Noona -63-
Noona -63-
Habang nagpapahinga ang Bangtan sa practice room nila ay nakigulo ako, gusto ko kasing tumulong sa sa paggawa ng cheorography ng sayaw namin para sa comeback kaya nagpapatulong akong gumawa ng steps kay Hoseok Oppa at Jimin.
"Oh!" Nagulat ako ng pag-ikot ko ay biglang sumakit ang kanang paa ko, nakita kong napatayo si Taehyung mula sa kinauupuan nya at nagulat pa sila Oppa pero may sumalo sa akin bago pa ako tuluyang bumagsak sa sahig. Pag mulat ko ng mga mata ko ay nag-aalalalng muka ni Jungkook ang bumungad sa akin.
"Noona, gwenchanayo?" Tanong nya, umupo ako at tinignan yung paa ko. Sobrang sakit nya ngayon at halos hindi ko magalaw. Mali ata yung pag-ikot ko kanina.
"Yoora! Gwenchanyo?" Sunod sunod na tanong sa akin nila Oppa at pumalibot sila sa amin. Hinawakan ni SeokJin Oppa yung paa ko. "Andwae!" Sabi ko sa kanya, pinilit kong tumayo pero hindi ko kaya, sobrang sakit ng paa ko.
"Gwenchana" sabi ko sa kanila para hindi na sila mag-alala sa akin. Nagpatulong ako kay Jungkook na tumayo at sinubukang maglakad ulit pero natumba na naman ako. Buti na lang at nasa likuran ko pa si Jungkook kaya nasalo na naman nya ako.
Nag-aalalang lumapit sa akin si Taehyung. "Kailangan mo ng madala sa clinic" sabi nya kasunod non ay naramdaman ko na lang na binuhat na ako ni Jungkook. Napatigil ako ng muntik pang tumama yung mukha ko sa leeg nya.
"Jungkook" tawag sa kanya ni Taehyung, nilingon sya nito.
"Ako na magdadala kay Noona sa clinic hyung" sabi nya tapos naglakad na sya palabas ng practice room. Pagdating namin sa clinic ay wala yung nurse, ibinaba nya ako sa kama at dali-dali syang kumuha ng cold compress at inilagay iyon sa kanang paa ko.
Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa nya iyon. Kasabay ng malamig na pakiramdam ng cold compress at makakaramdam ako ng maliliit na boltahe ng kuryente na nadaloy sa katawan ko sa tuwing madidikit ang kamay nya sa paa ko.
"Noona?" Tawag nya sa akin, nagspace out pala ako habang nakatulala sa kanya.
"Masakit pa ba?"dagdag nya pa, agad akong umiling kahit na ramdam ko pa ang sakit ng paa ko.
Matapos nyang lagyan ng cold compress yung paa ko ay minasahe nya ito ng konti bago nya lagyan ng bandage.
"Wae?" Out of the bule na tanong ko sa kanya. Napatingin naman sya sa akin habang dahan-dahang nilalagyan ang paa ko ng bandage.
"Hmm?"sagot nya.
"Wae na hante ileoneungeoya?" Tanong ko sa kanya, nakakapanibago na nakadikit na naman sya sa akin at nag-aalala na sya sa kalagayan ko. "Why are you doing this?
"Wae? Ganto naman tayo dati di ba Noona? Inaalagaan mo ko kaya aalagaan din kita" bakit iba ang dating sa akin ng sagot nya, parang double meaning para sa akin.
"Di ba?" Dagdag nya pa, tumango ako.
"Ah ne, ne" sagot ko. Ano ba yung iniisip ko? Nung matapos na nyang lagyan ng bandage ay kumuha sya ng upuan at ipinatong doon ang paa kong nasprain.
"Dapat kasi nag-iingat ka Noona, ayan tuloy nasprain ka" sabi nya sa akin habang umuupo sa tabi ko. Ngumiti ako ng konti sa kanya.
"Mian" sabi ko, inangat nya ang kamay nya at ginulo ang buhok ko. Mukhang kailangan kong magpahinga ng matagal-tagal dahil sa sprain na to, baka hindi na ako makasabay kila Unnie.
May maliit na TV dito sa clinic kaya binuksan ko iyon, sakto naman at ipinapakita ang isang na naman bagong episode ng Showtime series at Harmony naman ang Idol na kasali. Matapos ipakita ni Sarang at napunta ang camera kay Eun-ah na natutulog ngayon, nilingon ko si Jungkook at nakita ko ang pagbabago sa mukha nya kaya pinatay ko na yung T.V.
Naghari ang katahimikan sa aming dalawa, nakatingin pa rin sya sa T.V at ako nakatingin sa kanya. Napabuntong-hininga sya at napatingin sa direksyon ko.
"Aissh! Ang panget mo na Noona!" biglang sabi nya kaya agad ko syang napalo, panget na daw ako? Wala kayang nagsasabinh panget si Choi Yoora!
"Bwo? Bakit akala mo pogi ka?" Balik na tanong ko sa kanya, tumango naman sya.
"Ne, I'm the handsome!" Proud na sagot nya, napakunot naman ang noo ko, ano daw?
"Really huh, well your not? I think its SeokJin Oppa"
"No, no Jin hyung, me" kontra nya sa sinabi ko at tinuro nya pa ang sarili nya. Pero syempre si Choi Yoora ako, hindi ako magpapatalo.
"It's not you, its Jin oppa" sabi ko, maya-maya ay sumeryoso sya, parang nagtatampo.
"Yah!"tawag ko sa kanya, pero tinalikuran ako. Hindi pa rin sya nagbabago, isip bata pa rin sya.
"Fine, I give up. Oo na, ikaw na ang pinakapogi sa inyo" pagsuko ko, alam kong magiging bias yun dahil sya ang pinakagusto kong miyembro ng BTS pero namiss ko kasi yung kulitan namin. Yung walang Eun-ah at walang ibang issue.
"Jinjja Noona?" Parang batang sabi nya sa akin kaya tumango na ako at doon ko ulit nakita yung ngiti nyang matagal ko ng hindi nakita.
Habang nakatingin sa kanya lalo na sya mga mata nya, hindi ko maiwasang hindi maiisip na nasasaktan pa rin sya ngayon. Hindi naman madaling kalimutan yung ginawa sa kanya pero nakakatuwang isipin na sinusubukan nya pero sa kabila nun ay kita pa rin na nasasaktan sya.
"Hajimayo" tumingin sya sa akin ng nagtataka.
"Ang ano Noona?"painosenteng tanong nya.
"Wag mong pilitin, mas masakit kung patuloy mong lolokohin ang sarili mong kaya mo na kahit hindi pa"
"Noona" huwag mong piliting ngumiti kasi kahit anong tamis ng mga ngiti mo, ramdam ko yung sakit na nararamdaman mo.
Nakita ko ang pagpatak ng mga luha nya, why so fragile Jungkook?
Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, hinaplos ko ang likod nya at hinayaan lang syang umiyak, ulit.
"Wag kang mag-alala, nandito si Noona para sayo." Nandito ako para sayo Jungkook, kahit nasasaktan din ako.
--------
Bitin na naman haha XD Sorna.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro