Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -39-

Noona -39

"One, two, three" kasabay ng mga bilang na maririnig mo ay ang tunog ng mga sapatos. Halos limang oras na rin kaming tuloy-tuloy na nagpapractice ng GOT7. Puspusan na dahil malapit na ang Dream Concert, bukas na ang selling of tickets at marami ng interesado kaya todo practice kami.

Ginawa namin yung last pose namin which is naka-akabay ako kay JB at Mark Oppa. Nung matapos yung tugtog ay pinatay ni Vince Oppa yung music player at sumenyas ng isa pa.

"Ah Jinjjayo Hyung!?" Maktol ni Jackson Oppa at sinundan pa ng iba. Napapikit naman ako dahil sa pagod, maya-maya ay naramdaman kong inaayos ni JB yung nagkalat na buhok ko sa mukha ko. Natanggal kasi yung pagkakatali ng buhok ko dahil intense ang choreography ng kanta nila. "Gwenchana?" Tanong nya then tumango ako.

"Faster!! No Jackson stop complaining!" sita ni Vince Oppa kay Jackson Oppa na nagcocomplain ng break hanggang ngayon.

Pumesto ulit kami kung saan yung unang formation namin sa start ng kanta, hinintay namin si Jackson Oppa na pumesto na din sa pwesto nya. Ramdam na ramdam ko na ang pagod dahil sa walang break na kakasayaw pero iniisip ko na lang na ito ang gusto ko. Ito ang pangarap ko, ang magperform sa harap ng maraming tao at mapasaya sila.

Pinatugtog na ulit ni Vince Oppa yung music player at muli kaming sumayaw. Nasa kalagitnaan na kami ng biglang umikot yung paningin ko dahilan para bumagsak ako.

"Yoora!"
"Noona!" Rinig ko ang mga tawag nila sa akin. Tinuungan ako ni Mark Oppa na maka-upo ng nakasandal sa kanya. Nakita ko silang nakapalibot sa amin lalo na si JB na nasa tapat ko. Umiikot talaga yung paningin ko at medyo mahihirapan na rin akong huminga. "Hyung! Pwede bang mamaya na ulit?" Tanong ni Yugyeom kay Vince Oppa na nakatayo din sa likuran nila.

"Gwenchanayo?" Tanong nila sa akin, nahihilo lang talaga ako pero mamaya lang ang mawawala na to. Ganon naman ako, kapag sobrang straight ng practice ay bigla na lang akong babagsak, kaya kapag malapit na ang comeback namin nila Unnie, sinisigurado nila na bawat oras ay may break kami dahil hindi nga kaya ng katawan ko ang tuloy-tuloy na practice.

"Jae, pakikuha naman si Yoora ng inumin" utos ni Mark Oppa kay Youngjae at sumama sa kanya si Bambam.

Sinabihan kami ni Vince Oppa na bibigyan nya kami ng isang oras na pahinga dahil pinapatawag din sya ni Mr. Jang.

Inalalayan ako ni JB at Mark Oppa para makaupo ako ng maayos sa sofa na masa malapit, ng makaupo na ako ay inabutan naman ako ni Yugyeom ng maliit na tuwalya. Umupo si JB at Jackson Oppa sa tabi ko samantalang humiga naman si Jr at Mark Oppa sa sahig tapos si Yugyeom ay bumalik sa pagsasayaw.

"Hindi mo sinabi na hindi mo pala kaya ang tuloy-tuloy na practice" sabi ni JB sa akin. Tinignan ko sya at ngumiti. "Gwenchana, isa pa hindi ako dapat magreklamo dahil ginusto ko rin naman ito. Hindi naman ako magiging Idol kung hindi ko kaya di ba?"

"Kahit na dapat sinabi mo pa rin, at least aware kami na may isa na hindi kaya ang straight na practice"  Sabi ni Jr. Oppa. Ang unfair nan ata non.

"Ayokong maging pabigat, lalo pa't --"

"Sino bang nagsabi sayong pabigat ka? Lahat naman tayo nahihirapan dito eh" singit ni Jackson Oppa. Yumuko na lang ako, bakit ganon, sa Bangtan ako ang palaging panalo pero sa kanila lahat ng sinabi ko may pambara sila.

Maya-maya ay bumukas yung pinto at pumasok si Bambam at Youngjae na may dalang mga pagkain at inumin.
"Yoora!" Sigaw ni Eunsoo Unnie na kasunod din nila.

"Gwenchanayo?" Nag-aalalang tanong nya sa akin, tumango naman ako pero alam kong hindi pa rin kampante si Unnie sa sagot ko. Inilabas nya ang medicine kit nya at binigyan ako ng mga gamot na parati kong iniinom para makayanan ko ang mga practice namin.

"Unnie" tawag ko sa kanya kaya napa-angat sya ng tingin. Umiiyak sya. Alam nyang ayaw kong naiinom ng mga gamot para lang magbigay ng lakas sa katawan ko, pero no choice dahil kailangan.

"Stop crying, gwenchana" sabi ko sa kanya. "Ayokong bumagsak na naman"  naiiyak na sabi nya.

Kinuha ko yung gamot at pinunasan yung mga luha nya. "Ok na ako, mamaya ipagluto mo ako neh?" Pagiiba ko ng usapan para hindi na sya umiyak. As the eldest in our group, sya yung nakatokang mag-alaga sa amin kaya once we got sick, sinisisi nya palagi ang sarili nya.

Pinatahan muna namin si Unnie bago sya sinamahan ni Jackson Oppa pabalik ng practice room nila. Nagpapractice din sila ng Miss A sunbaenim sa kabilang kwarto, dapat kasama ako sa kanila ngayon pero dahol nga bukas na ang seliinh of tickets at isa sa most anticipated daw tong special stage namin kaya mas magfocus daw ako dito. Kabisado ko na rin naman ang kanta ng Miss A sunbaenim na Hush kaya wala na akong masyadong problema.

Matapos ang isang oras ay bumalik si Vince Oppa at bumalik na kami sa formation. Gusto pa nga sana nilang wag na akong sumama pero ayaw ko. Ok naman na ang pakiramdam ko kaya magpapractice na ulit ako.

***
Inihatid ako ni JB sa dorm namin matapos ang practice namin, dito rin sya sa dorm kumain ng hapunan dahil nagluto si Eunsoo Unnie.

"Si Eun-ah at Jungkook na pala ano?" Biglang tanong nya habang mabagal kaming naglalakad palabas ng hallway. Ihahatid ko na sya sa labas dahil kailangan na nyang umuwi.

"Ha? Ah oo, nakakagulat nga eh" sagot ko. Halos lahat naman ay nagulat eh.

"Buti pa si Eun-ah may boyfriend na, ako kelan kaya ako magkakagirlfriend?" Dagdag nya. Napailing naman ako, bakit sya namomroblema doon eh kayang-kaya nyang magkaroon ng girlfriend ng walang kahirap-hirap.

"Tanong mo sa agency nyo" sagot ko. Tumawa naman sya ng mahina. "Walang rule na ganon sa JYP Ent. Hindi ka ba nagtataka, kakadebut lang ni Eun-ah pero pinayagan syang magkaroon ng karelasyon, kasi nga walang rule na ganyan sa agency namin. Kung mahal mo, edi ipaglaban mo, hindi naman against sa ganon si Mr. Jang." Paliwanag nya, sa BigHit so far si Jungkook pa lang ang pinapayagan nila.

"Ang swerte nyo naman" nakakaiingit na pwede nilang gawin ang gusto nila, pero kahit ganon wala naman akong regrets sa pagpili ko sa BigHit Ent.

"Mas swerte ako kapag nagka-girlfriend na ako"  gusto nya ba talagang magkagirlfriend??

"Edi maghanap ka" siguro naman walang tangtanggi kung si JB na ang nagyaya sayong maginig girlfriend nya di ba?

"Nah, hindi na. Nakita ko na sya eh" nakangiting sagot nya. "At sino naman?" Hindi sya nagsalita, hinawakan nya ang kamay ko sabay sabing

"Neo"
*you*

------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro