Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -5-

Noona -5-


Nugu ttaemune

Yeoja ttaemune

Nugu ttaemune

Nugu ttaemune

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Kinakapa-kapa ko sa may side table ko yung cellphone ko at pinatay yung alarm. Bumangon ako at nag-inat.

Pumasok ako ng banyo at ginagawa yung daily routines ko. Pagkatapos ko ay lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko si Hyemi Unnie na nagluluto ng agahan.

"Ang aga mo ngayon ha? 7:00 pa lang." sabi nya sa akin habang nagumuupo ako sa may stool dito sa kusina namin.

"Pupunta ako sa kabila Unnie" sabi ko sa kanya. Tumigil sya sa pagluluto at tumingin sa akin.

"Teka dalhan mo sila ng almusal. Gisingin mo na rin si Jungkook may pasok nga pala yun" kumuha sya ng mga baunan doon sa may cabinet.

Pagkatapos nyang magluto ay tinulungan ko si Unnie na magbalot ng almusal na ibibigay namin sa kabila.

Pagkatapos ay lumabas ako ng dorm namin at kumatok sa kabila. Pinagbuksan ako ni Yoongi Oppa na kinukusot pa yung mga mata.

"Aga mo ata mangapitbahay Yoora" sabi nya habang kinukuha yung mga dala ko. Madalas akong pumunta dito sa dorm ng Bangtan para tulungan sila. Alam nyo naman puro sila lalaki, tsaka minsan hindi nila nagigising ng maaga si Jungkook kaya minsan late yun.

"7 na kaya. Gising na ba si Jungkook? 8 pasok nun ha?" sabi ko sa kanya. Umupo ako sa may sofa nila at nandoon si Jimin sa lapag natutulog. Hindi na naman nakapasok sa kwarto nya. Madalas kasing manood ng T.V si Jimin kapag gabi kaya minsan dito na sya nakakatulog.

"Oy" sabi ko sa kanya habang sinusundot yung tagiliran nya.

"Oy" ulit ko pero hindi sya nagreresponse. Hinayaan ko na lang,sya naman ang sasakit ang likod eh.

Maya-maya ay may bumukas na pinto at niluwa noon si Seokjin Oppa. Whaa ang cute cute nya sa Bed hair nya *o*

"Morning" bati nya sa akin kaya tumango ako. Tumayo ako at lumapit sa pinto ng kwarto ni Jungkook. Mukhang tulog pa ang loko. Tumingin ako kay Seokjin Oppa at tinuro ko yung pinto, ibig sabihin nun papasok ako kaya tumango sya.

Pagbukas ko ay nagulat ako dahil maayos na yung kama nya pero wala sya sa loob.

"Noona?" napalingon ako sa parte ng kwarto niya kung saan nandoon yung salamin nya. Nandoon sya at nag-aayos ng buhok. Nagpapapogi ang wala kala mo may ipopogi pa -_- De Joke lang.

"Aba himala ang aga mo ngayon?" tanong ko sa kanya. Isinarado ko yung pinto ng kwarto nya at umupo sa may kama nya.

"Noona! Magugusot na naman yan eh!" sabi nya sa akin. Kelan pa naging maarte tong si Jungkook? Pero para wala ng away ay tumayo na lang ako at lumapit sa kanya. Kinuha ko yung wax nya at konti na lang pala laman nito.

"Noona gising na ba si Jin hyung?" tanong nya sa akin. Tumango naman ako habang binabasa yung mga nakasulat doon sa lagayan ng wax nya.

Nakita kong kinuha nya yung suklay at nagsuklay. Tapos iniwan na ako sa loob ng kwatro nya. Sumunod naman ako at naabutan ko sya sa may kusina. Hinahanda na ni Seokjin Oppa yung mga dala ko tapos naghihintay na si Jungkook.

"Ikaw nagluto nito Noona?" tanong ni Jungkook habang nakain, umiling naman ako. Naunahan ako ni Unnie sa kusina eh. Naramdaman kong nagvibrate yung cellphone ko kaya nilabas ko. Nakita kong nagtext si Manager Unnie.

From: Manager Unnie

10 am at *insert address here* Don't forget and DON'T BE LATE Yoora-sshi.

To: Manager Unnie

Neh, gising na po ako.

Hindi ko naman nakalimutan eh, kaya nga maaga ako gumising. Tumayo si Jungkook at dinala yung pinagkainan nya sa lababo. Tumayo naman ako at pumunta sa may salas at gising na si Jimin.

"Aga mo ata akong pinuntahan?" tanong nya sa akin. Tinaaasan ko na lang sya ng kilay at inirapan. Kapal ng mukhang sabihin sya ang pinunta ko dito.

Umupo ako sa may sofa at tinignan kung anong ginagawa nila. Pumasok ulit si Jungkook sa kwarto nya pero lumabas din agad. Kinuha nya lang yung bag nya tapos nagpaalam na sa mga Hyung nya.

"Noona pasok na ako" paalam nya sa akin nung madaanan nya ako. Tumayo at sinundan sya. Hinatid ko sya sa labas at hinintay syang makasakay. Pagkasakay nya ay bumalik ako sa dorm namin at nag-ayos na.

9:00 na ako natapos mag-ayos. Pagkalabas ko nandoon na yung van namin at hinihintay na ako nung driver. Nagpaalam ako kay Jera Unnie kasi hinatid nya ako tsaka ako sumakay.

Pagdating ko dun sa lugar ng photo shoot ay naghahanda na sila. Kina-usap ako nung photographer na may kasama daw akong mga lalaki at member din ng isang Kpop gruop. Sana EXO para makita ko na sila. Kahit naman Idol din ako eh hindi ko pa nakikita ng personal ang EXO. Masyado kasi silang busy sa mga schedule nila.

Malalate daw yung mga makakasama ko dahil galing pa sila sa Japan dahil may tour sila doon. Habang hinihintay namin sila ay inayusan na ako.

Simple lang naman yung theme ng photoshoot. Magiging One of the Boys ako kaya heto nakajersey ako na pang basketball then nakaponytail yung buhok ko tapos may swag cap. Ang astig nga eh, kapag natapos ko yung sinusulat kong kanta. Isusuggest ko kay PD-nim na icomeback song namin yun tapos yung MV mga naka comoflauge kami tapos may guhit sa mukha ng uling.

Pinitsuran ko nga yung swag cap, iingitin ko si Yoongi Oppa mamaya. Sana mainggit ko sya.. Evil Yoora..

Tinawag ako nung photographer at nagsimula na yung photoshoot dahil dumating na daw sila. Dahil inaayusan pa sila ay ako muna yung kinunan. Madali lang naman sa aking to, lumaki kaya akong puro lalaki ang nakapaligid sa akin kaya boyish ako eh.

Natapos na yung part ko kaya tinawag na sila, niretouch naman yung make up ko at kailangan kong pumikit. Naramdaman kong may lumapit sa amin pero maya-maya ay naubo ako. Ang tapang ng amoy nya, masakit sa ilong.

"Why? Is there something wrong?" tanong nung photographer habang nalapit sa akin. May humawak sa braso ko at may naamoy ko sya kaya napalayo ako. Pag-anggat ko ng tinggin ko ay isang gwapong lalaki ang nakita ako. Pamilyar yung mukha nya pero di ko matandaan kung saan.

"Hyung, bakit?" may isa pang pamilyar na mukha ang lumapit sa amin. Sinagot sya nung tinawag nyang hyung pero ako pilit pa ring lumalayo sa kanya. Hindi sya mabaho, sobrang tapang lang talaga nung amoy ng pabango nya. Sensitive pa naman ako sa mga ganun, may point pang nadugo ang ilong ko kapag hindi ko na kinaya.

"Yoora, gwenchana?" tanong nila. Tumango ako at tinakpan yung ilong ko.

"Neh, ang sakit lang po sa ilong nung pabango nya" sagot ko sabay turo dun sa lalaking matapang ang pabango. Nagulat naman sya at tinuro nya pa yung sarili nya.

"JB, sige na magpalit ka ulit tapos wag mo munang gamitin yung pabango mo" utos nung photographer kaya sumunod naman sya. Pagkabalik nya ay wala na yung amoy na matapang.

"Ok ka na?" tanong nya. Tumango ako tapos pinapwesto na kami.

Halos dalawang oras kaming nag shoot at binigyan kami ng 1 hour break. Sila pala si JB at Bambam ng GOT7 kaya pala pamilyar yung mukha nila.

Nauna ng umalis si Bambam dahil may guesting pa sya sa isang radio show kaya kaming dalawa na lang yung natira. Ok na rin naman kasi tapos na yung part nya, yung sa amin hindi pa.

"Kilala mo ba kami?" biglang tanong nya habang nakain kami. Tumango ako.

"Pamilyar pero wala akong gaanong alam sa grupo nyo"sagot ko. Bigla namang pumasok sa isip ko yung pinapanood ni Jera Unnie noong nakaraan. Ano nga bang grupo yun?

"Talaga?" parang di makapaniwalang tanong nya.

"Oo, pero mamaya kikilalanin ko kayo para sa susunod nating pagkikita kilala ko na kayo" sabi ko. Ganun kasi ako, kapag may di ako kakilala tapos interesado ako minimake sure na sa susunod kilala ko na sila.

"Really? Aasahan ko yan ha!" sabi nya. Parang nakita ko na talaga sya eh, saan nga ba?

"Ikaw ba yung sa Haji Hajima?" biglang tanong ko. Parang sya kasi yung isang nakanta dun. Di ko alam kung anong pangalan nung grupo. Isang beses nakita ko si Jera Unnie na nanonood nun.

"Yung may part na nahulog sa building?" dagdag ko pa. Nagulat naman ako kasi tumawa sya ng malakas. Kumunot ang noo kasi ang lakas talaga ng tawa nya.

"Haha I like you" ani nya habang pinipigilan nyang matawa ulit.

"Yeah, yeah kanta namin yun. Haha" dagdag nya pa. See, ang galing ko talagang makatanda ng mukha, kaya lang kailangan kong magloading muna.

"Bakit tumatawa ka?" tanong ko.

"Maka Haji-hajima ka kasi wagas eh" sagot nya.

"Eh naalala ko lang eh. Nanood kasi si Unnie ng MV nyo dun" ani ko tapos kumain na ulit ako.

"Since di mo pa kami gaanong kilala at kikialanin pa lang. I'm Jaebum pero JB ang tawag nila sa akin the rest ikaw na maghanap" pakilala nya. Inilahad nya yung kamay nya sa harap ko.

"Choi Yoora, member ng Empress" kinuha ko yung kamay nya at nagshake hands kami. Ngumiti sya kaya mas lalo syang naging gwapo.

---------------------

Hello Guys !

May nagbabasa pa ba neto??

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro