Noona -16-
Noona -16-
"Salamat Yoora" sabi sa akin ni SeokJin Oppa pagkabigay ko ng toyo sa kanya. Kasalukuyan kasi syang nagluluto kaso naubusan sya ng toyo kaya nagtext sya sa akin kung may extra pa kaming toyo. May extra pa naman kaya dinala ko na sa dorm nila.
Pagkapasok ko ay nasa salas si Jungkook at mukhang problemado. May hawak rin syang ilang pirasong papel at nakakalat yung mga libro at notebook nya sa mesa.
"Ano yan?" tanong ko sa kanya pero imbes na sagutin ako ay ginusot nya yung papel na hawak nya sabay tago sa ilalim ng mesa.
"Ano yan ha?" ulit ko tapos nagtry din akong kunin pero itinatago talaga ni Jungkook. "Wala to Noona" sagot nya.
"Anong wala? Bakit mo tinatago kung wala, akin na" gusto ko talagang malaman kung ano yun eh.
"Noona wala nga to" pagmamatigas nya. Umikot ako sa likuran nya at saka nakipag-agawan sa kanya, buti naman at nakuha ko.
Napakunot ang noo ko ng makita kung ano yung tinatago nya. Kaya pala problemado sya, test paper nya yon at bagsak sya.
"Si Noona kasi eh" sabi nya sabay hablot nung test paper nyang may score na 4/100.
"Akin na" hablot ko ulit. Inisa-isa ko yung tanong at napansin kong puro grammar at spelling yung mali nya.
"Sinong teacher mo sa English?" tanong ko. Baka naman hindi effective yung teacher nya kaya bumagsak sya.
"Si Mrs. Song" sagot nya. Si Mrs. Song, eh magaling magturo yun eh.
"Si Mrs. Song? Teacher ko din sya dati pero hindi naman ako bumagsak sa kanya"
"Bakit ilan ba score mo sa English noong nag-aaral ka pa?" tanong ni Jungkook.
"95/100" biglang singit ni Namjoon Oppa nung dumaan sya sa gilid namin.
"Jinjja Noona? 95/100?" gulat na tanong ni Jungkook. Tsamba lang kaya yun -_-
"Ang galing mo naman Noona, sana ako rin maka 95" dagdag nya.
"Yah Kim Nam Joon! We will talk later!" sigaw ko. Hindi ko na nga sana sasabihin yung totoong score ko kay Jungkook kasi alam kong madodown sya kaso tong si Oppa nakisingit pa.
"Don't Kim NamJoon me Choi Yoora! I'm older than you!" sigaw din pabalik sa akin ni Oppa.
"Aissh tama na nga yang kakaenglish nyo! Nalilito na ako!" sigaw dun ni Jungkook.
Tinignan ko ulit yung test paper nya at kumuha ng scratch paper at ballpen.
"Dapat kasi ipapast tense mo muna yung verb para magtugma sya sa sentence" ipinaliwanag ko sa kanya yung mga mali nya at kung paano ny maitatama yun. Madali namang matuto tong si Jungkook, kailangan lang sa kanya at tutukukan lalo na sa English dahil madalas syang malito sa subject na iyon.
"Ganun lang yon Noona?" tanong nya. Tumango ako at saka tumayo bago mag-inat. Kakauwi ko lang galing Music Corekaya ramdam ko na ang pagod.
"Salamat sa pagtuturo Noona" sabi nya sa akin.
"Dapat sa next test nyo 100 ka na" hamon ko sa kanya pero biro lang yon. Napakamot naman sya ng ulo.
"Di ko kaya yun Noona" pagsuko nya agad. Ginulo ko naman yung buhok nya.
"Kaya mo yun" pagchecheer ko naman sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanya saka kay Seokjin Oppa.
Uuwi na ako para makapagpahinga at maaga pa ako bukas.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Yoongi Oppa na nakasandal sa may pader.
"Oppa!" tawag ko sa kanya. Inangat nya yung tingin nya at saka tumayo pero pasuray-suray sya.
"Yoora" tawag nya sa pangalan ko sabay ngisi. Itinuro-turo nya pa ako. "Masaya ka na? Wala na sya! Wala na si SooMin!" sigaw nya. Nagulat ako at nakaramdam ng guilt. Hindi pa ako nakakahingi ng sorry sa kanya simula nung gumawa ako ng eksena noon una dahil hindi ako pinapansin ni Oppa, pangalawa dahil nahihiya ako at pangatlo busy ako netong nakaraan.
Napakagat ako ng labi ko dahil sa nalaman ko. Lumapit sa akin si Oppa at hinawakan ako ng magkabilang braso saka ako inalog. "Wala na sya! Umalis na sya at dahil yon sayo!" sigaw nya habang naa-gos yung mga luha sa mata nya.
"Yoongi! Yah lasing ka na naman!"
"Hyung bitawan mo si Noona!"
Naramdaman ko na lang na lumuwag na yung pagkakahawak nya sa balikat ko hanggang sa tuluyan na nya akong mabitawan. Inilayo sya sa akin nila Oppa, maski sila Unnie ay nasa labas na ng dorm namin.
"Yoora, gwenchana? Yoora!" tanong nila pero hindi ko masagot. Nakatingin lang ako kay Yoongi Oppa na nakaluhod ngayon habang naiiyak.
Mukhang yung kagustuhan kong wag syang masaktan ay sya pang naging dahilan talaga para masaktan sya.
"Yoongi, pumasok ka na!" sigaw ni Seokjin Oppa habang pinagtutulungan nila ni Jimin na maipasok sa loob ng dorm si Yoongi Oppa.
"Shhh Gwenchana?" naramdaman ko na lang na yakap na ako ni Eunsoo Unnie. Dumaan sa harapan namin sila Oppa kaya tumayo ako.
"Oppa Mianhe! Mianhe! Hindi ko naman talaga sinasadya yon eh, natakot ako. Natakot ako na baka iwan ka rin nya kagaya ng ginawa nya sa kapatid ko! Ayokong makita kang miserable dahil lang sa kanya!" hingi ko ng paumanhin kay Yoongi Oppa. Tumigil sya sa paglalakad at humarap sa akin. Ayan na naman yung mga tingin ni Yoongi Oppa.
"Iniwan na nga nya ako, masaya ka na?" tanong nya sa akin. Ramdam ko ang mainit na likido na mula sa mga mata ko.
"Hindi Oppa, kung alam ko lang na magiging ganyan ka edi sana--"
"Edi sana ano?! Pwede ba tama na? Wala na sya at dahil yon sayo" pagpuputol sa akin ni Yoongi Oppa.
Gusto kong magpaliwang, gusto kong ipaintindi yung side ko sa kanya pero mukhang malabo yun ngayon.
Napapunas na lang ako ng luha ko, ang tanga mo talaga Yoora! Naturingan kang Valedictorian pero sa mga simpleng bagay ang tanga-tanga mo!
"Yoora halika na" yaya sa akin ni Hyemi Unnie pero ayoko. Gusto kong magpaliwanag kay Yoongi Oppa.
"Yoora, hindi mo sya makaka-usap ng matino kung ganyan sya. Halika na, sa susunod mo na lang sya kausapin" pilit talaga nila sa akin kaya sumama na rin ako.
Sorry Yoongi Oppa, sorry talaga.
***
"Nakita mo yan! Yan ang ginawa mo noong nasapian ka ng espiritu ng alak Yoongi! Hindi ko alam na aabot sa ganong masasaktan mo si Yoora! Oo, nandoon na tayo na nasaktan ka kasi nakipaghiwalay sayo yung girlfriend mo pero idamay yung bata dahil sa nangyari sayo, aba ibang usapan na yon!" lintaya ni Hyemi Unnie habang naglalaro ng XBOX si Yoongi Oppa sa salas ng dorm nila. Pilit kong pinipigilan si Unnie pero ayaw nyang mag-paawat, maski ang Bangtan ay hindi sya mapigilan.
"Unnie tama na yan" pigil ko sa kanya pero ayaw nya talaga, hindi naman sya pinapansin ni Yoongi Oppa na naglalaro pa rin ngayon.
Dalawang araw ko ng tinatago na nagkapasa ako dahil sa diin ng pagkakahawak sa akin ni Yoongi Oppa noong nakaraan pero nakita pa rin nila kanina, kaya ayan sinugod no Hyemi Unnie si Yoongi Oppa.
Sa inis ni Unnie dahil hindi sya pinapansin ni Oppa at hinila nya sa saksakan yung plug ng XBOX at T.V kaya namatay ito pareho.
"Ano papansinin mo na ba ako?" sarcastic na tanong nya kay Oppa pero tumingin lang ito sa kanya at saka tumayo tapos dumiretso sa kwarto nya at pabalibag na sinarado yung pinto.
"Aba't tignan mo to! Hoy Min Yoongi idedemamda kita ng Child Abuse kala mo!" susugod pa sana si Unnie sa kwarto ni Oppa pero pinigilan ko na talaga sya.
"Unnie tama na yan ok?" sabi ko sa kanya. Huminga sya ng malalim at hinarap si NamJoon Oppa na nagugulat din sa nagyayari sa amin.
"Hoy NamJoon at SeokJin pagsabihan nyo yang si Yoongi at baka hindi ko yan matantya!"
----------------------------
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro