Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -48-

Noona -48-

"GOT7! BTS!" Sobrang lakas ng sigawan ng mga fan sa labas ng MCB station. Nakalagat ang isang mahabang Red Carpet harapan at napaliligiran ito ng mga fans namin.

Unang bumaba ng Van kung saan kami nakasakay ay ang mga Trainees ng BigHit at JYP Ent. na nagsisimula na ring makilala ng publiko. Tumayo mula sa kandungan ko si Sam at humarap sa akin, nakita kong nagulo yung buhok nya kaya inayos ko iyon. "Sam-shhi Fighting!" Bati ko sa kanya para mawala yung kabang nararamdaman nya dahil sa unang beses syang makakasama sa isang Press Conference. Oo, tatlong araw na lang at magaganap na ang Dream Concert na matagal ng hinihintay ng marami, at ngayon kailangan naming humarap sa media para sagutin ang mga katanungan na nais nilang itanong tungkol sa mga nangyayari sa buhay namin ngayon at sa Dream Concert.

Pinisil ko muna ang pisngi nya bago sya tuluyang paalisin. Ng naglalakad na sya kasama ang mga kapwa nya trainees ay biglang naghiyawan ang mga taong nandodoon. Mula sa bintana ng Van ay nakita ko ang pagyuko nya dahil nahihiya sya pero nagchin-up at ngumiti din sya ng tumigil sila para kunan ng litrato.

Mas lumakas ang hiyawan ng makapasok na sa loob ang mga Trainess at sumunod ang miss A sunbaenim na nasa kabilang Van. Ang gaganda nila sa suot nilang simpleng dress na isa sa concept namin para sa concert. Para silang mga Greek Goddessess habang naglalakad sa red carpet na iyon at habang kinukunan sila ng litrato.

"GOT7! GOT7! GOT7!"

"JACKSON OPPA!!"

"YUGYEOM-AH"

"JUNIOR!! SARANGHAE!"

"MARK MARRY ME PLEASUE!"

"BAMBAM! BAMBAM!"

"JB! JB! JB!"

Kanya-kanyang sigaw ang mga IGOT7 habang isa-isang lumalabas ng Van ang mga miyembro ng GOT7. Pakiramdam ko ay nabingi ako ng magsimula silang maglakad dahil sa sobrang lakas sigawan ng mga fans nila. Nagpose sila sa harap ng iba't-ibang cameraman ng iba't-ibang networks habang ang nga fans nila ay di magkamayaw sa pagsigaw.

"Harmony! Harmony! Harmony!" Sumunod ay ang Harmony pero hindi nila kasama si Eun-ah. Malakas din ang sigawan ng mga fans nila na para bang wala ng bukas.

"Empress! Empress!" Ng kami ng ang susunod, pina-una kong lumabas ng van sila Unnie, suot ko kasi ngayon ang isang damit na kagaya ng gagamitin ko sa collaboration ko with GOT7 although magkaiba sila ng design pero pareho pa ring revealing.

"Whaaa Yoora Unnie!" Halos lahat sila ay nagulat ng lumabas ako ng van na iyon ng ganon ang suot. Ito ang unang beses na lalabas ako sa public ng sout ang ganong uri ng damit, sabi ni Manager Unnie sanayin ko na raw ang sarili ko kaya ganito ang suot ko ngayon. Ganito rin naman ang suot nila Unnie pero kumpara sa akin, mas kaya nilang dalhin o mas sanay na silang magsuot ng ganitong damit.

Tumigil kami sa tapat ng mga reporters at cameraman para magpakuha ng litrato. Napansin ko pa yung ibang kumukuha ng litrato ay napapatulala sa amin.

Ng matapos kami ay sumunod naman  Bangtan. Mas lumakas ang sigawan habang nagsisilabasan sila ng Van sa pangunguna ni Seok Jin Oppa at ang pinakahuling lumabas ay si Taehyung. Nakita kong nagbulong-bulungan yung iba at napahinto sa pagwawagay-way ng banner nila ng hindi nila makita si Jungkook na kasama ng Bangtan.

Nagpose ang Bangtan sa harap ng camera at mabilis na pumasok sa loob ng building kung saan gaganapin ang press conference ng Dream Concert.

Pagkapasok nila ay biglang tumahimik sa labas ng dumating ang isang magandang kotse at lumabas doon si Jungkook kasama si Eun-ah. Kinilig naman yung mga nakakita habang naglalakd yung dalawa sa gitnang ng red carpet na iyon habang makahawak sila ng kamay lalo na yung mga shipper ng Jung-Ah o Eun-Kook. Tumigil sila sa tapat ng mga kumukuha ng litrato at sa lahat ng kinunan doon ay sila ang pinakamatagal.

Ng makapasok na ang lahat ng artist na magpeferform sa Dream Concert ay pina-upo kami sa isang mahabang mesa at nakahawak sa maraming TV networks, journalist at sa kung ano-anong pang may kinalaman sa pagbabalita.

Sinumulan yung press conference sa isang speech mula kay Mr. Jang at kay MinJun Oppa dahil nasa ospital pa rin si PD-nim ngayon.

Iba-t-ibang tanong ang ibinato sa amin regarding sa mangyayaring Dream Concert. Sinagot naman namin iyo ng katotohanan.

"Ah neh, ang tanong ko ay para kay Eun-ah. Bago ka pa lang sa industriya at naging boyfriend mo na agad ang Maknae ng isa sa mga pinakasikat na boy group ngayon, anong masasabi mo sa mga nagsasabi na baka ginagamit mo lang si Jungkook para mas sumikat ka?" Inabot kay Eun-ah ang isang mic at ngumiti muna sya bago sumagot. "Sa mga hindi po nagkaka-alam, bata pa lang kami ay magkakilala na kami ni Jungkook, magkaklase kami nung elementary at noon pa lang crush ko na po sya. Hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na masabi yung nararamdaman ko para sa kanya dahil lumipat po sila ng bahay at ngayon, hindi ko alam kung itinadhana, nagkita po ulit kami at nagka-aminan. So hindi ko po magagawang gamitin sya para lang mas sumikat ako sa idustriyang ito."  Sagot nya, mukhang satisfied naman yung nagtanong sa sagot ni Eun-ah.

"Yoora-sshhi, alam ng lahat na sobrang close kayo ni Jungkook dati pero ngayon mukhang akward na?" Napalunok ako ng marinig ko ang pangalan ko mula sa isa sa mga pinakasikat na editor ng Dispatch. Nakatingin lang sya sa akin na para bang naghihintay ng maling sasabihin ko. Inabot sa akin ni Hyemi Unnie ang isang mic at nanginginig pa ang kamay ko habang kinukuha iyon.

"Ah, neh. Siguro po kaya nyo napapansin na hindi na kami close ni Jungkook ay hindi nyo na kami madalas makita na magkasama. May girlfriend na po sya ngayon at bilang isang babae rin kahit alam kong magkaibigan kami, alam ko po yung limitasyon ko na hanggang dito lang ako. Isa pa busy na rin po kami sa kanya-kanya naming schedule kaya madalang na po kaming magkita." Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko habang sumasagot, konting mali lang sasabihin ko ay baka bukas headline na ako ng balita.

Nakita kong tumango-tango sya at may nagtanong ng iba. Kung ano-anong tanong ang itinatanong nila, may personal pero mas marami ang mga issue-ng nakadikit sa mga pangalan namin ngayon.

"Jeon Jungkook, gusto kong malaman kung anong tingin mo sa damit ni Yoora ngayon. I mean, ito ang unang beses na lumabas sya sa public wearing something that shows too much her skin. Ano sa tingin mo, bagay ba o hindi?"

"Ah, si Noona po kahit anong suotin nyang damit bagay naman dahil maganda sya, pero ngayon ayoko po sa suot nya. Mas gusto ko po yung simple lang sya." Sagot ni Jungkook aa tanong sa kanya, pagkatapos non ay tumingin sya kay Eun-ah na mukhang hindi gusto ang sinagot nya.

Nagtagal pa ng isang oras yung press conference bago kami tuluyang bumalik sa dorm namin.

***
Nakakapagod ang araw na ito kaya kahit madaling-araw na ay nagpasya akong maglakad-lakad. Nakarating ako sa isang malapit na park at umupo sa isang swing habang nakatingin sa kawalan. Maya-maya ay may narinig akong nag-aaway sa di kalayuan, isang babae at isang lalaki.

"Ikaw ang mahal ko Ok?" Sigaw nung babae dun sa lalaki, di ko maanig ang mga mukha nila pero halatang naiyak yung lalaki.

"Itigil na natin to" sagot naman nung lalaki pero umiling yung babae. Nilapitan nya yung lalaki at niyakap ito. Kumunot ang noo ko sa nakita, hanggang madaling araw may ganitong pangyayari?

"Saranghaeyo, kajima" sabi nung lalaki dun sa babae. Sandali parang kilala ko yung lalaki.

------'------
Abangan nyo yung chapter 50 ne?

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro