Noona -15-
Noona -15-
"Wow what a great performance from a legendary group right Unnie?" comment ni Yeri matapos magperfom ng last stage nila sa Music Core yung Bigbang.
"Neh, as expected from BigBang sunbaenim ang ganda ng meaning ng song at ang Rap matindi, lalo tuloy akong nainlove kay TOP sunbaenim, jokes baka magalit yung fangirls ni sunbaenim" sagot ko naman. Turo sa akin sa school once na ibinigay sayo ang mikropono ay dapat marami kang pakulo.
"Ayiie si Unnie" tukso naman sa akin ni Zico kaya kunyaring hinampas ko sya.
"Ano ka ba pero seryoso, lalo akong nainlove, bias ko kasi si Top sunbaenim sa BigBang eh, ikaw ba sinong bias mo"
"Well lahat sila sobrang gagaling when it comes sa kantahan at rap pero G-Dragon sunbaenim ako Unnie eh" sagot nya.
"Wow si GD sunbaenim pala sayo" tumango sya at humarap sa camera.
"At saka Unnie, pangarap ko din kasing maging Legend ang grupo ko sa Kpop industry eh"
"Well pangarap ko rin yan kaya nga todo practice ako para naman matupad ko yung pangarap ko na yon"
"Neh, lahat tayo darating sa point na yan at speaking of Legends, meron na naman tayong isang rookie na magpapakita ng talents nila sa buong K-Pop industry!" pagkasabi ni Yeri ng hudyat ay agad na nagsitilian yung mga audience.
"Wow most anticipated debut nga sila so wag na nating patagalin pa let us all welcome Harmony!!!"
Nagdimm yung mga ilaw ay may isang linya ng mga babae ang nasa stage,maya-maya ay tumapat yung spotlight dun sa pinakaunahan at nagsimula na namang mag-ingay ang audience.
"Wow all I can was Wow" comment ni Yeri habang isa isa naming bininigyan ng mic yung mga members ng Harmony.
"So intruduce your group" sabi ko naman sa kanila.
"Let's make Harmony! Annyeonghaseyo Harmony imnida" sabay-sabay na sabi nila.
"Annyeong Daeyon imnida!
"Annyeong Hana imnida!!"
"Anyeong Eun-ah imnida!"
"Make some noise! Angel here!"
"Annyeong Yeorubun!! Sarang imnida!"
Isa-isang pakilala nila kaya mas lalong umingay yung audience.
"Oh sinong bias nyo??" tanong ko tapos itinapat yung mic sa audience. May nagsabing Daeyon, may Sarang, may Hana at Angel pero mas maraming sumigaw ng Eun-ah.
"Sinong leader ng grupo?" tanong ni Zico at nagtaas naman ng kamay yung nagpakilalang Sarang.
"Ako po!" sabi nya. Tumabi sa kanya si Zico.
"Your group's debut was one of the most anticipated debut this year, what can you say about this?"
Nagpunas muna ng pawis si Sarang bago sumagot.
"Neh, first of all po ay nagpapasalamat ako sa lahat ng pumunta noong isang araw. Actually nagulat po kaming lahat lalo na po nung debut stage namin sobrang dami pong tao kaya sobrang saya din po namin" sagot nya. Hineld ang debuy stage nila sa tapat ng JYP building at halos walang madaan dahil sa sobrang daming tao.
Hindi na rin naman nakakapagtaka yon dahil last month ay inexpose na sila ni Mr. Park sa media kaya no wonder madaming nag-abang ng debut nila.
"Wow bigla ko tuloy naalala yung debut stage ko ikaw ba Unnie naalala mo pa yung inyo?"
"Oo naman, hindi ko malilimutan yung araw na yon. Naulan nun ng malakas pero nagpeperform pa rin kami kaya memorable talaga yung debut stage namin" tumingin ako sa cue card ko para sa susunod kong itatanong.
"Harmony ang main track ng mini album nyo, what's this song all about?" itinaas naman yung Daeyon yung mic nya at sya ng sumagot.
"Harmony is one of the most important ingredients para mabuo ang isang music so kagaya po sa music kailangan rin ng Harmony ng isang relationship para magwork sila" sagot nya. Napatango naman kami.
"So we've prepared a welcome video for you, let's watch this" sabi ni Yeri at itinuro yung malaking screen sa likuran namin.
Unang ipinakita yung interview nila noong audition nila, sunod yung audition piece nila at pinakahuli ay yung iba't-ibang pagsubok na pinagdaanan nila noong trainees na sila.
"Ayan, so from the Main Dancer and Maknae of Empress, Harmony Welcome to the Kpop Industry!!" pagwewelcome ko sa kanila at nagpasalamat sila sa akin, nagpalakpakan din yung mga audience.
"Neh, Congratulations and we wish you all the best and Welcome again from Red Velvet Maknae" dagdag pa ni Yeri.
Hawak-kamay ay napunta sila sa unahan at sabay-sabay na nagbow sa harap ng mga audience na patuloy pa rin sa pagpalakpak.
"Please support and Love us! Gomawo! Saranghae!" sabi ni Eun-ah. Doon ko lang napansin parang nakita ko na sya dati.
Eun-ah at Harmony, pamilyar sa akin yung dalawang bagay na yon.
Natapos na yung show kaya naglakad na ako papunta dressing room para makapagpalit na at ng maka-uwi na.
Pagdating ko sa backstage ay nagpapasalamat yung Harmony sa mga staff ng Music Core kaya hindi ako makadaan.
"Oh Sunbaenim! Salamat kanina at sana alagan mo po kami" bigla na lang sumulpot sa harapan ko si Sarang kasama yung tatlo pa nyang members at nagpasalamat ulit sila.
Ngumiti at at tumango"Oo naman, tsaka Unnie na lang hindi kasi ako komportable sa sunbaenim eh" ayokong itrato nila akong sobrang taas na sa kanila, hindi naman nagkakalayo yung mga edad namin at saka ahead lang kami ng dalawang taon sa kanila in terms of debut.
"Here take this Unnie, token of appreciation" nagulat naman ako nung ilabas ni Angel yung isang album nila at iabot sa akin.
"Talaga akin to?" di makapaniwalang tanong ko, sabay-sabay naman silang tumango.
"Actually were a fan of yours kasi Unnie" pag-amin ni HaNa.
"Jinjja?!" di ako makapaniwala na fan ko sila.
"Oo Unnie, kompleto ko nga yung album nyo at may official poster ako nung last album nyo" singit naman ni Daeyon. I never thought na may fan ako na magiging K-Idols din, ang sarap pala sa pakiramdam.
Even though galing sila sa ibang company at maraming mas magagaling kesa sa akin sa company nila ay nakakatuwa na isa ako sa mga iniidolo nila.
"Can we take a picture?" sabi ni Angel.
"Foreinger?" maikling tanong ko, ang galing kasi ng accent nya sa english eh pero she looks Korean.
"Yes, I'm from Canada. Half-Korean Half-Canadian" sagot nya, kaya pala.
"Nice meeting you" sabi ko din sa kanya in British accent at nagtawanan sila, well yun.lang ang alam kong ibritish accent eh.
"You're great at British Accent Unnie"
"I used to study in a International school" nung grade 5 ako, pinasok ako ni Umma sa isang International school kaso nabully ako kaya ayun inilipat din nya ako.
"Kamsahamnida Unnie!" paalam nila matapos kaming magpicture-picture.
Papasok na sana ako ng dressing room ng may mahagip yung mata ko sa may gilid. Parang nakita ko si Jungkook pero sa pagkaka-alam ko ay may schedule sila ngayon.
Sa curious ko ay nilapitan ko yung lugar kung saan ko nakita si Jungkook.
At hindi nga ako namalik mata, nasa studio nga si Jungkook at masayang nakikipag-usap kay Eun-ah. Maya-maya ay niyakap sya nito.
"Noona?" tawag nya sa akin nung makita ko sila ni Eun-ah na magkayakap.
Kaya pala pamilyar si Eun-ah at Harmony sa akin.
---------------------
Watch out for Eun-ah's Character here.
Marami syang gagawin sa story na to. XD
*le whipers* she will break something...
Bạn đang đọc truyện trên: Truyen247.Pro