Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -69-

Noona -69-

"Talo ka na Yoora!" Sabi sa akin ni Taehyung at talagang binabangga pa ako ng balikat nya habang naglalaro kami karera sa XBOX nila. Hindi nama ako nagpatalo at binangga ko rin sya. Aba, ako at ang defending champion sa laro na to, kahit sila Oppa na hustler na sa paglalaro ng XBOX natatalo ko tapos matatalo nya ako?

"Maduga ka naman eh!" Sabi ko sa kanya, hindi na nakuntento sa pagbangga ng balikat nya sa akin, pinakikiealaman na nya rin ang game controller ko. Tinulak ko sya ng medyo malakas kaya natumba sya at tumayo ako para hindi nya ako maabot at mas makapagconcentrate ako dahil malapit na ang finish line.

Maya-maya ay tumayo din sya kasama ang game controller nya at ipinagpatuloy namin ang laban. Halos dikit kami pero mas nauuna ako, halos masira namin ang game controller ng XBOX nila dahil sa intense ng laro namin, panigurado lagot kami kay Yoongi Oppa kapag nasira namin to.

Konting-konti na lang ang distansya ko sa finish line ng bigla nyang agawin ang game controller ko mula sa akin kaya inagaw ko rin iyon pabalik. Ibinangga nya yung kotse ko sa gilid para makahabol yung kotse nya. "Maduga ka! Kala mo!" Asik ko sa kanya, binelatan lang nya ko at nagmake face pa.

Hinila ko yung game controller ko mula sa kanya pero napalakas ata ang hila ko kaya napasama sya at muntik ng tumama ang ilong nya sa akin. Nagkatinginan kami ng ilang segundo hanggang sa makarinig kami ng pagbukas ng pinto kaya umiwas ako ng tingin. Naramdaman ko rin na magkahawak kami ng kamay dahil inaagaw ko sa kanya ang game controller ko.

"Akin na nga to" sabi ko sabay kuha ng game controller ko at umupo, ganun din ang ginawa nya at ipinagpatuloy namin ang laro pero nailang na ako sa kanya. Hinayaan ko na lang sya na manalo kahit mas malapit na ako sa finish line.

Pakiramdam ko iba na si Taehyung, simula nung sabihin nya na gusto nya ako at ngayon nagsisimula na syang magparamdam kahit na ilang beses ko naring sinabi na baka masaktan ko lang sya.

"Noona sali ako" biglang singit ni Jungkook at pumagitna sa amin. Inagaw nya yung game controller ni Taehyung at nirestart yung game namin.

Nagalit naman si Taehyung dahil sa pag-agaw ni Jungkook sa game controller nya. Maski silang dalawa, may iba na din sa kanila. Parang nakikipagkompetensya si Taehyung kay Jungkook na never naman nyang ginawa dati. Palagi na ring naiinitin ang ulo ni Taehyung kay Jungkook ngayon at sinasaktan na rin nya ito.

Habang nag-aaway yung dalawa ay lumabas si Jimin mula sa kwarto ni Taehyung. "Hoy Taehyung! Maglalaba pa tayo!" Sigaw nya habag may dala-dalang laundry basket ng punong-puno ng maduduming damit. Hindi sya pinansin ni Taehyung kaya may ibinato sya dito.

Napatigil si Taehyung at bumagsak sa sahig yung binato ni Jimin sa kanya. Agad namang tinakpan ni Jungkook ang mga mata ko pero naaninag ko na isa ata iyong brief.

"Jimin!!" Sigaw ni Taehyung sabay takbo para habulin si Jimin na tumakbo na rin papunta sa labahan nila.

"Mianhe! Nagkamali ng ibinato!" Sagot naman ni Jimin. Nung wala na sila ay inalis na rin ni Jungkook ang pagkakatakip sa mga mata ko.

"Nakita mo ba yon Noona?" Tanong nya sa akin.

"Ano ba yon?" Kunyari hindi ko alam, hindi din naman ako sure kung brief ba yon o hindi.

"Wala yon Noona, tara XBOX tayo" yaya nya sa akin tapos umupo na sya sa sahig at pumili na ng kotse na gagamitin nya. Kinuha ko yung game controller ko at pumili na rin ng kotse kotse ko. Pinili din namin yung pinakamahirap na daan para mas may challenge.

"Game na Jungkook!" Sabi ko sa kanya at nagsimula na kaming magkarera.

"Ang talo manlilibre ha, Noona!" Pinauna nya ako pero maya-maya ay nalampasan na nya ako. "Sure! Yun lang pala eh!" Sagot ko, libre lang pala eh.

"Oi! Ang daya mo!" Distract ko sa kanya dahil ang layo-layo na nya sa akin pero seryoso pa rin sya.

Pinilit kong humabol pero sobrang layo na nya. Hindi ako pwedeng matalo ni Jungkook! Ako ang defending champion kaya dapat ako pa rin ang manalo.

Tumigil ako sa paglalaro kaya napatingin sya sa akin. "Wae Noona?" Nagtatakang tanong nya, nginitian ko sya sabay kuha ng game controller nya at ipinalit ko yung akin sa kanya tsaka nilaro yung kanya.

"Ang daya mo Noona ah" sabi nya sa akin pero binelatan ko lang sya. Kinuha nya yung game controller ko at ipinagpatuloy nya yung sa akin.

"Nyay! Talo ka!" Asar ko sa kanya ng matapos ko yung laro.

"Ililibre ako ni Jungkook!" Dagdag ko pa, napakamot naman sya ng ulo nya.

"Nandaya ka naman Noona eh" sagot nya sa akin pero umiling ako.

"Aniyo! Hindi kaya ako nandaya" sabi ko naman sa kanya.

"Aissh! Ang ingay nyo!" Napatigil kami pareho ng magsalita si Hoseok Oppa na halatang bagong gising lang.

"Kanina pa kayong dalawa ah!" Dagdag nya pa at umupo sa sofa, mukhang pagod na pagod si Oppa ngayon. Tinignan nya yung nilalaro namin at tinignan nya si Jungkook.

"Nandaya na naman sya ano?" Tumango naman si Jungkook, nagpout ako dahil sa sinabi ni Oppa.

"Hindi kaya!" Asik ko pero tinawanan lang ako ni Hoseok Oppa.

"Inagaw nya yung game controller hyung" sumbong ni Jungkook.

"Ganyan yan, kukunin nya yung controller kapag matatalo mo na sya para sa ang manalo" kwento ni Hoseok Oppa. Oo na! Defending champion ako kasi inaagaw ko yung game controller kapag sobrang layo na nila sa akin.

"Ganyan ka pala Noona" sabi ni Jungkook sa akin.

"Ah basta ililibre mo ko" eh ano kung nandaya ako? Ako pa rin naman ang nanalo kaya dapat ilibre nya ako dahil iyon ang usapan.

"Oo na, bukas ililibre kita"  sabi nya. "Oi Jungkook! Ako din ilibre mo" singit ni Hoseok Oppa.

"Talunin mo muna ako hyung" hamon nya sabay abot ng controller kay Oppa. Kinuha iyon ni Hoseok Oppa at sila naman ang naglarong dalawa.

----
Lame!


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro