Noona -56-
Noona -56-
Naramdaman kong nagvibrate ang cellphone ko kaya agad ko iyong inilabas mula sa bulsa ng coat na suot ko. Kakatapos ko lang makipagkita kay Appa dahil nalaman nya na sinaktan ako ng kapatid ni SeungHo.
Isang di registered na number ang natawag sa akin, usually hindi ako nasagot ng ganito dahil baka mamaya ay isang sasaeng pero may naguudyok sa akin na sagutin ko. Parang isang importanteng bagay na kailangang bigyan ng pansin.
Sinagot ko ito at hinintay na magsalita yung nasa kabilang linya. "Noona"
***
Agad kong hinanap si Jungkook sa lugar kung nasaan sya ngayon. Nagulat ko tumawag sya kanina at sinabing puntahan ko raw sya sa isang park sa Incheon. Malayo ang Incheon sa Seoul kaya nakakapagtaka kung paano sya nakarating doon.
Ilang minuto pa akong nagtatakbo sa park na iyon bago ko sya makita na naka-upo sa isang bench na malapit sa isang fountain.
Nakatulala lang sya habang naka-upo at nakita kong may katabi syang mga bote ng soju. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa kanya, ng makalapit na ako ay hindi ko sya tinawag. Nakatingin lang ako sa kanya at habang ginagawa ko iyon ay parang gusto kong umiyak.
Malayong-malayo sa Jungkook na kakilala ko ang Jungkook na nakikita ko ngayon. Yung Jungkook na kilala ko ay palaging masaya pero dahil sa isang babae ay parang nakalimutan na nya ang kahulugan ng salitang iyon.
Inangat nya ang tingin nya at nagkasalubong ang mga mata namin. "Noona" tawag nya sa akin, ngumiti ako sa kanya pero tumulo ang mga luha nya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya.
Habang nakayakap sya sa akin ay iyak sya ng iyak, halos mabasa na nga ang damit ko dahil sa pag-iyak nya pero hinayaan ko na lang sya dahil alam kong gagaan ang pakiramdam nya kapag naiyak na nya lahat ng saloobin nya.
"Noona bakit ganon sya? Hindi nya ba alam na mahal na mahal ko sya?" Tanong nya sa akin, medyo kumalma na sya at naka-upo na ako sa tabi nya.
"Ayos lang naman sa akin na gamitin nya ako para mas sumikat sya Noona eh, ok lang sa akin iyon kung iyon ang magpapasaya sa kanya kaso bakit kailangan nya pa akong lokohin?" Sunod sunod ang pagtatanong nya sa akin pero kahit isa doon ay wala akong sinagot. Gusto kong si Eun-ah ang sumagot ng lahat ng tanong nya dahil si Eun-ah lang ang nakaka-alam ng sagot.
"Ang sakit pala Noona, ang sakit pa lang malaman na niloloko ka lang ng taong mahal mo, pero alam kung anong mas masakit Noona?" Tumingin sya sa pagkatapos nyang itanong iyon. "Yun yung alam mo na pala ang lahat pero hindi mo sinabi sa akin" napatigil ako dahil doon.
"Akala ko ba--"
"Bakit kapag sinabi ko ba sayo maniniwala ka sa akin? May mababago ba kapag ginawa ko iyon, ha Jungkook? Alam kong sya lang ang paniniwalaan mo kaya hindi ko na sinabi sayo. Oo, ilang beses ko silang nakita ni Bambam na magkasama, ilang beses ko silang sinundan para kumpirmahin ang hinala kong may relasyon sila, kinomporta ko si Eun-ah. Sinabi ko sa kanyang kung niloloko ka lang ay hiwalayan ka na nya para hindi ka na masaktan. Hindi ko sinabi sayo kasi gusto ko sa kanya manggaling mismo. Mahalaga ka sa akin Jungkook kaya ayokong may mananakit sayo pero sa ginagawa mo ngayon ikaw na mismo ang nananakit sa sarili mo!" Paliwanag ko sa kanya. Palagi ko na lang ipinapaliwanag ang sarili ko, palagi ko na lang bang dedepensahan ang sarili ko sa mga bagay na hindi ko naman ginawa?
"Pwede bang tama na Jungkook, jebal" siguro dapat na syang magising sa katotohanang hindi sya kaya mahalin ng totoo ng taong gusto nya.
"Hind ko kayang wala sya Noona" napangiti ako ng mapait dahil sa sinabi nya. Ilang beses na ka nyang sinaktan, ilang beses na nyang ipinamukha sayo na ginamit ka lang nya at ilang beses na nyang sinabi sayo na hindi ka nya mahal pero heto ka pa rin, sinasabing hindi mo kayang mabuhay ng wala sya.
"Hindi ko kaya dahil sa loob ng mahigit isang buwan na iyon ay doon ko lang nasabing masaya ako, masaya ako dahil kahit paaano ay nakasama ko sya at nahawakan. Hindi ako titigil Noona, alam kong babalik din sya sa akin. Alam kong darating yung araw na ako na yung mamahalin nya" isinandal ni Jungkook yung ulo nya sa balikat ko.
"At sisiguraduhin kong sa araw na iyon ay para sa kanya pa rin ang puso" ramdam ko ang pag-agos ng luha sa mukha ko, kasabay noon ang pagbigat ng dibdib ko.
Hindi mo alam kung gaano ka kaswerte Eun-ah.
Tinignan ko ang natutulog na mukha ni Jungkook, basa pa ang pisngi nya dahil sa luha na tumulo sa pisngi nya. Habang nakatingin sa mukha ay hindi ko maiwasang hindi isipin kung paano ba maging si Eun-ah. Paano ba maging ang babaeng mahal nya, kasi nung gabing iyon may narealize ako.
Matapos ang gabing iyon ay nasagot na lahat ng tanong sa isipan ko, kissing Jungkook that night made me realized that I don't see him as my dongsaeng anymore because I already love him.
Inangat ko ang isa ko pang kamay para punasan iyon. "You didn't know how much I envy her. Not just because you loved her but because you let your tears fall because of her" naniniwala ako na sobrang preciuos ng luha ng mga lalaki, hindi sila agad naiyak kaya kung sino man ang maging dahilan ng pagpatak mga ito, napakaswerte nya.
---
Someone's POV
Alam kong alam na nya nya ang tunay nyang nararandaman ngayon, masakit pero habang nakikita ko syang umiiyak dahil sa taong hindi sya ang mahal ay gusto ko syang hilahin papalapit sa akin at wag ng pakawalan, alam kong hindi madali. Alam kong malakas ang kalaban ko pero hindi ako susuko.
Hangga't kaya ko pa, aagawin ko sya. Kahit magalit sya sa akin dahil ang dami ko ng binaling pangako sa kanya.
---------
Sorna.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro