Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -68-

Noona -68-

"I think ito na ang tamang panahon para magcomeback kayo" sabi ni PD-nim kaya napangiti kaming lahat nila Unnie, halos tapos na rin lahat ng kanta na gusto naming irelease at matatapos na rin ang choreography ng title track namin. Halos lahat kami ay masaya pwera kay Jera Unnie.

Napansin kong tahimik lang sya habang masayang nag-uusap si Hyemi at EunSoo Unnie. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nilapitan sya. Isang buwan na ang nakalipas matapos mamatay ang Umma nya ay hindi pa rin sya maayos. Madalas syang magkamali sa mga practice namin at minsan maling nota ang nakakanta nya.

Nakikita ko rin syang nakakatulog ng may luha sa pisngi habang nakayakap sa litrato ng Umma nya.

"Unnie, Gwenchanayo?" Tanong ko sa kanya, nikingin nya ako at nakita kong parang natatakot sya. Hinawakan ko yung kamay nya at mahinang pinisil iyon.

Nagalit ako kay Unnie, oo nagalit ako dahil sa ginawa nya pero hindi ibig sabihin noon ay hindi ko sya mapapatawad. Alam kong mabigat yung dahilan nya kung bakit nya iyon nagawa pero sya pa rin si Jera Unnie. Sya pa rin yung Jera Unnie ko na laging nandyan para sa akin at hindi iyon mababago ng nangyari sa amin.

Nginitian ko sya at nakita ko nagulat sya sa ginawa ko. Simula din nun alam kong iniiwasan nya ako, ramdam ko yun.

"Yoora" mahinang tawag nya sa pangalan ko, niyakao ko sya ng mahigpit. "Kaya natin to Unnie, ilang taon na tayong magkakasama at kahit anong mangyari magkakasama pa rin tayo sa huli. Empress Fighting!" I've always been the mood maker of this group, siguro dahil ako ang Maknae at palaging positibo ang pananaw ko sa buhay.

Narinig kong napa 'aww' sila Hyemi at Eunsoo Unnie tapos sumunod sila sa pagkakayakap ko kay Jera Unnie.

"Nakakatuwang magmamature na kayo, lalong-lalo na si Yoora" napatingin kami kay PD-nim na kasalukuyang naka-upo sa tapat namin. Nakangiti sya sa amin, humiwalay naman sa pagkakayakap sa akin si Hyemi at pinalo ang ulo ko, kinurot naman ako ni Eunsoo Unnie at kiniliti naman ako ni Jera Unnie. Heto na naman sila, binubully na naman ako.

Lumayo ako sa kanila dahil kapag hindi ko ginawa iyon ay mabubugbog ako masyado, ganyan ako kamahal nila Unnie. Masyado daw akong maganda kaya gumagawa sila ng paraan para mapapanget ako.

Nung lumayo ako sa kanila ay si Jera Unnie naman ang kinulit nila Unnie at nakita kong natawa na sya kaya hindi ko din maiwasang hindi mapangiti. Kaya natin to Jera Unnie!

"Next week ang schedule ng photoshoot nyo para sa album jacket at next next week pupunta tayong Busan para sa MV shooting nyo" sinumulan na ni Manager Unnie na isa-isahin sa amin ang nga schedule namin. Nakinig naman kaming mabuti at isinulat ko iyon sa notebook ko.

"Kagaya ng suggestion ni Yoora, Empress ang pangalan ng 3nd mini Album nyo at I'm Different ang Title track nyo" napapalakpak ako ng malaman kong inaprubahan yung naisip kong pangalan ng susunid na album namin. Actually pati yung pangarap kong nakacamouflage kami tapos may uling sa pisngi ay naprubahan.

Si Hyemi at Eunsoo unnie yung nagawa ng lyrics ng I'm Different samantalang yung rap naman ay si Yoongi Oppa at isa rin sya sa mga producer ng kanta namin. Pambawi daw nya dun sa kanta ko na dapat kasali rin sa album namin pero may nangyari. Si Jera Unnie naman ang nakatoka sa arrangement ng kanta at ako naman sa choreography namin, syempre nagpatulong ako kay Jimin at Hoseok Oppa.

Tumingin kay Hyemi Unnie si Manager Unnie at ngumiti sya."Pumayag din si PD-nim na maging Empress kayo sa MV nyo" nanlaki ang mata ni Hyemi Unnie at agad syang yumakap sa akin. Ibig sabihin hindi lang kami magiging sundalo kundi magiging mga Prinsesa rin sa MV namin. Ang dami naming naisip na ideas regarding sa comeback namin na ito, at isa sa mga inpirasyon ko ang yung mga nangyari sa amin noong nakaraang buwan.

Ipinaliwanag pa sa amin ni Manager Unnie lahat hanggang sa mga schedule namin sa music shows bago kami bumalik sa practice room namin.

"Gusto ko yung umpisa ng MV natin nakasakay tayo sa kabayo tapos may transition na nakasakay naman tayo sa military truck," paliwanag ni Hyemi Unnie sa gusto nyang mangyari sa Music Video namin.

"Oo nga tapos makikipaglaban tayo, hahawak tayo ng espada at baril" singit naman ni Jera Unnie with matching hand gestures pa na kunyari baril yung kamay nya.

Natawa naman ako sa ginagawa nya, buti na lang at hindi ballad yung title track namin kasi kung oo, ewan ko kung anong kakalabasan ng MV namin.

"Mga Unnie, tara't magpractice na ok?" Awat ko sa kanila at binuksan yung pinto ng practice room namin, nagulat ako ng makita kong may nakahiga sa gitna ng practice room. Nakatalikod sya kaya hindi ko makita kung sino, nilapitan ko sya at narinig kong mahina syang nahilik.

Mas nilapitan ko sya "Noona" mahinang sabi nya, napatawa ako ng makita ko si Jungkook na mahimbing nanatutulog at natulo pa ang laway nya.

Dahan-dahan akong umupo ako inilabas yung cellphone ko sabay video sa kanya. Siguro malaki kikitain ko kapag pinost ko tong maiksing video na to ano?

Pinipigilan kong huwag matawa ng malakas dahil paulit-ulit na piniplay yung video nya ng may kumuha ng cellphone ko. Nakita ko na lang na masama na ang tingin sa akin ni Jungkook at tawa ng tawa na sila Unnie.

"Noona naman eh!" Parang batang sabi nya, kinuha ko sa kanya yung cellphone ko at agad lumayo sa kanya, baka burahin nya at wala akong kitaing malaki.

Pinalabas sya nila Unnie kahit ayaw nya para makapagsimula na kaming magpractice.

***
"Kamsahamnida!" Sabi ko sa Ahjumma na binilhan ko ng Ramen na kakainin namin, inutusan ako nila Unnie na bumili ng makakain namin dahil plano naming magtagal pa sa practice room.

Buti na lang at may bukas pang mabibilhan ng ramen ngayon, agad akong tumakbo para makabalik dahil ang lamig ng hangin at baka gutom na gutom na sila Unnie.

Malapit na ako sa building namin ng mapatigil ako dahil sa isang babaeng nakatayo sa gitna at naamoy ko yung pamilyar na amoy ng pabango nya. Ngumisi sya ng makita nya ako kaya napa-ayos ako ng tayo.

"Pwede ko bang maka-usap si Jungkook, Yoora sunbaenim?" Tanong nya sa akin at ramdam ko ang pagiging sarkastiko nya ng tawagin nya akong sunbaenim

"Hindi nakikipag-usap si Jungkook sa mga taong mapagpanggap" sagot ko sa kanya. Ngumiti sya at naparoll eyes.

"Hindi porket natanggal mo ko sa grupo ko ay ang tapang mo na" naglakad sya papalapit sa akin at hinawakan ang buhok ko at agad kong tinabig ang kamay nya.

"Hindi pa tayo tapos Choi Yoora" dagdag nya bago tuluyang umalis. Hindi din naman ako natatakot sayo Han Eun-ah

-----
Hello!
Hello!

May nagbabasa pa ba? T_T

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro