Noona -2-
Noona -2-
Boo!
Nagulat ako ng may marinig akong nagsalita sa tenga ko samahan mo pa nung maiinit na hangin na galing sa bibig nya.
Paglingon ko ay nakita ko si Jungkook na masayang nakangiti sa akin. Pumunta sya sa harapan ko at umupo para magkapantay kami.
"Noona, isang linggo ka ng di napunta sa dorm tapos di kita naabutan dito, miss na kita, Noona" parang batang sabi sa akin ni Jeon Jungkook. Isang linggo na rin kasi ang nakakaraan simula nung pagalitan ako ni Manager Noona dahil sa pagtakas ko sa practice namin para manood ng The Show. Grounded ako simula nun. Pinagbawalan akong pumunta sa dorm ng Bangtan at kinuha lahat ng gadgets ko. Kakainis nga eh, dinaig pa sa bahay.
"Sus naglambing ang Dongsaeng ko" sabi ko sa kanya sabay gulo ng buhok nya pero hinayaan nya lang ako. Nagpout pa sya.
"Miss na kita Noona" ulit nya kaya napangiti ako. Kinurot ko yung pisngi nya kasi ang cute-cute nya. Minsan nga gusto ko na syang iuwi sa bahay sa sobrang kacutetan nya.
"Anong gusto ni dongsaeng at naglalambing kay noona?" tanong ko sa kanya. Ganyan yan kapag may gusto sya, todo pacute.
"Noona naman eh, miss lang talaga kita!" himutok nya. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo at kinuha yung towel ko na nakapatong sa ibabaw ng bag ko at nagpunas. Nandito ako sa practice room ng BigHit dahil kailangan kong magpractice ng sayaw dahil malapit na rin ang comeback namin.
Pagkatapos kong magpunas ay kinuha ko yung bag ko at isinabit sa likod tapos naglakad ako papalapit kay JungKook na nakaupo pa rin sa pwesto nya kanina.
"Tara Jungkookie, bubble tea tayo" yaya ko sa kanya. Inextend naman nya yung dalawang kamay nya para magpahila. To talagang batang to kung ano anong alam. Isinabit ko sa leeg ko yung towel ko tapos hinawakan yung dalawang kamay nya at hinila sya, pero dahil mas mabigat sya sa akin ay ako ang nahila nya.
Nanlaki ang mga mata ko ng marealize kong nasa ibabaw nya ako at ang lapit-lapit nya sa akin. Nakita kong namula rin sya kaya agad akong tumayo at nag-iwas ng tingin.
Ang dami kasing alam na kalokohan netong batang to.
"Noona, sorry" sabi nya nung nakatayo na sya mula sa pagkakahiga. Inayos ko naman ang sarili bago ako humarap sa kanya.
"Ang dami mo kasing alam eh, pano kung nagkauntugan tayo at magkabukol ka, edi pinatay ako ng mga fangirls mo!" sabi ko sa kanya. Kinamot naman nya yung batok nya at naiilang na ngumiti.
"Halika na nga!" dagdag ko tsaka sya hinila papalabas ng practice room. Pagkabukas namin ng pinto ay bumulaga sa amin si Pandak— este Park Jimin.
Nanlaki yung mga mata nya nung makitang nakahawak ako sa kamay ni Jungkook.
"Kayo na?" tanong nya na may halong pang-aasar. Inirapan ko sya bago sumagot.
"Tigilan mo ako Park Jimin, baka di kita matantya" banta ko sa kanya tapos nilampasan sya, pero ang kutong lupa sumunod.
"Yah! Bakit ganyan ka makipag-usap? Parang di ako mas matanda sayo ha" sigaw nya habang nasunod sa amin. Tumigil ako sa paglalakad at hinarap sya.
"So? Anong pinagmamalaki mo? Yung dalawang buwan na tanda mo sa akin?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Napangisi naman sya kaya inirapan ko sya ulit at muling hinila si Jungkook para maglakad.
"Sa susunod, Oppa na tawag sa akin!" sigaw nya pero di ko na sya pinansin.
Tuloy-tuloy lang kami sa paglalakad ni Jungkook papunta Bubble tea shop ng hindi naka disguise. May ilang lumapit sya kanya para magbigay ng regalo at tinanggap naman nya iyon.
Pagdatig namin sa loob ay agad kaming umorder at naghanap ng mauupuan.
"Noona, may gusto ba sayo si Jimin Hyung?" biglang tanong ni Jungkook na naging dahilan ng pagkunot ng noo. Anong sinasabi neto?
"Malay ko dun" sagot ko sa kanya at inilabas yung librong binabasa ko kagabi pa. Di ba nga, kumpiskado mga gadgets ko dahil sa kalokohan ko.
"Sabi nya kasi—" hindi na nya natapos yung sasabihin nya nung tignan ko sya ng masama. Minsan talaga sobrang matanong tong si Jungkook.
Dumating yung inorder namin at biglang naging tahimik kaming dalawa. Naging busy ako sa pagbabasa, sya naman kinakalikot yung cellphone nya.
"Jungkook?" sabay kaming napatingin dun sa babaeng nagsalita. Isang babaeng mga kasing tangkad ko lang, chinita, matangos ang ilong, manipis na labi at sa tingin ko kasing edaran ni Jungkook ,nakatingin sya kay Jungkook at nakangiti.
"Eun Ah" sabi ni Jungkook na mas nagpalaki sa mga ngiti nya. Tumayo si Jungkook at niyakap sya. Ok, ako na Op dito.
"Kamusta? Tagal na kitang di nakikita ah" sabi nung tinawag na Eun Ah ni JungKook at inaya nya itong umupo sa bakanteng silya sa tabi nya.
"Ok lang, oo nga eh ilang taon na rin pala simula nung lumipat kami" sagot ni Jungkook. Nagsimula silang magkwentuhan ng mga bagay-bagay. Ako naman pinagpatuloy ko na lang yung pagbabasa ko pero wala akong maintindihan dahil nakikinig ako sa pinag-uusapan nung dalawa kahit minsan hindi ako makarelate sa topic nila.
"Anong ginagawa mo dito sa Seoul?" rinig kong tanong ni JungKook dun sa kausap nya.
"Trainee na rin kasi ako, actually malapit na kaming magdebut" sagot nito. Tinignan ko ulit sya. Hindi ako magtataka kung magdedebut na sila, she has the looks. Actually, sa unang tingin hawig nya si Minah unnie ng Girls' Day eh.
"Talaga? Congrats! Anong grupo nyo at saan Entertainment ka?" masayang tanong ni JungKook.
"Harmony yung name nung group namin at sa JYP Entertainment ako." sagot nya. JYP Ent? Harmony? Outdated na pala ako kaiinis..
"Ang galing parang dati lang nangangarap tayo, ngayon abot kamay na natin" masayang komento ni Jungkook, tumango naman si Eun Ah.
"Ay oo nga pala bago ko makalimutan, si Yoora Noona, yung Maknae at Main Dancer ng—" di na natapos ni Jungkook yung sasabihin nya nung unahan na sya ni Eun Ah.
"Empress" sagot nya kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti sya. Ngumiti rin ako tapos ibinalik yung tingin sa librong binabasa ko.
"Kilala mo pala sila! Ang galing ni Noona no?" tanong ni Jungkook. Nakita ko sa periperal vision ko na tumango yung babae at uminom dun sa inumin nya.
"Oo! Actually sya ng Bias ko sa Empress eh. Ang galing nya sumayaw, kaya nyang makipagsabayan kay J-Hope Oppa!" komento nya. Ow-kay. Well hindi na ako magtataka dun, si Hoseok Oppa ang madalas kong mentor sa pagsasayaw eh.
"Ah Noona si Eun Ah, kaibigan ko nung nasa Busan pa ako" pakilala nya dun sa babae. Nginitian ko at nagbow naman sya. Nag-usap pa sila ng ilang minuto bago umalis si Eun Ah .
***
"Mas lalong gumanda si Eun Ah" bigla bigla sabi ni Jungkook habang naglalakad kami pauwi. Madilim na kaya wala ng gaanong nakakakilala sa amin. Napatingin ako sa kanya at nakita kong iba yung ngiti nya. May gusto ba sya dun?
"Ang sama ng tingin mo sa akin Noona ah" nakabalik ako sa realidad ng maring kong tinawag nya ako.
"Ha?' tanong ko sa kanya. Ngumisi naman sya.
"Ang sama ng tingin mo sa akin kanina, teka nagseselos ka ba Noona?" asar na tanong nya sa akin kaya dumepensa agad ako.
"Ano? Ako magseselos? Kanino?" sunod-sunod na tanong ko. Nakita kong napailing sya at inakbayan ako.
"Wag kang mag-alala Noona, mas maganda ka! Crush kaya kita!" sabi nya na ikinapula ko.
———————————————————————
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro