
Noona -38-
Noona -38-
Bumaba kami ng lugar na iyon at muling sumakay sa motor. Mula ng yakapin nya ako hanggang ngayon na nagbibiyahe kami pabalik ay walang naimik sa aming dalawa.
Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin o sabihin. Natatakot ako na baka maling galaw ko lang ay masasaktan ko sya. Masyadong mahalaga sa akin si Taehyung kaya I promised myself that I will save him from hurt or hurting him will be the last thing I will do. Hindi sya yung tipo ng tao na dapat nakakaranas ng sakit, emotionally cause he's very fragile.
Pagdating namin sa dorm ay nauna akong naglakad sa kanya papasok, nung nasa elevator na kami ay nagkasabay kami dahil hinabol nya ako.
Ramdam ko ang akward atmosphere sa pagitan namin lalo pa't kaming dalawa lang sa loob ng elevator. Gustong kong magsalita pero hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o saan magsimula.
"Ah" sabi nya kaya tinignan ko sya gamit ang peripheral vision ko. Kita sa kanya na may gusto syang sabihin pero parang may pumipigil sa kanya. Ng bumukas na yung pinto ng elevator ay muli akong nauna sa kanya pero hindi pa ako masyadong nakakalayo ay napatigil ako dahil sa paghawak nya sa braso. Pinaharap nya ako sa kanya at nagtama yung mga mata namin.
"Yoora" tawag nya sa akin, dahil hindi ko alam kung aning dapat kong gawin ay yumuko na lang ako. Bumaba yung kamay nya sa mula braso ko at napunta iyon sa kamay ko saka nya mahinang pinisil iyon.
"Totoo yung mga sinabi ko" dagdag nya. Alam ko Taehyung, ramdam ko. Ramdam na ramdam ko.
"Hindi naman ako nagmamadali, gusto ko lang malaman mo yung nararamdaman ko" dahan-dahan akong tumango sa kanya. Inangat nya ang ulo ko para makita nya ang mukha ko. Ngumiti sya at kinurot ang pisngi ko. Pinalo ko sya dahil sa ginawa nya, masakit kaya.
"Naneun dangsin-eul gidalil geos-ida" sincere na sabi nya. Hindi ko alam pero napangiti na lang ako, hinila nya ako papalapit sa kanya at muling niyakap.
"Maghihintay ako sayo Yoora" bulong nya.
"Hyung!" Napahiwalay ako ng yakap sa kanya dahil may pamilyar na boses na nagsalita. Nakita namin si Jungkook na nasa likuran namin at walang emosyon na nakatingin.
"Kanina pa nila kayo hinahanap" sabi nya. Nagkatinginan kami ng Taehyung tapos hinawakan nya ang kamay ko saka tumango bago sya lumapit kay Jungkook.
Nagsimula na silang maglakad dalawa pero maya-maya ay bigla syang humarap sa direksyon at gumawa ng hearts gamit ang mga daliri nya, napailing na lang ako. Ang dami nya talagang alam sa buhay.
Naramdaman kong nagvivibrate yung cellphone ko kaya tumalikod na ako at kinuha iyon.
"Yeoboseyo?"
[Kailangan ko yung composition mo bukas, titignan ko kung pwede syang ihabol para sa susunod nyong album] nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ni YoonJae Oppa at kinukuha sa akin yung kantang pinakauna king nabuo, salamat sa pagtuturo sa akin ni Yoongi Oppa. Isa si Yoonjae Oppa sa mga composers namin at sya din ang nagaaprove ng mga compositions namin.
"Neh, dadalhin ko po bukas. Kamsahamnida" sabi ko. Nagsabi pa sya ng mga kailangan ko bago ibaba yung telepono.
Pagkatapos ng tawag ni Yoonjae Oppa ay agad akong tumakbo para makarating sa dorm namin at pumasok. Nakita ko pang nagtaka sila Unnie dahil sa biglang pagpasok ko at pagtakbo din sa loob.
"Yah! Yoora san ka galing??" Sigaw ni Hyemi Unnie sa labas ng kwarto ko pero hindi ko sya pinansin. Agad kong kinalkal ang lamesa ko para hanapin yung notebook na pinagsusulatan ko ng mga kantang naiisip ko. Naiimagine ko pa lang na ilalagay iyon sa susunod na album namin ay naeexcite na ako. Alam kong magugustuhan yon ng mga fans namin.
Wala yung notebook sa ibabaw ng mesa at sa mga libro na nakalagay doon, isa-isa kong binuksan ang nga drawer pero wala pa rin. "Nasan na ba?" Bulong ko sa sarili ko, tinignan ko rin ang damitan ko pero wala din doon.
"Yah! Kinaka-usap kita!" muling sigaw ni Unnie pero hindi ko pa rin sya nilingon. "Mianhe Unnie, may hinahanap lang akong importante" sagot ko sa kanya. Hinalungkat ko na din ang mga bagback na ginagamit ko pero wala pa rin talaga.
"Ano bang hinahanap mo?" malumanay na tanong ni Eunsoo Unnie na sumunod din sa loob ng kwarto ko. "Napansin nyo po ba yung notebook na sinusulatan ko ng mga kanta?"
"Wala naman, hindi ko napansin noong naglinis ako ng kwarto mo" sagot nya. Tumigil ako at umupo sa kama, inisip ko kung saan ko sya huling dinala. Sa pagkaka-alala ko ibinigay iyon sa akin ni Yoongi Oppa tapos kinanta namin ni Jimin tapos pinuri ako nila NamJoon Oppa tapos pumasok si Jungkook kasama si Yoora tapos tinanong namin sya kung anong gagawin nila para sa Music Core.
Lumabas ako ng kwarto ko habang iniisip ko pa rin kung saan ko iyon inilagay hindi pwedeng mawala yon dahil kailangan na ni Oppa.
Nakita ko si Jera Unnie na nanonood ng T.V at nakataas pa ang paa sa lamesa, kinuha nya yung cellphone nya sa may side table.
Tama! Nilagay ko yon sa side table sa salas nila Oppa, agad akong tumakbo palabas ng dorm at lumipat sa kabila.
"Oppa!" Napatigil ako sa paglalakad at nawala ang mga ngiti sa labi ko ng makita kong hawak-hawak ni Eun-ah ang mga pisngi ni Jungkook at akmang hahalikan nya ito, maski sila ay nagulat sa biglang pagpasok ko.
Umayos sila ng upo at humingi naman ako ng sorry. Pumunta ako sa kusina nila, nagbabakasakaling nandodoon si SeokJin Oppa o kahit sino sa kanila pero walang tao doon. Pakiramdam ko ay naghihina ang mga tuhod ko at mabigat ang dibdib ko kaya umupo ako sa isa sa mga silya nila at napatulala.
Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako, bakit nga ba nararamdaman ko ang mga bagay na to. Nasasaktan na kasi ako eh, sa tuwing nararamdaman ko tong pakiramdaman na to ay parang tinotorture ang puso ko.
Sa tuwing nakikita ko si Jungkook at Eun-ah na magkasama ay gusto kong hilahin palayo sa kanya si Jungkook.
Ahh ano ba to?? May gusto ba ako kay Jungkook??
--------------
Lame! Lame! Lame!
Hahaha baliw na naman ako XXD Sorna.
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro