
Noona -74-
Noona -74-
"Gwenchana Noona?" Tanong sa akin ni Jungkook, isang linggo na rin akong kinukulit ni Seungho at hindi ko na alam kung anong gagawin sa kanya. Ilang beses ko ng sinubukang magsabi sa kanila pero lagi nya akong tinatakot na sasaktan nya si Jungkook kapag tinuloy ko ang balak ko.
Nilingon ko sya at ngumiti, hinawakan ko ang pisngi nya ay pinisil ito. "Bakit ang cute ni Jungkook?" Isang linggo. Isang linggo na kaming magkarelasyon at masasabi kong Ok naman. Madalas nya akong asarin kaya napipikon ako pero sinusuyo naman nya ako agad.
"Bakit ang cute ng namjachingu mo?" Balik na tanong nya kaya sinampal ko ng mahina ang pisngi at napailing ako, masyado syang bilib sa sarili nya. Alam naman na natin na sya ang Golden Maknae ng BTS at madami syang talent dagdag mo pang gwapo sya pero kailangan pa ba nyang ipangalandakan sa akin yon, ako na matagal ng kilala sya?.
"Jungkookie pabo" sabi ko sa kanya, sinamaan nya ako ng tingin pero mukhang may naisip syang kalokohan dahil bigla na lang syang ngumiti.
"Ok lang, mahal mo naman" mas napailing ako sa sinabi nya, ang dami nya kamong alam kapag kaming dalawa lang ang magkasama. Kung ano-anong joke ang sinasabi nya sa akin kaso hindi naman nakakatawa at minsan wala pa sa timing, pero tumatawa na lang din ako para hindi sya malungkot.
Hinawakan nya ang kamay ko at he intertwined our fingers together. "Mahal mo ba ako Noona?" out of the blue na tanong nya. Bigla bigla na lang magtatanong tong batang to?
Pinisil ko ang ilong nya at pinitik ng isa ang noo nya "Yah! Ano ba namang klaseng tanong yan? Ikaw mahal mo ba ako?" balik ko sa kanya ng tanong nya. Tinignan ko sya sa mata at hindi sya agad nakasagot. Expected ko naman to, hindi pa din naman nagtatagal yung paghhiwalay nila ni Eun-ah at alam kong sumusugal ko sa relasyon na ito.
"Neh Noona" sagot nya, ngumiti ako sa kanya. Ramdam ko ang sinseridad sa boses nya habang sinasabi nya iyon pero parang may kulang pa rin.
"I must be lucky then, Jeon Jungkook loves me" sagot ko sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin na para bang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko. Na para bang hindi ko sineryoso ang sinabi nya.
"Noona seryoso ako"
"Jinjja? Nakamove-on ka na ba talaga kay Eun-ah?" Seryosong tanong ko na nagpatahimik sa kanya. Matagal sya bago nakasagot, kita ko sa kanya na nalilito pa sya ngayon, ewan ko rin ba sa akin sumugal ako sa relasyon namin kahit alam kong mas lamang ang taya ko.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at nag-inat. "Hayyyyyyy!" Kita ko ang mga bituin sa langit at ang magandang buwan.
"Siguro Noona" sagot nya kaya napalingon sa kanya. Nagtama ang mga paningin namin at tumabi ulit ako sa kanya.
"Siguro? Hindi ka pa sigurado, edi mag break na tayo" napatingin sya sa akin dahil sa sinabi ko. Hindi ko din alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko
"Wag Noona, ayoko. Gusto ko na ding lumaya Noona mula sa kanya. Gusto ko na rin syang kalimutan "
"Edi tutulungan kita" sabi ko sa kanya.
"Gomawo Noona" niyakap nya ako at hinalikan sa noo. Tutulungan kita Jungkook, tutulungan kitang magmove-on kay Eun-ah.
***
"Bakit mukha kang nalugi?" Tanong ni Taehyung sa akin habang naka-upo ako sa sofa ng dorm nila. Nakain sya ng chips at inalok nya ako pero tumanggi ako. Malapit na ang comeback namin at mamaya irerelease na ang nga Teaser namin, dapat nagpapractice ako ngayon pero wala ako sa mood kaya nag-paiwan na lang ako sa dorm namin. Pero nakaramdam din ako ng takot mag-isa kaya lumipat ako dito sa dorm nila Oppa. Gabi na at tulog na si Jungkook kaya ayoko na syang abalahin.
Nag-iisip ako ng paraan kung paano ko iiwasan si Seungho dahil natatakot na talaga ako sa kanya. Palagi syang nagtetext at natawag sa akin.
Umilaw yung cellphone ko na nakalagay lang sa sofa pero hindi ko iyon pinansin.
"Nuguya!" Biglang sigaw ni Taehyung habang nasa tenga nya ang cellphone ko. "Hindi ka si Jungkook, pabo!" Agad kong inagaw yung cellphone ko at itinago iyon. Masama ang tingin nya sa akin habang itinatago ko yung cellphone ko sa likuran ko.
"Sino yun Yoora? Bakit ganon yung mga messages nya sayo?" Galit na tanong nya sa akin, napailing naman ako at napa-iyak. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. Lumapit sa akin si Taehyung at niyakap ako.
"Sabihin mo sino yun" muli akong napailing, madadamay sya. Ayokong madamay sila dahil alam kong iba mag-isip si Seungho.
"Hindi pwede Taehyung" naiiyak na sagot ko sa kanya. Pinunasan nya yung pisngi ko at pinakalma ako.
Matapos ang ilang minutong pag-iyak ay medyo kumalma na ako. Pinaharap ako ni Taehyung sa kanya at seryosong tinanong.
"Sabihin mo sa akin Yoora, sino yon? Sino yung nagpapadala sayo ng mga messages na ganon?"
"Baka madamay kayo Taehyung, ayokong madamay kayo" sagot ko sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyaring masama sa kanila.
"Pero hahayaan mo ang sarili mong takutin nya ng ganon-ganon na lang?" Mas gusto ko yun kesa mapahamak kayo.
"Sabihin mo sa akin"
"Si Seungho" sagot ko sa kanya, napahilamos naman sya ng mukha nya dahil sa sinabi ko.
"Si Seungho yung---" tumango ako at hindi na maipinta ang mukha nya. Lumapit sya sa akin at inilahad ang kamay nya sa akin.
"Akin na yung cellphone mo" utos nya, unti-unti naman akong lumayo sa kanya habang hawak-hawak ko ang cellphone ko sa likod ko.
"Taehyung" tawag ko sa kanya pero nagpumilit pa rin sya kaya ibinigay ko na sa kanya ang cellphone ko. Pagkabigay ko sa kanya ay inihagis nya iyon kaya nabasag ang cellphone ko. Inilabas nya ang cellphone nya at may tinawagan.
"Hyung nasan ka?" Sabi nya sabay labas ng dorm nila. Hindi ko na alam ang gagawin ko, baka pati sya madamay. Ano ba naman to.
Pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Jungkook na nakatingin sa akin. "Wae Noona, bakit hindi mo sinabi sa akin?"
-----
6 lame Chaps to go!
Haha ang panget na ata ng flow ng story ko T_T
I'll try to Update one more chapter this night Xd
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro