Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -75-

Noona -75-

"Kung ganyan din naman Yoora, magandang ipagpaliban na muna ang comeback nyo sa Music shows" sabi sa akin ni Manager Oppa kaya napailing nan ako. Tinawagan sya kagabi ni Taehyung kaya ngayon ay nagpatawag sya ng meeting ukol dun sa nangyari sa akin.

Napatingin ako kila Unnie, halatang nagulat din sila aa biglaang desisyon ni Manager Oppa. Alam kong excited na sila para sa comeback namin dahil miss na miss na nila ang nga fans namin.

"Pero Oppa" sabi ko sa kanya, umayos sya ng upo at hinarap ako.

"Look Yoora, mahihirapan kayo kung may ganyan pa lang mangyayari sayo. Paano na lang kung may gawin yon habang nagpeperform kayo? O kaya manipulahin nya ang mga album sales nyo?" Pangungumbinsi sa akin ni Oppa. Napalaro naman ako ng daliri ko, hindi ko na alam ang gagawin ko. Dahil sa akin ang daming nadadamay na inosenteng tao. Kahit anong gawing kong pagsasakripisyo, kulang pa rin.

"I know your members would understand this right?" Dagdag pa ni Oppa, naramdaman kong may humawak sa kamay ko at nakita kong kay Hyemi Unnie iyon, napatingin din ako kay Eunsoo at Jera Unnie at ngumiti sila sa akin. Ngiting nagsasabing ok lang at kaya ko to.

Kinuha ni Manager Oppa yung cellphone nya at tinawagan yung iba't-ibang music shows para sabihin na icacancel muna ang pagcocomeback namin.

Matapos iyon ay binigyan ako ng tig-iisang yakap nila Unnie kaya napa-iyak ako. Hindi ko alam kung anong ginawa ko noong nakaraang buhay ko at nangyayari sa akin lahat ng mga bagay na ito. Hiwalay man ang nanay at tatay ko, pinalaki naman nila ako bilag isang mabuting tao.

Ako ang pinakahuling lumabas ng conference room at paglabas ko ay nakita ko si Jungkook na nag-aabang sa labas kaya napatigil ako. Nagtama ang mga paningin namin pero umiwas din sya agad at nagsimula na maglakad paalis.

Hindi ko sya tinawag, maghapon nya akong hindi pinansin at alam kong may kasalanan din naman ako. Responsibilidad kong sabihin sa kanya dahil sya ang boyfriend ko pero pinili kong hindi sabihin.

Dahan-dahan akong naglakad sunod sa kanya, nakatingin lang ako sa mga paa nya habang naglalakad sya. Maya-maya ay napatigil sya kaya napatigil din ako sa paglalakad. Humarap sya sa akin at tinignan ako. Wala naman akong mukhang maihaharap sa kanya kaya nagbow ako at mauuna na sana akong umalis sa kanya. Nung madaanan ko sya ay hinawakan nya ang braso ko dahilan para mapatigil ako.

Hinila nya ako papalapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. "Wag mo ng uulitin yun Noona, hindi mo alam kung gaano ako nag-alala sayo ng malaman kong binabantaan ka ng kapatid ni Eun-ah" bulong nya sa akin. Yumakap ako pabalik sa kanya at ibinaon ang mukha ko sa dibdib nya.

"Natatakot ako Jungkook, natatakot ako" sumbong ko sa kanya habang naiyak. Nung wala pa sa akin si Jungkook ang dami ko ng problemang pinagdaan pati ba namang nasa akin na sya ngayon?

"Huwag mo kong iiwan, hindi ko na alam ang gagawin ko kapag iniwan mo ako" kung darating na ang araw na iiwan ako ni Jungkook, yun na din ang araw na susuko na ako. Susuko na ako na ako dahil sa lahat ng pinagdadaanan ko.

Hinaplos nya ang buhok ko at hinalikan ang noo ko, "Shh hindi kita iiwan Noona, yaksok" sabi nya sa akin kaya yumakap ako sa kanya ng mas mahigpit.

***
'BigHit Ent. cancels Empress comeback at different Music Shows'
-AllKpop

From: YooBumShipper
Unnie? Wae? I'm so excited with your comeback.

From: EmpressXBTS
Whhhhhaaaat? What happened?

From: OT4Forever
Bakeeet? Ang tagal kong naghintay eh! T_T PD-nim naman eh!

From: EmpressWillSlay
WHHHHHHHYYYYYYYY????

From: Imdifferent
MALDO ANDWAE!!!!

Pansamantala akong pinahiram ni Jungkook ng cellphone nya kaya nagdownload ako ng Instagram sa cellphone nya na may Piano Tiles na App at ang wallpaper ay si IU sunbaenim. Nginitian lang nya ako ng mapansin nyang nakita ko yung wallpaper nya.

"Papalitan ko yan ng teaser mo bukas Noona" sabi nya sa akin. Naalala ko tuloy yung tweet nya dati na ginawa nya ring wallpaper ang teaser Photo ko. Hindi ko alam kung maiinis ako aa kanya noon eh, spoiler kasi. Nagpaalam sya na may kukunin lang kaya tumango ako.

Naglog-in ako at nakita kong sunod-sunod ang mga comments at messages sa akin ng mga Fans namin.

Magcocomment na sana ako ng may ibang nagcomment para sa akin.

From: YooBumShipper
Unnie? Wae? I'm so excited with your comeback.
    To:YooBumShipper
          Don't wait. I don't care.

From: EmpressXBTS
Whhhhhaaaat? What happened?
     To:EmpressXBTS
            You're Ugly eww

From: OT4Forever
Bakeeet? Ang tagal kong naghintay eh! T_T PD-nim naman eh!
       To: OT4Forever
              What language are you using? Alien language?

From: EmpressWillSlay
WHHHHHHHYYYYYYYY????
        To:EmpressWillSlay
             Get lost!

From: Imdifferent
MALDO ANDWAE!!!!
       To: ImDifferent
          Go away! I don't need you!

Sinubukan kong idelete yung mga comment nya pero hindi ko mabura. Maya-maya ay may tumawag sa cellphone ni Jungkook na isang unregistered number kaya nabitawan ko yung cellphone nya.

Ng hindi ko iyon sagutin ay nagtext ito.

From: 010*********
You can throw your phone away but you can run from me. You're mine Yoora, tell Jeon Jungkook that you're mine, ONLY MINE!.

"Noona!" Tawag sa akin ni Jungkook at nilapitan nya ako.

"Wae?" Tanong nya kaya itinuro ko yung cellphone nya. Kinuha nya iyon at binasa yung message. Agad nyang dinial yung number, sinubukan kong pigilan sya pero hindi sya nagpapigil.

"Tigilan mo na si Noona!" Sigaw nya sa kausap nya, lumabas tuloy ng mga kwarti nila sila Oppa.

"Hindi ako natatakot sayo!" Hindi maipinta ang mukha nya habang kausap nya si Seungho. Galit na galit sya at parang mababasag na nya ang hawak nyang cellphone.

"Hindi sya sayo at hindi sya magiging sayo!" Matapos nyang sabihin iyon ay inihagis nya ang cellphone nya sabay lapit sa akin at niyakap ako.

'Netizens outrages as Empress Main Dancer and Maknae Choi Yoora made rude comments to her fans on her Instagram.'
-Koreaboo

-----
Lame ulit!

Parang nagulo na yung flow T_T.

5 chapters to go!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro