Noona -46-
Noona -46-
Third Person's POV
Ng makita ni Eun-ah si Jungkook na naka-upo sa isang parte ng practice room ay agad syang lumapit dito. Umupo sya sa tabi nito at sumandal sa dibdib ni Jungkook. Hindi sya pinansin ni Jungkook kaya inangat nya ang ulo nya at tinignan ang kasintahan. "Waeyo? Bakit ganyan ang itsura mo?" Malambing na tanong nya dito pero imbes na sagutin sya ay inalis nito ang pagkakakapiy nito sa kanya.
"Bakit ginanon mo si Noona kanina?" Malamig na tanong ni Jungkook sa kanya kaya napa-irap sya. Madalas nyang nahuhuli si Jungkook na nakatingin kay Yoora pero hindibnya ito pinapansin pero sa inaasal ngayon ng kausap nya ay hindi nya maiwasang hindi isipin na baka may gusto ang boyfriend nya sa labelmate nito.
"Nagbibiro lang maman ako kanina" sagot nya pero hindi pa rin sya tinapunan ng tingin ni Jungkook. Muli syang lumapit dito at niyakap ang braso nito. "Mianhe" dagdag nya kahit alam nyang wala naman syang kasalanan. Minsan talaga moody si Jungkook lalo na kung si Yoora ang pag-uusapan.
"Hindi magandang biro yon Eun-ah, mas matanda pa rin si Noona sa atin kaya dapat natin syang irespeto" hindi nya alam kung anong ikinagagalit ng boyfriend nya at bigla-bigla na lang nagkakaganito. Biro lang naman ang sinabi nyang may fats si Yoora dahil ayaw nitong magsuot ng revealing na damit, mukhang hindi din naman apektado ang sunbae nila dahil sa sinabi nya. Pero hindi nakatakas sa kanya kanina ang malalagkit na tingin ng boyfriend nya sa sunbae nila ng lumabas ito mula sa fitting room kanina. Maski sya ay hindi nya inaasahan na ganon kaganda ang katawan ng sunbae nya.
"Hindi naman sya karespe-respeto" bulong nya pero mukhang narinig ni Jungkook dahil nilingon sya nito.
"Anong sabi mo?" Tanong nito sa kanya, umiling naman sya at lumayo ng konti sa katabi.
"Wala, sabi ko sorry na. Di na mauulit" sagot nya pero may pagkasarkastiko. Naramdaman nyang nagvibrate ang cellphone nya kaya inilabas nya ito at may nakitang nagmessage sa kanya. Matapos nya itong mabasa ay tumayo na sya dahil unti-unti na syang nakakaramdam ng inis sa kasama, aalis na sana sya ng hawakan ni Jungkook ang kamay nya at hilahin sya papalapit dito kaya napa-upo sya sa mga hita nito saka sya niyakap ng mahigpit.
"Galit ka ba?" Biglang nagbago ang tono ng boses ni Jungkook, mula sa seryoso ay naginig malambing na ito. Napapout naman sya dahil sa tanong ni Jungkook. "Ikaw kasi eh, sino bang girlfriend mo sa aming dalawa ha?" Balik na tanong ni Eun-ah kay Jungkook. Mas hinigpitan ni Jungkook ang pagkakayakap kay Eun-ah dahil nararamdaman nyang malapit na itong umiyak.
"Syempre ikaw, ayoko lang naman na isipin nila, lalo na si Noona na masama kang tao lalo pa at may issue pa sa inyo. Kung may gusto kang sabihin at alam mong hindi maganda pigilan mo muna ok?" Paliwanag ni Jungkook sa girlfriend nya, tumango-tango ito. Hinawi nya ang mga buhok nito na natakip sa magandang mukha ng kasintahan.
"Ayokong pag-isipan ka nila ng masama tapos masasaktan ka lang. Walang mananakit kay Eun-ah ko" napangiti na lamang si Eun-ah dahil sa sinabi ni Jungkook. Ramdam na ramdam nya talaga ang pagmamahal nito sa kanya.
"Neh Oppa" sagot nya. Nagkatinginan silang dalawa at hinalikan sya ni Jungkook sa noo. Ng matapos syang halikan ni Jungkook sa noo ay hinawakan ng ang pisngi nito, hahalikan nya sana ito sa labi pero umiwas ito.
"Eun-ah" tawag nito sa kanya saka umiling. Pinatayo sya nito saka niyakap ng mahigpit. Simula ng maging sila ay never pa syang hinalikan ni Jungkook sa labi, palaging sa noo at pisngi.
--------------------
Yoora's POV
Pagdating ko sa ospital ay nakita ko si Jera Unnie na iyak ng iyak. Ng makita nya ako ay agad syang lumapit sa akin at yumakap.
Nagulat ako kanina ng tumawag sya at sinabing kailngan na raw maoprehan ang nanay nya ngayon araw dahil hindi na kaya ng puso nito, hindi ko alam na may sakit ang Umma nya.
"Shh uljima Unnie uljima" alo ko sa kanya dahil nahihirapan na rin syang huminga sa sobrang pag-iyak nya. Naiiyak na rin tuloy ako, isa si Unnie sa mga pinakamatatapang na taong kilala ko kaya ang makita syang umiiyak ay masakit para sa akin.
Pina-upo ko sya sa isa sa mga upuan sa labas ng Operating Room. Pinilit kong kumalma sya dahil baka sya naman ang magkasakit dahil sa kakaiyak nya.
"Ano bang nagyari Unnie?" Tanong ko ng kumalma na sya. Ang alam ko lang ay mahina na ang puso ng Umma ni Jera Unnie peri hindi ko alam na malala na pala ito to the point na kailangan na syang operahan.
"Kaninang umaga, tumawag sa akin yung doktor nya at sinabing hindi na daw talaga kaya ni Umma, 50/50 ang chance na mabuhay pa sya pagkatapos ng operasyon, nung una hindi ako napayag pero ngayon susugal na ako. Ipapaopera ko na si Umma para makasama ko pa sya" kwento nya. Kaya pala minsan amoy ospital si Unnie, dinadalaw nya pala ang Umma nya.
Maya-maya lumabas ang doktor at may inutos sa nurse na nakasalubong nya. Lumapit naman kami sa kanya at tinanong kung ano ng lagay ng Umma ni Jera Unnie.
"We will do our best, excuse me" yun yung huling sinabi nya bago tuluyang pumasok ulit ng Operating Room. Sana naman maging maayos ang lahat para hindi na umiyak si Unnie.
Matapos ang ilang oras na operasyon ay muling lumabas yung doktor at sinabing successful naman ang operasyon at stable na ang lagay ng Umma ni Umma ni Unnie kaya pareho kaming nabunutan ng tinik sa dibdib at nakahinga ng maluwag.
Nagpaalam ako kay Jera Unnie na nagbabanyo lang ako at ng pabalik na ako ay nakita ko sya sa may cashier at nagbabayad ng mga gastusin. Ng makita nya ako ay nagulat pa sya at dali-daling inabot ang perang hawak nya sa cashier.
Ng makapagbayad na sya ay nilapitan ko sya. "Unnie, may ipon ka pa ba?" Tanong ko sa kanya, si Unnie ang pinakamatipid sa amin lahat, sya kasi yung galing sa mahirap na pamilya sa aming apat kaya kung maaari ay hindi sya gagastos lalo pa at magcocollege na bunso nyang kapatid.
"Ginawan ko ng paraan saeng" sagot nya sa akin. Baka nangutang sya sa kakilala nya
"Hayaan mo Unnie, kapag ibinigay na yung sahod natin, ibibigay ko sayo yung kalahati para sa gastusin ng Umma mo" hanggang ngayon ay hindi pa naibibigay yung sahod namin dahil maraming pang inaayos sa kompanya kaya nagtaka ako kung saan nakakuha ng pambayad si Unnie.
"Salamat saeng, CR lang ako" paalam ni Unnie sa akin kaya dumiretso na ako sa kwarto ng Umma nya.
----
Pagpasok ni Jera sa isang cubicle ay agad na tumulo ang luha nya. "Mianhe Yoora, jeongmal mianhe"
-------------
Dedicated to kay BangtanShindaexoxo kasi nahulaan nya na si Jera ang kumuha XXD.
Yun lang XXD
Comments please.
Unti-unti ng natatapos ang mga projects ko kaya medyo mabilis na ang UD's.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro