
Noona -49-
Noona -49-
"Maganda ba Noona?" Tanong ni Bambam sa akin habang pinapakita nya ang isang bouquet ng mga pink na rosas sa akin, tinignan ko iyon at tumango ako. Maganda ang pagkaka-ayos nito at nakalagay sa magandang lagayan.
"Neh, para kanino ba yan?" Tanong ko sa kanya. Tinignan nya yung bouquet na iyon at saka nakangiting sumagot sa akin. "Para sa isang babaeng espesyal sa puso ko" kita mong masaya sya at mukhang gustong-gusto nya yung babaeng bibigyan nya ng bulaklak na iyon.
"Ayieee ang Dongsaeng ko inlove na" asar ko naman sa kanya. Umacting naman sya na parang nanginginig kaya nagtawanan kami.
"Bambam sunbaenim" napatigil ang tawanan ng tawagin sya ni Eun-ah. Nilingon nya ito at ngumiti sya dito.
"Neh, Eun-ah waeyo?" Tanong nya dito. "Pinapatawag ka po ni JaeBum Oppa" matapos sabihin iyon ni Eun-ah ay nagpaalam sya sa akin na pupuntahan lang nya si JB at ibibigay na nya yung bulaklak sa tanong gusto nya.
Tinignan ko sya habang naglalakad sya papalabas at ng makalabas na sya ay nilapitan ko yung isang music player para i-play yung kantang ipeperform namin bukas.
Oo, bukas na magaganap ang isa sa pinakamalaking event sa buhay ko bilang isang Idol. Mag-isa lang ako sa practice room dahil dalawang araw na wala kaming practice para makapagpahinga kami pero mas pinili kong magpractice na lang kesa magpahinga o maggala. Sa pagkaka-alam ko nagpunta sila Unnie sa ospital para dalawin yung Umma ni Jera Unnie samantalang nagsi-uwian naman ang Bangtan sa kanila. May gala din ang GOT7 at nahuli lang talaga si BamBam ngayon na umalis.
Ramdam ko na ang excitement at kaba para bukas kaya hindi rin ako makatulog netong mga nakaraang araw.
Habang nagsasayaw ay pinapractice ko ang mga facial expression na gagamitin ko. Magaling kasing mag-adlib ang GOT7 kaya medyo nahihiya ako kapag nagpapacute sila lalo na sa harap ng camera.
Ng matapos na ang kanta ay umupo ako para makapaghabol ng hininga. Halos 4 minutes din ang kanta na niremix nila Jackson Oppa para sa performance namin sa Dream Concert kaya nakakapagod.
Sumayaw pa ako ng ilang beses bago ko naisipang umuwi na sa dorm namin. Madilim na rin naman kaya kailangan ko na ring magpahinga para bukas.
Pagkasarado ko ng practice room kung saan ako nagpractice ay bumukas naman ang kabilang practice room na katapat nito. Lumabas sj Jungkook mula dito na syang ikinakunot ng noo ko, akala ko ay umuwi sila ngayon?
Nag-angat sya ng tingin kaya nagkatingin kami. "Akala ko umuwi kayo ngayon?" Tanong ko sa kanya, isinarado nya yung pinto saka humarap sa akin para sumagot.
"Hindi ako umuwi Noona, wala kasing kasama si Eun-ah sa dorm nila"sagot nya akin. Tumango ako tapos sabay kaming naglakad palabas. "Uuwi ka na?" dagdag na tanong ko. Sa halos dalawang buwan na paghahanda namin para sa Dream Concert, sumabay pa na nagkagirlfriend sya kaya ngayon na lang ulit kami nagka-usap ng ganito. Yung parang dati lang although nasa gitna pa rin namin yung salitang akward.
Tumango-tango bilang sagot pero hindi sya lumingon sa direksyon ko. Habang naglalakad sa maliit na hallway ng JYP Ent. kasama sya ay pakiramdam ko parang ang sikip-sikip ng paligid at hindi ako makahinga, idagdag mo pang parang napakahaba ng dinadaanan namin at hindi agad kami makarating sa elevator. Parang nasa slow motion kaming dalawa.
Ng makarating kami sa tapat ng elevator ay pinindot nya yung button para magbukas ito, pina-una nya akong pumasok sa loob bago sya sumunod. Pinindot nya yung ground floor at nagsimula ng bumaba yung elevator.
Nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa loob ng elevator habang nababa ito, ramdam ko pa rin ang akward feeling habang nasa loob kami.
"Ah Jungkook?" Pambabasag ko sa katahimikan, lumingon ako sa kanya at tumingin rin sya sa akin. "Neh, Noona?"
"Mag-iisang buwan na pala kayo ni Eun-ah pero hindi ko pa kayo nababati. Chukahaeyo Jungkook" hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ko ng mga oras na iyon at naisip kong sabihin ang mga bagay na iyon, pero sa kabilang banda totoo naman na hindi ko pa rin sila nababati simula nung maging sila. Nakatingin lang sya sa akin na para bang nagtataka sa mga kinikilos ko. Bahagya akong ngumiti ako sa kanya tapos maya-maya ay ngumiti din sya at tumango. "Kamsahamnida Noona" pagpapasalamat sya sabay bow ulit.
Nagkatingin ulit kami tapos maya-maya ay sabay kaming tumawa ng malakas, pano mukhang mga timang. Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko habang nakatingin kay Jungkook at natawa sya. Matagal na rin simula nung huli ko syang makitang nakangiti at tumatawa ng ganito.
"Noona babo" bulong nya pero narinig ko kaya hinampas ko sya sa braso nya dahilan para tumawa na naman sya.
"Yah! Matanda kaya ako sayo!" Sigaw ko sa kanya pero ipinagpatuloy nya lang ang pagtawa nya kaya nakatikim na naman sya ang hampas galing sa akin.
"Hajima!" Medyo inis na sigaw ko dahil hindi pa rin sya tumitigil sa pagtawa. Nagcross-arm ako saka nagpout, maya-maya ay tumigil din sya "Noona, mianhe. Ang epic kasi ng mukha mo kanina eh"sabi nya pero inirapan ko lang sya. Ngayon na nga lang ulit kami nagka-usap tapos aasarin nya pa ako. Evil Jungkook!
Tumahimik ulit ang paligid namin at sumeryoso kaming dalawa. "Mahal mo ba si Eun-ah Jungkook?" seryosong tanong ko pero hindi nakatingin sa kanya. Matagal sya bago nakasagot kaya nilingon ko sya, nakatingin sya sa kawalan tapos bumukas na yung pinto ng elevator.
"Oo naman Noona, mahal na mahal" napatigil ako dahil sa sagot nya. Naunang syang lumabas kesa sa akin at nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko, maya-maya ay napangiti na lang ako ng mapait. Bakit ko nga ba tinanong kung alam ko naman na ang sagot at masasaktan lang din naman ako.
***
Sa kabilang dako, may isang tao ang sinusundan ang isa babae papunta sa isang makitid na eskinita malapit sa JYP Ent.
Nagtago sya sa may gilid ng makita nyang may nag-aantay sa babaeng iyon sa dulo ng eskinita. Napakuyom na lamang sya ng palad nya makita kung sino ang kasama nito.
--------
Bukas na yung Dream Concert at bukas na rin yung Birthday ni Sugar!!
Happy Birthday nga pala sa isa sa mga inspirasyon ko kapag "HardWork ang usapan" Min Yoongi a.k.a Suga!
Infires many people so that they will not give up and work hard! Saranghaeyo!! ❤❤❤❤❤
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro