Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -59-

Noona -59-

"Oh ne, annyeong haseyo" bati ko kay JB. Pagbukas ko ng pinto ng dorm namin ay nakatayo sya sa tapat nito.

Binati nya rin ako at nagtama ang mga paningin namin, bakit ganun yung mga tingin nya parang nag-aalala?

"Tuloy ka, itatapon ko lang tong dala ko" inutusan kasi ako ni EunSoo Unnie na itapon yung mga basura namin sa labas. Nakabalik na rin pala kami sa dating dorm namin kasama ng Bangtan. Iniwan kong bukas yung pinto para makapasok sya, hindi pa ako nakakailang hakbang ay hinawakan nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Kidaryeo, sasamahan na kita" sabi nya sabay kuha nung isang plastic bag na hawak ko at nauna pa syang maglakad sa akin pababa. Sumunod ako sa kanya para makabalik kami agad.

"Unnie! May bisita tayo!" sigaw ko para lumabas ng kwarto nya si EunSoo Unnie, sya lang din kasi ang kasama ko ngayon sa dorm.

"Oh Jaebum" bati ni Unnie kay JB na kasalukuyan ng nakatayo sa tapat ng sofa namin. "Upo ka, teka gagawan ko kayo ng makakain" paalam nya tapos nagpunta na su Unnie sa kusina.

Nauna akong umupo sa sofa kasi ayaw nyang umupo. "Himala napadalaw ka" panimula ko, ngumiti lang sya sa akin bilang sagot.

"Wala lang" maiksing sagot nya. Nandoon pa rin yung tingin nya na parang nag-aalala sya.

"Bakit nga, wag mo nga akong tignan ng ganyan, pakiramdam ko may nangyayari eh" baka naman may ginawa na naman si Eun-ah at damay na naman ako.

Hinawakan nya ang kamay ko kaya napatingin ako doon "Wag mo silang paniniwalaan ah? Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo" ah tungkol pala sa issue ngayon sa SNS.

"Hindi mo ba sya ipagtatanggol? Label mate mo sya JB" agad syang umiling pagkatapos kong itanong sa kanya iyon.

"Oo, label mate ko sya but it doesn't mean na dapat ko syang kampihan kahit alam kong may mali sya." Paliwanag nya, buti pa si JB marunong makaintindi.

"Mianhe" alam kong torn sya between sa company nila at sa akin dahil kaibigan nya ako. Nakakahiya naman na nadamay pa sya sa mga ganitong bagay.

"Ani, kami nga ang dapat magsorry sayo, lalo na si Eun-ah. Masyadong nakain ng galit nya sayo, naawa nga ako sa kanya dahil sa nangyayari ngayon pero naiisip ko mas masakit yung mga nangyayari sayo" ngumiti ako sa kanya. Bigla ko namang naalala si Bambam, malamang napagalitan nya ngayon iyon.

"Si Bambam nga pala---"

"Hiatus din sya Yoora, nagalit sa kanila pareho si Mr. Jang. Gusto ko ding magalit sa kanya dahil sa paglilihim nya sa amin pero hindi ko magawa. She loves Eun-ah so much" nakakalungkot na pareho lang namang nagmahal si Jungkook at Bambam pero pareho silang nakakaranas ng ganito ngayon.

"Ganun ba?"

"Nagshoot  kami ng Weekly Idol ngayon ng wala sya. Argghh nakakastress naman!" Napakahirap talaga maging isang leader, hindi mo alam kung ano bang dapat mong gawin sa mga sitwasyon na ganito.
Hinaplos ko ang likod nya, halata naman sa mukha nya pagod na pagod sya. Hindi lang physically pati mentally.

"Si Eun-ah, kamusta na sya?" Bungad natanong ni EunSoo Unnie habang naglalakad papalapit sa amin ni JB na may dalang mga pagkain.

"Pakisabi sa kanya na hindi ko gusto ang ginawa nya kay Yoora. Pasalamat sya at wala ako nung mga panahong iyon--"

"Unnie" pigil ko sa kanya, alam kong galit na galit sya kay Eun-ah dahil sa mga ginawa nito sa akin pero nakakahiya naman na pati kay JB ay sabihin nya pa.

"Hindi Yoora, dapat malaman ng Eun-ah na yon ang mga ginagawa nya. Napakabata nya pa para gumawa ng mga bagay na ganon! Pati si Jungkook nagkanda loko-loko na dahil sa kanya." Itinuloy nya pa rin yung gusto nyang sabihin. Knowing Koo EunSoo sasabihin nya talaga ang gusto nyang sabihin, pare-pareho silang tatlo pagdating sa bagay na yan.

"Mianhe sunbae" hingi naman ng paumanhin ni JB, nadamay tuloy sya si Unnie kasi eh.

"Mabuti nga at hiatus pa lang ang parusa nya dahil sa ginawa nya, kung ako tinanggal ko na yan sa grupo nya. Kabago-bago ang daming alam na gawin sa buhay" dagdag nya pa. Sa Empress si EunSoo Unnie ang Umma kaya ganyan sya. I mouthed 'Mianhe' kay JB dahil baka naririndi na sya sa bunganga ni Unnie.

"Sorry" ulit ko habang naglalakad kaming dalawa pababa ng building kung nasaan yung dorm namin. Kung ano-ano pang sinabi ni Unnie kay JB habang magkakasama kami sa dorm kanina. Daldal talaga nun, talo pa si Hoseok Oppa sa kadaldalan eh.

"Aniyo, gwenchanayo" sagot naman nya sa akin. Nahihiya talaga ako sa kanya ngayon.

Ng makalabas kami ng building ay nag-abang kami ng taxi. Sya pauwi na sa dorm nila ako naman pupuntahan ko si PD-nim. Noong nakaraan ko pa sya dapat bibisitahin pero mas inuna ko si Jungkook, alam kong mas kailangan nya ako dahil kahit sila Oppa hindi na sya kayang kontrolin.

Since pareho naman kami ng daan, iisang taxi lang ang sinakyan namin pero nauna akong bumaba.

Agad akong dumiretso sa loob ng ospital pagkababa ko ng taxi. Itinanong ko anong room number ni PD-nim at pumunta doon.

Wala si MinJun Oppa dahil may inaasikaso pa sya kaya wala ding bantay na gwardya yung kwarto ni PD-nim. Kumatok muna ako bago pumasok.

Pagkakita sa akin ni PD-nim ay nagulat pa sya, naka-upo kasi sya at nanonood ng T.V.

"Yoora!"tawag nya sa akin. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.

"I miss you PD-nim" sabi ko, sumagot naman sya ng 'Nado' kaya napangiti ako. Namiss ko na yung dating maingay na practice room sa BigHit, tahimik na kasi ngayon kasi gusto ni MinJun Oppa ay seryoso at walang sinasayang na oras.

Nagkwentuhan kaming dalawa, alam nya din pala lahat ng nagyayari sa kanya. Dapat hindi muna nya iniistress ang sarili nya sa amin, pero I couldn't blame him , sobra sya kung alagaan kami.

"Yoora, remember the challange I gave you?" Out of the blue na tanong ni PD-nim. Tumango ako.

"I just want to inform you na napasa mo yun"

-----------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro