Noona -80-
Noona -80-
'Different companies keeps on cancelling all their investments on BTS.'
-KoreaBoo
'Empress Choi Yoora was still the talk of the town because of her relationship with her Co-label BTS Jeon Jungkook'
-AllKpop
'Is BTS Falling down because of Jeon Jungkook's relationship with Choi Yoora?'
-Dispatch
Habang binabasa ko lahat ng article tungkol sa BTS ngayon ay naiiyak ako. Alam kong isa ako sa mga dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila at hindi ko iyon gusto ko.
Nakarinig ako ng mga yabag ng tumatakbo kaya napa-angat ang tingin ko. Nakita ko syang hinihingal na napatigil sa harap ko. Agad nya akong nilapitan at niyakap.
"Jaebum-ah" tawag ko sa kanya habang pinipilit nya akong pinapakalma. Yumakap ako ang mahigpit sa kanya at doon umiyak. Nahihirapan na ako, hirap na hirap na ako sa lahat ng nagyayari sa hindi lang sa mga kamiyembro kung hindi pati sa BTS at sa sarili ko.
Tinawagan ko si Jaebum dahil alam kong sya lang ang makakaya kong harapin dahil lahat ng nagyayari sa BigHit ngayon. Wala akong mukhang maihaharap kila Unnie lalo na kila Oppa, Taehyung at Jungkook. Ang daming nangyayari sa kanila at alam kong nahihirapan na rin sila.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal, umiyak sa kanya. Basta ang alam ko lang inilabas ko lahat ng hinanakit ko sa lahat ng pinagdaanan at pinagdadaanan ko ngayon.
"Gwenchanayo?" Tanong nya sabay abot ng isang malaking baso ng Bubbletea sa akin. Kinuha ko iyon at umupo sya sa tabi ko.
"Molla" sagot ko, hindi ko alam kung Ok na ba ako ngayon dahil ang bigat bigat pa rin ng nararamdaman ko.
"Yung sinabi mo sa akin sa tawag, gagawin mo ba talaga iyon?" Biglang tanong nya kaya napatingin ako sa kanya pero napaiwas din agad.
"Yun na lang ang kaya kong gawin ngayon, Jaebum" sagot ko sa kanya.
"Susuportahan kita sa gagawin mo, kung yun ang magpapasaya sayo" sabi nya kaya bahagya akong napangiti. Tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit. May nagawang kasalanan sa akin si Jaebum pero napatawad ko na sya, alam kong isa syang mabuting tao.
"Jalgayo Jaebum Oppa!" Paalam ko sa kanya, nakita ko naman ang pagngiti nya ng malaki ng marinig nyang tawagin ko syang Oppa. Ito ang unang beses na tinawag ko sya ng ganon kaya nakakapanibago siguro.
Pagkatapos kong makipagkita kay JB at dumiresto ako sa BigHit building, sa opisina ni PD-nim.
Bumuntong hininga ako bago tuluyang pumasok at nakita ko sya na nasa mesa nya at maraming papel na nakakalat. Napatigil sya sa pagtingin sa mga papel ng makita nya ako. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya at sa bawat hakbang ko ay parang pinipiga ang puso ko.
"Anong kailangan mo Yoora?" Cold na tanong nya sa akin, isa siya sa mga nagalit ng aminin namin ni Jungkook ang realsyon namin. Alam kong pinoprotekhan nya lang kami kaya ayaw nyang mangyari ang mga bagay na iyon pero nangyari na ang mga dapat mangyari.
Tumingin ako sa kanya at kita kong pagod na pagod na sya. Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago magsalita.
"Naalala nyo pa po ba yung pagsubok na ibinigay nyo sa akin? Sabi nyo po mapasa ko iyon at hindi ko pa po nasasabi sa inyo yung gusto kong maging premyo ko" nanginginig ang labi ko habang sinasabi sa kanya iyon. Umayos sya ng upo. "Ano bang premyo ang gusto mo?" Tanong nya sa akin.
Pinunasan ko ang mga pisngi ko bago ako nag-ipon ulit ng lakas ng loob na sabihin sa kanya yung gusto kong maging premyo.
***
"Galit ka pa rin ba Noona?" Tanong nya sa akin habang pinaplantsa ko yung uniform a susuotin nya dahil papasok sya ngayon sa SOPA. Gusto kong umiyak ulit dahil sa nangyayari sa BTS ngayon. Sobrang daming cancellations na naganap sa loob lamang ng isang linggo matapos lumabas sa buong mundo ang relasyon naming dalawa.
Nakita ko kung paano magsumikap ang BTS para makamit nila kung nasaan sila ngayon, magkakasama kaming nangarap at nagpagod kaya nakakalungkot isipin na ako ang dahilan o isa ako sa mgiging dahilan ng pagbagsak nila.
Pinunasan ko yung pisngi ko dahil tumulo na ang mga luha ko. Natuluan pa yung uniporme na susuotin nya.
"Noona" tawag nya ulit sa akin at naramdaman ko na lang ang pagyakap nya sa akin mula sa likod.
"Mianhe, hindi ko naman talaga ---" hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya. Inalis ko yung pagkakayakap nya sa akin at binunot yung plug ng plantsa at kinuha yung polo nya.
Lumapit ako sa kanya at inayos ang tie nya, sunod kong isinuot ang polo nya sa kanya. Napatigil ako ng maramdaman kong hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Bakit ka naiyak Noona?" Tanong nya sa akin at pinunasan nya yung pisngi ko gamit ang kamay nya.
"Mianhe Jungkook, jeongmal mianhe" hingi ko ng paumanhin sa kanya, halos walang matira na schedule sa kanila ngayon dahil sa biglaang pagcancel ng iba't-ibang companies. They don't deserve this kind of treatment, the almost give half of their lives just to be in this spot yet just because of me it will be ruined.
"Shhh, wala kang kasalanan Noona" sabi nya sa akin tapos niyakap nya ako ng mahigpit, napa-iling naman ako.
"Andwae! Ako ang dahilan ng lahat, ako dahilan kung bakit kinancel nila ang mga projects nyo" pag-pupumilit ko. Kung hindi ko sana hinayaan ang sarili ko na mahulog sa kanya at kung hindi ko sana hinayaan ang sarili kong mahalin sya at kung sana pinigilan ko ang sarili kong ipagsigawan iyon sa buong mundo edi sana hindi sila nahihirapan ng ganito.
"Noona wala kang kasalanan arraseo? Kung kinancel nila edi kinancel. Magkakaroon pa rin naman kami ng ibang projects bukod sa mga iyon di ba?" Pangungumbinsi nya sa akin pero sinisisi ko pa rin ang sarili ko.
"Pero mahalaga sa inyo ang mga projects na iyon, lalo na sayo. Debut mo na sana sa big screen kung hindi nila kinancel iyon" he was about to debut on a movie kasama ang mga bigatin na artista sa Korea pero kinancel din nila.
"Gwenchana Noona, isa pa hindi pa ako handa sa acting, tsaka ayokong magselos ang Noona ko kung may kissing scene ako sa movie na iyon" nahampas ko sya dahil sa huling sinabi nya at napatawa ako. Alam kong gustong gusto nya ang project na iyon, nakita ko kung paano sya magsaya nung sabihin isa sya sa mga cast pero ngayon wala na. Niyakap nya ulit ako ng mahigpit.
"Magsmile ka lang palagi Noona, ayaw kitang nakikitang umiiyak" tumango ako sa kanya at yumakap pabalik. Sana palagi na lang tayong ganito Jungkook, tayong dalawa lang ang magkasama at walang problema.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at pinagpagan ang polo nya. "Pumasok ka na at baka malate ka pa" taboy ko sa kanya kinuha yung lunch na ginawa ko sa kanya. Gumising ako ng maaga para magawa ko tong simpleng lunch at maipaghanda sya ng mga gagamitin nya ngayon.
Inilapag ko yung lunchbox sa lamesa at nakita kong nagsusuklay sya. Nilapitan ko sya at kinuha yung wax nya at naglagay sa kamay ko. Humarap ako sa kanya at ako ang nag-ayos ng buhok nya habang nakatingin lang sya sa akin.
"Gustong-gusto ko nakataas ang mga buhok mo" sabi ko sa kanya habang sinusuklayan ang buhok nya. Napatingin naman ako sa kanya ang hawiin nya yung buhok ko na nakakalat at iipit iyon sa tenga ko.
"Noona nomu yeppu" pagkanta nya sa harap ko kaya napangiti ako. Pinisil ko yung pisngi nya at inilagay ko yung mga kamay ko sa balikat nya. Inilagay naman nya yung kamay nya sa bewan ko at nakatingin lang ako sa mga mata nya, ganon din naman sya sa akin.
"Dangshineun jeongmal kiyowoyo" sagot ko sa kanya. Naparoll eyes sya sa sinabi ko. "Bakit cute lang Noona?" Parang batang sabi nya sa akin. 'You're really cute'
"Kasi cute ka lang" pang-aasar ko sa kanya at sinamaan ako ng tingin. "Fine, you're so handsome" paggive up ko kaya ngumiti sya. Inilapit nya ng konti yung mukha nya sa akin and he mouthed "Saranghae Choi Yoora"
Idinikit ko naman yung noo ko sa noo nya "Nado Saranghae Jeon Jungkook" Sorry Jungkook, sorry.
-----
Naiiyak ako habang isinusulat tong chapter na to, bakit kaya?? T_T
Epilogue na po ang sunod.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro