Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -24-

Noona -24-

"Neh kamsahamnida" sabi ko habang pinipirmahan yung album na ibinigay nung fan. Ngumiti sya sa akin at pinsil yung pisngi ko, ok lang sa akin since sanay na akong mapisil yung pisngi ko at hindi naman masakit yung pagkakapisil nya. Alam kong bawal yung sobrang interaction sa fans pero I can't help it. Sobrang ang pasasalamat ko sa kanila dahil kung wala sila wala din kami kung nasaan kami ngayon.

"Unnie! Ang ganda-ganda mo talaga" puri sa akin nung sumunod na fan. Ako kasi yung pinakahuling pipirma sa album nila. Una si Eunsoo Unnie sunod si Jera at Hyemi Unnie.

"Kamsahamnida, pero mas maganda ka" sabi ko sa kanya. Totoo naman eh, she had this nerdy look kaya siguro mababa yung selfesteem nga.

"Unnie naman binobola pa ako" sabi nya kaya ngumiti ako sa kanya at umiling. "Hindi kita binobola, sinasabi ko ang totoo at iyon ay mas maganda ka sa akin kung tatanggalin mo to" inalis ko yung salamin nya sa mata at medyo nilugay yung buhok nya.

"Sometimes a girl should know how to be a lady. Minsan kailangan mo rin magmaganda dahil lahat naman tayo ay magaganda" paliwanag ko sa kanya. Nahihiya naman syang tumango at ibinigay ko sa kanya yung salamin nya.

"Mag-ayos ka lang, mas gaganda ka pa kesa sa akin." payo ko sa kanya.

Inabot ko sa kanya yung album nya na may pirma namin at nginitian sya. "Mara-sshi Fighting!" pagchecheer ko sa kanya.

Tinignan ko yung pila at marami pa kaming Fans na pipirmahan at kakausapin. Masaya ako sa mga ganitong event dahil nagkakaroon kami ng chance na makilala at makausap yung mga fans namin.

"Unnie para sayo" inabot ng isang bata sa akin yung headband na Halo. Agad ko naman itong kinuha at sinuot. "Anong pangalan ng cute na batang nagbigay sa akin ng cute na headband?" tanong ko sa kanya. Inabot nung Mama nya yung album sa akin. "Annyeong haseyo Min imnida" pakilala nya. Pinirmahan ko yung album namin at inabot sa kanya.

"Oh Min, be a good girl ha Min. Wag mong papagurin si Umma at palagi kang magisismile" sabi ko sa kanya, tumango naman sya at kinurot ko yung pingi nya. Ang cute-cute nya kasi eh.

"Unnie" sabi ng isang impit na boses kaya agad akong napaangat ng tingin. Isang babaeng may makapal na jacket at kulay brown na buhok at may shades ang nasa tapat ko.

"Unnie ang ganda-ganda mo" sabi nya. Yung boses nya parang lalaki na nagboboses babae. "Jinjja? Kamsahamnida" pinirmahan ko yung album nya at ibinalik sa kanya.

Patuloy lang ako sa pagngiti at pagpirma ng mga albums na inaabot nung mga fan. May nagbibigay din.ng kung ano anong regalo. Damit, headbands, pagkain at mga letters. Masaya ko naman tinanggap ang ma iyon at nagpasalamat ko.

"Yoora-sshi annyeong" heto na naman yung boses ng lalaki na pinipilit magboses babae. Kahit nagtataka ay ngumti ako sa kanya "Neh, Annyeonhaseyo. Anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"SeokHo" sagot nya. SeokHo? bakit parang pamilyar?

"Jinjja? Hi SeokHo nice to meet you" bati ko ulit sa kanya. Ngumiti sya ng malaki at nagchuckle. Nakakatuwa naman tong fan na to, may hawig sya kay Hoseok Oppa.

"Ano ba V!" may sinabi yung SeokHo dun sa kasama nya at sinoko nya ito.

"Hyung ppali, nangangati na ako" bulong nung kasama nya at kinamot yung ulo nya.

"Ako rin naman kaya maghintay ka!" asik nya. Tumingin ako sa kanila at sabay pa silang ngumiti sa akin.

"Salamat sa pagpunta SeokHo"sabi ko kay SeokHo saka ko binalik yung album nya. Agad naman syang tinulak nung sumunid sa kanya at ngumiti sa akin.

"Hello Yoora!" bati nya sa akin habang inaabot yung album nya. Kinuha ko iyon at nagbow sa kanya.

"Annyeong! Anong pangalan mo?"

"Ah...." sabi nya. Nagsulat na ako sa album nya ng To: habang hinihintay yung pangalan nya.

"Vi--" hindi nya tinapos yung sasabihin nya.

"Vi?" tanong ko. Nagsisimula na ring maipon yung mga fans sa likuran nya.

"Vi--Vinessa!"sabi nya. Vinessa? Ang weird naman ng pangalan nya.

"Vinessa? Are you a foreinger?" interview ko sa kanya.

"Yesh, Im foreinger" sagot nya. Inabot ko sa kanya yung album nya at nagbow sa kanya.

"Nice to meet you, Vinessa! See you again!" paalam ko sa kanya. L

Sunod naman na lumapit sa akin ay isang lalaki na sobrang laki ng T-Shirt at ang daming bling-bling.

"Swaeg!~" bungad nya sa akin tapos sinabayan nya yung kanta namin na kanina pa paulit-ulit na natugtog.

"Yeah Men!" sakay ko sa trip nya. Sinabayan ko din ang pagheheadbang nya.

"Annyeong haseyo" bati ko sa kanya. Tumigil sya sa pagsasayaw at tumingin sa akin, inabot nya yung album nya sa akin at agad ko yung pinirmahan.

"Kamsahamnida" kinuha nya yung album nya then inilabas nya yung cellphone nya.

"Picture! Picture!" sabi nya kaya tumayo ako then nagpeace sign at ngumiti. "Hana, dul, set"

"Kamsa" sabi nya then nagbow ako. "Swaeg!" pahabol nya kaya nagrock sign ako.

"Baliw ata yun" bulong sa akin ni Hyemi Unnie nung makaalis na yung lalaki.

"Haha baka" sagot ko naman. Pinirmahan ni Unnie yung album na ibinigay sa kanya then tumingin sya sa akin.

"Kaamoy nya si Yoongi no?" biglang sabi ni Unnie. Actually kanina pa din ako nagtataka eh, parang may mali dito.

Medyo nangangalay na yung kamay ko kakasulat pero marami pang nakapila. Nung matapos yung hili kong pinirmahan ay nag-inat muna ako.

"Ahh Neh, annyeonghaseyo!" bati ko dun sa sumunod. Pag-angat ko ng tingin ay isa na namang wierd magdamit yung nasa harapan ko.
Nakaface mask sya then nakaleather jacket tapos ah basta balot na balot sya!

"Annyeong!" bati nya sa akin. Nung tumawa sya ay nawala na yung mga mata nya.

Inilahad ko yung kamay ko para ibigay nya sa akin yung album nya. "Ahh neh hehe" sabi nya sabay abot sa akin nung album nya.

"May gusto ka bang imessage ko para sayo?" tanong ko sa kanya. Tumango sya at ngumiti ulit.

"Lagyan mo I love you Oppa!" sabi nya then ginawa ko. Sinulat ko yung gusto nya then nilagyan ko pa ng mga hearts.

"Kamsahamnida!" ibinalik ko na yung album nya tapos pagtingin ko sa kanya ay nakangiti sya at nawawala na naman yung mga mata nya.

Sumunod naman sa kanya ay isang magandang babae. Nakadress sya ng maganda at ang ganda ng lipstick na ginamit nya.

"Annyeonghaseyo!" bati nya sa akin with matching beautiful smile.
Naintimidate naman ako dahil sa ganda nya, nakakababa ng self esteem parang nung nagcross dress si Jin Oppa noon.

Inabot nya yung album nya then pinirmahan ko. "Annyeong!" paalam ko sa kanya.

Pagkatapos nya ay tumayo ako ulit para mag-inat. Medyo nakakapagod na rin ang umupo ng matagal.

Pagdako ng tingin ko sa di kalayuan ay may nakita akong nagpangiti sa akin. Nakita ko yung lalaking nakaleather jacket na lumalapit doon sa mga kanina ko pa pinagsusupetsyahan dahil ang wierd ng suot nila, maya-maya ay sumunod din doon yung babang may magandang lipstick. Tapos nakita ko din yung Van ng Bangtan.Nanghingi ako ng mic at pumunta sa unahan.

"Guys kilala nyo ba yung Bangtan Sonyeondan?!" tanong ko habang nakatingin pa rin doon sa view na nagpangiti sa akin kanina. Agad naman sumagot yung nga fans namin ng Neh at yung iba ay tumili.

"Gusto nyo ba silang makita?"

"Neh!"

"Then maglalaro tayo ngayon! Yung laro na lalaruin natin ay tatawaging *Finding Bangtan!*" announce ko then nakita ko kung paano magpanic yung mga lalaki sa di kalayuan. Agad namang naghanap yung mga fans naanandodoon.

Inalis nung lalaking may shaded yung salamin at nakita ko si Jimin ganon din yun lalaking madaming bling-bling na si Yoongi Oppa pala at sumigaw sya.

"Mamaya ka sa akin Yoora!!" sigaw nya sabay pasok sa loob ng van.
Sorry mga Oppa!

"Mianhe Oppas!" sagot ko naman sa sinabi nya.

"Noona" napatigil ako sa panonood kela Yoongi Oppa ng marinig ko yung nagsalita.

Paglingon ko ay nandoon si Jungkook at hinihintay akong pirmahan yung album nya.

Nagpapirma na sya dati di ba?

----------------
Lame Update >_<

*Insert Apology of IKON here*

Sorry sa typos..edit ko na lang kapag nakapagcomputer na ako >_<


Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro