Noona -71-
Noona -71-
Nanlaki ang mga mata makita ko syang sa likod ng photographer na nakuha ng litrato namin para sa album jacket. Para syang bata na nanonood ng mga nakamanghang bagay. Hindi ko pinahalata na nakita ko sya at nagfocus ako sa mga pose na ipinapagawa sa amin ng photographer.
Pinatawag sila Unnie dahil iretetouch sila kaya naiwan akong mag-isa sa gitna. Nakasuot kami ng camouflage na damit ng nga sundalo pero hindi ordinaryong uniform ng sundalo. Yung typical na pang hiphop yung genre. Nagtama ang mga paningin namin at nakita kong nakasimangot sya.
I mouthed 'Wae' at tinuro naman nya ang suot kong damit. Kita kasi ang tyan ko sa damit na suot ko. Nagpout naman ako at itinuro si Manager Unnie. Nawili ata sila dahil sa pagsuot ko ng hanging blouse noong Dream Concert.
"Sinong kausap mo dyan?" Nagulat ako ng tanungin ako ni EunSoo Unnie, tumingin sya sa direksyon na tinitignan ko at binangga nya ang balikat ko ng makita nya si Jungkook doon. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.
"Nakadikit na naman sayo yang si Jungkook ah" sabi sa akin ni Unnie kaya medyo mawala yung kaba na nararamdaman ko. Bumalik na sila Hyemi at Jera Unnie kaya nagpatuloy kami sa photoshoot.
Nung Solo na nila Unnie ay pinuntahan ko sya, kunot noo nya akong sinalubong.
"Baka hanapin ka nila Oppa" bungad ko sa kanya, umiling naman sya at inabutan ako ng isang bote ng tubig.
"Masyado atang mataas yang damit mo Noona" sabi nya at narinig iyon ni Manager Unnie na nakalapit na pala sa amin.
"Sakto lang yan Jungkook" sagot sa kanya ni Manager Unnie at inayos yung buhok ko na nakabraid ngayon.
"Anong ginagawa mo dito? Baka hanapin na ng Manager nyo" balik na tanong sa kanya ni Unnie at tinignan sya.
"Nagpaalam po ako na pupunta ako dito" sagot naman nya. Tumango si Unnie tapos may tumawag sa kanya kaya iniwan nya ako.
Sumandal si Jungkook sa pader na malapit sa akin, nakatingin lang sya habang nireretouch yung make-up ko. Napatingin ako sa kanya at kita kong medyo pagod sya.
"Anong oras natapos practice nyo kagabi?" Tanong ko sa kanya, tumingin sya sa akin bago sumagot.
"3 am na Noona" sagot nya, kaya pala pagod sya. Nauna kasi kaming umuwi sa kanila kahapon dahil kailangan naming magpahinga ng maaga dahil sa photoshoot na ito.
Kakausapin ko pa sana sya ng tawagin na ulit ako kaya nagpaalam na muna ako sa kanya. Sa sobrang dami naming ginawa ay hindi ko na naasikaso si Jungkook, matapos yung photoshoot namin ay nakita ko syang nakatulog sa isang sofa.
Nagsabi ako kila Unnie na mauna na silang umuwi at susunod na lang ako tapos tinuro ko si Jungkook na natutulog pa rin ngayon. Kinuha ko yung mga gamit ako saka sya nilapitan. Niyugyog ko sya ng konti para magising sya at nagising naman sya.
Sabay kaming lumabas ng studio kung saan kami nagphotoshoot. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami sa isang park.
"Hindi pa Noona" mahinang sagot nya at napahikab pa sya. May nakita naman akonh coffee shop kaya niyaya ko sya doon. Kumain kami saglit tapos naglakad-lakad ulit.
Habang naglalakad ay inilabas ko yung cellphone ko para picturan yung mga bagay na magaganda na dito ko lang nakita sa park na ito. Tahimik lang si Jungkook at paminsan-minsan ay inistolen shot ko sya.
Umupo kami sa isang bench at doon nagpahinga. "Nagtext na sa akin si SeokJin Oppa, umuwi ka na raw" sabi ko matapos kong mabasa yung text ni SeokJin Oppa sa akin.
"Sinabi mo ba Noona?" Tanong nya at tumango ako. Nagpout naman sya sa sinabi ko at samandal sa upuan.
"Paano tayo mag-didate kung hinahanap ako ni Hyung?" Mahina ang pagkakasabi nya kaya hindi ko masyadong narinig. Yung hinahanap ako ni Hyung lang ang narinig ko. Pinaulit ko sa kanya pero hindi nya inulit.
Maya-maya ay may dumaan na isang grupo ng mga babae at may dala-dala silang mga banner at kung ano-ano pa papunta sa isang parte ng park. Nacurious naman ako kaya sinundan ko sila at nakita kong may Free Concert ang isang malapit ng magdebut na Rookie group sa dito sa park na ito. Hinila ko si Jungkook patayo at sumunod kami kung nasaan yung venue ng Free Concert.
Sobrang dami ng tao kaya hindi na ako makasingit sa gitna, ang tataas at ang lalaki pa ng mga banner na hawak ng mga Fans nila kaya hindi ko sila masyadong makita. Nagtatalon-talon ako pero walang epekto.
"Aww ang ganda ng boses nya" komento ko narinig kong kinanta nila yung Coffee ng BTS, pilit pa rin akong nagawa ng paraan para makita ko sila.
Naramdaman kong tumabi sa akin si Jungkook kaya napalingon ako sa kanya. Umupo sya sa harapan ko at inilahad ang kamay nya sa akin. Tumingin naman ako sa kanya ng nagtataka.
"Kaja Noona, ipapasan kita para makita mo sila" sabi nya kaya umiling ako, mabigat kaya ako, baka mahulog pa ako.
"Sige na Noona" pagpupumilit nya, tumayo sya at nilapitan ako para ipasan ako sa likod nya. Nakita ko yung mga nakanta lalo na yung maganda ang boses.
"Woo! Saranghaeyo Jikook-sshii!" Sigaw ko habang nakanta ulit yung maganda yung boses, may nakalagay na mga pangalan sa dibdib nila kaya nalaman ko ang pangalan nya. Binitawan ni Jungkook ang pagkakasuporta nya sa akin kaya bumaba ako. Nagtaka naman ako, pero naisip ko baka nangalay na sya.
Salubong ang kilay nya ng tignan ko sya. "Wae?" Tanong ko sa kanya pero iniwasan nya ako.
Hinila nya ang kamay ko at naglakad na kami palayo sa venue ng Free concert na iyon. Tahimik lang si Jungkook habang naglalakad kami.
"Sana maging successful ang debut nila no? Ang talented pa naman nila, lalo na yung Jikook ang ganda ng boses" kwento ko sa kanya pero binitawan nya ang pagkakahawak nya sa kamay ko at naunang maglakad sa akin.
"Yah! Waegure?" Humarang ako sa dinadaan nya para hindi sya agad makalayo.
"Binuhat kita Noona para makita mo sila hindi para isigaw na mahal mo sila!" Sagot nya, napatigil ako dahil sa sinabi nya pero napangiti din. Nilapitan ko sya at pinisil ang pisngi nya.
"Jealous eh?" Tanong ko sa kanya, umiwas sya ng tingin. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya.
"Mianheyo" sabi ko sabay aegyo, itong kasama ko matampuhin.
"Aissh! Arra! Arra!" Paggive-up nya. Napangiti naman ako ng malaki dahil doon. Napagdesisyunan naming umuwi na din dahil gabi na.
Sa kabilang dako, nakailang beses ng sinubukang tawagan ni Taehyung Yoora. May gusto syang ibigay dito pero hindi ito nasagot.
--------------
3 UD's OMG!
Last 9 chaps to go...
Naiiyak na ko guys T_T
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro