
Noona -79-
Noona -79-
"Tama na yan" bigla na lang may umagaw sa bote Soju na hawak ko. May nakita akong lalaki na umupo sa harapan ko, malabo ang pagkakakita ko sa kanya dahil sa hilo pero kilala ko sya.
"Hakin na nga yan! Kung gusto mo bumili ka ng iyo!" Sabi ko sa kanya sabay agaw sa soju ko pero mas lalo nyang inilayo iyon sa akin. Badtrip naman tong lalaking to, hindi nya ba alam na broken ako? Tangina kasi nung lalaking mahal ko eh, tangina.
Lumapit sya sa akin at pilit akong pinapatayo pero hindi ako pumayag. Ayoko nga, first time kong uminom ng soju at masarap pala sya kaya dapat maubos ko yung nasa boteng hawak nya.
"Lasing ka na" sabi nya, napatawa naman ako ng malakas.
"Aniyo! Haha hindi pa ako laseng!" Sagot ko, sunod ko na lang na naramdaman ay parang lumulutang na ako sa lupa.
"Ibaba mo nga ako! Iinom pa ako ng Soju!" Pagwawala ko pero mas hinigpitan nya lang ang pagkakahawak nya sa akin.
Hindi nya ako binaba, binayaran nya yung ininom ko at nagsimulang maglakad paalis sa lugar na iyon habang buhat buhat ako.
"Taehyung-ah" tawag ko sa kanya. Dahan-dahan syang naglalakad habang nakapasan ako sa likod nya.
"Wae Yoora-sshi?" Sagot nya. Ramdam ko ang hilo, nakailang bote din siguro ako ng soju kanina.
"Ang sakit. Ang sakit sakit na" hindi sya sumagot pero alam kong nakikinig sya.
"Shibalyo Jeon Jungkook, shilbayo! Magsama kayo ng baliw na si Eun-ah! Magsama kayo! Wag na kayong papakita sa akin!"sigaw ko, ramdam ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha ko. Kanina nung iniwan nya ako sa harap ng mga maraming tao at pinili si Eun-ah gusto mawala na kasi sobrang sakit ng nararamdaman ko kanina.
"Bakit ba hindi na lang kasi ikaw ang minahal ko eh! Edi sana masaya ako, edi sana hindi ako nasasaktan ngayon" pinunasa ko yung mga luha na patuloy pa ring napatak mula sa mga mata ko. Nakakainis din tong mga luhang to eh, panira ng moment. Bigla bigla na lang natulo, kung kelan mo pinipigilan kusa naman silang nabagsak.
"Nandito pa rin naman ako para sayo" sagot nya. Napatigil sya sa paglalakad at napababa naman ako mula sa pagkakarga nya. Humarap sya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Pwede mo pa rin naman ako ang piliin mo Yoora" seryosong sabi nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ako na lang Yoora, mababaliw na ako sa tuwing nakikita kitang nasasaktan at umiiyak dahil kay Jungkook" dagdag nya pa. Nakita ko ang pagpatak ng mga luha sa mata nya. Habang nasasaktan ako, alam kong mas nasasaktan sya.
"Pwede ba Yoora? Kahit isang araw lang ako naman ang makita mo? Kahit isang araw lang kalimutan mo naman si Jungkook at isipin mong ako ang mahal mo?" Pagmamaka-awa nya. Napakagat ako ng labi ko, maya-maya ay lumuhod sya sa harap ko.
"Taehyung" tawag ko sa kanya at pilit syang pinapatayo.
"Jebal Yoora, jebal" umupo ako para magkalevel kami, tinignan ko sa mga mata at tumango. Tama na siguro ang pagiging martyr mo Yoora, hayaan mo namang sumayaw ang sarili mo paminsan-minsan.
'ARMY's got shocked when Empress Choi Yoora confessed that she's dating BTS Jeon Jungkook'
-AllKpop
'BigHit's stock drops down by 6% as the Dating news of Empress Yoora and BTS Jungkook comes out'
-Koreaboo
'Proof that BTS Jungkook and Empress Yoora dating issue was real. See photos below'
-Dispatch
'Empress fans got angry as rude comments flooded on Empress new MV as well as Choi Yoora's Instagram'
-AllKpop
Hindi pa ako nakakatayo mula sa higaan ko ay rinig na rinig ko na ang sermon ni Manager Oppa sa akin. Galit na galit sya ang kung ano-anong sinasabi.
Umupo ako sa kama ko at ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko dahil sa dami ng nainom ko kagabi.
"Yoora! Nasa kalagitnaan kayo ng promotions di ba? Alam mong bawal to at bakit si Jungkook pa!" Parang magigiba yung dorm namin dahil sa lakas ng boses nya. Pabalik-balik sya sa harapan ko at galit na galit.
"Mianhe Manager Oppa" sabi ko. Kahit magalit sila, wala naman akong pinagsisisihan na sinabi ko sa lahat na kami na ni Jungkook. Nagpakatotoo lang ako, sa buong mundo, sa kanila at sa sarili ko. Pinatunayan ko lang kay Jungkook na kaya kong gawin lahat para sa kanya pero hindi ko inaasahan na ganon ang makukuha ko.
"Mianhe, mianhe! May magagawa ba yang sorry mo? Galit na galit ang mga fans ng BTS at Harmony!" Nagpantig naman ang tenga ko dahil sa sinabi nya.
"Bakit galit na galit kayo sa akin dahil lang sinabi ko sa buong mundo na kami ni Jungkook masama ba yon? Tao kami Oppa! Hindi kami manhid para hindi mainlove!" Sa unang pagkakataon sinagot ko si Manager Oppa, nakita kong nagulat din sila Unnie dahil sa ginawa ko. Napupuno na rin ako sa kanila, kapag ibang artist ng company na ito ok lang sa kanila na magkaissue pero kapag ako hindi?
"Yoora!" Galit na tawag sa akin ni Manager Oppa, napayuko ako.
"Mianhe, jeongmal mianhe" sabi ko, mali ako. Mas matanda pa rin sya sa akin.
Galit na lumabas mula sa dorm namin si Manager Oppa. Nakita ko din na galit sila Unnie dahil sa ginawa ko.
***
Nakareceive ako ng message kagabi mula kay Taehyung na may puointa kami bukas kaya maaga pa lang ay gumising na ako at pumunta sa dorm ng Bangtan. Pinangbuksan ako ni Taehyung at sinalubong ng matamis na ngiti, hinawakan nya ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa loob ng dorm nila. Kita ko ang paglaki ng mga mata nila Oppa dahil sa nakita nila, iniwan nya ako sa may salas nila at umupo ako sa sofa.
"Yoora" tawag sa akin ni SeokJin Oppa. Tinignan ko sya at ngumiti sa kaya saka sya binati ng magandang umaga.
"Anong --" hindi nya natapos yung sasabihin nya ng bumukas yung pinto ng kwarto ni Jungkook at lumabas sya. Ramdam ako ang pamamara ng lalamunan ko dahil nakita ko sya. Naalala ko na naman na mas pinili nyang puntahan si Eun-ah kesa sa akin na inamin na sa buong mundo na mahal ko sya. Nasaktan ako, sobra. Para ipinamukha nya sa akin na kahit anong gawin ko si Eun-ah pa rin at hindi ako.
Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko. "Noona mianhe,hindi ako ---" hindi ko pinatapos yung sasabihin nya. Walang buhay akong tumango sa harap nya para tumigil na sya. Nagpaalam si Hoseok at Seokjin oppa na aalis na sila kaya naiwan kami ni Jungkook sa salas.
Lumapit sya sa akin at hahawakan nya sana ang kamay ko ng iiwas ko iyon at umurong para lumayo ako sa kanya. "Noona magpapaliwanag ako" sabi nya.
"Wag na, malinaw na sa akin na mas pinili mo si Eun-ah kesa sa akin" walang emosyon na sagot ko sa kanya.
"Noona naman---" tumayo ako mula sa sofa nila pero nahawakan nya ang braso ko at nagulat sya ng alisin ni Taehyung ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
"Hyung" tawag sa kanya ni Jungkook.
Hinila ako papalapit ni Taehyung sa kanya at tumingin kay Jungkook.
"Wag ka ng lalapit kay Yoora" sabi ni Taehyung, napatayo si Jungkook dahil sa sinabi ni Taehyung.
"Hyung girlfriend ko si Noona" katwiran nya. Napangisi naman si Taehyung dahil dito.
"Girlfriend? Sa pagkaka-alam ko kapag girlfriend mo hindi mo sasaktan at iiwan para sa ibang tao at sa pagkaka-alam ko sinaktan mo si Yoora at iniwan mo sya para sa ibang tao so ibig sabihin hindi mo sya girlfriend" nagalit si Jungkook sa sinabi ni Taehyung kaya agad nya itong kinuwelyuhan, inalis iyon ni Taehyung.
"Hindi ako makikipag-away sayo, magdedate pa kami ng girlfriend ko na hindi ko sasaktan at hindi ko iiwan para sa ibang tao"
Hinila nya ako palabas ng dorm nila at dala-dala nya yung scooter na ginamit namin dati. Una naming pinuntahan yunh isang kainan at nagpakabusog kami, sunod sa isang anusement park at sobra kaming napagod kakalibot.
Gabi na at hindi pa rin kami nauwi, may isa pa daw kaming pupuntahan kaya nakasakay kami sa scooter at nakayakap ako sa bewang nya.
"Naalala mo ba to?" Tanong nya, dinala nya ulit ako sa lugar kung saan kita ang buong Seoul at mas napapaganda ng city lights. Tumango ako "Neh, isa sa pinakamagandang lugar na napuntahan ko" sagot ko. Hinawakan nya ang kamay ko and he intertwined our fingers together.
"Nag-enjoy ka ba kanina?" Tanong nya ulit. "Oo naman" nakangiting sagot ko.
"Pero hindi sya nawala sa isip mo" nawala ang mga ngiti ko dahil sa sinabi nya.
"Taehyung" tawag ko sa kanya tapos tumawa sya.
"Hay, tanga mo Taehyung. Alam mo na nga ang sagot itatanong mo pa. Pabo! Pabo-yah!" Sabi nya at pinukpok nya ang ulo nya kaya pinatigil ko iyon.
Nagulat ako ng makita ko na naman syang naiyak. Pupunasan ko sana iyon pero naunahan nya ako.
"Break na tayo Yoora" sabi nya na ikinagulat ko, akala ko ba.
Inilabas nya yung cellphone nya at may tinawagan. "Yah! Gago pumunta ka na dito bago pa magbago isip ko" yun lang ang sinabi nya at ibinababa nya na yung cellphone nya.
"Naaala mo pa ba, dito ako umamin sayo" nakangiting sabi nya pero natulo yung mga luha nya. Gusto ko iyong punasan pero pinipigilan nya ako.
"Dito din kita papakawalan"
"Taehyung ano bang sinasabi mo?"
May narinig kaming mga yabag, humarap sya sa likuran namin at nakita ko si Jungkook doon na nakatayo. Nilapitan ni Taehyung si Jungkook at bigla nya itong sinuntok kaya napahiga si Jungkook. Sumampa sya kay Jungkook at pinagsusuntok ito, pinilit kong awatin sya pero wala akong nagawa.
"Saktan mo ulit si Yoora, hindi lang yan ang aabuyin mo sa akin" banta ni Taehyung kay Jungkook. Putok na ang labi at kilay Jungkook dahil sa ginawa ni Taehyung.
Tinutulungan kong tumayo si Jungkook at nakita kong naglalakad na paalis si Taehyung.
"Taehyung!" Ano bang ginagawa nya? Humarap sya sa akin at ngumiti.
"Maging masaya ka Yoora, para sa akin maging masaya ka" sabi nya tapos tumakbo na sya palayo.
"Noona" tawag sa akin ni Jungkook.
'CBS chooses another leading man for their upcoming movie, cancels BTS Jeon Jungkook's participation'
-Allkpop
'Ceci cancels BTS contract with them"
-Koreaboo
'BigHit's stocks keeps on going down'
-Soompi
'JYP Ent. cancels its collaboration with BigHit Ent.'
-allKpop
-----
1 chapter to go!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro