Noona -27-
Noona -27-
Aligaga ako habang hinahanap yung ballpen ko na naka-ipit sa notebook ko noong nakaraan pero ngayon ay nawawala na. Kinalkal ko na lahat ng drawers ko at hinanap sa kung saan-saan pero wala talaga.
"San na ba napunta?" bulong ko sa sarili ko habang itinatali yung buhok kong paharang-harang sa paghahanap ko.
Sabado ngayon at pahinga ko kaya napagdedisyunan ko na magsulat ng kanta ngayon para makatulong kila Unnie para sa next comeback namin. Halos isang buwan na rin ako sa Music Core at sa sobrang busy ko ay hindi na ako nakakatulong kila Unnie sa pagpeprepare na album namin.
Sabi nila naiintindihan nila pero syempre gusto ko makatulong ako para mabawasan naman yung ginagawa nila.
"Unnie! Nakita mo ba yung ballpen ko na bigay ni Jungkook dati?" sigaw ko habang patuloy pa rin sa paghahanap.
"Eto ba?" abot sa akin ni EunSoo Unnie ng isang ballpen na may cute na design. Agad ko iyon kinuha sa kanya at tumango.
"Mian, ginamit ko kasi nung isang araw dahil naubos na yung tinta ng ballpen ko eh" hingi nya ng paumanhin. Alam kasi nila na ayaw ko ng may nangingi-elam ng gamit ko lalo na yung hindi nagpapaalam.
Itong ballpen na to ay ang unang regalo sa akin ni Jungkook noong unang taon ko as a Trainee. Wala syang masyadong pera that time dahil nasa Middle school pa lang sya pero he managed to by me this simple thing.
Hindi ko to ginagamit kung saan saan, sa pagsusulat lang ng kanta dahil pakiramdam ko naiinspire ako dahil ang cute cute ng design nya.
To: Yooonnngiiiii Oppaaa
Paturo gumawa ng magandang Rap Oppa!! (ㅇ ㅅ ㅇ)
Sent!
Tinext ko si Yoongi Oppa para magpaturo kung paano gumawa ng magandang rap para sa naisip kong kanta, nabasa na rin nya tong draft ko at sabi nya konting ayos na lang ang kailangan at isang meaningful na rap ay pwede na daw tong pang comeback song.
Umupo ako sa sofa habang hinihintay yung reply ni Oppa. Ako lang at si Eunsoo Unnie ang nandito sa dorm dahil pinatawag si Jera at Hyemi Unnie ng BigHit.
From: Yooonnngiiiii Oppaaa
Dorm
Sagot nya. Ganyan talaga magtext si Oppa, kailangan mong palawakin ang pag-iisip mo para maintindihan yung gusto nyang sabihin. In short, masyado kasi syang tamad magtext.
Nagpaalam ako kay EunSoo unnie na mangangapit bahay muna ako at pumayag naman sya.
Lumabas ko ng dorm namin at lumapit sa kabila. Pagtapat ko sa pinto ng dorm nila ay amoy strawberry. Yung pabango ng babaeng may flavor na strawberry. Nagtaka ako kasi parang kakapasok ng isang tao na may ganoong pabango sa dorm nila, pero binale wala ko na rin. Hindi nga lang pala kami ang nakatira sa building na ito.
Inenter ko yung passcode ng dorm nila at saka pumasok. Mas lalong lumakas yung amoy ng strawberry kaya agad akong naglakad papunta sa salas nila.
Nanlaki ang mga mata ko ng makita si Eun-ah na naka-upo sa sofa nila at parang inoobserbahan nya yung dorm nila Oppa. Nung mahagip ng mata nya ako ay agad syang tumayo at nagbow sa akin.
"Oh Annyeong haseyo, Yoora sunbae-nim" bati nya sa akin pero na nanatili akong nakatingin lang sa kanya. Anong ginagawa nya dito?
"Naku pasensya ka na ha? Hindi naman kasi nagsabi si Jungkook na may bisita pala sya hindi tuloy ako nakapaghanda" mula sa kusina ay lumabas si SeokJin Oppa at may dala-dala syang isang plato ng cookies at isang basong juice. Nagpasalamat naman si Eun-ah kay Seok Jin Oppa.
Napaligon sa akin si Seokjin Oppa at binigyan ko sya ng Anong-ginagawa-nya-dito look pero mukhang hindi nya iyon napansin.
"Oh Yoora, nandyan ka pala. Samahan mo nga muna itong si Eun-ah at baka maOP dahil lahat kami dito ay lalaki. Ito naman kasing si Jungkook, hindi nagsabi na ngayon pala yung simula ng tutor nya, sinundo pa sya tuloy nitong si Eun-aha" sabi sa akin ni Oppa.
"Tutor?" ulit ko doon sa huling sinabi ni Oppa, agad syang tumango at inayos yung buhok nya.
"Oo, si Eun-ah daw yung inatasan ni Mrs. Song na magtutor kay Jungkook sa English" sagot nya. Nabaling yung tingin ko kay Eun-ah at nakangiti sya pero halatang naiilang sya.
"Classmate mo si Jungkook?" tanong ko. Bakit kailangan pang itutor ni Jungkook sa English? Ganon na ba kababa ng mga nakukuha?
Umiling si Eun-ah "Hindi po, pero pareho pa kaming English teacher si Mrs. Song" sagot nya. Tumango-tango ako pero parang may hindi pa rin ako maintindihan.
May narinig kaming bumukas na pinto kaya napalignon kaming lahat doon, lumabas si Jungkook mula sa kwarto nya at nakabihis na sya. Nakita kong nagulat pa sya ng makita ako.
"Hyung, may wax ka pa?" tanong nya kay Seokjin Oppa tapos sinabi ni Oppa na sya ang kumuha sa kwarto ni Oppa.
Nung madaanan nya si Eun-ah ay kina-usap nya ito. " Sandali lang ha?" tumango naman si Eun-ah at saka ngumiti. May hindi talaga ako maintindihan sa mga nangyayari ngayon at hindi ko alam kung ako iyon.
Pagkakuha ni Jungkook yung wax sa kwarto ni Seokjin Oppa qy agad syang bumalik sa loob ng kwarto nya at sakto lumabas si Yoongi Oppa mula sa studio nya.
"Nandito ka na pala, kanina pa kita hinihintay" sabi nya ng makita ako. Napansin nya si Eun-ah at agad naman syang binati ni Eun-ah.
Lumapit sa akin si Oppa at hiningi yung notebook ko na pinagsusulatan ng mga kanta. Tinignan nya yung mga iyon at binasa. Naki basa rin si Seokjin Oppa at pinuri nya yung mga gawa ko. Maganda raw yung mga tema ng kanta ko.
Matapos nilang tignan yung mga nakasulat sa notebook ko ay pumunta kami ni Yoongi Oppa sa studio nya.
"Maganda na yung simula at yung bridge, aaayuain natin yung chorus dahil baka malito sila sa ibig mong sabihin sa kanta na to. Ngayon kailngan mong mag-isip ulit ng iba pang pwedeng gamiting topic para sa rap pero dapat hindi lalayo dito ok?" paliwanag ni Oppa sa akin. Binigyan nya ako ng papel at ballpen na susulatan ko ng rap na naiisip ko.
Kanina bago ako pumunta dito ay may naiasp na ako pero parang nagblangko yung isip ko. Parang may humarang sa mga ideas ko sa isip ko
"Yoora lumalayo ka na" narinig kong sabi ni Yoongi Oppa.
"Hyung, alis na kami ni Eun-ah. Uuwi din ako ng maaga" narinig kong nagpaalam si Jungkook kay SeokJin Oppa.
Alis na kami ni Eun-ah.
Alis na kami ni Eun-ah.
Alis na kami ni Eun-ah.
"Yoora nakikinig ka ba?" sabi ulit ni Oppa.
May mali talaga eh.
-----------------------
Hello!
May nagbabasa pa ba??
Sana meron pa TT^TT
Anyways, Double LAME UD for now >_<.
Comments please!!!!
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro