Noona -64-
Noona -64-
Katahimikan ang naghari sa amin ni Jera Unnie pagka-alis ni Hyemi at Eunsoo Unnie. Naka-upo ako sa sofa samantalang sya ay nakatayo dahil sya ang naghatid kila Unnie sa labas.
Nung nakita kong uupo sana sya sa tabi ko ay agad kong pinatay yung T.V at tumayo. Rude na kung rude pero hindi ko pa rin feel si Unnie ngayon. Alam kong hindi ako galit sa kanya, pero ayoko lang na nakakasama sya sa isang kwarto o kausapin sya. Baka kasi kung ano lang ang masabi ko sa kanya kapag magkasama kami.
Pumasok ako ng kwarto ko at isinarado iyon. Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan ko yung instagram ko. Alam kong ayaw ni Taehyung na buksan ko ang mga SNS ko pero hindi ko kayang hayaan na lang silang sabihan ako ng kung ano-ano. Wala naman silang alam ay isang side lang ang ipinapakita ng media.
Gumawa ako ng bagong account at nagsearch ng #Jera. Ang daming lumabas na kung ano, anong articles tungkol sa isang video. Yung video na nakita ko sa Room 4 ng BigHit
@Harmony'sAngel All of Empress member were thieves.
@SarangU Empress was a big joke to K-Pop especially that thief Jera and the pedophile Yoora! Yuckk!
@BTSxHarmony What is she doing? Are she stealing something? That's a shame!
@FakeEmpress They should be disbanded. Worthless Leader, worthless Rapper, a theif and a pedophile Main dancer.
@JiminGotJams Magnanakaw pala si Jera? Bias ko pa naman sya sayang.
@Dayeon-sshi I already unstan them. They have disgusting members!
Kung alam kaya nila kabilang side ganito pa rin kaya ang magiging response nila tungkol sa issue? Ipagtatanggol pa rin kaya nila si Eun-ah at ititigil na rin kaya nila ang pagsasabi ng kung ano-anong masasakit na salita?
Gusto kong sagutin ang mga sinasabi nila pero pinigilan ko ang sarili ko. Nagscroll pa ako ng nagscroll. May ilan din namang nagtatanggol sa amin pero mas marami yung nangbabash.
Nagsawa ako sa kakabasa ng mga sinasabi nila kaya lumabas ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Nagluto ako ng ramen at habang hinihintay ko yong maluto ay umupo muna ako.
Maya-maya ay may lumapit sa akin at umupo sa tapat na upuan. May inabot sya aa akin kaya napatingin ako sa kanya.
Nakita ko yung ballpen ko na ibinigay ni Jungkook sa akin noon, tinignan ko iyon at iniwanan naman nya sa gitna ng mesa.
"Ibabalik ko na sayo yan" panimula nya. Nakayuko sya habang nagsasalita.
"Alam kong galit ka sa akin dahil sa nagawa ko sayo. Hindi ko naman talaga sinasadya na gawin yon, alam ko kung gaano kahalaga yung kanta na iyon para sayo pero--" hindi nya natapos yung sasabihin nya ng biglang magcrack yung boses nya.
"Pero bigla akong nangailangan ng pera, nakita nya ako noon na naiyak sa ospital dahil sinabi ng doctor na kailangan ng oprehan ni Umma at alam kong hindi sasapat yung naipon ko. Mianhe Yoora, jeongmal mianhe" nakatingin lang ako sa kanya habang naiyak sya. Nasasaktan ako sa nakikita ako, isa sya ng mga hinahangaan kong tao at never kong naimagine na magyayari ito sa kanya.
"Sinong nag-utos sayo Unnie?" Tanong ko sa kanya. Inangat nya ang tingin nya "Si Eun-ah, Saeng" mahinang sagot nya pero sapat lang para marinig ko.
"Sabi nya, babayaraan daw nya lahat ng bayarin ni Umma basta kunin ko daw yung isang kanta sa notebook mo. Kung alam mo lang kung ilang beses akong umatras habang nasa labas ako ng dorm ng Bangtan pero tinulak nya ako papasok. Hindi na ako nakapag-isip ng maayos nung mga panahon na iyon dahil ang nasa isip ko lang ay si Umma"
Tumayo ako at milapitan si Unnie, hinaplos ko ang likod nya dahil hindi na sya makahinga ang maayos. "Mainhe Saeng, jeongmal mianhe" paulit-ulit nyang sinabi.
"Tahan na Unnie, ok na. Naiintindihan ko na lahat ngayon" sabi ko sa kanya pero umiling sya.
"Wala na si Umma Saeng, bumigay na sya" agad kong niyakap si Unnie ng sabihin nyang wala na ang Umma nya. Alam kong sobrang mahalaga sa kanya ang Umma nya.
"Wala na si Umma at dahil iyon sa akin! Ako ang may kasalanan kung bakit sya nawala" mas hinigpitan ko ang yakap ko kay Unnie, alam kong mas kailangan nya iyon.
"Shh, hindi mo kasalanan ok?" Sabi ko sa kanya, siguro oras na talaga ng Umma ni Unnie kaya kinuha na sya. Hindi nya dapat sisihin ang sarili nya.
***
Nakita ko si Minjun Oppa na pa rating kaya agad kaming nagbow nila Unnie. Ngayon ang burol ng Umma ni Jera Unnie at hindi sya halos maka-usap kaya kami muna nila Unnie yung nag-aasikaso sa mga nakikiramay.
Pumasok sila MinJun Oppa kasama yung mga manager namin para magbigay galang sa Umma ni Unnie. Kasunod nila ang Bangtan na pumasok sa loob. Nakita ko yung kapatid ni Jera Unnie na si Jinsoo na naka-upo sa isang upuan sa labas. Nagpaalam ako kay EunSoo Unnie na pupuntahan ko lang sya. Umupo ako sa tabi nya at mukhang hindi nya ako napansin.
"Jinsoo-ah" tawag ko sa kanya, nagulat pa sya ng makita nya ako sa tabi nya.
"Gwenchanayo?"tanong ko, mukhang ang lalim kasi ng iniisip nya nya.
"Ne, noona Gwenchanayo" sagot nya pero mukha namang hindi sya Ok.
Maya-maya ay lumapit sa amin si Taehyung at ginulo nya ang buhok ni JinSoo.
"Sangnamja ka di ba?" Tanong nya rito, tumango naman si JinSoo bilang sagot.
"Nice! Pagsubok lang to di ba? Kayang-kaya ni JinSoo yan" paalala sa kanya ni Taehyung, napangiti tuloy si JinSoo dahil kay Taehyung.
"Samahan ko lang po si Noona sa loob" paalam nya sa akin tapos iniwanan na kami ni Taehyung doon.
Ngumiti ako sa kanya at ganon din ang ginawa nya. "Gwenchanayo?" Biglang tanong nya, tumango naman ako. Napansin kong nakatayo si Jungkook malapit sa amin ay may tinitignan sya kaya napalingon ako sa direksyon na iyon.
Nakita ko si Mr. Jang na naglalakad papasok at kasunod nya ang Harmony at GOT7. Napatayo kami ni Taehyung pareho, ang lakas naman ng loob ni JB at Eun-ah sumama.
--------
Chill chapter!
Hue hue!
16 chapters to go!
Will do a Ramdom dedication!
Thank you kay bangtanly sa paggawa ng Trailer!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro