Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -23-

Noona -23-

Taehyung's POV

Kanina pa ako palinga-linga dito, ang bilis kasi ng tibok ng puso ko na para bang lalabas na sya sa dibdib ko. Maraming tao pero halos wala akong kakilala.

"28" sigaw nung isang babae at pumasok sa loob ng kwarto yung isang lalaki na may hawak ng nnumber 28 at isinarado iyon ng isang lalaking may nakaburda sa kaliwang parte ng T-Shirt nya na 'Staff'.

"Whoo kaya mo to Yoora" bulong naman nung babaeng nauuna sa akin habang napapasuntok sa ere. Napatingin ako sa kanya, maputi, matangos ang ilong, mapula ang labi at mapupungay ang mga mata.

"Ah miss, magaaudition ka din?" tanong ko pero napaisip din ako. Malamang magaaudition din sya kaya nga sya nandito di ba? Alangan namang nandito sya para kumain, hay naku Taehyung nasosobrahan ka na sa panonood ng Discovery Channel na tungkol sa U.F.O's.

"Oo eh, pangatlong balik ko na nga to, sana matanggap na ako" sagot naman nya. Tumango ako at muling napatingin doon sa may pintuan. Bumukas iyon at lumabas yung lalaking naunang pumasok kanina.

"29,30" tawag ulit nung staff tumayo na kami nung babaeng kausap ko kanina at pumasok sa loob. Pagkakita ko pa lang sa mga judges ay mas bumilis ang tibok ng puso ko.

"Say something about your self first" sabi nung lalaking nakasalamin na naka-upo sa gitna. Inabutan yung babae ng mic at may nag-abot din sa akin.

"Choi Yoora, 16 years old and I'm from Jejudo" sabi nya. Halatang kinakabahan din sya tulad ko kasi nanginginig din yung boses nya. Tumingin sa akin yung lalaki na gitna at inilapit ko yung mic sa bibig ko.

"Kim Taehyung, 16 at galing po ako sa Daegu" pakilala ko. Tumango sila at ibinalik yung tingin doon sa babaeng kasabay ko.

"Anong kakantahin mo?" tanong nila.

"Nimgwa hamkke po" sagot nya. Nakota kong nanlaki yung mga mata nung judges nung sabihin nya yung kakantahin nya. Maganda nga yung kanta na yon, palagi iyong pinakikinggan ni Appa sa radyo tuwing linggo tapos magduduet pa sila ni Umma.

"Acapella?" tanong nila tapos tumango sya. Pinapunta muna ako sa gilid para mabigyan sya ng pagkakataon na maipakita yung talent nya.

 Jeo pureun chowon wie geurim gateun jibeul jisgo saranghaneun urinimgwa han baeknyeon salgo sipeo

Bomimyeon ssiat ppuryeo yeoreumimyeion kkocci pine gaeurimyeon pungnyeon doeeo gyeourimyeon haengbokhane

Meotjaengi nopeun bilding eusidaejiman
 Yuhaeng ttara saneun geosdo jemeosijiman
 Banditbul chogajipdo nimgwa hamkkemyeon
 Naneun joha naneun joha nimgwa hanmkkemyeon
 Nimgwa salsuman itdamyeon~

Napatulala ko sa kanya habang nakanta sya. Hindi gaanong mataas yung boses nya pero binigyan nya ng ibang style yung kanta na kinakanta nya.

Napapalak-pak na lang ako matapos nyang kumanta. Nakita kong maimpress din yung mga jugdes sa ginawa nya. 

Pinapunta ako sa gitna at sya naman yung pumunta sa gilid. Hinihintay kong bigyan nila ng cue yung nag-aayos ng mga minus one para makakanta na ako, kaso nag-uusap pa sila.

"Mr. Kim right? Ikaw yung nagpadala ng video di ba??" tumango ako tapos nag-usap ulit silang mga nasa table. 

"Ahh nakita na namin yung video na ipinadala mo at ok naman sya. Hintayin mo na lang yung tawag ng staff namin" paliwanag nya. Muli akong tumango at ngumiti sya sa akin.

"Ms. Choi, balik ka sa Monday para malaman mo kung pumasa ka na" sabi naman kay Yoora.

Sabay kaming lumabas ng practice room hanggang sa labas ng building ng BigHit.

"Ah taga Jeju ka di ba? Uuwi ka ngayon?" tanong ko sa kanya. Tumingin sya sa akin at umiling.

"Ani, gagabihin na ako kapag umuwi pa ako tsaka may Exam pa akong pupuntahan bukas." sagot nya habang nakangiti.

"Exam? Saan naman?"

"Sa SOPA" nanlaki ang mga mata ko sa sinagot nya. SOPA? sa pagkaka-alam ko mahirap makapasok sa school na iyon dahil sobrang higpit nila.

"Talaga?" gusto ko rin sana pumasok sa SOPA kaso nakaenroll na ako.

"Neh, gusto ko kasi talagang maging Idol eh" sagot nya. Tumango ako at ngumiti sa kanya.

May humintong taxi sa tapat namin at nagbow na sya sa akin. "Dito na ako, manaso banggawoyo Taehyung-sshi" paalam nya sa akin bago pumasok ng taxi. Nagbow ako sa kanya "Neh jalgayo Yoora"

Akala ko isasarado na nya yung pinto ng taxi pero lumabas ulit sya " Kita na lang tayo sa susunod, sana pumasa tayo! Fighting!" matapos nyang ssabihin iyon ay nagbabye sya tsaka tuluyang pumasok ng taxi.

Habang naglalakad ako papuntang bus stop ay hindi ko mapigilang hindi ngumiti dahil naalala ko yung magandang ngiti ni Yoora.

"Whaa!" sari-saring emosyon ang sumalubong sa akin nung bumalik ako sa BigHit. May masaya at may malungkot, ngayon kasi yung release ng unang batch ng mga pumasang Trainees.

Lumapit ako doon sa bulletinboard at tinignan yung ilang pirasong papel na nakapaskil doon. Tumawag kahapon sa akin yung isang staff ng Bighit at sinabing kailan ko daw bumalik ngayon.

"Taehyung, Taehyung" sambit ko habang hinahanap yung pangalan ko sa mga papel na nakapaskil.

"Oh Kim!" may nakita akong Kim kaso napanguso ako ng makitang hindi ko pangalan yung nandodoon.

"Kim Seok Jin, Kim, Kim wala yung pangalan ko?" ilang Kim na rin yung nadaanan ko pero wala pa yung pangalan ko.

"Choi, Choi, Choi" napatingin ako doon sa malakas magsalita. Nakita ko si Yoora nahinahanap din yung pabgalan nya. Mukhang hindi pa sya nakakapagsuklay dahil ang gulo-gulo pa ng buhok nya.

"Oh Taehyung-sshi, annyeong haseyo"bati nya mung mapansin nyang katabi nya ako. Binati ko rin sya at sabay naming hinanap yung pangalan namin.

"Oh OMO!! Kim Taehyung!!" sigaw nya kaya tinignan ko yung papel na tinitignan nya, nandoon nya yung pangalan ko. Agad nya akong binati, pinagpatuloy ko yung pagtignin doon sa papel na iyon at "Oh Choi Yoora, Choi Yoora!" nakita ko yung pangalan nya sa ibabang parte nung papel.

Nanlaki ang mga mata nya ng makita yung pangalan nya, humarap sya sa akin at bigla nya akong niyakap habang nagtata-talon.

"Whaa pasado tayo!! Pasado tayo Taehyung!" nagulat ako sa ginawa nya dahil hindi pa naman kami masyadong magkakilala pero naisip ko baka sa sobrang tuwa kaya nya ako nagawang yakapin kaya niyakap ko na rin sya pabalik.

"Oh mianhe, mianhe. Masaya lang ako, Sorry" hingi nya ng paumanhin sa akin, umiling ako.

"Ani, gwenchanayo" sagot ko. Maya-maya ay lumabas yung CEO ng Bighit at pinapunta kaming lahat sa Conference Room para sa mga kailangan naming malaman.

Simula nun ay naging close na kami ni Yoora. Kala nga nung ibang trainees ay girlfriend ko sya dahil lagi kaming magkasama. Ang dami-dami nyang kinukwento sa akin at nageenjoy naman akong makinig sa kanya. Ang dami nyang katangian na magugustuhan mo sa kanya kaya nga hindi na ako nagtataka na maraming nagkakagusto sa kanya na kapwa namin trainees maski ako. Oo nahulog NA ako sa kanya, nagiipon na ako ng lakas ng loob para umamin sa kanya kaso hanggang sa dumating yung araw na iyon.

"Bawal kang mailove sa akin Taehyung" biglang sabi nya habang nalalakad kami papuntang practice room ng Bighit.

Napatawa ako at tinignan sya, minsan mahangin din tong babaeng to eh. "At bakit akala mo gusto kita? Asa ka" biro ko sa kanya kahit na ang bilis bilis ng tibok ng puso ko noon. Humarap sya sa akin ay ngumiti
"Alam ko, malay mo lang. Basta bawal tayong mafall sa isa't-isa ha. Rule No. 1 natin yun"

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad sya sa corridor noon.

Hindi pa nga ako nagsisimula, hindi na agad pwede?

Noong araw na din na yon ay may nakilala pa kaming magiging isa pa sa dahilan kung bakit hindi ako pwede kay Yoora.

"Annyeong haseyo, Jeon Jungkook imnida".

----------------
Paste events sa buhay ni Taehyung sa story na itu.

Comments please!!

P.S: Sabi ko si Jimin.yung magiging karibal ni Kookie eh, bakit naging si Taehyung??

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro