Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -19-

 Noona -19-

Jin's POV

Kanina pa tahimik si Jungkook simula nung umalis si Yoora at bumalik sa dorm nila. Ewan ko kung anong nakita nya kanina sa loob ng kwarto ni Taehyung at biglang tumahimik.

"Kakainin mo pa ba yang karne mo?" tanong ni Hoseok kay Jungkook na pinaglalaruan lang yung pagkain na nasa harapan nya. Inangat ni Jungkook yung tingin at inusog yung plato kung saan nakalagay yung karne na parte nya.

Agad namang nag-agawan si Hoseok at Namjoon sa iabot ni Jungkook. Maya-maya ay inilapag nya yung hawak nyang chopsticks at saka tumayo.

Napatigil naman kaming lahat at napatingin sa kanya. "Matutulog na ako mga hyung" sabi nya. Awtomatiko akong napatingin sa orasan na nakalagay sa may gilid at nakita kong 7:00 pa lang kaya nagtaka ako.

Hindi oras ng tulog ni Jungkook ang alas siete at mas lalong hindi nya basta basta ibibigay ang karne na paborito nya.

"May sakit ba si Maknae?" tanong ni Jimin. Tumingin ako sa kanya at nakita kong walang pumapansin sa kanya.

"Hoy akin yan Hyung!" angil ni Taehyung dahil kinuha ni Yoongi yung gulay na nasa plato nya.

Tinapos ko yung kinakain ko saka tumayo. "Taehyung ikaw ang maghuhugas ng pinggan" sabi ko kaya agad syang umangal.

"Si Jungkook dapat ngayon ha!" asik nya.

"Tulog na si Jungkook, kaya ikaw na ang maghugas" pagdating talaga sa huagasan palaging nagtuturuan tong mga to.

Pupuntahan ko sana si Jungkook para kausapin kaso alam kong hindi din yan mamamansin ngayon kaya sa susunod na lang.

Kinabukasan ay ganun pa rin ang aura ni Jungkook. May eyebags din sya at mukhang hindi nakatulog ng maayos.

"Bilisan mo nga dyan sa loob Hyung!"sigaw ni Jimin habang kinakatok si Hoseok na kanina pa nasa loob ng banyo.

"Saglit lang naman!" siga ni Hoseok mula sa loob ng banyo.

"Bilisan mo na hyung! Excited na akong pumunta sa lugar kung saan tayo magshoot ng MV!" singit naman ni Taehyung kaya lalong gumulo sa may C.R

"Hoy wag nga kayong maingay dyan! Baka magising yung mga kapit-bahay dahil sa ingay nyo!" isa-isang nilapitan ni NamJoon at pinangbabatukan.

"Ang ingay naman" dagdag ni Yoongi tapos humikab saka umupo sa upuan. Samantalang si Jungkook naman ay walang ganang umupo sa tapat ni Yoongi.

"Jungkook" tawag ko sa pangalan nya kaya tumingin sya sa akin.

"Bakit?" dagdag ko pero nanatili syang nakatingin sa akin. Halata namang may problema sya eh, tahimik sya masyado.

"Hoy! Umalis nga kayo dyan, ako ang mauuna!" tumayo si Yoongi at sumunod sa mga taong nagaagawan sa C.R.

"Kasi Hyung" panimula nya. Umupo ako para mas marinig sya dahil nagkakarambulan na sa C.R at hindi ko gaanong marinig si Jungkook.

"Nakita ko si Taehyung hyung na-"" nakikinig lang ako sa sinasabi nya.

"Nakita ko si Taehyung hyung na hinalikan si Noona kahapon. Sila na ba hyung?" tanong din nya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi nya. Nakita nya si Taehyung na hinalikan si Yoora?

Napatingin ako kay Taehyung na nakikipag-unahan sa pagpasok sa C.R kay Namjoon at Yoongi ngayon.

Taehyung, akala ko ba pinipigilan mo?


Yoora's POV

"Baka nag-aagawan na naman sila sa C.R" rinig kong sabi ni Eunsoo Unnie pagkalabas ko ng kwarto ko. May maingay sa kabila at nangingibabaw doon ang matinis na boses ni Jimin at Taehyung.

Akala ko sound proof tong dorm namin?

"Kain na" yaya sa akin ni Jera Unnie saka ako hinainan ng pagkain.

Kailangan naming pumunta ng BigHit ngayon dahil magpaparactice kami para sa nalalapit na Fan Signing event namin sa Myeongdong.

Refresh lang ng steps at training din para sa upcoming album namin.

Sa pagkaka-alam ko ay may schedule ang Bangtan ngayon, magshoshoot sila ng MV para sa pangalawang title track sa last album nila. Siguro kaya maingay sa kanila ngayon.

Pagkatapos kong kumain ay nag-ayos na ako para makapunta na kami sa BigHit building.

Ako ang pinakahuling lumabas ng dorm namin, sakto naman at lumalabas na rin ang Bangtan ng dorm nila. Nakalabas na si Jimin at sumunod si Jungkook.

Nakita kong tumingin sya sa akin kaya ngumiti ako pero nagdire-diretso na sya pababa at hindi man lang ako pinansin. Anong problema nya?

"May sakit ba si Jungkook Oppa?" tanong ko kay SeokJin Oppa na syang huling lumabas ng dorm nila. Nilock nya muna yung dorm nila bago ako hinarap.

"Wala naman, pero matamlay talaga sya kahapon pa" sagot ni Oppa. Napa-isip naman ako, kahapon eh di ba masaya pa sya kahapon?

Sabay kaming bumaba ni SeokJin Oppa at nakita ko pang nasa labas ng Van si Jungkook na nakatulala sa kawalan. Hindi ako sanay na ganyan sya, gusto ko yung maingay sya at nangungulit.

Lalapitan ko sana sya ng may humawak sa braso ko at hinila ako papalapit sa kanya. Nakita ko si SeokJin Oppa at umiling sya.

"Wag Yoora" sabi nya saka ako binitawan at sumunod sya sa loob ng sasakyan. Naunang umalis ang Van ng Bangtan keysa sa amin.

Anong meron kay Jungkook?

Maghapon kaming nagpractice ng Empress sa practice room kaya hindi din namin namalayan yung oras.

"Break muna tayo guys!" sigaw ni Jera Unnie at pinatay yung music. Umupo ako sa gitna ng practice room namin at doon nagpahinga. Biglang pumasok sa isip ko yung itsura ni Jungkook kanina kaya nakarandam ako ng pag-aalala.

Tumayo ako at kinuha yung cellphone ko saka tinawagan si Jungkook. Voicemail ang nasagot kaya si Taehyung ang tinawagan ko.

"May problema ka ba? Kanina ka wala sa sarili Jungkook! Kung gusto mong matapos na to at maka-uwi na kayo ay umayos ka!" yan agad yung bumungad sa akin pagkasagot ni Taehyung ng cellphone nya.

Narinig kong tumakbo pa sya para marinig ako. "Yeoboseyo?"

"Bakit, bakit pinapagalitan si Jungkook?" tanong ko.

"Kanina pa kasi sya wala sa sarili kaya hindi kami makapagsayaw ng maayos. Palagi syang mali kaya paulit-ulit kami. Pagod na nga ako eeh" paliwanag nya. Wala talaga akong maisip na dahilan kung bakit sya nagkakaganyan ngayon eh.

"Sige Yoora mamaya na lang, tinatawag na kami" paalam ni Taehyung tapos namatay na yung tawag.

Bumalik kami sa pagpapractice pero yung isip ko nalipad dahil sa nangyayari kay Jungkook ngayon.

Pag-uwi namin ay nasa dorm na ang Bangtan at lahat sila ay halos tulog na rin. Tinext ako ni SeokJin Oppa na lumabas ng dorm namin dahil may sasabihin sya.

"Hinalikan ka ba ni Taehyung kahapon?" tanong nya kaya nanlaki ang mga mata ko. Ano, ako hahalikan ni Taehyung?

"Saan mo naman nakuha yan Oppa?" balik na tanong ko sa kanya.

"Kay Jungkook, nakita nya raw si Taehyung na hinalikan ka kahapon kaya sya nagkakaganyan ngayon" biglang nagflash sa isip ko yung nangyari kahapon. Yung natabig ni Taehyung yung paa ko dahilan para ma-out of balance ako at masalo nya. Siguro namisunderstood ni Jungkook yung nakita nya kahapon.

"Kausapin mo sya tungkol sa bagay na yan at ng hindi na sya maapektuhan" paalala ni SeokJin Oppa saka ako iniwan.

Pumasok ako sa loob ng dorm namin at idinial ang number ni Jungkook. Gaya kanina ay voicemail lang ang nasagot kaya nag-iwan na lang ako ng message.

"Alam kong narereceive ko ang mga tawag ko, ayaw mo lang sagutin dahil sa dahilan na di ko alam pero sana kung may problema ka ay kausapin mo ako. Hindi ako sanay na ganyan ka, mas gusto ko yung makulit at masayahing Jungkook kaya please. Sorry kung may nagawa ako sayo. At kung ano man yung nakita mo kahapon, walang ibig sabihin yun. Hindi ako hinalikan ni Taehyung maniwala ka"

------------------------------



Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro