Noona -76-
Noona -76-
"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ko kay Jungkook habang magkahawak kami ng kamay na naglalakad papasok sa isang mall. Bigla na lang nya akong hinila papalabas ng building namin at nagpunta kami dito.
"Basta Noona" sagot nya sa akin. Palingon-lingon ako sa paligid dahil baka may makakilala sa amin dito. Nakabeanie kaming dalawa tapos nakashades at naka mask pa. Pero hindi pa rin kami dapat maging kampante dahil kilalang-kilala si Jungkook dito sa Seoul.
Sumakay kami ng escalator para makapunta kami sa second floor ng mall. Dumiretso kami sa isang tindahan ng mobile phone at namili sya doon.
"Maganda ba features nito?" Tanong nya doon sa sales lady na nakabantay sa tindahan. Tumango naman ito at pinaliwanag naman sa kanya yung mga features ng mobile phone na pinili nya.
Humiwalay ako kay Jungkook at nagtingin-tingin din sa mga mobilr phone na nakadisplay doon. Matagal a panahon na din ata yung nakalipas nung binili ko yung mobile phone na hinagis ni Taehyung. Naalala ko binili ko yun pagkakuha na pagkakuha ko ng pinakaunang sweldo ko bilang isang idol.
Ang dami kong nakitang bagong unit at iba iba pa ang size, may nakita akong isa kulay itim na cellphone na nagustuhan ko yung design. Tinawag ko yung isa pang sales lady at pinakuha sa kanya iyon at tinignan. Naramdaman kong tumabi sa akin si Jungkook, "Gusto mo yan?"
Napatingin ako sa kanya ng marinig ko yung tanong nya, kinuha nya yung mobile phone na hawak ko at tinignan ito. "Kapag bumili po kayo ng dalawa sa unit na iyan, bibigyan po namin kayo ng libre couple case kagaya po nito" may itinuro syang couple case na nakadisplay din sa tindahan na ito. Nakuha ng atensyon ko ang isang couple case doon, pareho ng nagtotoothbrush yung babae at lalaki.
Siniko ako ni Jungkook kaya napatingin ako sa kanya, wala akong pera ngayon kaya hindi pa ako makakabili ng bagong mobile phone pero gusto kong maging phone case namin yung nakita ko.
Ibinalik ko doon sa sales lady yung mobile phone na tinignan ko pero kinuha ulit ito ni Jungkook. "Kukuha kami ng dalawa" sabi nya sa babae.
"Aniyo, wala akong --" hindi ako pinatapos ni Jungkook ng senyasan nya ako na wag maingay. Inihanda naman nung sales lady yung dalawang mobile phone na pinakuha nya at pinapili nya ako ng kulay. Kinuha ko yung kulay gold at ganon din ang kinuha nya. Inilabas nya yung wallet nya at inabot sa babae ang isang card.
"Babayaran ko na lang--" pinat nya ang ulo ko para matigil ako sa pagsasalita. "Wala kang babayaran Noona, bigay ko yan sayo" sabi nya tapos inabot naulit sa kanya yung card na binigay nya. Sinilip ko yung lagayan at nanlaki ang mga mata ko ng makita kung magkano yung presyo ng cellphone na kinuha nya.
"Yah!" Papagalitan ko sana sya dahil masyadong mahal yung kinuha nyang cellphone ng hawakan nya ang dalawang balikat ko at iharap ako doon sa mga phone cases.
"May libre kaming phone case di ba?" Tanong nya dun babae at pinapili sya nito sa mga nakadisplay.
"Ahhm ayun!" Sabi nya sabay turo dun sa nagustuhan ko din, kinuha iyon nung babae at inabot sa amin.
"Kamukha mo yung babae haha " nahampas ko naman sya, ang dami nya talagang alam kamo. Kinuha nya yung mobile phone ko at sya yung naglagay ng case tapos sinunod nya yung kanya. Matapos nun ay lumabas na kami sa tindahan ng mobile phone.
"Ah gomawo" hindi ko akalain na ililibre nya ako ng mobile phone ngayong araw. Hinawakan nya ang kamay ko at ngumiti sa akin.
"Wala yun Noona" sagot nya tapos naglalakad-lakad muna kami. Nung mapagod kami ay niyaya nya akong kumain kaya nagpunta kami sa isang restaurant at nagpakabusog. Pagkatapos noon ay naglaro kami saglit sa arcade, palabas na sana kami ng may makita akong photobooth.
Hinila ko sya at pumasok kami doon, tinanggal namin yung mga nakalagay sa mukha namin.
"Ilang shots gusto mo?" Tanong ko sa kanya habang may pinipindot-pindot. Naalala ko madalas kami dati dito ng mga classmates ko sa SOPA dahil ang cucute ng mga designs na pwedeng ilagay. "Kahit ilan Noona" sagot nya. Pinili ko yung 6 shots.
"Game!" Sabi ko tapos umayos ako ng upo at sinuklay yung buhok ko gamit yung kamay ko. Unang shot mukha kaming kinukunan ng pang 1×1, pangalawa ay nakapeace sign naman kami. Pangtlo, nakawacky yung ngiting wagas, pang-apat inakbayan ko sya at kunyaring susuntukin, panglima nakapout kaming dalawa tapos yung huli ay nakasmile lang ako. Nagprint yung picture namin at ang cute ng kuha namin. Inabot ko sa kanya yung kopya nya at nagpaalam ako ng magbabanyo lang ako kaya iniwan ko muna sa kanya yung panyo na dala ko at yung mobilephone binili nya para sa akin.
Pagbalik ko, nasa labas na sya at may tinitignan sa mobile phone nya tapos natatawa sya. "Ano yan?" Gulat ko sa kanya pero agad din nyang tinago yung tinitignan nya. Napapout na lang ako tapos hinawakan nya yung kamay ko saka kami naglakad palabas ng mall.
Pagdating namin sa dorm ay inabot nya yung mobile phone na binili nya para sa akin. "Open mo nga Noona" utos nya sa akin. Nagtaka ako, tinanong ko kung bakit pero ininsist nyang buksan ko yung phone.
Ginawa ko yung pinapagawa nya, bumungad sa akin yung lockscreen na picture nya at may tinitignan sya sa kanan. Maya-maya ay idinikit nya yung cellphone nya at nakalockscreen sa phone nya yung huling pose na ginawa ko doon sa photobooth. Bali kapag pinagdikit yung mobile phone naming dalawa mabubuo yung picture na nakangiti ako samantalang nakatingin naman sya sa akin.
"Kyeopta" sabi nya kaya napangiti ako.
***
'Empress become Soldiers and Princesses as BigHit drops their teaser photos for their upcoming comeback this week.'
-Koreaboo
"Empress fighting!" Sigaw namin pagkatapos ng isang mahabang meeting with Manager Unnie. Tuloy na tuloy na talaga ang comeback namin next week at maganda naman ang mga feedback ng mga fans namin sa mga nirelease na teaser photos namin kahapon.
"Always remember our rules guys, no dating issue habang nasa promotion kayo arraseo?" Muling paalala ni Unnie sa amin kaya naging balisa ako. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong lakas para sabihin ang meron sa amin ni Jungkook. Sinubukan ko pero kapag tinatanong na nila ako kung anong sasabihin ko, natatameme na ako.
Iniwan ako nila Unnie sa practice room matapos ang meeting na iyon, makailang beses akong napabuntong hininga, gusto ko ng sabihin pero natatakot talaga ako, lalo pa at magcocomeback kami ngayon.
Umilaw yung mobile phone ko at nakita kong nagtext sa akin si Jungkook na may mamasabihin daw sya sa akin, nagreply ako sa kanya na mamaya na lang nya sabihin.
Tumayo ako at lumabas ng practice room, pupunta ako sa clinic dahil kukuha ako ng gamot, nasakit na ang ulo ko sa kakaisip. Malapit na akong makarating sa clinic ng biglang may tumakip sa bibig ko at humila sa akin papunta kung saan.
"Sabi ko sayo akin ka lang di ba?" Nanlaki ang mga mata ng marealize ko kung sino yung humila sa akin. Nagpimiglas ako sa pagkakahawak nya pero mas hinigpitan nya lang ang pagkakahawak nya sa akin.
Mas inipit nya ako sa dingding kaya kinagat ko yung kamay nya. Nagbabalik na naman sa ala-ala ko yung mga ng nangyari ng gabing iyon. Inipon ko yung lahat ng lakas ko at itinulak sya saka sya sinipa sa kung saan pinakamasakit tapos tumakbo ako. Dinala nya ako sa hagdan na hindi gaanong ginagamit ng mga tao dito.
Tumakbo ako pababa at iniwan sya pero naabutan na din ako. "Wag ka ng tumakas Yoora" ramdam ko ang sakit ng pagkakahawak nya sa buhok ko. Hinila nya ako paakyat at hinagis ako, tumama yung likod ko sa pader.
Kita ko na naman sa kanya yung mga mata na nakatingin sa akin nung gabing iyon at ramdam ko naman ang takot na nararamdaman ko noon. Lalapit na sana sya sa akin ng biglang may umakbay sa kanya kaya napatigil sya.
Nagulat sya ng makita nya si JooHyun Oppa na naka-akbay sa kanya, sa isang iglap ay nagsuntok na sya ni Oppa at naihiga na sya sa sahig. "Walang nananakit sa dongsaeng ko" sabi nya kay Seungho.
Bumukas yung pinto at isa-isang pumasok sila Unnie at Oppa. Nilapitan ako ni Eunsoo Unnie at niyakap ng mahigpit. Dumating na din yung mga pulis at kinuha na nila si Seungho.
Pagkaposas sa kanya ay hinarap nya ako at ngumisi sa akin. "Sa akin ka pa rin Yoora" sabi nya, bigla naman syang sinuntok ni SeokJin Oppa kaya nadapa ulit sya.
"Nakakarami na kayo ng kapatid mo! Una ikaw tapos sumunod yung malandi mong kapatid na si Eun-ah tapos bumalik ka pa?" Galit na sabi nya tapos pinipigilan na syang makalapit ni Hoseok at NamJoon Oppa.
Dinala si Seungho sa mga pulis at kinunan ako ng statement. Sinabi ko naman lahat ng ginawa nya sa akin kaya kinulong sya. Napag-alaman din namin na tumakas lang sya sa Mental Hospital.
Napitan ako ni Oppa at hinaplos ang buhok ko "Hindi ka na nya masasaktan ne?" Sabi sa akin ni Oppa kaya yumakap ako ng mahigpit sa kanya at doon umiyak sa dibdib nya. "Sisiguraduhin ni Oppa na makukulong na sya habangbuhay" Inalo naman nya ako at nakatulog ako balikat nya.
"Kamsahamnida Taehyung-sshi" nagising ako ng marinig kong may kausap si Oppa. Nakita kong naka-upo ang BTS sa tapat namin.
"Salamat sa pagtawag sa akin at pagsabi ng nagyayari kay Yoora"
Kanina ko pa napapansin, nasaan si Jungkook?
-------------
Last 4 chaps to go...
At papanget na ng papanget yung story haha XD
Sino dito ginagawang pampatulog yung Ma City? Haha ako XD
P.S: WAG NYO NG IPAALALA YUNG CONCERT NG BTS SA AKIN. MAKAKATIKIM KAYO SA AKIN, SINASABI KO SA INYO.
#TeamBahay here T_T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro