Chào các bạn! Vì nhiều lý do từ nay Truyen2U chính thức đổi tên là Truyen247.Pro. Mong các bạn tiếp tục ủng hộ truy cập tên miền mới này nhé! Mãi yêu... ♥

Noona -17-

Noona -17-

"Ok guys" tawag ko sa mga Trainees na kailngan kong itrain ngayon araw. "Pinapatawag kasi ako ni PD-nim ngayon kaya gusto ko mag choroegraph muna kayo ng mga sarili nyong steps or iimprove nyo yung mga steps na alam nyo then pagbalik ko iisa-isahin natin ok?" sumang-ayon naman sila kay lumabas na ako ng practice room.

Off ako ngayon sa Music Core pero may trabaho naman ako sa Company kaya wala ring pahinga. Pumunta ako sa kwarto ni PD-nim dahil may gusto daw syang sabihin sa akin.

Nakasalubong ko yung secretary nya at sabi nasa loob lang daw si PD-nim kaya pumasok ako, pero pagpasok ko walang tao sa loob.

Hinanap ko sya pero wala talaga kaya naisipan kong lumabas na lang, baka nakalimutan nyang may sasabihin sya sa akin at lumabas lang.

Pagkalabas ko ay nakasandal sa may gilid si Yoongi Oppa. Gusto ko sana syang kausapin kaso natatakot ako na baka magalit na naman sya.

Dumaan ako sa harapan nya pero maya-maya ay hinawakan nya yung braso ko.

"Aray!" daing ko, nahawakan nya yung parte kung saan may pasa pa rin hanggang ngayon.

Tumingin lang ako sa kanya, lumapiy sya sa akin at dahan-dahang inangat yung sleeve ng T-shirt ko at ng makita nya yung pasa at pinindot nya iyon.

"Aray Oppa!" binawi ko yung braso konh hawak nya pero kinuha nya rin agad. Nakatingin lang sya sa parte ng braso ko na may pasa, maya-maya ay bumaba ang kamay sya sa may pulsuhan ko at hinala ako papunta sa rooftop ng building.

Nakgtataka ako sa inaasal ni Yoongi Oppa ngayon, dapat galit sya sa akin, dapat hindi nya ako pinapansin at dapat hindi nya ako kasama ngayon.

Binitawan nya yung kamay ko at may kinuha sya sa loob ng bulsa ng pantalon nya at muling hinawakan yunh braso ko.

Sunod ay naramdaman ko na lang ang isang mainit na pakiramdam doon sa parte kung saan ako nagkapasa. Matapos nyang ilagay bagay na yun sa braso ko ay binitawan na nya yunh braso ko at humarap sa kawalan.

"Jeongmal Mianhe Yoora-sshi" biglang sabi nya kaya naman napatingin ako sa kanya. "Mianhe kasi nasigawan kita at nasaktan, hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin nung mga oras na yon." dagdag nya pa. Ramdam ko ang sinsiridad sa boses ni Oppa habang sinasabi nya iyon.

"Sorry din sa ginawa ko, alam kong nasaktan kita at nasasaktan ka pa rin ngayon kaya sorry. Alam kong --" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng maramdaman ko na yakap na ako ni Yoongi Oppa.

"Oo nasaktan ako pero narealize ko na mas masakit kung ipagpapatuloy namin yon. Ramdam ko Yoora, ramdam ko na gusto nya pa ang kapatid mo" hindi si Yoongi Oppa yung klase ng tao na umiiyak agad kaya isa lang ang masasabi ko. Ang swerte ng Soomin.

"Gwenchana Oppa, nandito ako para tulungan ka" humiwalay sya mula sa pagkakayakap sa akin at pinunsan ko ang mga luha sa mukha nya. "Magiging maayos din ang lahat, maniwala ka. Baka hindi talaga sya ang babaeng para sayo." nginitian ko si Oppa at ngumiti din sya. Best way to start moving on is to smile and think positively.

Bumaba kami ni Oppa matapos yon, nagturo ako ng steps sa mga trainee samantalang nasa studio naman sila Yoongi Oppa. Naghahanda sila para sa bago nilang album.

Hapon na ng matapos kami ng mga trainees. "Noona ilang taon kang nagtrain bago magdebut?" tanong ni Youngsok.

"Mga 4 years" sagot ko. Nanlaki naman ang mga mata nila. "4 years? Kaya ko kayang tumagal ng ganun?" dugtong nya.

"Oo naman, kung gusto mo talaga bakit hindi? Maraming ibang idols dyan na mas matagal pa sa 4 years ang training period at nasan na sila ngayon? Sikat na sila, mas masarap kasi ang tagumpay kung pinaghihirapan." paliwanag ko sa kanya. Maya-maya ay pumasok si Jimin at naki-upo sa grupo ng mga trainees.

"Tapos na kayong magsulat?" tanonh ko sa kanya. Nagpout naman sya kaya kinilig yung ibang babae nasa tabi nya.

"Pinalabas ako ni Suga hyung, pag children's song daw yung sinulat kong lyrics" sagot nya. Magsasalita na sana ulit ako ng pumasok si Jungkook na sobrang saya ata ngayon. Nakauniform pa sya, mukhang kakagaling lang sa eskwela.

"Hey, bro!" tawag nya kay Jimin kaya napakunot ang noo namin. Aba, paenglish-english pa sya ha?

"Nahamugan ka na naman no?" balik sa kanya ni Jimin.

"Why? Why is you sad?" ano daw?

"Because Suga hyung" sagot din ni Jimin. Lumipat ang tingin sa akin ni Jungkook at mas lumaki ang ilong este ngiti nya.

"Hey beautiful lady!" tumayo ako at nilampasan sya. "Stop talking non-sense Jeon Jungkook"

Alas tres na ng madaling araw pero hindi pa rin ako nakakatulog, iniisip ko yung nangyari kanina at sinisisi ko ang sarili ko dahil alam kong malungkot pa rin si Yoongi Oppa.

Tumayo ako mula sa pagkakahiga at saka kinuha yung jacket ko.

Lumabas ako ng dorm namin at ng building. Dumitetso ako sa isang malapit na convienent store para bumili ng kung anong magustuhan ko.

Pagbalik ko sa building namin ay may isang babae ang nakatayo sa labas at nakatingla.

Baka naghahanap lang ng dorm kaya nilampasan ko na sya pero hindi pa ako nakakadalawang hakbang ay may pumigil sa akin.

"Yoora sandali" hinarap ko yung tumawag sa akin at si SooMin pala.

Nakatingin lang ako sa kanya at ganon din sya sa akin. "Ganun ka ba talaga?" tanong ko sa kanya na ikinakunot ng noo nya.

"Ano ibig mong sabihin?"

"Matapos mong iwan si Joohyun Oppa ngayon si Yoongi Oppa naman? Ganon ka ba talaga? Palagi mong iniiwan yung mga taong nagmamahal sayo? Alam mo nakakainggit ka eh. Ang daming babae na may gusto kay Yoongi Oppa pero ikaw ang napili nya tapos ganon na lang? Oo, sinabihan kita na iwan mo na si Yoongi Oppa pero alam mo nagsisi ako, kung alam ko lang na magkakaganon si Oppa edi sana hinayaan ko na ang kayo. Pero masisisi mo din ba ako? Kung ayaw kita para sa kanya, nasaktan mo na ang kapatid ko at ayoko ng maulit yon, naiintindihan mo ba ako, Unnie?" nakatingin pa rin sya sa akin pero naiyak na sya.

"Hindi ko sinasadya yung kay Joohyun, Yoora. Natakot ako na baka"

"Na ano?"

"Na baka hindi ko magampanan ang pagiging nanay sa anak namin" dugtog nya sa sinabi nya, napatawa naman ako.

"Hindi maging ina? Sa ginawa mong pag-abandona sa kanila, sa tingin mo naging ina ka na?" umiling sya at lumapit sa akin. Hinawakan nya yung kamay ko at mahinang pinisil iyon.

"Yoora sana mapatawad mo ako. Nung nakita kita narealize ko lahat ng pagkakamali ko noon at gusto kong magsimula ulit, pero hindi ko din ginusto na saktan si Yoongi. Alam kong nasasaktan sya ngayon kaya sana mapatawad mo----" hindi ko na pinatapos yung sasabihin nya.

"Hindi ka sa akin dapat nahingi ng tawad, dapat dun sa mga taong sinaktan mo at nasasaktan mo ngayon" sa kuya ko at kay Yoongi Oppa ka dapat humihingi ng tawad at hindi sa akin.

Binawi ko mula sa kanya yung kamay ko at hinubad yung jacket ko. "Umuwi ka na Unnie, magkakasakit ka pa kapag nagtagal ka pa sa labas." paalala ko sa kanya habang inilalagay yung jacket ko sa kanya.

--------------------

Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro