Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

I

Neko's note: In case na nabasa ninyo 'yong past chapters, please reread it. Hehe. I changed and added some stuff and hopefully mas maayos na siya :3 thank you for reading guys. Hoping you guys will enjoy every chapter. Please leave a vote and a feedback ❤️

O N E

★✩★✩

Ramdam ko ang tingin sa akin ng mga hinayupak na ito. Kahit na urat na ako to the maximum level e sinubukan ko munang ubusin ang kinakain ko sa canteen. Syempre, ayoko namang magsayang ng pagkain at pagbabatuhin sa mukha nila itong kinakain ko, 'di ba?

Prente akong nakaupo sa table KO rito sa canteen namin. Oo. May sarili akong table. Sinusubukan kong hindi pansinin yung mga mapangmatang tingin ng mga hinayupak. Hindi naman sila importante sa buhay ko. Nasa pinakagilid na nga 'tong puwesto ko ay nakatingin pa rin sila sa akin. Kahit na inis na inis na ako ay napagdesisyunan ko na lang na hindi dapat pag-aksayahan ng oras.

Xyza Thisbe Elemenop is my name. Don't forget it. Pronounce it correctly. Mind your own business.

(Say/Za/This/Bi El/Em/Enop)

Pagtapos nila akong pasadahan ng tingin ay bumalik na sila sa boring nilang buhay. Okay na kayo? Quota na ba for daily pangkuktya kay Thisbe na wala namang dulot sa buhay ninyo? Tsk.

Bakit ba ang hilig ng mga to na pagtinginan ang dyosa na tulad ko? Wala ba silang magawa sa buhay nila kundi ang mag-chismis? Kids. Napa-roll eyes ako dahil sa mga ito. Kahit na anong sabi ko na wag silang pansinin e nakakakulo talaga ng dugo. Let me eat in peace, okay? Para namang sasaksakin ko kayo ng tinidor—pwede rin.

Sinipat ko ng tingin ang paligid. May mangilan-ngilang bakanteng upuan at lamesa kahit na lunch time ngayon. Hindi na bago 'yon dahil may ilang lugar sa Azure Academy na puwedeng kainan kung sawa ka na sa canteen. Isa pa, malaki rin ito na tingin ko ay laki ng anim na pinagsama-samang classroom. Lakas nga ng school namin, e. Malamig pa rin ang aircon kahit na malaki.

Susubo pa lang ako ng spaghetti na in-order ko nang may umupo sa harapan ko kasabay ng katahimikan ng lahat. Ang kaninang maingay na kantina ay parang dinaanan ng anghel sa sobrang tahimik. Nawala ang tawanan at kuwentuhan ng mga tao sa paligid na wala naman akong pakialam.

"Xyza right?" nakangiti niyang sabi.

One of the jackass in school. Varsity player to probably. Suot niya ang aura niyang "I-am-so-cool-I-play-shit-in-your-school kaya naman agad akong napa-roll eyes. I'll admit he's got looks but still isa sya sa mga hinayupak sa school.

Malamang sa malamang naghihintay itong mga chismosang mga ito sa susunod na mangyayari.

Pagtapos ko siyang tingnan e I smirked saka ibinaling ko ang tingin ko sa kinakain ko. He's got looks but not my type. Ubod ng hangin ito malamang at puro 'ako nang ako' ang magma-matter sa kaniya. He probably approached me because of some deal or shit or I don't know kung paano mag-isip ang hinayupak. I ain't one of them. Malay ko ba sa kanila.

Nag-woah ang crowd na naging dahilan kaya napatigil ako at napangiti ng sikreto.

Akala mo mga nanunuod lang ng sine, e. Masaya sila.

"Fuck," he cussed pero mahina lang. Sapat na para marinig ko. "Wala naman akong pake sa iyo," bigla niyang sabi nang malakas. Napaangat ako ng tingin. Still wearing that smirk on my face.
"O e bakit andito ka pa? Did I hurt your little ego, boy?"

Napapikit siya nang mariin kaya natawa ako nang mahina. Wala pala 'to, e. I heard his ego crashing and I want to laugh devilishly to let him know that I am the boss.

Nakita kong naikuyom na niya ang kamay niya at ready nang sapakin ako.

"You're a slut, right? I could bang you if I want."

His words echoed in my ear. Memories are flashing and I swear, I could only see red.

Huminga ako nang malalim pero shit! Hindi kinaya ng temper ko. Agad ko siyang sinuntok sa mukha. Sayang pogi ka sana kaso gago kang hinayupak ka. Muntik na akong mapasigaw sa sakit ng kamao ko na tumama sa pisngi niya pero hindi ko ginawa. Duh. I still have my pride. Hindi na baleng masaktan, 'wag lang ang pride ko.

Thisbe, isipin mo na lang na basag ang pretty face niya at ang ego niya. Masaya ka na dapat doon.

"Talaga ba so called fuck boy na walang ma-fuck? You would never ever bang me, you shit," sabi ko saka dinuraan siya sa mukha, nag-fuck you pa ako, at saka umalis.

The crowd gasped.

Mga hinayupak. Ginagalit ako.

That's the word I really hate the most. Hinayupak talaga. Nanggigil ako.

Habang naglalakad ako palabas sa ngayong tahimik nang canteen ay huminga ako nang malalim nang paulit-ulit para na rin kumalma ako. Sigurado akong made-detention ako or worst guidance dahil nanapak ako ng antipatikong bastos.

Nang sigurado na ako na wala nang estudyante sa paligid ay agad akong napangiwi at ikinampay ang kanang kamay ko. Bwisit! Ang sakit no'n!

Napagdesisyunan ko na dumeretso sa likod ng school. May forest like doon na puro damo at puno. Pumunta ako sa pinakadulo na kung saan nandoon ang punong lagi kong pinupuntahan. Magka-cutting ako. Tangina kasi nila.

Hindi ito gaanong pinupuntahan ng students kasi restricted area ito. E kaso madami na akong nagawang masama why not add it right? Malamang 'yong mga napunta rito e 'yung nagawa ng milagro at hindi na makapag-motel. Eew. These shitfucks na hinayupak.

Mga wala namang pambili ng condom at pang-rent sa motel gumagawa na ng bata tapos hindi naman kakayanin na buhayin. Ughhh. Worst kung pinalaglag pa.

Though kung sa akin, mas mabuti na lang kung pinalaglag ako.

Hinayupak talaga.

(Neko's note: I AM NOT AGAINST TO THE TEENAGE MUMS. SHE HAS A REASON. NOTE THAT MY CHARACTERS DO NOT REFLECT TO MY OWN VIEWS. Sinasabi ko lang baka may mag-react e.)

Nagra-rant na naman tuloy ako ng kahit ano sa mundo. Wala kasi akong friends.

Dun ako pumunta sa puno na tinatambayan ko palagi. Makikita mong matanda na 'to dahil sa laki ng mga ugat sa lupa na siyang tinatambayan ko. Sa paligid nito ay may mga dahon na tuyo na na mas lalong nagpapaganda sa paligid. It makes the place natural. Malamig din ang simoy ng hangin at amoy na amoy ko ang bangong dulot ng mga damo at puno sa paligid.

Sa dami at laki ng mga puno rito ay aakalain mong may kapre. Though wala akong pake kung may kapre dito, mabuti nga 'yon e para kunin na niya ako kasi there's no shittier place than this school. Umupo ako sa isa sa mga ugat at sumandal sa trunk. Napapikit. Hindi ko na inalintana kung maputik ba o may mga insekto sa paligid. I just want to sit at peace and silent. Wala na rin akong pakialam kung madumihan ang palda namin o ang long white socks na suot ko. Basta kalmado ang paligid, masaya na ako.

Humangin naman nang malakas na parang kino-comfort ako ng hangin at ng puno. Sobrang tahimik ng paligid and this is the most peaceful feeling I ever felt this week. I love being at peace like this.

Remembering what happened earlier ay hindi ko namalayan na humihikbi na pala ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Pero baka dahil pagod na ako. Pagod na ako sa buhay. Tangina ng mga tao. Pero buti na lang strong akong lumaki. Kulang man sa kalinga lalaban pa rin.

"PUTANGINA NINYO MGA HINAYUPAK!!!" inis na sigaw ko habang tumutulo pa rin 'yung mga luha ko.

I'm just a 16 year old highschool kid. Why do I have to experience this pain?

"Ingay."

Nakarinig ako ng pagtapak sa mga tuyong dahon kaya napalingon ako at napakunot ang noo.

Kita ko ang malalamig na mata niya na nakatingin sa akin. 'Yon pa lang ang naririnig kong salita galing sa boses niya. Wala iyong emosyon. Parang nawalan ng hypothalamus itong isang ito at na-flush sa toilet lahat ng emotions na pwedeng ipakita.

Pero kahit na ganun, he's hot. Yes, hot indeed.

Matangkad sya compared sa mga highschool hinayupak kiddos sa school. Probably around 5'11. May magulong buhok na parang kagigising lang pero that made him hotter. Kita ko rin mula sa distansya namin na matangos ang mga ilong nya. May mapupula at maninipis na labi. At may mga matang walang emosyon. He's wearing a grey hoodie on top of his uniform which makes him look cool. I bet he's the kind of guy who wears hoody all the time.

Umiling ako. Thisbe! Stop checking him out. For sure ay isa rin naman itong hinayupak sa school namin. He's probably a jerk too.

Tinaasan ko lang siya ng kilay. Tiningnan naman niya ako.

Dahil may tao sa paligid ay napatigil ako sa pag-iyak. Ayaw ko na makita ako ng isang hinayupak na stranger na umiiyak.

Xyza Thisbe Elemenop does not show her weakness to anyone. She should not.

"So why does the tough Xyza Thisbe is crying?" he asked. I can't detect any sarcasm in his voice neither joy. Plain. Walang emosyon. Just asking.

I rolled my eyes.

"I'm not crying." Hindi dahil aminado akong pogi siya e gaganiyanin na niya ako. At hindi dahil nakita niya akong umiiyak ay aamin ako. Fake it till you make it nga 'di ba?

Duh. I appreciate good looks. everyone has their own looks naman and I appreciate those kahit na hinayupak siya.

"Okay," he said then naglakad na palayo.

Gago. Hinayupak. Abnoy. Hindi man lang ako pipilitin? Sabagay, sino ba namang interested sa akin e nambabasag ako ng ilong? Ganda nga nananapak naman. Isa pa, he probably knows my dark past dahil sa mga epal na hinayupak naming schoolmates na walang ginawa kung hindi ang pag-usapan ako. Ganda ba sila?

He caught my attention though, hindi namimilit. Walang pakialam. Simply asking.

Napapikit ako. Dinamdam ang hangin na umiihip sa mukha ko. Mas gusto ko rito, away from the shitty people in that school kahit na minahal ko sila dati. Ngayon, lahat sila shit na. Tangina nila.

Minutes passed and the memories are haunting me again and I couldn't do anything but bite my lip till it bleeds. I tasted my own blood. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at pinigilan ang sarili kong umiyak. I'm tired of crying. Hinayupak!

"O." I heard his icy cold voice kaya napatingin ako sa kaniya. He's giving me a handkerchief pero hindi ko 'yun pinansin. "Your lip. It's bleeding."
"Obviously," I fired back and rolled my eyes.

Ninja ba 'to? Hindi ko man lang narinig 'yung mga tuyong dahon. Kanina naman narinig ko.

This gwapong hinayupak just stared at me with that dark cold orbs of his like he doesn't care.

"Bahala ka."

Ibinato niya sa mukha ko 'yung panyo saka naglakad papalayo.

"Fucker!" I murmured with a slight smile on my face.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro