Wala ka namang kwentang kausap. Umuwi ka na, DA. Rest."

Tumango lang ako at nagpaalam.

"Oh, DA." Lumingon ako sa kaniya. "Don't tell this to anyone." I nodded. "And it seems that you're the one who'd help Thisbe." She smiled.

I didn't get what she meant so I just went home.

————————

Neko's note: this will probably be another cliche story of Neko pero I hope na maging eye opener to sa mga readers. Hehe. Slow update to guys!! Thank you for the support.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro