Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -37-

Noona -37-

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya habang tumatakbo kami sa hallway ng building kung nasaan kami. Nauuna syang tumakbo sa akin kaya lumingon sya akin at ngumiti lang bilang sagot.

Nung makalabas na kami ng building ay may nilapitan syang isang motor (yung parang gamit ni Suga beybe sa MV nilang For You? Ganon XXD) at kinuha yung helmet na kulay pink na nakasabit doon saka nya ibinigay sa akin. Kahit nagtataka ay kinuha ko na at isinuot iyon, ganun din ang ginawa nya. Matapos naming magsuot ng helmet at sumakay sya sa motor at pinaandar iyon.

"Kaja" sabi nya sabay yaya sa akin na sumakay sa likuran nya. Tinignan ko sya at muling tinanong. "San ba kasi tayo pupupunta?" Nagtataka kasi ako, matapos naming magpractice kanina ay bigla na lang nya akong hinila palabas. Pero kagaya kanina ay ngiti lang ulit ang isinagot nya sa akin.

Ang weird nya talaga, sumakay na lang ako kahit na hindi pa rin ako sigurado kung anong nagyayari. Humawak ako sa balikat nya para makasakay sa motor na iyon, ng makasakay na ako ay inilagay ko yung isa ko pang kamay sa kabilang balikat nya. Mag ilang minuto na ang lumipas pero hindi pa rin kami naalis.

"Akala ko ba may pupuntahan tayo? Tanong ko ulit, hindi sya nagsalita. Kinuha nya yung dalawang kamay ko na nakapatong sa balikat nya at ipinulupot iyon sa bewang nya. "Dito ka kumapit, baka mahulog ka" sabi nya tapos pinaandar na yung motor.

Ramdam ko yung lamig ng hangin ng magsimula naming baybayin ang kalsada ng Seoul pero nababawasan naman ang lamig na nararamdaman ko dahil ramdam ko din ang init ng katawan nya. Madilim na at nagsisimula ng magbukasan ang ilaw ng iba't-ibang building at establishment na ndadaanan namin. Matagal ko na ring hindi nagagawa ang sumakay sa motor at magjoy ride, huli ko atang ginawa ito nung nasa Jeju pa ako bago ako magpasyang mag-audition para maging isang Idol.

Hindi ko alam kung ilang oras na kaming nabiyahe, naeenjoy ko kasi ang view na nakikita ko kaya hindi ko napapansin ang oras.

Nakarating kami sa parte ng syudad na konti na lang yung mga building at layo-layo na. Nakakakita na rin ako ng malalawak na damuhan. Tumigil sya sa pagpapaandar ng motor at nauna akong bumaba. Habang tinatanggal yung helmet na suot ko ay nagmamasid pa rin ako. Wala aking ibang makita kundi malalayong ilaw at malawak na damuhan.

"Anong gagawin natin dito?" Tumingin ako sa at tinignan nya lang ako gamit ang Magtiwala-ka-sa-akin-look. Alam ko namang wala syang gagawing masama sa akin kahit na nasa ganito kaming lugar, wala iyon sa personalidad nya pero kung meron man ay hindi ako nagdadalawang isip na saktan sya kahit na kaibigan ko pa sya. Blackbelter ata to. Binuksan nya yung compartment ng motor at kinuha ang isang jacket doon saka ipinasuot sa akin.

"Basta, matutuwa ka sa makikita mo sa taas" Hinawakan nya ang kamay ko at nagsimula kaming maglakad. Medyo pataas yung dinadaanan namin at mabato. Palamig ng palamig na din yung hangin, kaya siguro may dala syang jacket para sa aming dalawa.

Ng makarating kami sa taas ay pumunta sya sa likuran ko tinakpan yung mga mata ko gamit ang mga palad nya. "Yah!" Panic ko, baka mamaya ihuhulog nya pala ako dito. Narinig ko ang pagtawa nya. "Relax ka lang, hawakan mo tong braso tapos dahan-dahan tayong maglalakad"utos nya sa akin kaya kumapit ako sa braso nya. Nagsimula naman syang maglakad pero dahan- dahan lang, sinabi nya kung may matatamaan ako o wala. Naramdaman kong mas malakas yung hangin dito.

"Ok"huminto sya kaya huminto na rin ako. "Handa ka na ba?"tanong nya tapos tumango ako.

"Hana, dul, set!" Inalis nya yung kamay nya na nakatakip sa mga mata ko. "Daebak!"yun na lang ang nasabi ko ng makita ko kung ano yung nasa harap ko. Parang isang malaking picture ng Seoul sa gabi. Kitang-kita yung mga ilaw ng building at yung mga ilaw ng sasakyan na natakbo sa kalsada, maririnig mo din ang mga busina nila kahit medyo malayo. Nasa mataas na lugar kami kaya kitang-kita ang kabuuan ng busy-ng syudad ng Seoul

"Nagustuhan mo?" Tanong nya, tinignan ko sya at tumango. Gustong-gusto ko ang mga ganitong lugar. Yung tipong sa sobrang ganda ay parang ayaw mo ng umalis. Yung akala mo perpekto dahil sa ganda.

"Neh, nan jeongmal joh-a" nakangiting sagot ko. Muli kong maramdaman ang paghawak nya sa kamay. *Yes, I like it"

"Jeongmal aleumdabda" komento nya kaya tumango ako. Ngayon ko lang nakita ang Seoul sa ganitong view at masasabi kong napakaganda nito at gusto kong bumalik sa lugar na ito. *Its really beautiful*

"Gachi sajing jikoyo" inilabas nya yung cellphone at kahit mahangin ay kumuha kami ng litrato. *Lets take a photo together*

"Kyeopta" sabi nya matapos nyang makita yung mga picture namin. Tinignan ko rin ang mga iyon at maganda naman ang mga kuha namin.

Niyaya nya akong umupo sa ilalim ng isang puno, naglatag muna sya ng sapin bagi kami umupo. Mukhang pinaghandaan nya ang pagpunta namin dito.

Nagkwentuhan na lang kami ng kung ano-ano. Kapag kasama ko talaga sya nakakalimutan kong may problema ako. Nakakalimutan ko lahat ng iniisip ko na makakasakit sa akin. Pakiramdam ko kapag kasama ko sya ay para ulit akong bata na walang  problema dumadaan.

"Yoora" tawag nya sa akin matapos ang mahabang katahimikan, nandito pa rin kami at mukhang wala kaming balak umuwi. Pinatay rin namin ang mga cellphone namin dahil nagsisimula na silang tumawag.

"Neh?" Sagot ko sabay lingon sya kanya. Seryoso ang mukha nya kaya nakaramdam ako ng pag-kailang. Kanina ay masaya pa kami bakit bigla na lang magiging ganto ang atmosphere.

"Mianhe" nagsimula na akong magtaka sa kinikilos nya. Bakit sya nagsosorry sa akin? May ginawa ba syang mali na hindi ko alam?

"Waeyo? Bakit ka nagsosorry?" Hindi sya sumagot, nakatingin lang sya sa akin kaya pinalo ko sya.

"Ang lakas mo talagang mag-trip ano? Naku al--"  hinawakan nya ang kamay ko na pinanghampas ko sa kanya at inilagay iyon sa dibdib nya.

"Yoora saranghae" napatitig ako sa mga mata nya matapos nyang sabihin ang mga salitang iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Taehyung" tawag ko sa kanya. Mas hinigpitan nya ang pagkakakapit sa kamay ko na nasa dibdib nya pa rin hanggang ngayon.

"Di ba may usapan tayo?" No Taehyung, hindi to pwede. Hindi ka pwedeng maiilove sa akin.

"Oo alam ko, pero hindi ko na kaya! Pinigilan ko Yoora, pero sa tuwing makikita kitang malungkot nagdadalawang isip ako! Nagdadalawang isip ako kung susundin ko pa ba yung usapan natin na yon o susundin ko na ang puso ko." Binawi ko sa kanya ang kamay ko at saka umiling.

"Hindi mo naiintindihan Taehyung!" Sabi ko sa kanya. Wala kang naiintindihan sa sitwasyon ko.

"Edi ipaintindi mo sa akin!" Please Taehyung wag ganto.

Napayuko ako, ayoko ng ganitong pakiramdam. Nalilito ako.

Lumapit sya sa akin at muli akong umiling. Hinawakan nya ang mga pisngi ko at sunod ko na lang na naramdaman ang paglapat ng labi sa labi ko.

"Yoora jebal" bulong nya matapos ang halik na iyon.

Ang gulo ng isip ko pero may isang bagay ang malinaw, tumatakbo sa isip ko ang pangalan ni Jungkook.

------------------
Comments please!!!

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro