
Noona -77-
Noona -77-
'Choi Yoora being attacked by Han Eun-ah's brother at BigHit building'
-AllKpop
'Empress says their different on thier new MV.'
-Soompi
Nagulat kami ng pagbaba namin ng van sa tapat ng Mnet building ay sobrang dami ng mga reporters ba sumalubong sa amin. Lahat sila ay may ibat-ibang tanong at nakatuon sa akin.
"Ms. Choi totoo ba na narape ka dati?
"Kaano-ano mo yung kapatid ni Han Eun-ah?"
"Dati mo bang boyfriend si Han Seungho?"
"Kay Seungho mo ba nakuha yang sugat sa mukha mo?"
"Anong masasabi mong nakitang magkasama si Eun-ah at Jungkook kagabi?" Napatigil ako ng marinig ko ang tanong na iyon kaya lalo nila akong dinagsa. Magdamag akong naghintay kay Jungkook matapos ang nangyari sa akin, ni text o tawag wala syang ginawa at hanggang ngayon ay hindi ko pa sya nakaka-usap. Naramdaman kong may humila sa akin papasok sa building.
"Gwenchana?" Tanong sa akin ni Hyemi Unnie pagkapasok namin ng Dressing Room. Tumango ako kahit na iniisip ko pa rin kung nasaan sya. Comeback stage namin ngayon at kinakabahan ako.
Sinimulan akong ayusan at hindi ko mabitawan ang mobile phone ko. Kada segundo ata ay sinisilip ko iyon kung nagmessage na ba si Jungkook pero wala pa rin.
"Sarang Unnie!" Biglang may sumigaw kaya napalingon ako sa kanila at doon ko lang napansin na nandito din ang Harmony. Napansin ako ni Angel, lalapitan nya sana ako kaso pinigilan sya ni Sarang. Kasabayan pala namin silang magcomeback ngayon.
Habang naghihintay kami ay nasa backstage lang kami at nanonood sa performance ng mga naunang magperform sa amin. Napadako ang tingin ko sa audience at napansin kong sobrang dami ng may dala ng banner ng Harmony at Empress. Nandoon din ang BTS pero wala pa rin si Jungkook.
Matapos ang performance ng isang Rookie group sumunod ang Harmony. Sobrang lakas ng fanchant ng mga fans nila at parang mini concert ang naganap. Matapos ay ininterview sila konti ng mga MC at nagpasalamat sila sa mga fans nila.
"Excited ako sa comeback nitong grupong ito, nacancel nung isang linggo pero ngayon nandito na sila. Let's all welcome Empress!" Introduce sa amin ng MC at napunta na sa amin ang spotlight.
Unang kumanta si Hyemi Unnie tapos sumunod si Jera Unnie. Malakas ang sigawan pero hindi lakas ng sa Harmony. Naglakad ako papuntang gitna dahil susunod na ang parte ko ng biglang may tumama sa ulo ko na kung ano. Napatigil ako dahil doon, nakita kong napatigil din sila Unnie at may lumipad at tumama na naman sa braso ko sunod sa mukha ko at rinig na rinig ang 'Boo' ng mga tao.
Patuloy pa rin yung tugtog pero nakatigil na kami sa gitna, hindi namin gaanong makita kung sino-sino yung mga nabato dahil sa nakakasilaw na spotlight.
Sunod kong naramdaman ay may yumakap sa akin para hindi ako matamaan ng mga binabato sa akin. Dinala nya ako sa backstage at sumunod sila Unnie.
"Gwenchana Noona?" Nung marinig ko ang tawag na iyon ay napaangat ako ng tingin. 'Anong masasabi mong nakitang magkasama si Eun-ah at Jungkook kagabi?' Bigla kong naalala yung sinabi ng reporter kanina. Nakita ko kung paano kumunot ang noo nya ng makitang may sugat ang pisngi ko. Hahawakan nya sana ang mukha ng tabigin ko iyon at umalis na sa harap nya.
"Noona saan mo nakuha yang sugat mo?" Tanong nya sabay hawak sa braso ko. Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng pagka-inis kay Jungkook, ewan ko bigla na lang tumulo ang luha ko. Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko at nagpatuloy sa paglalakad, sinundan naman nya ako at humarang pa sa daraanan ko.
"Wae?" Tanong nya ng makitang naiyak ako. Hindi ko sya sinagot, dadaan sana ako sa kabilang side ng doon naman sya humarang.
"May problema ba Noona?" Pakiramdam ko nag-init ang tenga ko dahil sa sinabi nya. Oo, meron! Muntik na akong mapahamak kahapon pero wala ka!
"Yoora!" Biglang may tumawag sa akin at paglingon ko nakita ko si Taehyung na natakbo papalapit sa amin. Agad nyang sinuri yung mukha at katawan ko habang nag-aalalang nakatingin sa akin.
"Mga Fans ng Harmony yung nangbato sayo nakita ko" sabi nya sa akin. Umiling ako habang pinupunansan yung luha ko.
"Wag tayong mangbintang Taehyung" sabi ko sa kanya. Baka mamaya nagpapanggap lang silang Fan ng Harmony.
"Pero nakita ko, Yoora. Ikaw bakit hindi ka umuwi kagabi" napakuyom ako ng kamao ko ng marinig kong hindi umuwi kagabi si Jungkook. Unti-unti nyang pinapatunayan na totoo ang sinabi ng reporter kanina.
Tinignan ko sya habang naghihintay ng sagot mula sa kanya pero ilang segundo na ang nakalipas ay hindi pa rin sya nasagot. Tumalikod ako saka tumakbo palabas. Ito na ba? Ito na ba ang simula ng pagkatalo ko sa sugal na pinasok ko? Bakit ganon? Ang bilis naman.
Sa kakatakbo ko nakarating ako sa lugar na hindi ko alam. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko, nasasaktan ako. Naiisip ko pa lang na magkasama sila magdamag habang ako nanginginig sa takot ay parang gustong mawasak ng puso ko.
Alam ko, alam kong darating ang araw na marerealize nya na si Eun-ah parin pero hindi ko inakala na sobrang bilis. Kahapon masaya pa kami at sa isang iglap nasasaktan na naman ako. Kelan mo na ako titigilan Eun-ah?
Napa-upo ako at doon napaiyak ng malakas, wala akong pakielam kung may nakatingin sa akin o kung nakikilala nila ako o kung ano pa man basta gustong ilabas lahat.
I've been fighting all my life, from my family to my ambition and now to Jungkook. I've been fighting for a long time yet I always lose. I'm a loser, a big loser.
Alam kong isa akong talunan pero ang lakas pa rin ng loob kong sumugal. Ang gusto ko lang naman ay maramdaman na may nagmamahal sa akin.
Meron pala, meron nga palang magmamahal sa akin pero pinili kong magmahal ng iba kesa sa kanya at sya yung lalaking naglalakad papalapit sa akin ngayon.
Inilahad nya ang kamay nya sa harapan ko at inilagay ko ang kamay ko doon. Hinila nya ako patayo saka niyakap ng mahigpit.
"Nandito ako para sayo Yoora, kahit alam kong si Jungkook na"
Napahiwalay ako ng yakap sa kanya dahil sa huling sinabi nya.
"Alam mo?" Kita ko ang sakit sa mga mata nya habang tumatango sya.
"Nandoon ako Yoora, nandoon ako nung sagutin mo si Jungkook"
-----
Last 3 chaps to go!
OMG! T_T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro