Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona-70-

Noona-70-

Matapos ang practice namin nung hapon, bigla na lang natext sa akin si Jungkook na pumunta daw ako sa labas ng BigHit. 15 minutes na ata akong nag-iintay pero wala pa rin sya, ilang beses ko na rin sinubukang tawagan sya pero hindi sya nasagot.

"Boo!" May nagsalita sabay hawak sa balikat ko, nagulat ako kaya nabitawan ko yung jacket na dala-dala ko. Pinulot ko iyon at hinarap yung nanggulat sa akin.

"Sabi ko na nga ba at ikaw yun eh!" Asik ko sa kanya sabay palo sa balikat nya. Tinawanan naman nya ako ng malakas. "Ikaw talagang bata ka!" Si Jungkook lang naman ang mahilig mangulat sa akin ng ganon eh.

"Mianhe Noona, kanina ka pa ba?" Tanong nya sa akin, tumango naman ako.

"Neh, mga isang oras na" nanlaki ang mga mata nya sa sagot ko. "Jinjja Noona?" Tumango ulit ako.

"Hala! Mianhe, akala ko kasi--- so ginogoodtime mo lang ako Noona?" Biglang nag-iba ang aura nya ng makita nya akong nagpipigil ng tawa. Ang cute-cute nya kasi habang nagpapaliwanag kung bakit sya hindi agad nakapunta.

"Mianhe saeng, dangsin-eun neomu gwiyeowoyo" sabi ko sa kanya at kinurot pa ang pisngi nya. Napansin kong nataba na ang mga pisngi nya ngayon hindi kagaya nung nakaraang buwan. *you're so cute*

Sinuot ko yung jacket ko at inilagay yung hoodie nito saka nagsuot ng shades, ganun din ang ginawa nya bilang disguise. Ayoko sanang magsuot ng disguise kaso bagong gupit at kulay ang buhok ko para sa comeback namin dahil sa isang araw na yung photoshoot para sa album jacket.

Nagsimula kaming maglakad-lakad. "Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya, umiwas sya ng tingin sya sa akin at ngumiti.

"Basta Noona, akong bahala sayo" sabi nya tapos nauna syang maglakad sa akin. Gabi na at hindi ko alam kung saan gustong pumunta nitong si Jungkook. Pereho kaming may mga practice at ako tumakas lang ako kila Unnie dahil baka saglit lang tong gala na yaya ni Jungkook.

Tumakbo ako ng konti para magkasabay kaming dalawa sa paglalakad, napansin kong mas lalo syang tumangkad kesa sa akin.

"Natangkad ka lalo ah!" Sabi ko kanya at inabot pa yung ulo nya, bakit ba hindi ako tumangkad-tangkad? Matangkad naman ang Appa ko at mga Oppa ko, si Umma nga lang.

Tumigil sya sa paglalakad at tumingin sa akin ng masama. "Nagugulo yung buhok ko Noona!" Asik nya, tumigil naman ako at nagpout. Hanggang ngayon ba naman ayaw nya nagugulo yung buhok nya?

"Sorry" sabi ko in english, sumenyas naman sya na nanonosebleed sya kaya pinalo ko ulit sya. Nagsimula na akong maglakad at iniwan ko na sya pero napatigil ako at humarap sa kanya.

"San ba tayo pupunta?" tanong ko ulit, may tinuro sya sa bandang kanan kaya napalingon ako doon. Wala akong nakita na maganda doon kaya kakausapin ko sana sya ng bigla syang tumakbo papalapit sa akin at hinawakan nya ang kamay ko saka ako hinila patakbo.

"Jungkook Oppa!" May ilang babae ang tumatakbo kasunod namin at may hawak-hawak silang mga cellphone at camera.

"Wag kang lilingon Noona!" Sabi nya at muntik pang malaglag ang shades na suot ko. Lumiko kami sa  may isang daanan at may nakita kaming restaurant kaya pumasok kami doon.

Hingal na hingal kami habang nasilip sa labas kung nandyaan pa sila. Nakita namin na hinahanap pa rin nila kami at naghiwa-hiwalay sila para maghanap sa amin.

"Lagot tayo nito!" Sabi ko sa kanya, baka nakunan kami ng litrato ng mga iyon at ikalat sa SNS bukas, patay kami kay Manager Oppa neto.

"Hindi yan Noona" kumunot ang noo ko sa sinabi nya, bakit parang sigurado sya.

"Nagpaalam ako kay Hyung na maggagala tayo ngayon" dagdag nya pa at saka binati yung matandang nasa counter. Nagpaalam sya?

"Annyeonghaseyo harabeoji" rinig kong bati nya dun sa matandang nagpupunas ng counter. Bumati rin ako at tinanggal nya ang shades nya pati hoodie. Pinatanggal din nya yung hoodie at shades ko dahil safe naman dito.

"Oh Jungkook ikaw pala yan" sabi ni Harabeoji nung makita nya si Jungkook. Nagtataka naman ako habang naupo sa tabi nya. "At may kasama ka"

"Si Noona nga po pala harabeoji, kasama ko sya sa company namin" pakilala nya sa akin at nagbow ako sa kanya.

"Annyeonghaseyo harabeoji, Choi Yoora imnida" tumingin sya sa akin at tinignan ako na para bang kinikilatis ako.

"Choi Yoora?" Tanong nya at tumango ako. Mas nilapitan nya ako at tinignan akong mabuti. Tinuro nya ako at nanlaki ang mga mata nya.

"Lee Jon-ah?" Pilit akong napangiti ng sabihin nya ang pangalan ni Umma. Kilala nya si Umma.

"Anak ka ni Lee Jon-ah?" Ulit nya.

"Neh, kilala nyo po ba sila Umma?" Balik na tanong ko, tumango sya habang naghihiwa ng mga gulay.

"Neh, palagi pa rin ba silang nag-aaway ni MinHyuk?" Mapait akong napangiti sa sinabi nya, ibig sabihin alam nya ang history ng pamilya ko.

"Nagdivorce na po sila 10 years ago" mahinang sagot ko.

"Jinjja? Akala ko naayos nila ang relasyon nila. Naalala ko noon, palaging sinasabi ni Minhyuk na gusto nyang ayusin ang relasyon nila para sa inyo ng mga kapatid lalo na sayo" they tried but they failed.

"Sinubukan naman po nila eh, hindi lang po talaga sila nagtagumpay" sagot ko.

"Buti pinayagan ka ni Minhyuk na maging Idol"

"Pinilit ko po sya eh" sagot ko, inandaan nya ako ng isang bagong luto na ramen.

"Taga Jeju din po ba kayo dati?" Nakakapagtaka naman na kilala nya ang nanay at tatay ko pero nasa Seoul sya. Idol ako pero hindi ko hinahayaan na malaman ng lahat ang tungkol sa pamilya ko, hindi dahil sa nahihiya ako pero dahil sa gusto ko silang protektahan.

"Neh, pero lumipat na kami dito sa Seoul 8 years ago" napatango ako. Sinabihan nya ako na kainin ko na yung ramen na inihanda nya.

Habang nakain kami ni Jungkook ay kwento lang sya at napag-alaman kong kaibigan pala sya nila Appa sa Jeju at maski ngayon ay bumibista pa sa kanya si Appa pero hindi nagkukwento sa kanya.

"Kamsahamnida" sabay naming sabi ni Jungkook matapos naming kumain at nagpaalam na kami. Medyo nagtagal kami dahil sa dami ng kwento ni Harabeoji.

"Noona" tawag nya sa akin habang naglalakad na kami pauwi.

"Hmm" sagot ko.

"Bakit ayaw mo ng Noona-Dongsaeng relationship?" Out of the blue na tanong nya.

"Takot ako, takot ako na baka magaya lang ako sa mga magulang ko" honest na sagot ko sa kanya. Konti lang silang mga nakaka-alam ng dahilan ko.

"Ano po bang nangyari?" Follow up question nya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Mas matanda si Umma kay Appa, 5 years ang age gap nila at dahil doon hindi sila nagkakasundo. Nagpakasal sila dahil sa kompanya. Hindi nila lubos na kilala ang isa't-isa pero kailangan nilang magsakripisyo para sa kapakanan ng kompanya lalo na si Umma. At dahil din sa age gap nila palagi silang nag-aaway. Walang araw na hindi sila nagsisigawan dahil ayaw nila magpatalo." Naalala ko noon pag-uwi ko galing sa school nabibingi ako sa sigawan nila. Gusto ni Umma sya ang masusunod dahil mas matanda daw sya kay Appa pero hindi din nagpapatalo si Appa.

"Hanggang sa isang araw nagpasya silang maghiwalay, at simula din ng araw na iyon natakot ako na baka kapag nakipagrelasyon din ako sa mas bata sa akin matulad ako sa kanila. Ang babaw no? Ayoko kasing maranasan ng mga magiging anak ko sa future ang isang broken family. Ayoko silang magaya sa akin, na lumaki na magkahiwalay ang mga magulang" at ngayon natatakot na din ako dahil gusto kita Jungkook.

"Pero nasa sa inyo naman yun diba Noona? Kung magbibigayan kayo edi hindi kayo maghihiwalay" sagot naman nya sa akin, tumingin ako sa kanya at ngumiti.

"Molla, pero mukhang mas maganda kung mas matanda yung lalaki kesa sa babae di ba?"

"Bakit hindi mo subukan Noona, bakit hindi natin subukan?"

------
Last 10 Lame Chapters to go guys! .......

See you sa ending!







Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro