Noona -53-
Noona -53-
Sobrang tahimik naming lahat habang naglalakad sa harapan namin si Mr. Jang. Pinatawag nya kami para sa isang meeting na tanging kaming apat lang ang kasama. Si Bambam, Eun-ah, Jungkook at ako.
Hindi ko alam kung saan nakita nila Seokjin Oppa si Jungkook pero ang mahalaga ay naka-uwi na sya.
"Anong nangyari ng gabing iyon? Bakit humantong sa suntukan? Ha Jungkook? Bambam?" Tanong nya kila Jungkook at Bambam na nakayuko ngayon.
"Hindi kayo tinanggap sa agency na to para maging basag-ulo, hindi ba kayo tinuruan ng mabuting-asal ng mga trainor nyo?" Dagdag nya pa. Gustong sumagot pero ayokong makielam dahil alam kong magagalit si Mr. Jang.
Visible pa rin ang mga sugat sa mukha ni Bambam at ang sugat na nagawa ni Eun-ah sa mukha ko.
"Ganyan ba dapat tularan ng mga susunod sa inyo? Isang kayong Idols! Isang public Icon pero kung makapagsuntukan parang mga adik sa kanto!"
Huminto sya sa tapat ni Jungkook at tinignan ito. "Jeon Jungkook, bakit mo sinapak si Bambam?" Tanong nya dito. Inangat ni Jungkook ang mga tingin nya at nag 90° bow sya sa harap ni Mr. Jang.
"Mianheyo, Mr. Jang" hingi nya ng paumanhin pero hindi iyon tinanggap ni Mr. Jang.
"I want an explanation Mr. Jeon" ulit nya.
"Nakita ko pong hinalikan ni Bambam si Eun-ah" sagot nya dahilan para tignan ni Mr. Jang si Bambam. Naglakad sya papalapit dito at tumigil din sa harapan nito.
Napatingin ako kay Bambam dahil katabi ko sya at nakita kong napalunok sya ng tumigil sa harapan ni si Mr. Jang.
"Bakit mo hinalikan si Eun-ah Bambam? Alam mo bang may boyfriend sya?" Walang emosyon na tanong ni Mr. Jang.
"Girlfriend ko rin po sya Mr. Jang" pabulong na sagot nya pero sapat na para marinig naming lahat na nasa kwartong iyon.
Sunod ko na lang na nakita ang pagkwelyo ni Jungkook kay Bambam. Agad ko syang inilayo kay Bambam pero nasuntok na nya si Bambam kaya tumalsik ito at natumba sa sahig, nasagi nya pa ang mesa ni Mr. Jang dahil sa pagkakabagsak.
"Walang hiya ka!"higaw ni Jungkook habang pinipilit na lapitan si Bambam pero ako pilit kong inilalayo si Jungkook sa kanya.
Lumapit si Eun-ah kay Bambam para tulungan ito. "Hajima! Jeon Jungkook!" Sigaw ni Mr. Jang kaya napatigil si Jungkook pero ang sama pa rin ng tingin nya kay Bambam at ramdam ko ang panginginig ng katawan nya.
"Wae! Eun-ah, ano bang pagkukulang ko sayo?" Bigla syang kumalma ng sabihin nya iyon at ng iaangat ko ang tingin ko ay naiiyak na si Jungkook.
"Totoo ba ang sinabi ni Bambam Eun-ah?" Baling ni Mr. Jang kay Eun-ah na nakasuporta pa rin kay Bambam ngayon. Lahat kami ay nakatingin sa kanya at nag-aabang ng sagot pero sya nakatingin lang kay Jungkook.
"Han Eun-ah!" Tawag sa kanya, maya-maya ay tumango sya "Neh, Mr. Jang. Kami po ni Bambam"
Matapos marinig iyon ni Jungkook ay napasigaw sya. Maya-maya ay napadausdos na lang sya at napaluhod habang sunod-sunod na pumapatak ang mga luha nya. Pilit ko syang pinapakalma kahit na alam kong wala rin iyong magagawa.
Habang nakikita ko si Jungkook na naiyak hindi ko maiwasang hindi magalit kay Eun-ah. Ilang beses ko pa lang na nakikitang umiyak si Jungkook at lahat ng iyon ay dahil sa kasiyahan at habang nakikita ko syang umiiyak ulit dahil nasasaktan sya ay nasasaktan din ako.
"This is bullshit! Alam nyo ba kung anong ginagawa nyo? Pwedeng pwede ko kayong tanggalin sa grupo nyo dahil sa ginagawa nyo!" Sigaw ulit ni Mr. Jang kay Eun-ah at Bambam.
"Paano na lang kung lumabas ito sa media ha? Lahat tayo damay dito! Eun-ah! Bambam! Are you out of you mind??"
Patuloy pa rin sa pag-iyak si Jungkook, maya-maya at tumayo sya kaya inalalayan ko sya pero tinaboy nya lang ako.
"You need to choose Eun-ah. Jungkook or Bambam?" Mayroon sa akin na sana piliin ni Eun-ah si Jungkook dahil alam kong ito ang magpapasaya sa kanya pero habang tinitignan ko si Eun-ah mukhang malabo na iyon. Lumapit si Jungkook kay Eun-ah at lumuhod sa harapan nito
"Eun-ah, jebal. Ako ang piliin mo. Gagawin ko lahat para sayo, kahit ano" pagmamaka-awa nya. Hindi nya dapat ginagawa ang bagay na iyon, hindi. Lalapit nasana ako para patayuin si Jungkook "Mianhe Jungkook" tapos inalis nya yung pagkakahawak ni Jungkook sa mga kamay nya.
***
"Dangsin-eul nugu?" Tanong ko sa kanya kaya napatigil sya sa paglalakad at napalingon sa akin. Hindi kita kilala pero kung sirain ko lahat ng tao at bagay sa paligid ko mukhang kilalang-kilala mo ako, Han Eun-ah.
Lumingon sya sa akin at ngumisi.
"Nakaka-awa ka ng tignan ngayon Choi Yoora" kinilabutan ako ng marinig kong ang way ng pagtawag nya sa pangalan ko.
"Naghahabol sa isang lalaking ako naman ang hinahabol" dagdag nya pero hindi ako natatakot sa kanya.
"Mukha kang aso ano? Ganyan din ang ginawa mo sa Oppa ko dati ba? Pinahabol-habol mo hanggang sa mapagod sya. Masarap ba Yoora? Masarap bang nakikita yung taong mahalaga sayo ngayon ay umiiyak dahil sinayang sya?" Habang nakatingin ako sa mga mata nya iyon at nakikita ko ang galit, galit na matagal ng nandoroon.
"Hindi ko alam ang sinasabi ml Eun-ah" muli syang napangisi dahil sa sinabi ko.
"Ganyan talaga, kinakalimutan mo na yung mga taong hindi mahalaga di ba?" Patuloy kaming nagsusukatan ng mga tingin.
"Hindi kita kilala" napairap sya at may kinuha sa bulsa ng coat na suot nya. Inilabas nya ang wallet nya at may kinuha doon saka sya nagmamadaling lumapit sa akin at pabalyang ibinigay ang isang bagay. Hindi ko iyon nakuha kaya bumagsak iyon sa sahig.
Sinundan ko iyon ng tingin at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung ano iyon, picture. Picture ng isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Dahan-dahan akong bumama para pulutin ito, Han Seung Ho.
------
Cliche no? Hahaha kapit lang maalis na si Eun-ah XXD
Napanood nyo yung RUN Jap. Version? Hindi pa nga ako tapos dun sa mga naunag MV may dumagdag pa T_T
Mata Run Run Run (I was like, are you telling KyungSoo to Run? XD)
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro