Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -42-

Noona -42-

Habang naglalakad sa hallway ng JYP Ent. ay ingat na ingat ako na wag masira yung cake na dala-dala ko. Ngayon kasi ang release ng kanta ni Eun-ah na kinompose nya at gusto syang surpresahin ni Jungkook, isang strategy na rin para ipromote ang Harmony at ang nalalapit na Dream Concert.

Naki-usap sya na ako na lang ang magdala ng cake dahil inulit nya kanina kasi kinain ni Taehyung at Jimin kagabi yung ginawa namin. Akala raw nila binili ni Manager Oppa para sa Bangtan dahil nakalagay sa ref nila. Gumising tuloy ng maaga si Jungkook para ulitin yung cake ng sya na lang mag-isa pero pagdating sa part na paggawa ng icing at pagdedesign ay ako ang gumawa dahil hindi nya kaya.

Habang papalapit ako ng papalapit sa conference room ay palakas ng palakas ang isang pamilyar na tunog. Parang napakinggan ko na iyon dati, hindi ko lang maalala kung saan.

Nakita ko si Hoseok Oppa na nag-aantay sa labas at ng makita nya ako ay dali-dali syang lumapit sa akin at kinuha yung cake na dala ko.

Pinauna nya ako kaya ako ang nagbukas ng pinto ng conference room.

Is it true? Is it true?
You You
neomu areumdawo duryeowo
Untrue Untrue
You You You

gyeote meomulleojullae
naege yaksokhaejullae
son daemyeon naragalkka buseojilkka
geopna geopna geopna

Napatigil ako ng marinig ko ang magandang tinig ni Eun-ah habang kinakanta ang pamilyar na kantang iyon. Bumilis ang tibok ng puso ko, agad na dumako ang tingin ko sa isang malaking screen habang pinapalabas ang isang Music Video at may lyrics na nakasulat sa baba nito. Akin ang mga lyrics na iyon, akin.

"Yoora?" Tawag sa akin ni Hoseok Oppa dahil nakaharang ako sa pinto. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko dahil sa nangyayari ngayon. Ramdam ko ang pag-agos ng mga luha sa pisngi ko dahil sa nakikita ko. Ang gawa ko.

Tumalikod ako at nagpunas ng luha, napansin iyon ni Hoseok Oppa kaya nataranta sya. "Bakit ka naiyak?" Malakas na tanong nya at mukhang nakuha nya ang atensyon ng nga tao sa loob dahil namatay ang tugtog.

Gusto nyang ibaba ang cake na hawak nya para unahin ako pero hindi nya alam ang gagawin nya.

Tumakbo ako palayo, narinig ko pang tinatawag ako ni Hoseok Oppa pero hindi ko sya nilingon. Inilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Yoongi Oppa, pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.

Umakyat ako sa opisina ni Mr. Jang para sabihin na akin ang kantang kinakanta ni Eun-ah. Na hindi sya ang gumawa ng kanta na iyon at ako, na ako ang nagpakahirap para mabuo iyon.

"Gusto ko sanang sabihin na ako po ang nagcompose ng kantang irerelease ni Eun-ah at hindi sya" agad na kumunot ang noo ni Mr. Jang sa sanabi ko. "Paano mo nasabi? May pruweba ka ba Yoora?"  Balik nya sa akin. Sinabi kong kasama ko si Yoongi Oppa na nagcompose ng kantang iyon at si Oppa ang magpapatunay na na ako ang gumawa noon. Pinatawag ni Mr. Jang ang lahat ng artist na nasa buliding ngayon at pinagharap nya kami ni Eun-ah.

"Sabi ni Yoora, sa kanya daw ang kantang ipinakita mo sa akin Eun-ah, totoo ba yon?" Kita sa mukha ng lahat ang gulat dahil sa sinabi ni Mr. Jang, agad namang namula ang mga mata ni Eun-ah at tumulo ang mga luha nya. "Sunbaenim, ano pong sinasabi nyo?" Paiyak na tanong nya sa akin. Nung una pa lang ayoko na sayo, pinilit kong gustuhin ka dahil kay Jungkook pero ito ang igaganti mo sa akin?

"Wag kang magmaang-maangan Eun-ah! Nakuha mo yan sa dorm ng BTS ano? Ako ang nagcompose ng kanta na yan! Eun-ah ako!" Sigaw ko sa kanya. Hindi ako kung kalse ng tao na nagagalit agad pero once na kinuha mo o ginalaw mo ang bagay na akin ay sumasabog ako. At yung kanta na iyon,pinaghirapan kong iyong mabuo, yung pinagpuyatan ko tapos mapupunta lang sa iba?

Nakita kong nag-iba ang aura ni Jungkook dahil sa pagtataas ko ng boses kay Eun-ah.  "Noona baka naman nagkakamali ka lang, nakita kong ginawa ni Eun-ah yung kantang iyon." Singit naman ni Jungkook. Lumapit sa akin si Hoseok Oppa at sinabing baka nga nagkakamali lang ako at malaking gulo tong ginagawa ko since wala yung mga nakakatanda sa amin sa JYP Ent. ngayon pero hindi ako pwedeng magkamali. Ako ang gumawa ng kantang iyon sa tulong na rin ni Yoongi Oppa.

"Hindi ako pwedeng magkamali! Ako ang gumawa ng kanta yon Oppa, ako!" Pagpupumilit ko, parang ninakaw ang pagkatao ko ngayon. Kung kanina ay kumalma na ako, ngayon ay nagsimula na namang magsitulo ang mga luha ko. Hindi ako pinalaking singungaling ng mga magulang ko kahit produkto ako ng isang broken family at mas lalong hindi nila itinuro sa akin ang manguha ng pagmamay-ari ng iba.

Napaupo ako dahil sa bigat na nararamdaman ko, naramdaman kong niyakap ako ni Hoseok Oppa para pakalmahin.

Dapat kong ipakita yung notebook ko, yung notebook kung saan nakasulat ang mga kantang ginagawa ko. Ang notebook kung saan nakasulat ang kantang iyon. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Hoseok Oppa saka tumakbo palabas.

Uuwi ako sa dorm namin at hahanapin ko ang notebook na iyon. Narinig ko pang hinahabol ako ni JB at Hoseok Oppa pero hindi ko sila pinansin, kailangan kong makapunta sa dorm ng Bangtan.

Pagkalabas ko ay sumakay agad ako ng taxi at sinabi kubg saan ako pupunta. Mabilis akong tumakbo papasok ng makarating na ako sa building ng dorm namin.

Binuksan ko ang dorm ng BTS at agad hinanap ang notebook ko. Dumiretso ako sa night table sa gilid ng sofa. Nakakita ako ng ilang magazines doon at isang notebook. Yung notebook ko pero wala na yung pahina kung saan ko sinulat yung kantang iyon. Napaupo na lang ako at muling napaiyak.

Maya-maya ay may narinig akong mga yabag na papalapit sa akin. Isang pares ng sapatos ang tumigil sa harapan ko, pag-angat ko ng tingin ko ay nakita ko si Minjun Oppa na nakatingin sa akin.

---------------------

Pakipatay si Eun-ah XXD.

Sinong tama ang hula??

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro