Noona -33-
Noona -33-
"Si Yoora na lang kaya" nagulat ako ng bigla akong ituro ni Hoseok Oppa habang nalalakad ako papalapit sa sofa dito sa dorm ng Bangtan. Pinausog ko ng konti si Jimin at umupo ako sa tabi nya. Lahat sila ay nandito at mukhang may pinag-uusapan.
Hindi ko pinansin yung sinabi ni Hoseok Oppa, hunarap ako sa TV nila at nanood ng kung anong pwedeng panoorin.
"Oo nga si Yoora na lang" dagdag pa ni Seokjin Oppa kaya napatingin ako sa kanila. Ano bang ako na lang? Pinagtitripan na naman ata nila ako eh.
Nakakunot ang noo ko ng humarap sa akin si NamJoon Oppa. "Pwede ba Yoora?" Tanong nya.
"Ano yon?" Balik na tanong ko sa kanila. Umayos ng upo si Hoseok Oppa at ngumiti ng malaki.
"Iniisip naman kung pwedeng ikaw na lang yung maging leading lady namin para sa Music Video ng For You" sagot nya sa tanong ko. For You? Yun ba yung bago nilang Japanese album?
"Itatanong ko na lang kay Manager Noona kung pwede ka, nahihirapan din kasi silang maghanap ng magiging leading lady para doon eh, alam mo naman busy ang lahat" paliwanag ni NamJoon Oppa sa akin. Tumango na lang ako dahilan para tumayo si Hoseok Oppa at yakapin ako. "Thank you! Thank you!" Sabi nya with matching yugyog pa sa akin tapos sumayaw-sayaw pa. Masyadong masaya si Oppa ngayon.
"Yah! Hoseok!" Napatigil sya sa pagsasayaw ng biglang lumabas si Yoongi Oppa mula sa studio nya ng nakakunot ang noo.
"Ang ingay mo!" Hindi na pumalag si Hoseok Oppa, umupo na lang ulit sya sa tabi ni Seokjin Oppa.
"Yoora, ok na yung rap sa kinompose mong kanta, pwede na syang lapatan ng tugtog. Samahan na lang kita sa susunod sa studio" sabi ni Yoongi Oppa kaya napatayo ako at ako naman ang yumakap sa kanya. Grabe the best talaga si Oppa, ang dami kong natutunan sa kanya habang tinuturuan nya akong magsulat ng rap.
"Hajima!" Sabi nya sabay tulak sa akin ng mahina para lumayo ako sa kanya. Bumalik sya sa loob ng studio nya pero agad ding lumabas at inabot nya sa akin yung notebook ko kung saan ko isinusulat yung mga kanta ko.
Tinignan ko iyon at nagsimulang kantahin ng mahina. Hindi ako Main Vocalist at hindi rin Main Rapper pero I can sing and rap a little.
Bumalik ako sa tabi ni Jimin at tinignan nya yung notebook ko.
"Daebak! Yoora" komento nya matapos nyang mabasa yung sinulat ko. Lumapit din sa akin si NamJoon Oppa tapos tinanong nya sa akin kung tungkol saan yung sinulat ko.
Butterfly yung pamagat ng kanta na ginawa ko. It is all about a person who is inlove but afraid that if he/she confess it might ruined everything.
It may sounds weird pero mayroon akong ganoong feeling. May nararamdaman ako para sa isang tao pero natatakot sa kung anong mangyayari sa susunod. And what's ironic is, I don't know who's that person. It feels like he's just somewhere and I'm still finding him.
Nakita kong may konting revision pa si Yoongi Oppa sa ilang sentences ng kanta na ginawa ko.
"Whoo improving ka na Yoora, hindi na lang cheorography ang nagagawa mo, nagcocompose ka na rin" sabi sa akin ni Seok Jin Oppa.
Bukas ay ipapatingin ko ito sa isa sa mga composer namin para matanong kung pwede pa itong idagdag sa bagong album namin.
Inilapag ko yung notebook ko na iyon sa mesa sa gilid ng sofa nila, wala naman sigurong gagalaw nito dito.
Umorder sila Oppa ng pizza at dahil wala akong kasama sa dorm ngayon ay makikigulo ako sa pagkain nila.
Kasalukuyan kaming nanonood ng movie ng biglang bumukas yung pinto ng dorm nila at pumasok si Jungkook. Akala ko mag-isa lang sya hanggang sa may tinawag sya at sumunod namang pumasok si Eun-ah.
Kaya pala amoy strawberry na naman yung hangin, kasama nya si Eun-ah. Agad nagsi-ayos ng upo sila Oppa nung makita nilang kasama ni Jungkook si Eun-ah.
Hinawakan ni Jungkook ang kamay ni Eun-ah at hinila sya papalapit sa amin, nung makalapit na sila ay binati nya kami.
"Annyeong haseyo BTS Sunbaenim, Yoora-sunbaenim" tumayo si Jimin at pinaupo nya si Eun-ah doon. Inalok sya nila Oppa ng pizza habang nagpaalam naman si Jungkook na magbibihis lang.
"Kamusta? May naisip na ba kayong teaser para sa collaboration nyo?" Usisa ni Hoseok Oppa na kanina pa tahimik simula nung sigawan sya ni Yoongi Oppa. Umiling si Eun-ah.
"Wala pa nga po eh, nahihirapan kaming mag-isip ng kung anong gagawin" manhinhing sagot ni Eun-ah.
"Bakit di kayo sumayaw" suggest naman ni NamJoon Oppa pero umiling ulit si Eun-ah.
"We don't have enough time to practice new routines, sunbae. Isa pa, kakagaling lang din po ni Jungkook sa sakit di ba?" Sagot nya, oo nga naman. Kakagaling lang ni Jungkook mula sa sakit at baka mabinat sya. Nakakainis lang takaga yang si Minjun Oppa, walang konsiderasyon.
"Then sing"ako naman ang nagsuggest, tumingin sya sa akin tapos ibinalik sa unahan yung tingin nya.
"Naisip na rin po namin yan, kaso ano pong kanta?"
"One of your songs or our song?" Singit ulit ni NamJoon Oppa.
"Bawal po"
"Then try singing a foreign song" sabi ko. Even though I'm a Korean, I'm always fond of singing foreign songs. I think it will be a hit, most of our international Fans go crazy when we sing English sings. Naalala kong pinag-usapan ang cover nila Jungkook noon ng Graduation Song kahit na it was in korean, how much more pa kaya kung english song na nakakantahin nila.
"Kamsahamnida. Itatry po namin yung suggestion nyo"
---------------
Unknown POV
"Do you really like her?" Tanong nga isang lalaki sa isa pang lalaki na kasalukuyang nakaupo ngayon sa tapat nya. Inangat ng lalaking naka-upo ang ulo nya at nagkasalubong sila ng tingin, maya-maya ay tumango ito.
Kasabay ng pagtango ng lalaki ay ang pagsibol ng isang ngiti sa labi ng isa pang lalaki.
"Then date her, wala namang mawawala di ba?"
------------------
Forgive me if I will use Butterfly as Yoora's composition here. Sa tingin ko bagay kasi sa mararamdaman nya yung kanta na yon kaya ginamit ko.
In this story walang kantang Butterfly ang BTS, this story was a fiction after all. Sorry kung maoofend ko kayo dahil sa ginawa ko. Sorry talaga..
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro