Noona -8-
Noona -8-
"Let us all welcome Empress!" sigawan agad ang narinig ko bago kami lumabas mula sa backstage ng isang show na pinuntahan namin. Halos mapuno yung studio ng nga fans namin.
Kumaway agad ako sa kanila at ngumiti. Isa-isa kaming umupo at binigyan ng mic. Sinabihan kami nung MC na magpakilala.
"Annyeong haseyo Empress-imnida!"
"Empress Leader Hyemi-imnida"
"Empress Main Vocalist Jera-Imnida"
"Empress Main Rapper Eunsoo-imnida"
"Empress Maknae and Main Dancer Yoora-imnida"
Sobrang lakas ng sigawan ng mga audience at halos mabingi na kami pero nakakataba ng puso yung pagsuporta nila.
"So hehe pasensya na fan kasi aki ng grupong to kaya nahihiya akong nagsalita" sabi nung MC kaya napatawa kami. Inasar naman sya nung mga audience.
"Ok seryoso na. Anong masasabi nyo tungkol sa pagiging successful ng comeback nyo?" unang tanonh nya. Bilang leader si Hyemi Unnie yung sumagot.
"Syempre po nagpapasalamat kami sa lahat ng sumuporta. Sa pamilya namin, kaibigan, sa staffs, kay PD-nim, sa manager namin at most especially sa mga fans naming walang sawang sumuporta. Pinakinggan nyo ba yung mga bago naming kanta?" tanong ni Unnie dun sa audience. Isang malakas na 'Oo' naman ang sinagot nila.
"Yan thank you at sana hanggang sa huli suportahan nyo pa rin po kami kasi hanggang sa makakaya namin. Gagawa at gagawa kami ng mga nagagandang kanta" dagdag nya.
Marami pang tinanong nung MC sa amin na sinagot naman nila Unnie. Hindi kasi ako masalita sa ganitong mga shows. Ayoko nahihiya ako, pakiramdam ko kapag nagsalita ako baka may masabi akong mali kaya sila na lang yung palaging nagsasalita.
Pagkatapos ng mga tanong ay isang maikling commercial break. Sinamantala naman namin yun para makipag-intetact sa fans. Marami silang tanong pero may isang tanong para sa akin.
"Yoora Unnie, nakita ko kayo ni Jungkook Oppa noong nakaraan sa *insert shop here". Kayo ba?" nagulat ako dun sa tanong nung fan. Kami ni Jungkook?
"Ah hindi, nilibre ko lang sya ng bubbletea doon pero walang ibig sabihin yun" sagot ko. Lumaki naman yung mga ngiti nya.
"Talaga? Ayoko pa kasing magka-girlfrriend si Jungkook Oppa eh tsaka kung magkakaroon man ayoko ng mas matanda sa kanya" ewan ko pero parang nasaktan ako sa sinabi nya pero pinilit ko na lang ngumiti para sa ibang fans.
Pagbalik nung show ay pinerform namin yung comeback song namin at isa pang kanta mula sa bagong album namin.
Pagkatapos nun ay muli kami umupo at nagsimula na ulit magtanong yung MC.
"Syempre isa sa pinakagustong malaman ng mga fans nyo ay ang love life nyo, kahit ako gusto kong malaman yun. Well sino ba namang hindi, sa gaganda nyong yan malamang maraming nagkakagusto sa inyo. So may in relationship ba sa Empress?" nagkatinginan kaming lahat matapos yun itanong nung MC. Well expected naman namin na itatanong yun pero nakakaba pa rin kapag tinanong na.
"Ahh ako po sa ngayon wala. Focus muna ako sa career ko at gusto ko pa pong mas maimprove yung pagkanta ko" sagot ni Hyemi Unnie tapos ngumiti sya ng malaki. Bigla namang nagchant yung audience ng 'YoonMI' kaya agad napa-iling si Unnie.
"Haha wala pong meron sa amin ni Suga, trabaho lang po iyon." depensa nya. Gumanap kasi sila as lovers sa isang MV ng isang grupo, ang ganda ng Chemistry nila kaya nagkaroon agad sila ng mga shipper.
"Pero friends kayo?" tanong nung Mc. Masaya naman tumango si Unnie. " Oo naman po, magkaibigan kami"
"So friends lang pala, pero malay nyo YoonMi shippers sa future di ba?" tawa ako ng tawa dahil sa nakikita ko. Halatang kilig na kikig yung YoonMi shippers eh, kahit ako shipper nila.
"Ok ikaw Jera-ssi, may boyfriend ka ba?" isang ngiti ang isinagot ni Jera Unnie. "Sana nga po meron kaso wala eh hahaha" sagot nya.
"Pero priority ko po ngayon yung career namin kaya Ok lang na wala muna" dagdag nya pa. Tumango naman yung MC sa sagot nya bago lumipat yung tingin kay Eunsoo Unnie na halatang kinakabahan ngayon.
"Eto curious ako sa lovelife nito, Eunsoo-ssi" bumuntong hininga muna si Unnie bago sumagot. Hinaplos ko naman yung likod nya since magkatabi lang kami ngayon.
"Neh, may boyfriend po ako" matapang na sagot nya. Alam ng lahat sa BigHit na aamin sya ngayon. Non-idol naman yung boyfriend nya so hindi sya pag-iinitan, sana.
Hati ang opinyon ng audience, may nalungkot at may natuwa. Kahit yung MC nawala yung ngiti nya.
"Ang sakit naman nun, yung bias ko may boyfriend na" pabirong sabi nung MC at hinawakan pa yung dibdib nya. "Jinjja? Ako bias mo? Sorry Oppa" sabi ni Eunsoo Unnie.
"Well wala naman akong magagawa, good luck na lang sa relationship nyo at sana magtagal kayo, di ba Eunsoo Fans? Tatanggapin natin di ba?" malakas na 'Neh' naman ang isinagot ng audience. Tumingin sa akin si Unnie at nginitian ko sya. Sa wakas nasabi na rin nya sa lahat na may minamahal na sya.
"So lipat nan tayo sa Maknae. Ilang tain ka na ulit Yoora?
"21"
"So may boyfriend ba si Yoora?" tanong nya. Itinaas ko yun mic na hawak ko at itinapat yun sa bibig ko.
"Wala po, bata pa po ako" sagot ko. "Since na kay Yoora na rin tayo, trending kagabi sa SNS ang SNS update ni JB ng Got7 anong masasabi mo dun?" kumunot ang noo ko sa tanong nya. Anong kinalaman ko sa SNS update ni JB?
"Ano po ibig mong sabihin?" nakangiti pa rin na tanong ko sa kanya. Hindi ako nakapagbukas ng SNS kagabi dahil kailangan kong matulog ng maaga para dito sa show na to kaya wala akong alam sa nangyayari sa SNS kagabi.
"Can we show her the picture?" tanong nung MC sa mga Staff. Biglang nagbago naman yung LCD sa likuran namin at lumabas doon ang isang picture ko na nakaside-view at may caption na.
What do you think she's doing right now?
Galing yung picture sa SNS na Instagram. Paano ako nagkaroon ng picture kay JB?
Tumingin ako ulit dun sa LCD at tinignan ng mabuti yung picture. Doon ko napansin na kuha yun noong nagphotoshoot kami para sa isang magazine.
Kahit na naiilang ay ngumiti ako at sumagot para walang issue. "Siguro po wala namang ibig sabihin yan, baka nagkataaon na napicturan nya lang ako noong nagphotoshoot kami kaya ipinost nya, isa pa kaibigan ko po si JB" sagot ko. Walang nagsalita, kahit ako nagulat sa pagpost nya kaya nagtataka ako bakit sya magpopost ng ganun.
"Yoora-ssi hindi lang yan yung pinost nya" sabi nung MC kaya napatingin ulit ako dun sa LCD at napako yung tingin ko sa caption na nakalagay sa dun sa bagong picture. This time yung picture ay nung kinukunan ako ng solo. Nakangiti ako ng malaki habang nakahawak sa swag cap at may isa din bola ng basketball sa kamay.
My Crush ♥
Matapos kong mabasa yung caption ay isa lang ang nasa isip ko.
Gulo to.
------------------------------------
Alam kong hindi mo to mababasa pero I would like to Greet the one who always ruin my bias list and BTS Golden Maknae Jeon Jungkook a HAPPY BIRTHDAY!
Yah! Magkasing edad na tayo NGAYON pero in 5 months lalamang na naman yung edad ko sayo T^T Saklap pre -_- Actually nagulat ako nung malaman kong mas matanda ako sayo kaya bitter talaga ako.
Imagine 7 months! Nakakatayo at nakakakain na ako nung ipinanganak ka! Alam mo ba yun?
Ikaw sikat na samantalang ako ayun pagkain lang ata ang talent kaya everytime I see you performing I FEEL SO UNTALENTED -_-
Pero kahit ganon Proud ako sayo as a FAN and as a NOONA chosss >_< 7 months lang oy. May chance pa akong tawagin kang OPPA HAHAHA XD
So ayun sana madami pa kayong maging Comeback kasi I'm always looking forward sa mga comeback nyo. Yung mga bago nyong kanta at MV's kahit na isa kayo sa dahilan kung bakit wasak na ang PUSO ko at Memory Card ko.(FANGIRL PROMBLEMS)
So ayun, nobela na kaya Happy Birthday ulit and God Bless.
P.S: Wag kang magpamature look ng magpamature look kasi you'll always be our BABY. Our GOLDEN MAKNAE ♥♥♥
P.P.S: Saranghaeyo ♥♥♥
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro