Noona -55-
Noona -55-
"Jungkook halika na tama na yan!" Sigaw ni Yoongi Oppa kay Jungkook habang hinihila sya nito palabas ng JYP Ent. Mag-isang pumunta dito si Jungkook para kay Eun-ah.
"Andwae Hyung! Kakausapin ko pa si Eun-ah. Sasabihin kong mahal na mahal ko sya! Hyung!" Nakasunod ako sa likuran habang pinipilit pa rin ni Yoongi Oppa na iuwi na si Jungkook dahil nagiging dahilan na sya ng gulo sa lugar na ito at nakakahiya kay Mr. Jang.
Jungkook was wasted right now. His eyebags got even bigger and he started drinking without eating anything that is why his weight dropped a little. He doesn't also sleep these past few days.
Pilit syang hinihila ni Oppa pero hindi sya nagpapahila, maya-maya ay tinulak sya si Yoongi Oppa at dali-daling tumakbo papunta sa lugar kung nasaan si Eun-ah ngayon, nabangga nya ako pero balewala lang sa kanya.
Agad syang hinabol si Yoongi Oppa kaya sumunod ako. Nakita namin sya sa loob ng practice room ng Harmony at yakap-yakap nya si Eun-ah sa mga binti nito.
"Mianhe! Ako na lang ang piliin mo, sa akin ka na lang ulit Eun-ah. Jebal, hindi ko kaya ng wala ka" pagmamaka-awa nya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha nya. Gusto ko syang lapitan. Gusto ko syang lapitan at ilayo sa lugar na iyon lalong-lalo na sa babaeng nagiging dahilan kaya sya nagiging miserable ngayon, pero hindi ko kaya. Alam kong ako lang talo kapag ginawa ko iyon, ako lang masasaktan.
"Ayoko na Jungkook! Si Bambam talaga ang mahal ko at ginamit lang kita para mas sumikat ako! Kaya pwede ba! Umalis ka na at ayoko ng makita ang pagmumukha mo!" Pilit inaalis ni Eun-ah si Jungkook na nakaluhod at nakayakap sa mga binti nya. Gustong kong lapitan si Eun-ah at tanggalin ang lahat ng buhok nya sa ulo nya. Gusto ko syang sampalin para ipaalam sa kanya ang bagay na sinasayang nya pero nasa JYP Ent. kami ngayon at kabastusan iyon kapag ginawa ko.
Nilapitan ni Yoongi Oppa si Jungkook at pilit ding inaalis sa pagkakayakap nya kay Eun-ah. Maya-maya ay inalis ni Jungkook ang pagkakahawak nya sa mga binti ni Eun-ah at yumuko. Nakayuko lang sya pero alam mong naiyak sya dahil sa pagtaas at pagbaba ng balikat nya.
"Ginamit mo ako Eun-ah?" Tanong nya kay Eun-ah na nakatayo sa harapan nya. "So ibig bang sabihin non, hindi mo ko minahal, ha Eun-ah?" Dagdag nya pa. Inangat nya ang mga tingin nya at tinignan si Eun-ah sa mga mata.
"Ne, hindi kita minahal at kahit kailan hindi kita mamahalin Jungkook! Mataas ang pangarap ko at alam kong hindi ko yon matutupad kung sayo lang din ako babasagsak!"
Narinig ko ang pagkagulat nila sa ginawa ko, kanina ko pa pinipigilan ang sarili ko pero this time, it's too much. Napahawak si Eun-ah sa pisngi nyang sinampal ko, lumingon sya sa akin na mabilis na nakalapit sa kanya at nasampal sya.
"Sobra ka na" panimula ko habang nakatingin sa mga mata nyang puro galit ang nakikita ko.
"Wala kang karapatang sabihin ang mga bagay na sinasabi mo dahil rookie ka pa lang. Tandaan mo, nauna kaming nagdebut sayo at ikaw hanggang ngayon pinapatunayan mo pa rin na tama yung desisyon na pinagdebut ka ng Entertainment na to." Sasampalin din nya sana ako pero napigilan ko ang kamay nya.
"Mataas nga ang pangarap mo pero hindi mo kayang isakatuparan iyon ang ikaw lang mag-isa kasi kailangan mo pang gumamit ng ibang tao para mas sumikat ka, nakalahiya ka Eun-ah" hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng hilahin nya ang buhok ko gamit ang isang kamay nya. Agad syang hinila ng mga kamiyembro nya pero hawak-hawak nya pa rin ang dulo ng buhok ko.
"Oo mangagamit ako pero kumpara sa ating dalawa mas magaling ka sa bagay na yon di ba? Yun nga ang ginawa mo kaya wala na sa katinuan ang Oppa ko di ba? Ginamit mo sya para mas makilala ka ng mga estudyante sa SOPA!" Sigaw nya sa akin, pilit nya akong inaabot pero pinipigilan sya ng members nya.
"Hindi ko ginamit si SeungHo! Kahit kailan hindi ko pinadama sa kanya na kagaya ako ng ibang babaeng nagustuhan nya, na gusto lang sya para makalapit sa malalaking company para maging isang Idol dahil bago pa ako pumasok ng SOPA,trainee na ako ng BigHit!" Sagot ko sa bintang nya, bakit ba napakasarado ng isip nya.
"Isa pa, matagal ng may sakit sa pag-iisip ang Oppa mo bago pa nya ako makilala at wala kang alam sa ginawa nya sa akin noon!" Natanggal na nila ang kamay nya nakasabunot sa akin. Alam kong masakit makita ang kapatid mong nasa isang mental institution dahil naranasan ko iyon pero mas masakit na ibintang sayo na ikaw ang dahilan kung bakit sya nandodoon ngayon kahit na simula pa lang ang may sakit na talaga sya.
Nakatingin lang sya sa akin ng masama, pakiramdam ko hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. Inalis nya ang pagkakahawak sa kanya ng mga miyembro nya. "Kahit kailan walang ginawa sayong masama si Oppa, dahil mahal na mahal ka nya. Ikaw lang talaga ang sumira sa kanya" Alam ko Eun-ah, alam kong mahal ako ni SeungHo noon, ramdam ko yon pero never kong ginawa ang ibinibintang mo.
"Anong kaguluhan ito?" Lahat kami ay napatingin sa pinto ng practice room dahil sa nagsalita. Nakatayo doon si Mr. Jang at isa-isa kaming tinignan. Nasa likod nya ang GOT7 at dali-daling lumapit si Bambam kay Eun-ah dahil naiyak sya ngayon.
Nung makita ko ang paglapit ni Bambam kay Eun-ah ay napatingin ako kay Jungkook, kitang-kita sa kanya na nasasaktan sya. Inalis nya ang pagkakahawak sa kanya ni Yoongi Oppa at lumabas ng kwartong iyon.
Hinarap ko si Mr. Jang at nagbow. "Mianheyo, Mr. Jang. Pasensya na po sa abala" hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Ms. Han, napapadalas ata ang pakikipag-away mo sa mas nakakatanda sayo. Sa tingin ko kailangan mong parusahan dahil dito" baling ni Mr. Jang kay Eun-ah kaya nagulat sya.
"Mr. Jang ano pong ibig nyong sabihin?" Takang tanong nya, itinuro ako ni Mr. Jang "Ikaw lang ang naiisip kong gumawa ng bagay na ito sa kanya"
"Pero Mr. Jang dapat lang po sa kanya iyan dahil sa ginawa nya sa Oppa ko!" Depensa ni Eun-ah. May kinuhang papel si Mr. Jang sa bulsa ng coat nya at ipinakita iyon sa amin.
"Han SeungHo was diagnosed with Bipolar Disorder when he was just 7 years old. Hindi mo to alam dahil nasa Daegu ka at nasa Seoul naman sya ng mga panahong ito. I think this make sense Ms. Han" inilipat ni Mr. Jang yung papel.
"Mr. Choi Minhyuk filed a rape case to Han SeungHo in 20**. Pero hindi natuloy dahil ipinatigil na iyon ni Yoora."
"Andwae! Hindi rapist ang Oppa ko!. Gawa-gawa lang yan ni Yoora---"
"I don't like this behavior of your Ms. Han. Using Jeon Jungkook para mas sumikat ka at saktan physically si Choi Yoora. Sa tingin ko nagkamali ako ng pagpili sayo" lahat kami ay nagulat sa sinasabi ni Mr. Jang.
"You will be on Hiatus sa Harmony, Han Eun-ah. Hindi ka muna sasama sa mga schedule ng Harmony simula ngayong araw. Pag-isipan mo lahat ng ginawa mo, gawin mo dapat mong gawin at tsaka ko pag-iisipan kung ibalik ka pa sa Harmony, kasi ayoko ng mga two-faced at manggagamit na artist"
"Mr. Jang!" Tawag ni Eun-ah kay Mr. Jang. Matapos nyang sabihin na pansamantalang titigil si Eun-ah bilang member ng Harmony ay agad na itong naglakad palabas ng kwartong iyon.
Naramdaman kong hinawakan ni Yoongi Oppa ang balikat ko, tumingin ako sa mga natirang miyembro ng Harmony.
"Mianhe"
----------
Unti-untiin natin si Eun-ah ne?
Hahaha sa mga naghintay at nagmessage sa akin kung kelan ang Updates pasensya na po kung ngayon lang. Ngayon lang bumalik yung internet namin eh T_T. Namiss ko kayo, ako namiss nyo ba? XXD.
Start na ng Vacation ko so it means! Maraming UD! Haha yun lang.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro