Noona -57-
Noona -57-
"Bwo? Unnie naman! Alam mong talo ako sa mga yan eh!" Maktol ko kay Manager Unnie habang pinakiki-usapan nya akong samahan ang Bangtan. Kailangan kasi nilang magshoot para sa isang magazine pero nakaleave si Manager Oppa dahil may sakit yung anak nya samantalang may aasikasuhin pa si Manager Unnie at ako lang ang pwedeng sumama sa kanila para maging proxy. Wala si Hyemi at EunSoo Unnie dahil may photoshoot din sila at si Jera Unnie ay may taping pa rin ngayon at ako, libre ako ngayong araw dahil sa susunod na araw ay balik na ako sa Music Core.
"Jebal Yoora, ngayon lang talaga to. Kailangan ko lang talagang samahan si MinJun sa Busan para sa comeback nyo" pangungumbinsi nya sa akin. Alam kong mahalaga iyong pupuntahan nila dahil naghahanda na para sa comeback namin pero maging manager ng Bangtan isang araw, parang di ko kaya.
"Ililibre kita ng ticket sa concert ng EXO" bulong nya kaya agad ko syang tinulak paalis.
"Mag-iingat ka Unnie! Ako muna ang manager ng Bangtan ngayon at kahit forever na!" Sabi ko sa kanya at hinatid sya ng tingin hanggang sa makasakay sya sa isa pang van sa di kalayuan.
Hinarap ko ang Bangtan na nakasakay na rin sa van ngayon at ako na lang ang hinihintay.
"Annyeong Manager Choi" biro sa akin ni Taehyung kaya pinalo ko sya para umusog, dapat sa unahan ako kasi ako ang manager nila ngayon kaso naunahan na ako ni Yoongi Oppa doon.
Ng makarating kami doon sa private resort ay nakaset-up na sila ang Bangtan na lang ang hinihintay. Agad silang inayusan at ako naman naglibot-libot sa resort.
Ang Theme ng photoshoot nila ay Wedding kaya ang daming flowers na nakakalat sa paligid kung saan sila magphophotoshoot.
Ininalabas ko yung cellphone ko at nagselfie, ang cucute kasi ng mga bulaklak na makikita sa paligid.
"Manager Choi!" Sigaw sa akin habang nakaduck face ako na nagseselfie, talagang pinanindigan ko na yung papagiging manager ko? Inexit ko yung camera ng cellphone ko at agad na lumapit sa tumawag sa akin.
May hawak syang isang magandang damit na pang-kasal at aligagang-aligaga. "I would like to ask if you can substitute for Han Eun-ah for this photoshoot. Ngayon lang kami ininform ng JYP Ent. na hiatus muna sya sa Harmony kaya na wala kaming oras para maghanap ng kapalit nya eh. Jebal Yoora, ikaw lang talaga ang naiisip kong pwedeng ipalit sa kanya eh" paliwanag nya sa akin, nung una nagdalawang-isip ako pero nakita ko yung Bangtan ma ready na suot ang kanina suites ay pumayag na rin ako.
"Give me an elegant look, Yoora! Perfect!" kasabay ng pagsabi nya ng mga salitang iyon at ang paglabas ng nakakasilaw na liwanag mula sa camera na hawak nya. Nasilaw ako pero pinilit kong wag pumikit para agad kaming matapos at makapag-pahinga na.
Naka-upo ako sa isang magarang sofa at nakapalibot sa akin ang Bangtan. Nasa kanan ko si Jungkook at Yoongi Oppa samantalang nasa kaliwa ko naman si Taehyung at Jimin at nakatayo naman sa likuran yung matatangkad na si SeokJin, Hoseok at Namjoon Oppa.
Naka-ilang shoot na kami ng naka-upo dito kaya medyo nangangalay na ako at nangangati na ako dahil sa mga lace damit ko.
Sinabi na nakatayo naman daw kaming lahat na nasa gitna ako, binigyan ako ng ibang kulay ng boquet ng rose. Inayos sila nung photographer, nasa magkabilang dulo si Namjoon at SeokJin Oppa then sumunod ay si Yoongi at Hoseok Oppa sa sunod na gilid tapos katabi ni Yoongi Oppa si Taehyung. Bali ang nasa kaliwa ko ay si Jimin at nasa kanan ko si Jungkook.
Lumayo sa amin yung photographer tapos tignan kung ayos na yung position namin, maya-maya ay pinagpalit nya ang pwesto si Jimin at Taehyung tapos pinalagay nya yung kamay ko sa braso ni Jungkook. Parang ang labas tuloy ay kami ni Jungkook ang ikinasal at mga abay sila Oppa.
"Closer Yoora" pinalapit pa ako ng konti nung photographer kay Jungkook, simula nung marealize kong gusto ko sya hindi na ako komportableng ganito ako kalapit sa kanya.
"Yoora you look stiff, calm down" lumapit sya sa akin at inayos yung pagkakalagay ng kamay ko sa braso ni Jungkook. Bumalik sa sya pwesto nya at kumuha ulit ng litrato.
Sunod ay pinagbihis ulit kami tapos by partner naman. Una kong naging kapartner ay si Yoongi Oppa, kung ano-anong pose lang ang ginawa namin dahil sabi nung photographer ay light lang daw dapat.
Sunod ay si NamJoon Oppa, ganon din ang ginawa naming dalawa pero nagulat ako nung ipiggy back ride nya ako, muntik tuloy akong mahulog.
Nung si Seokjin Oppa naman na ay baliktad ang nangyari. Sya ang nakasabit ang kamay sa braso ko imbes na ako. May time din na nasa kanya yung bulaklak.
Sumunod ay si Hoseok Oppa, this time nasa naka-upo kami sa isang bench. Kung ano-ano lang din ang ginawa namin ni Oppa, para hindi tuloy wedding yung theme dahil sa mga pinag-gagawa namin.
"Kaya mo ba ako?" pabirong tanong ko kay Jimin kasi sabi nung photographer ay buhatin nya ako in bridal style. Mas matanggang kasi ako tignan kasi ang taas ng heels ko kaya pinapabuhat ako sa kanya. Hindi sya sumagot, bigla na lang nya akong binuhat pero nabitawan nya din ako kaagad kaya bumagsak kaming dalawa.
Pagkatapos ng epic na part namin ni Jimin ay next kami ni Taehyung. Medyo serious naman daw. Yung part namin ay parang Pre-wedding photoshoot talaga.
Meron yung nandoon kami sa ang background ay fountain then may hawak syang payong para sa aming dalawa. Inilahad nya sa akin yung kamay nya kaya inilagay ko ang kamay ko doon at hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit.
(Isipin nyo na lang si Taehyung at Yoora to ok? Lagyan natin ng picture para maganda XD Hahha)
Marami pa kaming ginawang post pero nagulat ako doon sa last post na ginawa nya at nagustuhan iyon ng photographer. Naka-upo ako sa isang maliit na upuan tapos nakatayo sya sa tapat ko, dapat nakatingin lang kami sa isat-isa pero bigla nya akong hinila papalapit sa kanya tapos akmang hahalikan ang noo ko.
"Yoora! Smile a little!" Utos sa akin, medyo akward sa pakiramdam, hindi ko din alam kung bakit pero ginawa ko na lang.
Last na kapartner ko ay si Jungkook, pinagpalit-ulit ako ng damit pero hindi nila ako pinagsapatos, tapos may inhanda silang upuan. Pinaupo nila ako doon at inilagay sa lapag yung heels na dapat susuotin ko.
"Isuot mo yung heels kay Yoora, Jungkook" utos sa kanya, lumuhod sya tapos kinuha yung isang sapatos. Tumingin sya sa akin at tinawag ako.
"Noona" nahihiya man ay dahan-dahan kong inilapit yung paa ko sa kanya. Nung mahawakan nya ang paa ko at nakaramdam ako ng maliliit na kuryente sa katawan ko.
"Jungkook, Yoora! Just smile!"
"Good! Next shot tayo!" Sabi nung photographer. Nilapitan ako at sinabing kailangan ko na namang magpalit ng damit.
Para sa last shot, doon kami sa may railings.
"So ganto, hahalikan mo si Yoora sa Noo ok? Tapos ikaw Yoora nakangiti ka lang, kunyari ikakasal talaga kayo kaya masaya ka" paliwanag nya sa amin, pumesto kami ni Jungkook tapos humarap ako sa kanya.
"Ok, start!" Sigaw nya, naghahanda na ako ng kunin ni Jungkook ang kamay ko at isabit iyon sa braso nya. Inilapit nya ako ng konti sa kanya para mas maabot nya ang noo ko. Hindi ko alam kung maganda ang kalalabasan neto pero, gusto ko yung nararamdaman ko ngayon habang magkalapit kami ngayon.
----
Magulo ata hahaha! Pagbigyan nyo na yung mga pictures hahaha ang cucute kaya nila XD.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro