Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -61-

Noona -61-

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kakaiyak ko. Akala ko tapos na yung tungkol sa kanta na iyon, handa na akong kalimutan na si Eun-ah na ang kumanta non imbes na kami, handa na akong kalimutan na ako ang may gawa ng kanta na iyon pero hindi pa pala, at hindi ko akalain na isa pa sa mga kagrupo ko ang gagawa nito sa akin.

"Mianhe Yoora" pang-ilang beses na sinabi sa akin ni Jera Unnie ang mga salitang iyan pero hindi iyan ang gusto kong marinig mula sa kanya. Gusto kong marinig mula sa kanya kung bakit nya ginawa sa akin ang bagay na iyon, bakit nya kinuha yung kanta ko at ibinigay kay Eun-ah.

"Jera wae? tanong sa kanya ni Hyemi Unnie pero yumuko lang sya. Ang sakit, nasasaktan ako na sya pa mismo ang gumawa ng bagay na yon. Alam nya, alam nya kung gaano kahalaga sa akin ang kantang iyon kaya hindi ko lubos maisip kung bakit nya iyon ipamimigay sa iba.

"Mianhe" paulit-ulit na sabi nya kasabay nun ang pagcrack ng boses nya. Gusto kong magalit sa kanya dahil sa ginawa nya pero habang nakikita ko syang naiyak ngayon, hindi ko kaya. Hindi ko kayang magalit sa kanya.

"Sinong nag-utos sayo Jera? Sinong nag-utos sayo na kunin iyon?"  Tanong sa kanya ni Eunsoo unnie, pinunasan nya ang mga luha sa pisngi nya at tumayo.

"Hindi ko pwedeng sabihin" sagot nya sa amin tapos lumabas na sya ng dorm.

***
"Yah!" Kanina pa ako tinatawag ni Taehyung pero wala ako sa sarili ko. Nilingon ko sya at nakita kong nagpapacute na naman sya sa akin.

"Us-eo juseyo" sabi nya sa akin, lumapit sya sa akin at tumabi sa sofa kung saan ako naka-upo. 'Smile please'

"Nan sipji anh-a" sagot ko sa kanya. Matapos yung nangyari kanina, nawala na ako ng gana para sa araw na ito. Iniisip ko pa rin kung ano bang dahilan ni Jera Unnie para gawin nya sa akin iyon at kung may kinalaman ba si Eun-ah doon kasi kung oo, baka hindi ko na talaga sya mapatawad. 'I don't want'

"Jebal, jebal" pangungulit pa rin ni Taehyung.

Kinuha ko yung cellphone ko at nung pipindutin ko na sana yung icon ng instagram ay agad na naman nyang kinuha yung cellphone ko at itinago iyon.

"Di ba sabi ko wag kang magbubukas ng kahit anong SNS?" Sabi nya sa akin, pilit kong kinukuha yung cellphone ko pero inilalayo nya.

"Sige, hahalikan kita kapag pinilit mo pa ring kunin" napalayo ako sa kanya dahil doon, ngumiti sya ng malaki at pinat yung ulo ko. Agad ko naman iyong tinapik.

Kakakuha ko nga lang kay Seokjin oppa nung cellphone ko kahapon tapos kukunin na naman nya.

"Oh" maya-maya ay inabot nya sa akin yung cellphone ko. Kinuha ko iyon at nagulat na lang ako dahil wala yung icon ng Instagram. Tinignan ko sya at seryoso lang ang mukha nya.

"Dinelete ko na, ayaw mo namang makinig sa akin eh" kunumot ang noo ko dahil sa sinabi nya, bakit pakiramdam ko pinagbabawalan nya ako, parang sinasakal nya ako dahil ayaw nyang ipagamit ang SNS ko.

"Bakit mo binura?" Inis na tanong ko sa kanya, nakalimutan ko pa naman na kung anong password ko don.

"Kasi nga ayaw mong makinig sa akin"  sagot nya. Nakaramdam ako lalong pagkainis dahil sa sinabi nya.

Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at inilagay yung cellphone ko sa bulsa ng pantalon ko. Hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay hinawakan ni Taehyung yung braso ko at pinaharap ako sa kanya. Nagkasalubong ang mga tingin namin.

"Mianhe" biglang sabi nya, napa-iwas ako ng tingin sa kanya. Habang tumatagal at nagiging vocal sya sa nararamdaman nya para sa akin nakakaramdam ako ng pagka-ilang.

"Ayoko lang naman na mabasa mo yung mga post SNS ngayon" dagdag nya pa. Naiintindihan ko naman sya, pero parang sobra naman na yung ginagawa nya.

"Jeongmal mianhe" tumango ako.

"Gwenchanayo. Naiintindihan ko naman yung gusto mong mangyari eh" sagot ko sa kanya. Hinawakan nya ang kamay ko at tumingin sa mga mata ko.

"Ayoko kasing nasasaktan ka, kaya simula ngayon. Lahat ng nananakit sayo, ilalayo ko na" anong ibig nyang sabihin don?

***
"Argh ang sarap manabunot ah!" Inis na bulong ni SeokJin Oppa habang nakuha ng mga ingredients para sa hapunan ng Bangtan. Napalingon na lang sa kaliwa't kanan habang patuloy sa pagbubulungan yung mga tao sa grocery store.

Kinuha ni Oppa ang isang bote ng olive oil at sinadyang banggain yung isang babae na kung ano-anong sinasabi kay Jera Unnie. Kalat na rin pala ang video na iyon sa SNS at ngayon ay hinahanap na kung sino ang nagpakalat. Nagsisimula na ring magtanong yung mga tao tungkol sa kanta ni Eun-ah.

"Aissh Jinjja!" Sigaw nung babae kay Oppa, himingi sya ng sorry pero patuloy pa rin sa pagtatalak yung babae dahil nalaglag yung cellphone nya ng banggain sya ni Oppa.

Lumapit ako at nanghingi rin ng sorry, hindi nila kami nakilala kasi sobrang balot na balot kami. Siniko ko sya nung maka-alis na yung babae. Inalis nya yung face mask nya. "Bwo? Dapat lang sa kanya yon, akala mo kung sinong maganda" depensa nya. Ipinagpatuloy na lang namin yunh pamimili at pinigilan ko na lang sya na wag ayawin yung mga tao sa grocery store.

Pag-uwi namin ay may mga pulis sa labas ng dorm ng Bangtan at at kinaka-usap ni NamJoon Oppa. May isang lalaki rin silang hawak-hawak at ang sama ng tingin nila Jimin dito.

Lumapit ako kay Jimin at tinanong kung anong nagyayari.

"Nagtangka syang pumasok sa loob ng dorm namin" sagot ni Jimin. Sasaeng ba sya?

Maya-maya ay may lumabas na pulis mula sa loob ng dorm nila Oppa at may dala-dalang isang maliit na video camera. Ng makita iyon ng lalaki ay akma nyang kukunin pero napigilan sya ng mga pulis.

"Napg-utusan lang po ako! Kunin ko raw yung isang camera sa dorm ng BTS at itapon" paliwanag nung lalaki.

"Sinong nag-utos sayo?"  Tanong ni Jungkook sa kanya.

"Si Sir Jaebum!" Nabitawan ko yung dala-dala ko dahil sa narinig ko. Kasabwat din ba sya dito?

-----
Lame!
Hello! Ilang araw pa lang, pero parang taon na ang nakalipas XD

So ayun, nakapag-UD ako dahil sa isang hindi na naman inaasahang pangyayari. Pati kasi sa Twitter nagkakalat na ang #Yookook dahil sa pag-gawa nya ng #DKSBNoona. Naiiyak ako dahil sayo! Nakalimutan ko na yung username mo pero kung sino ka man! Thank you!

Yun lang XD. Naggawa nga din pala ako ng bagong twitter. Yoora_Noona, follow nyo ko juseyo!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro