Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -4-

 Noona -4-

"Empress!!" sigaw nung MC sa Music Bank kaya agad na namuo yung mga luha sa nga mata ko. Eto na, eto na yung bunga ng mga paghihirap namin. Nanalo na yung album namin sa Music Bank at nagsisimula na ring tumaas yung Sales ng Album namin.

Inabot kay Hyemi unnie yung trophy at nagspeech sya samantalang ako ay nasa likod lang nila, nagpipigil ng luha.

Nakita ko ang Bangtan Boys sa may baba ng stage na napalakpak at nakangiti. Nagtama ang mga mata namin ni Jungkook tapos nagthumbs up sya sa akin. Successful ang unang week ng comeback namin. Salamat na rin sa pagpopost ni Jungkook ng teaser photo ko sa twitter account nila kaya mas dumami yung nag-abang sa comeback namin. So far magaganda yung mga comments na naririnig ko at nababasa tungkol sa opinyon nila sa comeback namin.

Pagkatapos ng show ay agad kaming pumunta sa dressing room at doon nagsimulang umiyak si Eunsoo at Jera Unnie. Alam kong Tears of Joy yun. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila. Simula nung mabuo yung grupo namin ay sila na yung tumayong Nanay at ate ko dahil mas matanda sila sa akin kaya nga sobrang thankful ako sa kanila.

"Isali nyo ko aba!" sabi ni Hyemi Unnie at sumama sa group hug namin.

"Empress Fighting!" sabay-sabay na sigaw namin kasunod nun ang palakpak mula sa mga taong napasok sa loob ng dressing room. Sino pa nga ba edi ang Bangtan.

"Congrats Empress" sabi ni Seokjin Oppa at nakipag-apir kila Unnie. Nung nasa tapat ko na sya ay niyakap nya ako ng mahigpit.

"Congrats Saeng ang galing mo talagang sumayaw, talo mo pa ako" sabi nya habang nagsway-sway kami.

"Ikaw talaga Oppa ang galing mo din kayang sumayaw! Idol kaya kita!" sabi ko naman sa kanya. Humiwalay sya mula sa pagkakayakap at tinignan ako ng nakataas yung isa nyang kilay.

"Sarcastic ba yan?" tanong nya. Umiling naman ako. Si Oppa talaga walang bilib sa sarili nya. Hindi man sya kasing galing ni Hoseok Oppa at Jimin sa pagsasayaw at least he is always giving his best.

"Hindi ah!" sagot ko. May sasabihin pa sana sya ng bigla sumingit si Yoongi Oppa.

"Congrats Yoora ko" sabi nya kaya nagulat kami. Yoora KO?

"Hoy anong Yoora ko?" masungit na tanong ni Seokjin Oppa sa kanya. "Baka mamaya may HD ka dito kay Yoora ha! Naku sinasabi ko sayo ako mismo--" hindi natapos ni Seokjin Oppa yung pagsasalita nya ng sumingit ulit si Yoongi Oppa.

"Hyung ano na namang kabaklaan yan? HD HD ano yun?" tanong ni Yoongi Oppa kay Seokjin Oppa. Sinamaan naman sya nito ng tingin.

"Anong kabaklaan? Baka ikaw ang bakla!" inis na sabi ni Seokjin Oppa. "Tsaka HD lang di mo alam? You got no jams" maarte dagdag nya. Napangiwi naman ako heto na naman sila sa mga kabaklaan este away nila.

"Anong I got no jams? Si Jimin lang nun no! Tsaka ano ba yang HD na yan? Yan ba yung pinipindot para mas luminaw yung video sa Youtube?" lintaya na. Binatukan naman sya ni Seokjin oppa.

"Tanga High Definition yon yung sayo Hidden Desire. Baka mamaya may--" sa pangalawang pagkakataon ay hindi natapos ni Seokjin Oppa yung sinasabi nya.

"Anong Hidden Desire? Baliw ka na ba? Kaya ko sinabing Yoora KO kasi di ba gusto ko syang iuwi at gawing kapatid? To talaga si Hyung dumi ng isip" nakangusong sagot ni Yoongi Oppa. Oo nga pala kung ako si Jungkook ang gusto iuwi sya naman ako.

"Sorry naman. Maka Yoora ko ka kasi parang may gusto ka dito kay Yoora eh." sabi ni Seokjin Oppa. Naramdaman kong may kumalabit sa akin kaya napalingon ako sa kanan ko. Nakita ko si Jungkook na nakangiti ng malaki at nakatago sa likod nya yung kamay nya.

Itinaas ko ang isang kilay ko tapos sinilip kung anong meron sa likod nya.

"Noona, pasign!" sabi nya sabay labas mula sa likod nya yung album namin. Akala ko naman kung ano. Kinuha ko yung album na hawak nya tsaka yung marker. Magsusulat na sana ako ng may nagpatong ng bagong album sa harapan ko.

"Akin muna yung pirmahan mo" sabi ni Taehyung at tinulak palayo si Jungkook pati yung album nya pero hindi nagpatalo si Jungkook.

"Hyung ako nauna ka Noona magpapirma eh" maktol ni Jungkook tapos nakipaggitgitan sila sa isa't-isa.

"Wala akong pake!" sigaw ni Taehyung. Hindi ko tuloy alam kung sinong uunahin sa kanilang dalawa kasi ayaw magpatalo ng bawat isa.

"Akin muna pirmahan mo" sabi ni Jimin sabay bigay sa akin nung album namin. Since nag-aaway pa yung dalawa ay pinirmahan ko na yung sa kanya.

"Lagyan mo To Oppa" suggest nya sa akin kaya napatingin ako sa kanya. Ayan nakangisi naman sya. May naisip akong mas magandang ilagay kesa sa Oppa. Pinirmahan ko yung album nya tsaka binalik sa kanya.

"Hoy Hyung ako nauna sayo ha!"sigaw ni Jungkook tapos lumapit sa akin. Sumunod naman si Taehyung pero kinuha ko na yung kay Jungkook at pinirmahan.

"Duga talaga ni Yoora. May Favoritism" ani ni Taehyung pero binelatan ko na lang sya.

"Yoora ano to?" sigaw ni Jimin na halatang nagulat sa sinulat ko. Tumingin sya sa akin tapos tinaasan ko sya ng kilay.

"Haha To: Pandak!" sabi ni Hoseok Oppa na talagang inagaw pa yung album na hawak ni Jimin. Nagtawanan naman silang lahat.

Pagkatapos naming mag-ayos ay dumiretso kaming lahat sa isang restaurant para magcelebrate.

"Yoora may schedule ka ng photoshoot para sa Ceci bukas" sabi ni Manager Unnie habang nasa daan na kami pauwi ng dorm. Nakuha pala ako dun?

"Sige po, anong oras?" tanong ko sa kanya. Tinignan muna nya yung tablet nya bago sumagot.

"10 , ikaw EunSoo may photoshoot ka rin sa isa pang magazine" paala ni Manager Unnie. Tumango naman si EunSoo Unnie. Mukhang busy kami bukas ha.

Pagdating namin sa dorm ay agad akong pumasok sa kwarto ko at naglinis ng katawan.

Pagtapos ko ay kinuha ko yung laptop ko at nagsurf ng net.

Empress slayed Music Bank with their 2nd Mini Album Comeback. Empress shows a beautiful choreography and an Upbeat tune on their comeback track Beautiful Dream.

-AllKpop

Napangiti ako sa nabasa ko. Sana magtuloy-tuloy na to.

---------------:-----------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro