Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -28-

Noona -28-

"Whoa!~~" sabi ng mga kasama namin pagkababa namin ng van. Agad akong napatingala ng makita ko yung building ng JYP Ent na sobrang laki. Siguro ng 5 floors ang taas nya at ang ganda ng pagkakagawa. Di hamak na mas nakakaangat na sila kumpara sa company namin.

Sinalubong kami ng isang babae at napansin ko yung I.D na nakasabit sa leeg nya. Park Suljin Staff

"Anneyeong haseyo, this way please" sabi nya sa amin kaya nagsimula na kaming maglakad papasok ng building ng JYP Ent.

Habang naglalakad kami ay may mga fans na nagtitilian at kumukuha ng litrato namin. Nabalitaan na kasi nila ang Dream Concert at alam dim nilang ngayon kami pupuntasa JYP Ent para pag-usapan ang mga magaganap sa concert na iyon.

"Unnie!" sigaw ng isang fan na nadaanan ko sabay abot sa akin ng isang lunch box. Inalis ko ang suot kong shades at nakita kong si Mara pala sya. Ngumiti ako sa kanya at kinuha iyon saka nagpasalamat.

"Ako may gawa nyan! Unnie Fighting!" sigaw nya kahit hinaharangan na sya ng mga guards na nakasunod sa amin. Tumango ako sa kanya at muling nagpasalamat.

"Whha Oppa!"

"Jungkook Oppa!"

"Taehyung! Please notice me!!!"

"Jimin, nandito si Noona!!"

"Rap Monster!!!!"

"Jin! Jin! Kin Seok Jin!!'

"Yoongi-ah!!" halos mabingi ako nung sumunod sa amin ang Bangtan. Sobrang lakas ng sigaw ng mga fans nila at kanya kanya silang hawak ng mga banner at mga magagandang uri ng camera.

"Yah Yoongi-ah!" sigaw ukit nung babae kaya napalingon si Yoongi Oppa sa direksyon nya. Agad syang ngumiti ng malaki nung mapansin nyang nakatingin sa kanya si Oppa sabay sigaw ng "Rhea imnida! Sarangheyo!!" sigaw nya ulit sabay lagay ng dalawang nyang kamay sa ulo nya para gumawa mg heart. Tinignan ko si Oppa para makita kung anong reaksyon nya pero nakatingin lang sya kay Rhea.

"Sya na naman?" rinig kong bulong ni Yoongi Oppa tapos naglakad na sya ulit.

Nagsimula na rin ako maglakad ulit ng may humawak sa kamay ko. Nakita ko si Sam na medyo natatakot sa dami ng tao ngayon.

Inalis ko yung pagkakahawak nya sa kamay ko at inakbayan sya. Tinakpan ko ang tenga nya at sabay kaming naglakad dalawa. Si Sam ang pinaka batang trainee ng Bighit at ito ang unang beses na nakapunta sya sya sa ganito karaming tao dahil bago lang din sya.

Nung malapit na kami sa pinto ng JYP Ent ay biglang tumili ng malakas yung mga tao kaya napaangat ako ng tingin. Nakita ko si JB na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ko. Mula sa kinatatayuan nya ay lumapit sya sa akin at inilahad nya yung kamay nya sa harapan ko. Inalis ko yung kamay kong nakalagay sa mga tenga ni Sam at inilagay iyon sa kamay nya.

"Welcome to JYP Ent. Yoora-sshi" bati nya sa akin kaya bahagya akong tumango at pilit na ngumiti. Pakiramdam ko mahuhusgahan na naman ako ng buong mundo dahil sa nagyayari ngayon, pero pinipilit kong gumalaw ng maayos dahil nakakahiya kay JB. He's my friend afterall.

Matapos nun ay mas lumakas yung tilian ng lumabas si Eun-ah at lapitan nya ang Bangtan lalo na si Jungkook.

Netong nakaraan parang hindi ko na kilala si Jungkook. Kung makipag-usap sya sa akin ay masyadong pormal, wala na yung lambing at yung mga pabiro nyang hindi paggalang sa akin dahil nga sobrang close kami at ang mas nakakapagtaka ay ang hindi nya pagpansin sa akin. Kung dati kapag hindi ako nakatingin sa kanya ay gagawa sya ng paraan para mapansin ko pero ngayon, nabungho na nya ako lahat-lahat ay hindi nya pa rin ako nakikita.

"Welcom sa JYP Ent. Oppa" sabi ni Eun-ah sabay kapit sa braso ni Jungkook na ikinagulat ng lahat lalo na ako. Sila na ba?

Napangitin ako sa kanya at nakita ko ang pamumula ng pisngi ni Jungkook dahil sa ginawa ni Eun-ah. Nagkasalubong ang mga tingin namin pero agad din syang umiwas.

Nagsimula silang maglakad ni Eun-ah papasok ng building at naramdaman ko ang marahang pagpisil ni JB sa kamay ko. Niyaya din nya akong pumasok na sa loob.

Ng makarating kami sa labas ng conference room ng JYP Ent. ay sinalubong kami ni Mr. Jang.

"Welcome sa inyo Bighit artist! Wag kayong mahihiya at feel at home" sabi nya then pinapasok na kaming lahat.

Mas malawak ng dalawang beses ang conference room nila kaysa sa conference room namin kaya kasya kaming lahat.

May kanya-kanyang table para sa bawat collaboration. Kasama ng mga trainees namin ang trainees ng JYP Ent sa isang mahabang table, kami namang Empress ay kasama namin ang Miss A sunbaenim pero wala si Suzy sunbaenim dahil may shooting pa sya at ang GOT7 sa iisang table. At magkasama ang Bangtan at Harmony.

Nagsimula yung meeting at inexplain ni Mr. Jang yung mga gusto nyang mangyari para sa Dream Concert. Kung among magiging ayos ng stage, kung paano ang bentahan ng ticket at syempre yung mga magiging performance namin.

Habang nakikinig ay hindi nakatakas sa akin ang paghaharutan ni Jungkook at Eun-ah. Palihim silang nagkikilitian at hindi ko maiwasang hindi mainis dahil hindi naman ganyan si Jungkook dati. Palagi yang nakikinig sa mga meeting namin dahil gusto nyang maging maayos ang performance nya pero ngayon parang bale wala sa kanya itong malaking project na ito. Napansin sila ni Namjoon Oppa at sinaway sila. Tumigil sila pero maya-maya ay balik kilitian na naman.

Ibinaling ko yung mata ko sa unahan para muling makinig pero nadidistract ako dahil naririnig ko ang mga pigil na tawa nila.

"Pwede ba kitang tawaging Noona?" napalingon ako doon sa lalaking katapat ko na biglang nagsalita. Nakita kong siniko sya ni BamBam kaya napalingon sya dito.

"Ha? Neh, pwede mo akong tawaging Noona." sagot ko sa kanya. Mas lumawak yung ngiti nya at lumalabas na yung eyesmile nya.

"Balita ko po ikaw yung main dancer ng grupo nyo?" tanong nya ulit kaya tumango ako.

"Yugeom-ah, hajima. Nakikinig si Yoora" saway sa kanya ni JB na nasa tabi ko ngayon. Tumingin ako sa kanya at sinabing ok lang kaya kinausap ako ng kinausap ni Yugeom. Ang dami nyang naiisp na gawin para sa special stage namin at kung ano ano pa. Natuwa naman ako sa kanya dahil kinakausap nya ako kahit na sinasaway sya ni Jaebum.

"Oh bago ko makalimutan, Eun-ah requested me na gusto nyang magkaroon ng special stage with her childhood friend way back in Busan. Ok lang ba na magkaroon kayo ng special stage, Jungkook?" tanong ni Mr. Jang kay Jungkook. Tumayo si Jungkook tapos tumingin sya sa harapan then kay Eun-ah. Habang nakatingin kay Eun-ah ay ngumiti sya "Neh, gusto ko din pong magkaroon ng special stage with Eun-ah'

----------------------
Last UD for the meantime. Baka next week na po ang sunod dahil midterm exam namin this week so ayun.

If your also reading The Main Dancer baka next week na rin yung UD ok?

Comments pleaseu *-*

Yung lang XXD

-Boo Seungkwan's NOONA <///3

Yoora o Eun-ah??

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro