Noona -52-
Noona -52-
Hindi ko alam kung saan nakuha ni Eun-ah ang mga bagay na sinasabi nya sa akin. Anong meron sya na kinuha ko sa kanya? Hindi ko sya kilala at kung meron mang nawalan dito ako yon at hindi sya.
Nakatingin lang ako sa kanya habang naiyak sya sa tapat ko, ramdam ko ang hapdi ng pagkakasabunot nya sa akin isama mo pang masugatan ang pisngi ko dahil sa kanya.
"Lahat na lang kinuha mo sa akin" patulog sya sa pagsasabi ng mga salitang iyon habang inaalo sya ni Bambam dahil sa sobrang pag-iyak nya. "Uljima" pagapapakalma sa kanya ni Bambam pero maya-maya ay pabalya nyang inalis ang mga kamay ni Bambam na nakahawak sa kanya saka sya tumayo at pinunasan ang mga pisngi nya.
Tinignan nya ako ng masama at nagsimulang maglakad hanggang sa mabunggo nya ang balikat ko. Sinundan ko sya ng tingin habang natakbi sya papasok sa dome. Sino ka Han Eun-ah?
"Noona" ang tawag sa akin ni Bambam kaya nilingon ko sya.
Dumudugo pa rin ang ilong at labi nya. "Jebal, wag mong sasabihin kay JB hyung" pagmamaka-awa nya sa akin. Tinignan ko sya sa mga mata nya at "Wae Bambam, wae?" Tanong ko. Hindi man sila ganoon kaclose ni Jungkook alam kong kaibigan ang turing sa kanya nito kaya hindi maisip kung bakit nagawa nyang lokohin si Jungkook.
"Mianhe, Noona. Jeongmal Mianhe"sagot nya sa akin. Tinalikuran ko sya at nagsimulang maglakad pabalik, iniisip ko pa lang kung saan na nagpunta si Jungkook ay kinakabahan na ako. He's a fragile person kaya sobrang protective ako sa kanya.
Malapit na ako sa pinto papasok ng dome ng lumabas si SeokJin Oppa kasunod si Yoongi Oppa. Napatigil ako ng makasalubong ang nga tingin namin. Tumakbo sya papalapit sa akin at agad akong binigyan ng isang mahigpit na yakap.
"Oppa si Jungkook?" Tanong ko sa kanya pero patuloy lang sya pag sasabi ng 'Shh' dahil naiyak pa rin ako.
Habang nakayakap kay Oppa ay nakarinig ako ng sunod-sunod na yabag ng mga tao at click ng camera pati bulungan. Titignan ko sana kung anong nagyayari pero mas ibinaon lang ni Oppa ang mukha ko sa dibdib nya saka tinakpan ang tenga ko.
"Mainhe" sabi nya habang naglalakad kami papasok sa loob, nagsimula na rinh dumami yung mga tao kaya medyo naging masikip na ang daanan.
***
JYP Ent and BigHit's Dream Concert become a nightmare? BTS Jungkook had a fight with GOT7's Bambam?
-Allkpop
Hanggang ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa mga nangyari kagabi. Nasira ko ang Dream Concert, dahil sa pagiging pakielamera ko nasira ko ang isa sa pinakamalaking project na inaabangan ng lahat. Nasira ko ang dapat masayang gabi na iyon.
"Yoora. Kumain ka na" tawag sa akin ni EunSoi Unnie pero hindi ko sya pinansin, hanggang ngayon ay hindi pa rin nauwi si Jungkook kaya halos magpanic na kaming lahat kakahanap sa kanya.
Umiling ako ng ilapit nya sa akin ang isang bowl ng kanin na may chopsticks. Ayokong kumain, wala akong gana. Ang gusto ay makita si Jungkook ngayon at protektahan sya pero alam kong hindi ko na magagawa dahil nasasaktan na sya ngayon.
Tumayo ako mula sa pagkaka-upo ko saka naglakad palabas ng dorm namin, hahanapin ko sya. Hahanapin ko su Jungkook kahit nasan pa sya ngayon.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula sa paghahanap sa kanya pero kahit anong mangyari ay iuuwi ko sya sa dorm namin.
Nakita kong malakas ang ulan sa labas habang naglalakad ako sa may lobby ng building namin, pero tuloy-tuloy la rin ako sa paglalakad palabas.
Naglakad ako ng naglakad hanggang sa makarating ako sa isang park. Basang-basa na aki dahil mas lalong lumakas ang ulan habang naglalakad ako.
Kapag malungkot si Jungkook ay pupunta syang mag-isa sa park at doon mag-iisip. Naalala ko nung pinagalitan sya ni PD-nim dahil sa hindi nya pagsunod dito, bigla syang nawala at magdamag kaming naghanap sa kanya. Yun pala nasa malapit na park lang sya at nagsuswing.
Inilibot ko ang tingin ko sa park na iyo pero kahit anino ni Jungkook ay wala akong nakita. Saan ba kasi nagpunta ang batang yon?
"Yoora!" Narinig kong may tumawag sa pangalan ko at nakita ko si Taehyung na natakbo papalapit sa akin. Hinawakan nya ang kamay ko saka ako hinila pero hindi ako nagpahila. "Yoora umuwi na tayo! Nag-aalala na sayo si EunSoo Noona!"sigaw nya dahil sa lakas ng ulan, pareho na kaming basa sa gitna ng park na iyon.
Umiling ako saka binawi yung kamay kong hawak nya bago nagsimulang maglakad ulit pero muli nya akong pinigilan. "Yoora ano ba! Magkakasakit ka neto!" Pagpupumilit nya sa akin.
"Ayoko! Hindi ako uuwi hangga't hindi ko nakikita si Jungkook!" Sagot ko sa kanya kaya napatigil sya.
"Hindi ako uuwi hangga't hindi pa nauwi si Jungkook" dagdag ko habang nailing at pilit binabawi yung kamay kong hawak hawak nya.
"Yoora bakit ka ganito?" Seryosong tanong nya sa akin. "Bakit ginagawa mo ang lahat para kay Jungkook, ha?. Hindi ka pa ba nagsasawa? Hindi ka pa ba napapagod sa kakahabol sa kanya?" Habang nakatingin sa mga mata ni Taehyung ay hindi ko maiwasang maguilty. Pain was written to his eyes.
"Molla, Taehyung Molla" sagot ko.
Lumapit sya sa akin at hinawakan ang dalawang braso ko. "Nandito ako Yoora! Nandito ako! Hindi mo ba ako nakikita ha?!" Hindi ko alam ang isasagot ko. Napayuko ako pero inangat din nya yung ulo ko para magtama yung mga paningin namin.
"Kayang kong gawin lahat para sayo, kahit ano." Stop. Taehyung, please stop. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi mo deserve kung ano yung nararamdaman mo ngayon. Hindi mo deserve na umasa sa taong katulad ko, sa taong kagaya kong hindi sigurado sa nararamdaman nya. Sa kagaya kong emotionally unstable.
"Please Yoora ako na lang" pagmamaka-awa nya. Umiling ako, ayokong paasahin ka Taehyung.
"Ani, hindi mo kailangang magmakaawa sa isang tao para mahalin ka nila. Ang daming nagmamahal sayo Taehyung, huwag mong ikulong ang sarili mo sa akin kasi kahit ako hindi ako sigurado sa nararamdaman ko"
----------
Ang corni ng chapter na to. T_T
Mianhe!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro