Noona -43-
Noona -43-
"Yoora mianhe" pangisang daang beses na atang sinasabi saa akin ni Yoongi Oppa ang mga salitang iyan. Hanggang ngayon ay wala pa rin ako sa sarili ko dahil sa mga nangyari kahapon. Ni hindi ako makapagpractice ng maaayos dahil iniisip ko pa rin ang kantang ginawa ko. Kantang pinaghirapan ko pero napunta sa iba.
Nilingon ko si Oppa na sana harapan ko ngayon at kanina na pa nahingi ng tawad. Hindi nya kailangang gawin ang bagay na iyon dahil kung may kailangang manghingi ng tawad ngayon, hindi Yoongi Oppa yon dahil alam kong wala syang kasalanan.
Nagpaliwanag na rin si Yoongi Oppa kay Minjun Oppa at Mr. Jang na ako ang compose ng kantang iyon sa tulong na nya pero maski sya ay hindi pinakinggan. Ilabas daw namin yung tunay na kopya para maniwala sila at kung wala kaming maipapakitang kopya si Eun-ah ang nagsulat ng kantang iyon. Sa tuwing naiisip kong irerelease nya ang kantang iyon, tumutulo ang luha ko. Naiinis ako, bakit ba naging pabaya ako? Bakit ko ba hinayaang makuha nya ang mga bagay na pag-aari ko?
"Uljima" sabi sa akin ni Yoongi Oppa, hindi ko namalayan na tumulo na naman ang luha ko. Ang sakit kasi eh, pinaghirapan ko ang bagay na yon tapos ganon lang ang magyayari.
"Nakaka-inis kasi Oppa" sagot ko sa kanya. Lumapit sya sa akin at niyakap ako. "Shh, tama na. Magang-maga na ang mga mata mo" alo nya sa akin.
Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto pero hindi ko pinansin kasi ang bigat pa rin ng nararamdaman ko. "Saeng" malumanay nyang tawag sa akin, humiwalay ako ng yakap kay Yoongi Oppa at nakita ko si SeokJin Oppa na naglalakad papalapit sa amin. Tumayo agad ako at yumakap sa kanya, bukod kay Taehyung si SeokJin Oppa ang isa pang sinasabihan ko ng sama ng loob.
"Uljima" sabi nya pero umiling ako. "Ako ang gumawa non Oppa, ako eh. Dapat ako ang kakanta ng kanta na yon, dapat kami nila Unnie" parang batang sumbong ko sa kanya. Naramdaman ko ang paghaplos nya sa likod ko at ang pagbuntong hininga nya. "Alam ko, alam kong pinaghirapan mo ang kantang iyon pero wala na tayong magagawa. Nacopyright na sya sa pangalan ni Eun-ah at kung magsasampa naman tayo ng kaso, mahihirapan din tayong manalo dahil malakas ang kompanya nila. Isa pa wala tayong malakas na ebidensya na sya nga ang kumuha" paliwanag nya sa akin. Wala na ba talaga akong pag-asang makuha ang kantang iyon?
Hindi ko alam kung ilang oras pa ako umiyak ng umiyak matapos iyon. Siguro para sa iba mababaw ang dahilan ko pero para sa akin hindi. Bilang isang Idol at nagsisimulang maging composer, masakit na malaman na ang mga bagay na pinagghihirapan mo ay mapupunta lang sa iba. Iyon ang unang kantang nabuo ko gamit ang pagsisikap at pagod ko tapos mapupunta lang sa wala.
***
Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso nya ng maamoy nya ang pamilyar na pabango na iyon. Limingon-lingon sya sa paligid at nakita nya ang babaeng kanina nya pa hinihintay na naglalakad papalapit sa kanya. Sa likod ng maamo nitong mukha ay may nagtatagong isang demonyong kayang sumira sa buhay ng isang tao.
Ng makita sya nito ay agad na sumilay ang isang ngiti sa labi nito, isang ngiting alam mong tagumpay ang planong ginawa nito. Ng nasa tapat na sya nito ay agad itong umupo sa isang bakanteng silya na inereserba para sa kanya. Ngumiti ito sa kanya, dahilan para magsitayo ang mga balahibo nya.
"Annyeong haseyo sunbaenim" bati nito sa kanya pero bakas ang pagiging sarkastiko sa boses nito. Kinuha nito ang maliit na bag na dala nya at inilabas ang isang sobre saka ito inabot sa kanya. Napatingin sya sa sobre at saka tumingin sa taong nag-abot sa kanya nito.
"Hindi ka ba nakokonsensya sa ginagawa mo?" Tanong nya sa taong nasa harapan nya pero napatawa ito dahil sa sinabi nya.
"Bakit ikaw? Hindi ka ba nakokonsensya sa ginawa mo? Sa ginawa mong pagkuha sa kanta ni Yoora at ibigay ito sa akin?" balik na tanong nito sa kanya at hindi nya iyon inaasahan kaya napatigil sya.
"Oh bakit hindi ka makasagot sunbaenim? Dapat siguro hindi na kita tinatawag na sunbaenim dahil hindi ka naman magandang impluwensya sa mga kagaya kong bago pa lang sa industriya. Nauna ka labg talagang nagdebut kesa sa akin pero bukod doon, wala ka ng binatbat sa akin. Isa ka kasing traydor, di ba?" Napakuyom na lamang sya dahil sa naririnig. Tama lahat ng sinasabi ng kausap nya, isa syang traydor dahil sa ginawa nya at hindi din nya alam kung mapapatawad pa sya ni Yoora dahil sa ginawa nya.
Muling inalapit sa kanya ng kausap ang sobreng nasa ibabaw ng mesa. Alam nya kung anong laman noon, alam nyang pera iyon pambayad sa kanya dahil sa ginawa nyang pagkuha ng composition ni Yoora at ibigay iyon sa ibang tao. Pero nagawa nya lamang iyon dahil kailangan nya, kailangan nya ng pera, wala talaga syang balak kunin ang gawa ni Yoora at ipaubaya ito sa iba kung hindi lang dahil sa pera.
"Kunin mo na yan sunbae, alam kong kailangang-kailangan mo yan lalo na ngayon di ba, kasi may sakit ang nanay mo?. Kakawa naman si Yoora sunbaenim, wala na nga yung kantang pinaghirapan nya, may traydor pa sa kompanya nila" napapikit sya para kalmahin ang sarili, hindi din nya alam kung anong pumasok sa isip nya at pumayag syang gawin ang bagay na iyon para lamang sa pera. Pumayag syang traydorin ang kaisa-isang taong tinanggap sya kung sino sya ng walang pag-aalinlangan.
"Mauuna na ako sayo sunbae, sweet dreams nga pala mamaya" sabi nito saka tumayo at nagsimula ng maglakad paalis. Tumayo din sya at tinawag ito.
"Eun-ah!" Tumigil sa paglalakad si Eun-ah at umingon sa kanya "Neh, sunbae?" Matagal pa sya bago nakasagot dito.
"Please lang, iwan mo na si Jungkook." Nakita nya ang pagbabago ng aura ng kausap dahil sa sinabi nya. "Mianhe sunbae, di ko kayang gawin ang bagay na iyan"
---------------
Any guess kung sinong nagbigay ng composition kay Eun-ah??
Bangag talaga ako kahapon, mali yung kantang inilagay ko. Imbes na Butterfly eh I Need U yung inilagay ko, shunga talaga -_-.
Nagpaparamdam na po ako, malapit na pong matapos ang Noona XXD.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro