Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -58-

Noona -58-

"Is Jeon Jungkook betraying his girlfriend Harmony's Han Eun-ah by kissing his label mate and Empress Main Dancer Choi Yoora?. Check out their photos below"
-Dispatch

"JYP Ent. Announces that Han Eun-ah was temporarily Hiatus from Harmony due to private reasons"
-AllKpop

To:@yoora_noona

@EunKookNation You Bitch!

@Jungkoookiee You should die! Pedo!

@Eunah Its all you fault! You untalented Idol! You should be the who is  hiatus not our Eun-ah because you are nothing!

@HanEun You worthless Idol! How could you kiss your Dongsaeng! Ewww

@Jung-ahFTW! You're a Pedophile!

@BTSHarmony My poor Eun-ah, she must have been hurt from all of this.

@IlongRanger Putang-ina mo po!

Halos mabitawan ko yung cellphone ko habang binabasa ag mga messages at comment nila sa instagram ko. Huli ko syang naupdate ay nung Dream Concert pa at ipopost ko sana yung mga picture ko nung nasa photoshoot ako kaya nagulat ako sa dami ng mga ganitong komento.

Iniscroll ko pababa yung mga comments sa huling picture na pinost ko at sobrang daming iba't-ibang lenguwage ang nagkapost doon.

@HarmonyAngel I hate you! You hurt our Baby! You must be jealous because she have Jungkook!

Hindi ko alam kung saan nila nakuha ang mga bagay na ito. Wala akong alam sa mga nangyayari na SNS ngayon.

Magrereply sana ako sa mga comment nila ng may humila sa cellphone ko mula sa kamay ko. Nakita ko si Taehyung na nakatayo sa tapat ko at mukhang nag-aalala.

Itinago nya yung cellphone ko sa bulsa ng coat nya. "Waeyo? Anong nangyayari?" Tanong ko sa kanya pero hindi nya ako sinagot.

"Wag kang magbubukas ng kahit anong SNS, arraseo?" Sabi nya sa akin. Teka ano bang meron ngayon?

"Bwo? Bakit naman hindi ano bang---- oh" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla nya akong hilahin papalapit sa kanya at yakapin ng mahigpit. Hinaplos nya ang ulo ko na para bang pinoprotektahan nya ako.

"Ano bang nagyayari kasi?" Ulit na tanong ko sa kanya. Inilayo nya ako ng konti sa kanya at pinisil ang pisngi ko.

"Basta, wag kang magbubukas ng kahit anong SNS ok?" Tumango na lang ako sa kanya kahit nagtataka ako.

Kinuha nya yung isang hoodie na nasa sofa at ipinasuot sa akin, sya din ang naglagay ng hoodie sa ulo ko tapos hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako palabas ng practice room kung nasaan ako saka kami lumabas ng BigHit.

Dinala nya ako sa isang Cafe at inilibre ako. Anong bang nangyayari at bigla bigla na lang nanlilibre tong si Taehyung?

Ako yung naghanap ng mauupuan  namin samantalang sya naman ang umorder para sa amin.

"Nabasa mo na yung ba yung balita?"narinig kong sabi nung isang babae sa harapan ko pero nakatalikod sya sa akin.

"Ani, museun il-i geugeos ibnida?" Balik na tanong nung kausap nung babaeng nasa tapat ko. Gumilid ng upo yung babaeng nasa tapat ko at napansin kong si Jungkook at Eun-ah ang case ng cellphone nya.

"Hinalikan daw ni Jungkook si Yoora" nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Baka naman si Yoora ang humalik kay Jungkook, alam mo naman yun, ingetera" Ipinakita nya sa kasama nya yung cellphone nya at kinuha iyon ng kaibigan nya.

"Nan dangsin ege! Tingnan mo, si Yoora ang may hawak sa pisngi ni Jungkook" sigaw nya tapos may tinignan sila doon sa cellphone na hawak nila.

Bigla namang bumalik sa isipan ko yung ginawa ko nung Dream Concert. Hindi kaya, may kumuha sa amin ng litrato sa noong mga panahon na iyon? Gusto ko sanang itanong kung tama yung hula ko pero baka mamukaan nila ako.

"May isa pa, hiatus muna si Eun-ah sa Harmony" matapos nilang akong sabihan ng kung ano-ano ay si Eun-ah naman ang pinag-usapan nila.

"Bwo? Andwae! Hindi pwede yon!"
Sigaw nung babaeng may phone case na picture ni Jungkook at Eun-ah.

"Well, hiatus na sya at kinonfirm na ng JYP Ent. Baka dahil kay Yoora"

"Ayoko talaga sa babaeng yun! Napa-epal nya, palibhasa may gusto yun kay Jungkook kaya nagseselos. Baka naman hinalikan nya talaga si Jungkook at nalaman ni Eun-ah! Naku baka umiiyak na si Eun-ah ngayon." Komento nya. Napayuko ako sa narinig, aware akong mahirap ang buhay sa mundo na pinasok ko at araw-araw kaming nahuhusgahan pero masakit pa rin kapag naririnig mo ito ng harapan.

Alam kong wala akong kasalanan pero pakiramdam ko ako ang may dahilan kung bakit naging Hiatus si Eun-ah sa Harmony at kasabay ng paglabas ng issue na hinalikan ako ni Jungkook, baka ako ang sinisisi ng mga fans ni Eun-ah kung bakit wala sya pansamantala sa grupo nila.

"Akala mo kung sinong mabait yang si Yoora, ahas naman pala" gatong pa ng kasama nya. Ramdam ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko, gusto kong depensahan ang sarili ko pero natatakot ako.

"Tadah~~" sabi ni Taehyung habang inilalapag ang isang tray na dala nya na may lamang dalawang kape at dalawang slice ng cake.

Umupo sya sa tapat ko at nakangiting ibinibigay sa akin yung binili nya. I've always been wondering kung bakit ako nagustuhan ni Taehyung.

"Taehyung -ah" mahinang tawag ko sa kanya, masigla naman syang lumingon sya akin.

"Neh?"

"Wag talaga papakita sa akin yang Yoora na yan, kakalbuhin ko talaga sya! Kawawa tuloy si Eun-ah arghh" nakita kong nawala ang mga ngiti ni Taehyung dahil sa sinabi nung babae sa kabilang mesa. Lilingunin nya sana ito pero hinawakan ko ang kamay nya para pigilan nya.

"Wag" sabi ko sabay iling. Napabuntong-hinga naman sya.

"Mianhe" mahinang sabi nya.

"Gumawoyo" napa-angat sya ng tingin dahil sa sinabi ko. "Thank you kasi ayaw mo akong masaktan, thank you kasi palagi mo akong pinoprotektahan" I'm lucky to have him in my life, he's really a great friend. A true friend.

"Wala yon, mahal kasi kita" the moment I heard that I feel sorry, I feel sorry kasi alam kong hindi ko kayang ibalik yung nararamdaman nya.

---
Bukas ulit!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro