
Noona -32-
Noona -32-
"Kajima"
"Kajima"
"Kajima"
"Kajima" hindi maalis sa isip ko kung bakit ako sinabihan ni Jungkook kanina ng salitang iyan. Dahil ba may sakit sya? Pero sa pagkakakilala ko kay Jungkook ay hindi sya yung tipong nagpapaalaga lalo na kapag may sakit. Hanggat kaya nya gagawin nya mag-isa kahit may sakit pa sya.
Umupo ako mula sa pagkakahiga at napakusot ng mata. Ramdam kong malapit ng kumatok si Unnie sa pinto ng kwarto ko para gisingin ako pero hanggang ngayon ay wala pa rin akong tulog.
It's not working
So Stop Fronting
I knew you want me
So let's start talking
Agad kong kinuha yung cellphone ko sa ibabaw ng night table nung marinig ko itong tumunog. A yung ringtone ko dahil sinasanay ko yung sarili ko na makabisado yung kanta ng GOT7.
"Yeoboseyo?"
[Ah, neh Yoora-sshi. Ah pwede ka ba ngayon? Natapos na kasi ni Youngjae at Jacksong yung remix ng mga kanta natin] nanlaki ang nga mata ko ng marealize kong si Jaebum pala yung tumawag. Hindi ko kasi tinignan yung Caller's ID.
"Ah jinjjayo?. Neh pwede akong pumunta dyan mamaya pagkatapos kong magMC sa Music Core mamaya. Ok lang bang hintayin nyo ako?" Sagot ko. Tumayo ako sa kama habang nasa kanang tenga ko yung cellphone ko. Lumabas ako ng kwarto ko at saktong palabas na rin si Hyemi Unnie.
Tinanong nya kung sino yung kausap ko and I mouthed JB. Dumiretso kami ng kusina at ipinagtimpla nya ako ng Hot Chocolate.
[Oo naman, so mamaya na lang] Nagpaalam na si JB kaya ipinagpatuloy ko na yung pagkain ko dahil dadaan pa ako ng BigHit ngayon.
***
"Noona! Unnie!" Tawag sa akin ng mga Trainees tapos agad silang pumila at nagbow sa akin, ganun din ang ginawa ko sa kanila.
"Jal jinesseoyo?" Tanong ko sa kanila. Sumagot naman sila na Ok lang sila at nagsimula na silang magkwento ng kung ano-anong nangyari sa mga practice nila at sa school.
"Tapos Noona ako yung may pinaka mataas na grade na nakuha!" Pagmamalaki sa akin ni Sam, ngumiti ako sa kanya at pinat ang ulo nya. Magaling ang batang ito, nakikita ko si Jungkook sa kanya noong mga trainees din kami. Masipag at hardworking.
Matapos yung kwentuhan namin ay pinaghanda ko na sila para sa routine na gagawin namin.
Kanya-kanya naman silang ayos at practice. Habang hinihintay ko silang matapos sa 2 hours na ibinigay ko ay umakyat ako ng conference room.
Pupuntahan ko si PD-nim dahil matagal ko na rin syang di nakikita. Si PD-nim ang itinuring kong pangalawang tatay simula noong maging Trainee ako ng BigHit. Magkaiba man sila ng ugali ni Appa, pareho naman nilang inaalala palagi ang kapakanan ko.
Papasok na sana ako ng pinto ng conference room ng biglang may humawak sa kamay ko na nakahawak sa sendura ng pinto. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko si MinJun Oppa. Inalis ko yung kamay ko sa sendura ng pinto at nagbow sa kanya. Tinignan nya pa ako ng ilang minuto tapos nakita kong ngumisi sya bago tuluyang pumasok sa loob ng conference room. Bumalik na lang ako sa practice room dahil baka may meeting sila ni PD-nim ngayon.
***
"Yoora, gwenchanayo?" Napabalik ako sa huwisyo ng marinig ko na may tumawag sa pangalan ko. Nakita ko si HyukJae Oppa, isa sa mga staff dito sa Music Core na nakatingin sa akin nat mukhang nag-aalala.
Pagdating ko dito sa set mg Music Core ay bigla na lang akong kinabahan sa di malaman na dahilan. Parang may mangyayaring di maganda.
"Neh, gwenchanayo" sagot ko kay Oppa kahit hindi ako sure kung Ok lang ba talaga ako. Tumayo ako at nagpamake-up. Matapos yon ay randam ko pa rin yung kaba sa dibdib ko, pero kailngan kong ayusin ang trabaho ko.
Kinuha ko yung cellphone ko at idinial ang number nya. Yung taong nagpagsasabihan ko ng lahat ng gusto ko. Yung taong nakakaintindi sa akin at yung taong palaging nandyan para sa akin.
"Taehyung-ah" tawag ko sa pangalan nya nung sagutin nya ang tawag ko. Bakit ganon imbes na gumaan yubg pakiramdam ko ay parang mag bumigat pa ng marinig ko ang pagbuntong-hininga nya sa kabilang linya.
"Yoora, si PD-nim" yun pa lang ang sinabi nya ay parang maiiyak na ako. Anong nangyari kay PD-nim?
"Inatake sa puso si PD-nim at hindi maganda ang lagay nya ngayon" dagdag nya pa. Napatulala ako, kaya ba gusto ko syang makita kanina? Kaya ba parang gusto kong wag umalis kanina sa Big Hit.
"Yoora-sshi, start na tayo in 3 minutes"
Kahit na mabigat yung pakiramdam ko ay tinapos ko yung trabaho ko sa Music Core. Nagmessage na rin ako kay JB na hindi na ako makakapunta sa JYP Ent. Dahil nga sa nangyari kay PD-nim.
"Hindi ka pwedeng pumasok" agad akong hinarang ng isa sa mga body guard na nakabantay sa kwarto ni PD-nim.
"Waeyo?" Tanong ko sa kanya. Bakit naman ako hindi pwedeng pumasok sa loob.
"Dahil sinabi ko" napalingon ako sa may bandang likuran ko at nakita ko si Min Jun Oppa na nakatayo at nakalagay pa yung mga kamay nya sa bulsa. Bakas sa mukha nya na hindi sya nag-aalala.
"Sumunod ka sa akin" utos nya. Bilang panganay na anak ni PD-nim ay kailngan namin syang sundin. Sya kasi ang magmamana sa Big Hit pagdating ng panahon, pero hindi ko sya gusto. Masyado kasi syang gahaman at hindi iniisip ang kapakanan ng iba.
Nakarating kami sa isang malaking kwarto dito sa ospital, pagpasok namin ay nandoon na lahat ng BigHit artist maging ang nga trainees. Nung makita ako ni Sam ay agad syang lumapit sa akin at umiyak. Bakas din sa mukha nila Unnie at Bangtan ang pag-aalala.
"Stop crying Sam!" Sigaw ni MinJun Oppa kay San kaya mas umiyak tuloy yung bata. Sinamaan ko ng tingin si Oppa "Wag mo syang sigawan" minsan talaga nakakalimutan ko ng anak sya ng Boss ko at mas nakakatanda sya sa akin.
Nakipagtitigan sya sa akin pero sya din ang unang umiwas at nagpunta sa sa unahan. Umupo naman kami ni Sam sa tabi ni SeokJin Oppa.
"So alam nyo na kung anong nangyari kay Appa, pero" panimula nya, hindi ko muna sya pinansin dahil iyak pa rin ng iyak si Sam.
"Pero hindi ibig sabihin non ay titigil na tayo. Jungkook!" Tumayo si Jungkook mula sa pagkaka-upo nya.
"May collaboration kayo ni Eun-ah sa Dream Concert di ba?" Tumingin ako sa unahan at kay Jungkook. Mukhang masama pa rin ang pakiramdam nya.
"Ipopromote nyo ang collaboration ni Eun-ah sa Music Core next week"
--------------------------
Baka naman galit na kayo sa akin nyan?? >_< Sorry na talaga!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro