Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -25-

Noona -25-

Tinototoo nga ni Yoongi Oppa yung sinabi nya sa akin na lagot ako sa kanya pagdating sa dorm. Pagkauwi namin galing Fan signing event sa Myeongdong ay nakabantay  sya sa tapat ng dorm namin with his Bored look face at nung makita nya ako ay agad nya akong nilapitan at inakbayan or should I say sinakal?

"Muntik na kaming mapahamak dahil sa kalokohan mo alam mo ba yon ha Choi Yoora?" sabi nya habang kinikiliti ako. Pilit naman akong umalis sa pagkakahawak nya dahil alam nya kung anong kahinaan ko.

"Mianhe Oppa!" sabi ko nung makawala na ako sa kanya. Iniwan na ako nila Unnie at pumasok na sila sa loob samantalang lumabas naman mula sa dorm nila Oppa si Jimin at Seok Jin Oppa.

"Gwenchanayo?" tanong agad sa akin ni Seok Jin Oppa kaya tumango ako pero mukhang hindi pa sya kumbinsido dahil nilapitan nya pa ako at sinipat ang leeg at noo ko.

"Hehe" bigla naman singit ni Jimin kaya sabay kaming napatingin sa kanya. Nakangiti sya at halos mawala yung mga mata nya sa sobrang tuwa. Bigla namang nagpop-up sa akin yung nangyari sa Fan Singning event kanina kaya napafacepalm ako.

"Please Jimin wag mo ng ipaalala"sabi ko sa kanya pero mula sa likuran nya ay nilabas nya yung album namin na may pirma ko at itinuro pa yung sinulat kong "Oppa".

"Sabi ko naman sayo eh, tatawagin mo rin akong Oppa" lately medyo nagiging komportable na ako kay Jimin, ewan ko rin kung bakit. Baka kasi masyado ko lang nilayo yung sarili ko sa kanya noon kaya hindi ko nakita na madali naman pala syang maging kaibigan.

"Oo na lang" sabi ko. "Ay oo nga pala, Jimin itapon mo nga to dun sa may kabilang kanto" sabi ni SeokJin Oppa kay Jimin sabay abot ng isang supot ng basura.

"Hyung naman eh" maktol nya. Nilakihan sya ng mata ni SeokJin Oppa pero halata pa rin sa mukha nya na ayaw nyang gawin yung inuutos sa kanya.

"Hyung madudumuhin tong album ko, Jungkook!" tinawag ni Jimin si Jungkook at papasok na sana ulot sya sa loon ng dorm nila ng hilain ni SeokJin Oppa yung sando nya at kunin yung album na hawak nya."Ay hindi, oh ayan para wala kang masabi" pagkakuha ng album na hawak ni Jimin at sapilitang inabot ni Oppa yung basura at tinulak si Jimin palabas. "Bilisan mo aba, mamaya may sasaeng dyan" panakot nya pa saka tuluyang bumaba si Jimin. Pagkawala ni Jimin ay pumasok na si SeokJin Oppa sa loob ng dorm nila at naiwan kami ni Yoongi Oppa.

Nagkatinginan kami tapos tinapik nya yung balikat ko "Congrats sa fan singing nyo kanina" sabi nya kaya nagbow ako sa kanya at ngumti rin. "Kamsahaminda Oppa" sa tingin ko unti-unti na ring nakakamove on si Oppa, alam kong hindi madali pero at least he's taking the first step of doing it.

Nagpaalam ako naapapasok na ako dahil balik Music Core na naman ako bukas.

***
"Panget" tawag ko dun sa lalaking inaayusan sa dressing room ng Music Core, napansin ako ng mga members nya kaya kinuha nila ang atensyon nya na kasalukuyang nagcecellphone ngayon.

"Annyeonghaseyo sunbaenim" bati sa akin ng mga members nya. Tumingin sya sa salamin at doon nya ako napansin kaya binelatan ko sya. Pumasok ako ng dressing room nila at tumayo sya mula sa pagkaka-upo at inakbayan ako.

"Seungcheol panget" sabi ko sa leader ng isa sa mga Monster rookie ngayon, ang Seventeen. Hindi ko sya naka-usap ng maayos noong nakaraan dahil inuna ko yung pag-alis ni Yeri dito sa Music Core.

"Whoo Hyung! Bakit mo inakbayan si Yoora sunbaenim?" tanong nung lalaking matangkad at may magandang ngiti.

"Girlfriend ko nga pala guys!" sabi nya na ikinagulat ng lahat, ako siniko ko sya. Ang dami nya pa ring alam hanggang ngayon >_<

"Jinjjayo?"di makapaniwalang tanong nila sa amin. Sinamaan ko sya ng tingin at inalis yung pagkaka-akbay nya sa akin.

"Girlfriend ka dyan, tigilan mo nga ako" sabi ko sa kanya, tumingin sya sa akin at muli akong inakbayan.

"Yeorobun si Yoora nga pala, pinsan ko" pakilala nya sa akin sa mga member at nagkaroon ng kumosyon sa loob ng dressing room. You heard it right! Pinsan ko po si Choi Seungcheol na leader ng Seventeen. Sabi ko sa inyo eh, nasa genes namin ang pagiging performer.

"Hyung hindi kami naniniwala" sabi nung lalaking kamukha ni Leonardo DiCarprio.

"Woo ang ganda ng korean accent mo ha" sabi ko sa kanya. Akala ko hindi aya marunong magkorean, American kasi yung features ng mukha nya.

"Kasi koreano ako" sagot nya. Nakakamangha naman tong hinahandle na grupo ni Seungcheol.

"Really ha?" tumango sya. "Pero nakakapagsalita ka ng english?" dagdag ko.

"Yes, I can speak and understand english but I am more fluent in korean" sagot nya in english. Ang cute naman ng batang to. Pero mas cute si Noona boy. Namiss ko tuloy si Jungkook.

"Wow that's nice, oy pakilala mo naman sa akin yung mga members mo. Tagal na rin nating di nagkita ah"baling ko kay Seungcheol. Umalis sya sa tabi ko saka lumapit sa mga members nya.

"1, 2, 3 Say the Name!" pangunguna nya then sinundan ng "Annyeonghaseyo! Seventeen imnida!" ng mga members nya.

"Ang dami nyo pala, 17 kayo lahat?" tanong ko. Seventeen yung name ng gruop nila so dapat seventeen members sila?

"Ani, 13 lang kami" sagot nung batang medyo mataba yung pisngi.

"Ha? Bakit?" lumapit ulit sa akin si Seungcheol. "Mahabang kwento, oh Dino-shhi magpakilala ka sa Yoora sunbae-nim mo" utos nya sa isang members nya.

"Annyeonghaseyo Sunbae, Seventeen's Maknae Dino imnida" ahh sya pala yung maknae. Ang cute ng batang to parang si yung mga trainees namin ngayon.

"Hello I'm Vernon" pakilala nung kamukha ni Leonado DiCarpio.

"Sunbae-nim, I'm Seventeen's Main Vocal, Boo Seungkwan" sabi nung sumunod kay Vernon na may matabang pisngi in english.

"Oh may jeju accent ka!" napansin kong may Jeju accent sya doon sa pagkakasabi nya ng sunbae-nim.

"I'm from Jeju Island" dagdag nya. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa nalaman ko, bigla ko tuloy namiss umuwi.

"Jinjja? Taga Jeju din ako eh" sabi ko sa kanya. Napa'Ohh' naman silang lahat.

"Kaya po pala iba yung pakiramdam ko nung pumasok kayo kanina" sabi nya. Nakipaghi-five ako sa kanya at pinat ko yung ulo nya.

"Annyeonghaseyo, The8 imnida" pakilala nung sunod. Parang hindi sya gaanong komportable sa pagsasalita ng korean.

"Foreigner?" tanong ko sa kanya tapos tumango sya. "Neh, Chinese"

"Ohh, United Nations pala tong mga members mo Seungcheol eh" sabi ko kay SeungCheol na nagpapaayos na ulit ngayon.

"Annyeong Sunbae. Seventeen's aspiring visual Mingyu imnida" ah Mingyu pala yung matangkad na may magandang ngiti dahil sa ngipin nya.

"Annyeonghaseyo, DK imnida!" ang energetic naman nya parang si Hobie Oppa.

"Annyeong, Vocal team leader and Seventeen's producer Woozi imnida" pakilala nung maliit sa kanila.

"Oh Yoongi Oppa?" sabi ko sa kanya at nagtawanan yung mga kasama.

"Ani,aniyo!" sabi nya with matching hand gestures pa. Kamuha nya si Yoongi Oppa, kala ko tuloy lumipat na si Oppa ng grupo dahil sa kanya.

"Mainhe akala ko si Yoongi Oppa ka eh" sabi ko sa kanya. Hawig nya talaga si Oppa tapos meron din syang Swag aura pero light lang yung kanya kasi cute sya, well cute din naman si Yoongi oppa pero mas lamang yung Swag image nya eh.

Sunod namang nagpakilala yung lalaking katabi ni Mingyu. "Annyeong haseyo, WonWoo imnida" pakilala nya then sumunod naman yung yung magaling sumayaw noong nakaraan.

"Neh, performance team leader, 10:10 Hoshi imnida" ang cute ng mga mata nya, sobrang singkit.

"Annyeong, Jun imnida" ang gwapo naman netong lalaking to.

"Foreigner ka rin?" tanong ko sa kanya then tumango sya at itinuro si The8. "Neh, pareho kaming Chinese"

"Wow, its nice to have Chinese members in your group. You will able to show your talents not only in China and Korea but in the whole world right?" sabi ko in Chinese kaya nanlaki ang mga mata nila pero tumango din naman sila agad. Minsan gusto ko din magkatrainee kami ng foreigner eh, susuggest ko nga yon kay PD-nim.

"Hello I'm Seventeen's Gentleman Joshua" oh isa na namang forengier? Pero mukha syang korean.

"Nice to meet you Joshua" sabi ko sa kanya.

"Sunbae, kabirthday nya po si Taehyung hyung" sabi ni Seungkwan.

"Jinjja? Edi matanda pala ako sayo ng isang araw?" I was born on December 29, 1995 at excatly 11:30 PM.

"Akala ko mas bata ka sa akin" sabi nya, marami nagsasabi nyan sa akin. Na hindi daw tugma yung edad ko sa itsura ko kasi mas bata akong tignan.

Sumunod na nagpakilala yung lalaking wait lalaki ba yon? Mahaba yung buhok nya eh.

"Annyeong sunbae, Jeonghan imnida" lalaki pala sya, pero bat ganon parang mas maganda pa sya kesa sa akin?

"At ako nga pala ang pinakapogi mong pinsan, Seventeen Leader S. Coups imnida" sabi ni Seungcheol. Nagmakeface ako sa kanya dahil sa sinabi nya.

"Yoora-sshi start na tayo in 5 minutes" sabi ng isang staff kaya nagpaalam na ako sa kanila.

Ito ang pangalawang stage nila sa Music Core at marami silang makakalaban na magagaling na grupo lalo na yung Harmony na sobrang lakas kahit kakadebut lang nila.

"Seventeen Fighting!" sabi ko bago tuluyanh lumabas ng dressing room nila.

----------
Belated Happy Birthday BTS Kim Taehyung at Seventeen Hong Jisoo <3 <3 <3

Last Update for the year 2015!!

Happy New Year guys!!! Thank you for making my 2015 memorable ♥♥♥



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro