Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -67-

Noona -67-

Pagkabukas ko ng pinto ng dorm namin ay nakita ko si Taehyung na nakatayo sa labas. Kumunot ang noo ko ng makita syang masamang nakatingin sa akin. Lalabas sana ako ng harangan nya ang daraanan ko kaya sa kabila ko naman sinubukan na lumabas pero kagaya kanina ay hinarangan din nya ang daraanan ko.

"Bwo?" Inis na tanong ko sa kanya, gutom na ako at wala akong kasama sa dorm kaya sabi ko kay SeokJin Oppa ay makikikain ako sa kanila ngayon pero itong si Taehyung ang laking harang.

Hindi sya sumagot, nakatingin lang sya sa akin na para bang may kasalanan akong ginawa sa kanya. "Taehyung naman eh bakit ba nakaharang ka dyan?" Inis na dagdag ko, narinig kong bumukas yung pinto sa dorm nila at lumabas si Jungkook mula sa loob. Napatigil sya ng makita nyang nakaharang si Taehyung sa pinto ng dorm namin.

"Noona, kakain na raw po" sabi nya sa akin kaya itinulak ko si Taehyung para makalabas ako pero mas humarang pa sya, ano bang problema nitong lalaking to?

"Umalis ka dyan, nagugutom na ako!" Sabi ko sa kanya, umalis sya sa pagkakaharang kaya tinignan ko sya ng masama, maya-maya ay hinawakan nya ang kamay ko saka ako hinila papasok ng dorm nila.

Pagdating namin sa loob ay nagkahanda na mga pagkain pero may inaayos pa si Yoongi Oppa.

"Oh, Yoora. Tara kain na tayo!" Sabi ni Hoseok Oppa at uupo na sana sya ng pigilan sya ni Taehyung at hilain ako paupo sa dapat uupuan ni Hoseok Oppa. Umupo din sya sa tabi ko at nakita kong nagulat si Hoseok Oppa sa ginawa ni Taehyung pero hinyaan na lang nya ito. Uupo na sana si Hoseok Oppa sa tapat na upuan ko ng agawin naman iyon ni Jungkook kaya napatingin na lang sya ng nagtataka sa dalawa.

Nung makita nya na papalapit si Jimin sa upuan na nasa tabi ni Jungkook ay agad syang tumakbo at umupo doon. Si Taehyung naman ay sinimulan na akong lagyan ng pagkain sa pinggan.

Sinandukan na nya ako ng kanin at nilagyan na rin nya ng karne at side dish ang plato ko.

"Kumain ka na" utos nya sa akin, kinuha ko yung chopsticks at doon ko lang napansin na binigyan nya ako nh maraming kimchi. Aangal sana ako sa ginawa nya ng bigla na lang kunin ni Jungkook yung ibang kimchi at kainin iyon.

"Yah! Ang dami pa dito oh! Para kay Yoora yan!" Asik ni Taehyung kay Jungkook at nagespadahan pa sila ng nga chopsticks nila.

"Hyung, ayaw ni Noona ng masyadong maraming kimchi. Nagkakapantal sya" walang emosyong sabi ni Jungkook kay Taehyung habang binabawasan pa rin yung kimchi sa plato ko.

Ayaw pa rin magpa-awat ni Jungkook sa pagkain ng kimchi na nasa plato ko, tama naman kasi si Jungkook kaso hindi naman masama na kumain ako ng madaming kimchi paminsan-minsan.

Maya-maya ay tumayo si Taehyung at pinalo ang ulo ni Jungkook ng chopstiks na hawak nya dahilan para magulat kami at mabatukan si Taehyung ni SeokJin Oppa.

"Yah! Bakit kailangan mong paluin sa ulo si Jungkook?" Inis na sabi ni SeokJin Oppa kay Taehyung na napakamot na lang ng ulo nya. Umupo sya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain, seryosong-seryoso sya at parang galit.

Napatingin ako kay Jungkook na nasa tapat ko at masama rin ang tingin nya kay Taehyung.

Ano na namang nangyayari sa kanila?

***
Pagtapos kong makikain kila Oppa kay dumiretso kami sa BigHit, may meeting sila ngayon para sa mga magiging concept ng next album nila samantalang ako magtatrain ng trainees.

Halos lahat ng bagong Trainees kakilala ko na at medyo close na kami pwera dun kay Jihyuk. Palagi syang nagsosolo at inilalayo ang sarili nya sa ibang trainees. Kaya naman nyang makipagsabayan sa mga kapwa trainees nya at nageexcel sya lalo na sa dancing, yun nga lang ilag sa kanya ang lahat. Pero kapag ako ang nagtatrain sa kanila, palagi ko syang nahuhuli na nakatingin sa akin.

"Ok! So next week na gaganapin ang magiging huling assessment nyo para sa buwan na ito. Inaasahan kong magpapakita kayo ng iba't-ibang cheorography na kayo mismo ang gumawa. Pwede nyong gamitin ang kanta ng mga sunbaes nyo" paliwanag ni Lara Unnie, yung pinakatrainor nila sa pagsasayaw. Nagbigay pa sya ng ilang detalye tungkol sa assessment na mangyayari next week at pinagpahinga na nya ang mga ito.

"Una na ako Yoora" paalam din nya sa akin at inihatid ko sya palabas ng practice room, nung maka-alis na si Unnie ay pinatugtog ko naman yung susunod na title track namin para sa comeback namin at nagsimulang sumayaw.

Kapag may hindi ako nagustuhan ay binabago ko at isinusulat iyon sa isang papel para mapag-usapan namin nila Unnie sa susunod.

Naka-ilang play ako ng kanta namin ng biglang bumukas yung pinto ng practice room kaya napatigil ako sa pagsasayaw. Nakita kong pumasok si Taehyung at itinaas nya ang isang plastic na dala nya. Pinatay ko yung tugtog at lumalit sa kanya na naka-upo na sa gitna ng practice room at inilalabas yung laman ng plastic na ramen at juice.

"Kumain ka muna, hindi ka nakakain ng maaayos kanina" sabi nya, umupo ako aa tapat nya at kinuha yung ramen na dala-dala nya at sinimulan iyong kainin. Habang nakain ako ay nakatingin lang sya akin kaya nagtaka ako.

"Bwo? May dumi ba sa mukha ko?" Tanong ko sa kanya at umiling naman sya. Kinuha ko yung towel na dala ko at pinunasan yung mukha ko bago bumalik sa pagkain ulit, pero tulad kanina ay nakatingin pa rin sya sa akin na para bang may dumi sa mukha ko. Inilapag ko yung bowl na kinakainan ko at lumapit sa kanya saka pinitik ang noo nya. Nasaktan naman sya sa ginawa ko. "Anong problema mo, kanina ka pa ha?" Tanong ko sa kanya ulit, pero hindi pa rin sya sumagot.

"Wala! Kumain ka na nga lang dyan!" Asik naman nya

"Nakita kitang hinalikan ni Jungkook, nagseselos ako" mahinang sabi nya kaya hindi ko narinig. Tinanong ko ulit sya kung ano yung sinabi nya pero hindi pa rin sumagot ang loko.

----
Just dropping by.

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro